Naalimpungatan ako dahil sa pagtapik na naramdaman ko sa pisngi ko kaya minulat ko ang mata ko kahit antok na antok pa ako. "Irene, gising na. Nandito na tayo." dahan-dahan kong minulat ang mata ko at tumingin sa lalaking gumigising sa akin. "K-Kaizer?" "Halika na. Tayo na lang ang nandito." napatingin naman agad ako sa van. Damn! Kami na nga lang ang nandito sa sasakyan. Nasaan na sila? Iyong fiance niya? "Nasaan na sila?" wala sa sariling tanong ko. "Nasa restaurant na sila. Tara na!" nauna na siyang bumaba at sumunod naman ako. Habang naglalakad kami ay hindi ko hinahayaan na magkatabi o magkalapit manlang kaming dalawa. "Para naman akong may sakit." sabi niya bigla na ikinatigil ko sa paglalakad. "H-Huh?" "Ayaw mo kasing tumabi sa akin. Wala akong sakit 'no." nakairap na s

