Napayuko siya nang marinig ang putok ng baril. Nang sulyapan niya ang kamera ay nakapasok nasa loob ng bahay ang mga lalake. Agad siyang nagtago sa ilalim ng mesa kung nasaan ang mga computer. Nanginginig ang kamay niyang kinuha ang pocket knife. Nang makapa ang cellphone na ibinigay sa kanya ng kanyang Uncle Kaito. Nanginginig ang kamay niyang hinanap ang pangalan niyon at agad na tinapat sa tenga. Napapikit siya nang naudlot ang pag-ring dahil agad na sinagot ang tawag. "Hello, Uncle Kaito?" "Anong nangyari?" rinig niya ang tensyon din sa boses nito. Sinulyapan niya ang pinto. "Uncle, tulungan mo ko. May mga lalakeng pumasok sa bahay ni Uncle-" "Papunta na ko." Natigilan si Megumi nang wala na siyang kausap sa kabilang linya. Dahan-dahang niyang ibinaba iyon at hinawakan nang mari

