Kabanata 19 "LOLA!? Anong nangyari sayo?" nanghihinang napaupo sa harap ko si Lola. Sugatan ang katawan niya at mukhang galing lang siya sa matinding pakikipag laban. "F-Faneng. Bumalik ka na pala" nakangiting usal ni Lola habang nahihirapan sa paghinga. Nag-angat ako ng tingin kay Punong Mahestrado. "Pwede ko bang dalhin si Lola sa may infirmary? Kailangan niya ng magamot" saad ko dito. Wala sa sarili siyang tumango. Inakay ko si Lola. Nang malapit na kaming makalabas ay napatigil din agad ako ng magsalita si Punong Mahestrado. "Teka lang. Pwede bang humarap muna kayo sa akin saglit?" sabi nito kaya naman ginawa ko ang gusto niya. Kita ko ang pagsinghap niya ng makita ang mukha ni Lola. "Manaya Avaca? Ang ina ng lalaking nagtaksil sa buong Entasia. Hindi ba at pinapatay na ang

