bc

Four Uncle's Possession

book_age18+
24
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
family
badboy
powerful
mafia
gangster
heir/heiress
drama
tragedy
bxg
kicking
campus
secrets
villain
like
intro-logo
Blurb

Gumuho ang mundo ni Megumi nang mamatay ang kanyang ama. Sa pagtakas niya mula sa kamatayan, napadpad siya sa proteksyon ng apat na makapangyarihang lalaki—ang kanyang mga tiyuhin.

Sila ang mga haring handang pumatay para sa kanya. Ngunit sa gitna ng dumanak na dugo at umuulan na bala, isang katotohanan ang nanuot sa kanyang sistema: Hindi lang proteksyon ang nais ng mga ito, kundi ang siya mismo.

Sa apat na lalaking nagbabantay sa kanya, isa ang sadyang naiiba. Isang bawal na pag-ibig na hindi niya mapigilan—dahil sa mundong ito ng karahasan, isa sa kanyang mga "Uncle" ang nakakuha ng kanyang puso at kaluluwa.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1: SUBARU
"See you tomorrow, Meg!" Ngumiti si Megumi sa kaklase na si Gabriel nang bumaba ito ng bus. Binalingan niya ang bintana at sinundan ito ng tingin. Kumaway pa siya nang panoorin nito ang palayong bus na sinasakyan niya. Nang mawala sa paningin niya ang kaibigan ay sumandal siya sa kinauupuan. "Bakit hindi pa tumatawag si Papa para sabihing nasa bus stop na siya para hintayin ako?" Kinuha niya ang cellphone, at pinagmamasdan iyon. Ilang beses niyang sinubukan itipa ang numero ng amang japanese. Pitong taon nang iuwi siya ng ama sa Pilipinas at dito na manirahan. Hindi niya alam kung anong dahilan dahil madalas lang siyang maiwan sa bahay nila noon. Ang alam niya lang ay pilipina ang ina na nagtatrabaho sa isang club na pinatay ng hindi niya kilala. Ngayong labing walong taong gulang na siya, aaminin niyang mas maluwag ang ama niyang hapon sa kanya. Hindi katulad noong nasa Japan pa sila. Dito, malaya at mag-isa siyang nakakapasok sa eskwelahan. Nagulat si Megumi nang biglang nag-preno ang sinasakyan. Napahawak siya sa likod ng ulo at tiningan ang nasa kalsada. Napakunotnoo siya nang makita ang maraming kotseng itim, nangingintab ang mga iyon. Hindi niya alam kung anong dahilan ng pagsikip ng dibdib niya. "Si Papa," na bulalas niya at mabilis na sinubukan na kontakin ito. "Sagutin mo, Papa." Muling tinanaw ni Megumi ang mga kotseng patuloy sa pagsingit sa kalsada. Umabante nang kaunti ang bus na sinasakyan niya. Sa kaba at inip ay tumayo siya at tuluyan nang bumaba. "Hoy, bata!" sigaw ng driver dahil hindi pa iyon ang tamang lugar ng babaan ng pasahero. Nagpatuloy siya sa pagtakbo, maya't-maya niyang itinataas ang strap ng bagpack. Bawat yapak ng paa ay naalala niya ang kanyang Papa. Lumiko siya sa madilim na eskinita. Hingal na hingal siyang huminto sa kulay itim, mababa at bakal nilang gate. Inayos niya ang sarili bago iyon mahinang itinulak. Dahan-dahan ang lakad ni Megumi papasok sa madilim nilang bahay. Tumapat siya sa nakaawang na pinto. Napakunotnoo siya nang makita ang ama sa sahig. "Papa," mahinang wika niya. Akma siyang hahakbang nang mapatingin siya sa isang lalake. Singkit ang mga mata, matangkad at may manipis na katawan. Suot-suot ay pormal na suit and tie na kulay itim. Doon niyang napagtantong hindi ito nag-iisa. May halos lampas lima pa ang naroon. Katulad nang suot-suot nito, ganoon na rin ang hulma ng mukha. "Koko ni kita no wa, anata ga watashi no kodomo o koroshita kara da," muling napatingin si Megumi sa hapon. May nakakatakot itong ngisi na hinawakan ang buhok ng ama niya at hinila para mapatingala ito. Nakita niya ang pasa sa mukha ng ama, ganoon na rin ang sugat sa sulok ng labi nito. "Watashi wa watashi ga shita koto o kokai shite imasen," sagot ni Subaru na may ngisi rin. Mas nakita ni Megumi ang galit sa mukha ng hapon. Dahil pitong gulang lang nang umalis sa japan at hindi na nasanay sa salitang hapon at hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito. "Just dying isn't enough to pay me back, Subaru," matigas ang banggit ng hapon nang tumayo. Tumulo ang luha niya nang sipain ang ama at maglabas ito ng dugo mula sa bibig. Nanlalaki ang mga mata niyang puno ng takot at luha. Naglakad ang hapon na pigil ang hininga niyang sinundan. Huminto yata ang t***k ng puso niya nang kumislap sa mukha niya ang isang samurai na naroon nakasabit sa kanilang pader. Bumalik ito kay Subaru. Itinaas ang hawak sa tapat ng batok nito. nang mabilis na bumukas ang pinto at inilabas ang may mga luhang si Megumi. "Huwag!" Napatingin sa kanya ang lahat. Matigas niyang nalunok ang laway nang masalubong niya ang matulis na mga mata ng hapon. "H-Huwag mong patayin ang Papa ko." Tumaas ang sulok ng labi ng hapon. "Papa?" ulit nito bago sinulyapan si Subaru na nanatiling nasa sahig. "Bakit ka pa pumasok?" tanong ng ama ngayon lang niya nakita ang takot sa mga mata. "Papa, sino sila?" umiiyak niyang tanong. "Umalis ka na." "Hold her," utos ng hapon sa mga tauhan nito pero bago pa man makalapit ang mga ito kay Megumi ay mabilis na kumilos si Subaru. Nakipaglaban ang ama gamit ang galing nito sa kendo. Bumagsak ang ilang tauhan, hanggang may humila sa kanya. "Papa!" sigaw niya. Sumalimpad si Subaru sa sulok, nagkaroon ito ng pagkakataon na makuha ang samurai sa lalagyan. Lumapit ito sa kanya habang hawak ang matulis at mahabang patalim. Tinitigan siya ng ama. At nakuha niya ang ibig-sabihin nito. Kinagat niya ang braso ng lalake nakakapit sa leeg niya. Bumaba siya, sumugod ang ama niya sa tauhan ng hapon. Nang iwinasiwasiwas ang samurai ay napaluhod na lang ang dalawang wala ng buhay na mga lalake. "Papa," akmang lalapit si Megumi nang may tumapat sa leeg niya. Dahan-dahan at natatakot siyang lumingon. Naroon ang hapon na tila lider ng mga lalake na may malaking galit sa ama niya. "Don't hurt my daughter," pakikiusap ni Subaru. "He said that too, but did you listen?" sagot ng hapon. Nakita niya ang hindi mailarawan na galit sa anyo ng ama. Sinalubong nito ang mga mata niyang may luha. "Megumi, naalala mo kapag patago kang nananood sa akin na mag-ensayo ng kendo?" tanong ni Subaru. Inalala ni Megumi ang ilang nakaraan. Bata siya noon at madalas na lumabas ng bahay para lihim na panoorin ang ama sa likuran ng bahay nila mag-ensayo ng kendo habang hawak ang samurai. "Naalala mo ang huling pagkakataon na muntik na kitang masaktan?" Umiiyak siyang tumango. "Iyon ang gagawin mo ngayon, maliwanag?" "Papa-" Nakita niyang itinaas na ng ama ang espada. At nang walang abog na ibinato nito ang matalas na samurai ay mabilis niyang siniko ang tiyan ng hapon. Napabitaw ito sa kanya kaya agad siyang dumapa. Habang gumagapang ay naalala niya ang ka-muntikan nang matamaan siya ng ama ng samurai nang maramdaman nito na tila may nanood sa ginagawa nito. "Takbo, Megumi!" sigaw ni Subaru. Kahit nanghihina ay tumayo siya. Kumapit sa braso ng ama at tiningan ang hapon na may malaking sugat sa balikat. "Papa, halika na-" "Umalis ka na-" "Papa," hindi niya pagpayag. Hanggang sa itinulak ni Subaru si Megumi sa likod ng pinto ng kanilang bahay. Nakita niyang naglaban ang hapon at ang ama niya. Kitang-kita niya ang galing ng hapon sa kendo. "Papa," tawag niya sa bawat sugat na natatamo ng ama. Narinig niya ang ilang boses ng lalake na nagtatakbuhan palapit. "Megumi, takbo!" sa pagsigaw at paglingon ng ama ay sinaksak ito sa tiyan ng hapon. Kumurap ang mga mata niya nang makita ang dugo habang dahan-dahang lumuluhod ang amang may nakasaksak na samurai sa tiyan. "Papa." "Ta-takbo, Megumi!" Mabilis siyang tumayo at tumalon palabas ng kanilang bakuran.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.1K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook