Matapos naming mag-usap ni Eurika ay pumasok na rin kami sa loob. Wala na sa bahay si Kaizer pati na rin ang mga magulang niya ng pumasok kami sa loob ng bahay. Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga agad sa kama. Naalala ko naman bigla 'yong nangyari sa amin ni Kaizer kanina pati na rin 'yong pagtulog niya sa tabi ko. Para kaming bumalik sa dati ng mga oras na 'yon. "Haynako! Wala ka na talagang pag-asa, Irene. Stop dreaming! Ikaw naman ang nakipaghiwalay diba? So, stop it." mahinang sabi ko sa sarili ko bago ako tuluyang makatulog. GOOD morning! Ang ganda ng gising ko. Wanna know why? Bumungad kasi ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ko pala talaga. "Good morning!" nakangiting bati ko sa kanila pagkababa ko sa salas. "Ganda ng gising mo, IC ah!" sabi sa akin ni kuya ng tuluyan

