Kabanata 20 Faneya NAKAUPO ako sa may tabi ng kama na kinahihigaan ni Lola. Malaking pinsala ang natamo niya kaya naman aabutin pa ng linggo bago siya tuluyang makabawi ng lakas. Matapos kong masiguro ang kaligtasan nina Hino at Hilda ay bumalik agad ako dito sa Entasia Akademia. Hindi naman tutol ang Punong Mahestrado at binigyan niya rin ako ng pahintulot na tumuloy dito hanggang sa manumbalik ang lakas ng aking Lola. Nawala ako sa pag-iisip ng kumalabog ng malakas ang aking puso. Napahawak agad ako sa dibdib ko at mariin na napapikit. Isa pang malakas na kalabog ng aking dibdib ang aking naramdaman bago ako may marinig na tawa. Isang nakakakilabot na tawa na alam kong sa isang tao lang nagmumula. Tumayo ako ngunit agad din akong napaluhod dahil sa sakit ng dibdib ko kung saan mat

