Well, ang maaga kong balak na pag-uwi ay hindi natupad dahil maraming pinagawa sa akin si Harriet. Nang matapos ako, alas otso na ng gabi. Nag-message na ako sa aking finace na sobrang male-late ako ng uwi at sinabi nitong hihintaying niya ako na dumating bago kami kumain ng sabay. Kaya naman nagugustuhan ko siya lalo dahil napaka-considerate niya. I can’t wait to go home after a stressful and tiring work.
Hinintay ko ang elevator at nang bumukas ito, natigilan ako nang makita kung sino ang nakasakay roon. I was stunned because the CEO of the company was there. Agad akong pumasok at pumwesto ako sa sulok. Nagulat lang ako nang makita siya dahil ang alam ko may sarili siyang private elevator. Why is he riding here? I glance at him at nakasandig siya, nakapikit ang kanyang mga mata and he seems tired too.
“Why are you still working so late?” napaigtad ako sa kanyang pagsasalita at tumingin ulit ako sa kanya. His eyes were at me at tinanggal niya ang kanyang eyeglassess. Curiosity are in his eyes at bigla akong na-conscious. Hindi ko rin mapagkakaila na sobrang gwapo niya, maganda ang fit ng kanyang katawan, matangkad. Hindi ko alam kung ano talaga ang kanyang personality. Pero kung magkarelasyon sila ni Harriet, he may be cruel too.
“Uhm, may ni-revised lang po akong proposal para bukas.” sagot ko sa kanya.
“Proposal? Wait, nagtatrabaho ka sa department ni Harriet, hindi ba?” tumango ako. “Ang proposal ba na sinasabi mo ay para sa bagong product?” tumango ulit ako. “Ikaw ang gumawa nito or you made some revisions as Harriet told you so?”
“Inutusan po ako ni Miss Harriet na gumawa ng proposal nong isang araw. I guess it was accepted at sinabihan niya ako na gawin ang revisions na nakasulat sa proposal.” biglang sumeryoso ang kanyang mukha at napalunok naman ako. Parang nag-iba ang atmosphere sa loob ng elevator.
“Ikaw ang gumawa?” napakurap ako. “Don’t lie to me, Miss Soreq. Did you make it?”
“Ye-yes, Sir…” nanginginig ang boses kong sagot. Malakas siyang huminga ng malalim.
“Tomorrow, I want you to present the proposal.” natigilan ulit ako at namilog ang aking mga mata.
“Pero, Sir, si Miss Harriet…” hindi ko na naituloy ang aking sinasabi nang humarap siya sa akin.
“What can she do? It was not hers in the first place.” tiningnan niya ako mula ulo hanggang sa aking damit na may stain ng kape. “I’m sorry… Kung anuman ang ginawa ng anak ko sa’yo, ako na humihingi ng tawad.” sincere niyang sabi. “I will talk to her about it.”
“Sir, please, huwag na!” agad kong sabi at napahawak pa ako sa kanyang braso. “Sir, huwag mo na siyang kausapin pa at huwag mo na rin itong banggitin. A-alam naman ni Miss Harriet ang tungkol sa proposal at maide-deliver niya ito ng mabuti bukas. Please, Sir…” pakiusap ko sa kanya. Binitawan ko siya at kinagat ko ang aking labi. “Pasensya na, Sir.”
“No, I should apologize. I know Harriet has her temper. If she ever do this again, tell me.” hinawakan niya ang aking kamay. Imbes na matakot ako, I felt warmth this time. “I will pay for your clothes. Did she do something else?” napailing ako.
“Hindi na kailangan, Sir, okay na ako. Just… Just keep it between us.” humigpit ang hawak niya sa aking kamay, tapos ay binitawan niya ito. Bumuntong hininga ito.
“Will you tell me kung ano pang ginawa niya sa’yo? Matagal na ba kayong magkakilala?” napalayo ako sa kanya and I shake my head.
“Yeah… She was a schoolmate in high school. May hindi lang kami pagkakaintindihan so she may treat me differently. But this is nothing. Everything is fine.” at bahagya akong ngumiti sa kanya.
“Okay… But you know that hurting employees is not right? Ayoko ng gulo sa kumpanya ko, understand? Pag sinaktan ka niya, tell me. Kahit anak ko pa siya, hindi ko mapapalagpas ang pananakit niya sa isa sa employee ng aking company. Lalo na if they are like you, skilled and talented.” napayuko ako at hindi ko alam kung bakit may init na dumadaloy sa puso ko. “You did great on your proposal. I will see you tomorrow.”
“Maraming salamat din, Sir.” mahina kong sabi. Saktong bumuksa ang elevator doors at pareho kaming lumabas.
“You have a car?” tumango ako. “I hahatid na kita.” pinauna niya akong lumakad at sumunod siya sa akin. Nang makarating na ako sa aking kotse, binuksan ko ito at sumakay na.
“Be at the conference room tomorrow. Good night.” siya na mismo ang nagsara ng pinto at umalis na siya. Napahinga naman ako ng malalim at napahawak ako sa aking dibdib. I reall feel hot and my heart feels like bursting. Oh my gosh! Anong gagawin ko bukas? Pag nalaman ito ni harroet, siguradong mas malala ang gagawin niya sa akin. Kung hindi na lang kaya ako pumasok? Pero ayoko naman na mapahiya ang boss namin. Pinaandar ko na ang kotse at nag-drive na ako pauwi.
Nang makarating ako sa apartment namin ng aking fiance, dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Wala siya sa living room, wala rin siya sa kusina kung saan may mga pagkain roon. Tatawagin ko na sana siya nang may marinig akong boses sa kwarto namin. Lumakad ako papunta roon, at tumigil nang marinig ko ulit ang mga boses. The voice of my fiance and a woman. Walang ingay pa akong lumapit hanggang sa sumilap ako sa maliit na siwang ng pinto. Nakita ko sila roon at natutop ko ang aking bibig. Nakahiga sila sa kama at kapawa hubad at magkayakap pa. Mukhang katatapos lang nila sa kanilang milagro na ginagawa.
“Kailan pa ba tayo katagal na maghihintay, babe? Kailangan mo ba talaga siyang pakasalan?” sabi ng babae na kilalang-kilala ko.
“Babe, dapat maging patient ka lang, isang buwan na lang. Pag naging mag-asawa na kami ni Aziza, makukuha ko na lahat ng kanyang pera. Ang sarap utuin din ng babaeng ‘yon. Alam kong may tinatago siya, dahil imposible naman na walang iniwan sa kanya ang kanyang mga magulang. She has a lot of money and she owns properties. Tutulungan pa nga niya ako sa itatayo kong business. Konting-konti na lang at mapapasaakin lahat ng ‘yon.”
“Ang talino mo rin naman talaga, babe.” napatawa silang dalawa. “Sige, hahabaan ko pa ang aking pasensya. Alam ko naman na sa akin ka lang.” bumuntong hininga siya. “Nakakainis naman kasi ang Papa ko, he cut me off with all my credit cards at hindi ko na ma-access ang pera sa bank account ko. Kung tinutulungan niya sana ako para sumikat pa bilang model, eh di hindi ako hingi ng hingi ng pera sa kanya.”
“Sisikat ka pa ng husto pag nakuha na natin ang lahat. You can be the most famous model in the country and maybe in the entire world. Makukuha na natin ang lahat ng gusto natin pag nakuha ko na lahat ng pera ni Aziza.” natuwa naman ang babae. “Kung hindi dahil sa’yo, Whitney, hindi ko naman siya makikilala. You can show your father that you can do it on your own. Iiwan ko si Aziza and we can do anything. We can establish your career at syempre ako ang magiging manager mo.” tuwang sabi ng aking fiance. Nakita kong naghalikan silang dalawa at tumulo ang aking mga luha sa sobrang galit ang namuo sa aking dibdib. Kinuha ko ang aking phone at sinimulan ko silang i-video.
“Yes! We will travel the whole world at magtatayo tayo ng sarili nating company. Alangan naman na yong mga kaibigan ko lang ang magsaya. Sheridan will be the future Medical Director soon bpag nakuha na niya ang tiwala ng kanyang ama. Grabe rin naman ang babaeng ‘yon, walang kaalam-alam ang ama niya na nilalason siya nito.”
“Paano naman si Harriet? Sigurado ka ba na mauuto niya rin ang kanyang ama at ipasa sa kanya ang kumpanya? Gusto ko talagang bangasin ang mukha ng lalakeng ‘yon. Napakayabang!”
“You will soon pag sumadsad na ang lalakeng ‘yon sa putikan. Naplano na lahat ni Harriet and she even talk with some investors already. Soon her father will fall at siya na ang papalit. It's the only chance that she will get. Nalulong ba naman siya sa sugal kaya ang dami niya ngayong utang.”
Tinigil ko na ang pag-video at maingat akong umalis sa apartment namin. Umiiyak akong sumakay ulit sa aking kotse at pumunta sa isang hotel. Oh my god! My god! Hindi ko akalain na magagawa nila sa akin ito! Hanggang ngayon, hindi pa rin sila nagbabago! Walang hiyang Whitney na ‘yon at hayop ang aking fiance! Napakahayop nilang lahat! Napatingin ako sa aking singsing. Kung noon napakasaya ko na nakikita ito, ngayon, nandidiri na ako! Humigpit ang hawak ko sa manibela at doon ako nagsisigaw sa galit.