Si Megumi ang nagmamadaling lumapit, at pilit na pumagitna sa dalawa. Pero hindi siya makapasok sa pagitan ng mga ito dahil sa matigas na braso ng kanyang Uncle Silas. "Tama na, Uncle," pilit niyang binababa ang braso ng kanyang tiyuhin na si Silas na hawak-hawak ang kwelyo ng damit ng relaks pa rin na si Kaito. Magkahinang ang mga mata nila. "Uncle Silas, tama na-" "I can save her nang hindi pinasasabog ang bahay na 'yon!" Nanlilisik ang mga mata ni Silas habang nakatitig kay Kaito. May pag-aalala ang mga mata ni Megumi nang tingalin ang kaharap ng kanyang Uncle Silas. "Talaga? Well, I have no choice," kaswal na sagot nito habang may ngisi. Inalog ng pikon na pikon na si Silas ang pagkakahawak sa kwelyo ni Kaito. "Sabihin mo, sinadya mo dahil may galit ka sa akin," doon napaseryoso

