Si Grace Salvador ang kilalang martyr na asawa ni Mayor Alexander Belmonte. Nabalitang pinakasalan lang siya ng alkalde ng siyudad para magkaroon ito ng magandang imahe sa politika. Ang mga haka-haka ay pinatutuhanan naman ni Alexander kay Grace dahil sa labis na pagbibigay nito ng sama ng loob sa kaniya; kung sino-sinong babae na lamang ang nali-link sa asawa niya. Gayunpaman pinanatili pa rin ni Alexander na mabuti siyang asawa kay Grace lalo na sa mata ng media na nakapalibot sa kanilang dalawa.
Makakaya kaya ng asawa ang lahat ng ginagawa ni Alexander sa kaniya, kung may isang Rodrigo ang nag-aalok ng kalayaan niya sa piling ng asawang kulang na lang posas ginagapos na siya.
Hanggang kailan magtitiis si Grace sa piling ng asawang minahal niya? Paano kung magising na lang siyang wala na palang pag-ibig na nararamdaman dito?
Handa ba siyang buksan ito ulit para kay Rodrigo ang matalik na kaibigan ni Alexander?