bc

THE BODYGUARD NEXT DOOR (SPG-18)

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
forbidden
HE
age gap
arrogant
badboy
mafia
heir/heiress
bxg
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

✦ AUTHOR’S NOTE ✦

Hello, my lovely readers! 💋

Welcome to my bagong mafia romance story — THE BODYGUARD NEXTDOOR 👑🖤

Kung mahilig kayo sa:

✔️ Mafia Romance

✔️ Hidden Identity / Secret Princess

✔️ Grumpy Bodyguard × Pasaway Girl

✔️ Enemies to Lovers

✔️ Slow Burn with Tension

✔️ Possessive & Protective Male Lead

✔️ Plot Twists, Secrets, Betrayal & Action

…then this story is definitely for you 😏🔥

Hindi lang ito simpleng mafia love story dahil maraming sikreto ang mabubunyag, mga taong hindi mapagkakatiwalaan, at mga katotohanang kayang sumira sa buong mafia world.

Sino nga ba talaga ang tunay na princess?

At paano kung ang babaeng tinatawag nilang impostora… ay siya palang dapat protektahan?

Abangan ninyo ang bardagulan, asaran, kilig, selos, secrets, heartbreak, at mga eksenang magpapapuyat sa inyo 🤭

I hope samahan ninyo ako sa journey nina Ayame at Luca.

Please don’t forget to vote, comment, and support this story! 🖤

Love,

MISTIKA KHULET

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE Labingwalong taon ang nakalipas… "Pakiusap… tama na!" Nangangatog ang boses ng babae habang nakaluhod sa malamig na marmol na sahig. Tumulo ang luha sa pisngi ni Elena Valencia habang mahigpit niyang hawak ang malaki niyang tiyan. Pitong buwan siyang buntis. At sa harapan niya— isang bangungot ang unti-unting nangyayari. Bang! Napasinghap siya. Napapikit. Tumalsik ang dugo sa puting sahig. “Please!” umiiyak niyang sigaw habang gumagapang palapit. “Tama na!” Sa gitna ng salas— nakahandusay ang isang lalaki. Duguan. Wala nang lakas. Humihingal. Nanginginig ang katawan habang pilit niyang hinahawakan ang sugat sa tiyan. Katabi nito ay isang batang lalaki. Halos walong taong gulang. Takot na takot. Umiiyak. “Papa!” sigaw ng bata habang niyayakap ang duguang lalaki. “Papa! Please gumising ka!” Ngunit walang ibang marinig sa buong mansyon kundi hikbi… at tunog ng baril na muling kinasa. Click. Dahan-dahang lumapit ang isang lalaki. Matangkad. Nakaitim. At mas nakakatakot kaysa kamatayan mismo. Dante Valencia. Mafia lord. Asawa ni Elena. At lalaking unti-unti nang nilalamon ng galit. Mahigpit ang hawak niya sa baril. Nanlilisik ang mga mata. Parang hayop na handang pumatay ulit. “Tangina mo…” madiin niyang sambit sa lalaking duguan. “Sa lahat ng babae…” Mabilis niyang itinutok muli ang baril. “ASAWA KO PA TALAGA!” “Hindi!” mabilis na sumingit si Elena. Halos madapa siya sa pagmamadali habang niyayakap ang braso ng asawa. “Dante, please!” umiiyak niyang sigaw. “Hindi mo naiintindihan!” “Hindi ko naiintindihan?!” sigaw nito. Mariin siyang itinulak. Napangiwi si Elena nang mawalan ng balanse. “Akala mo hindi ko alam?!” galit na sigaw ni Dante. “Palihim kayong nagkikita!” Umiling si Elena habang lumuluha. “H-hindi! Hindi siya—” Bang! Napahiyaw siya. Isa na namang putok. Tumalsik ang dugo sa dibdib ng lalaking nakahandusay. Nanginginig na niyakap ng bata ang ama niya. “Papa!” hagulgol nito. “Tumigil ka!” sigaw ni Elena. Lumapit siya at pilit hinawakan ang kamay ni Dante. “Hindi siya kabit ko!” Napatawa si Dante. Pero walang saya. Nakakatakot. Malamig. “Sinungaling ka.” “Dante—” “Alam mo ba kung gaano ako kagago?” gigil nitong sambit. “Habang ako ang gumagawa ng paraan para mabigyan ka ng magandang buhay…” Mariin siyang tumingin sa duguang lalaki. “…nakikipagkita ka sa lalaking ‘yan?” “Hindi mo alam ang totoo!” umiiyak na sigaw ni Elena. Pero huli na. Dahil tuluyan nang tumigil sa paghinga ang lalaking nasa sahig. Nanlaki ang mata ng batang lalaki. “P-papa…” Dahan-dahan niyang niyugyog ang katawan. Pero walang sumasagot. Hindi na gumagalaw. Hindi na humihinga. At doon tuluyang humagulgol ang bata. Napahawak si Elena sa bibig. Diyos ko. Patay na. Patay na siya. Pero mas lumamig ang dugo niya nang marinig ang sunod na sinabi ni Dante. “Tanggalin ang batang ‘yan.” Nanigas si Elena. Mabagal siyang lumingon. “A-anong sabi mo?” Malamig na ibinaling ni Dante ang tingin sa umiiyak na bata. “Walang witness.” Tumigas ang mukha ng mga tauhan sa paligid. Tahimik. Walang gumagalaw. Takot. “Boss…” mahina nilang sambit. “Ngayon na.” mariing utos niya. Napasinghap si Elena. Agad siyang tumayo kahit nanginginig ang tuhod. “HINDI!” Mabilis siyang humarang sa bata. Niyakap niya ito. Parang sariling anak. “Tama na!” umiiyak niyang sigaw. “Wala siyang kasalanan!” “Anak siya ng lalaking ‘yan.” “Bata lang siya!” “Witness siya!” “Dante!” humagulhol siya. “Please!” Huminga nang malalim si Dante. Pero mas lalo lang tumigas ang mukha nito. At doon unang beses— nakaramdam ng takot si Elena sa sariling asawa. Yung tipong kaya talaga siyang patayin. O kahit sino. Tahimik na yumakap sa kanya ang bata habang nanginginig. “Tita…” umiiyak nitong sambit. Napahigpit ang yakap ni Elena. Mabilis siyang nagdesisyon. “Tumakbo ka.” Nagulat ang bata. “Tita—” “RUN!” Mabilis niyang itinulak ang bata patungo sa back door. “At huwag kang lilingon!” “ELENA!” sigaw ni Dante. Pero mabilis na tumakbo ang bata. Palayo. Palabas ng mansyon. Sa gitna ng malakas na ulan. “Nahuli ko kayo—” galit na galit na sigaw ni Dante. “Hayaan mo siya!” umiiyak na sambit ni Elena habang hinaharangan siya. Ngunit huli na. Nakatakas na ang bata. Mabilis ang paghinga ni Dante. Galit na galit. Halos mabaliw. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan— mabagal siyang yumuko sa tiyan ni Elena. At ang sumunod niyang sinabi… ay tuluyang nagpahina sa tuhod niya. “Pagkapanganak mo…” Malamig ang boses nito. “Sa akin ang batang ‘yan.” Nanlaki ang mata ni Elena. “Ano?” “Hindi mo na siya makikita.” Parang tumigil ang mundo. “Ayaw ko nang makita ka ulit pagkatapos mong manganak.” Napailing si Elena. “Dante…” “Umalis ka.” malamig nitong sambit. “At magpasalamat kang buhay ka pa.” --- Dalawang buwan ang lumipas. Maliwanag ang ilaw ng ospital. Masakit. Nakakapunit. Halos mawalan ng hininga si Elena sa sobrang sakit. “Push!” sigaw ng nurse. Napahiyaw siya. Luha. Pawis. Takot. Hanggang— isang mahinang iyak ang narinig niya. Isang sanggol. Baby niya. Napaluha siya. “My baby…” Pero bago pa niya ito makita— unti-unting dumilim ang paningin niya. --- Pagmulat niya— katahimikan. Mahina ang tunog ng makina. Napakurap siya. Masakit ang katawan. “Baby…” Dahan-dahan siyang bumangon. “Nasaan baby ko?” Tahimik. Walang sumasagot. Mas bumilis ang t***k ng puso niya. “NASAAN ANG BABY KO?!” Mabilis niyang hinila ang IV. Tumayo kahit nanghihina. Halos mabuwal. Pumasok ang nurse. “Ma’am—” “WHERE IS MY BABY?!” Nanlaki ang mata ng nurse. “W-wala po bang kasama n’yo?” Nanigas si Elena. Unti-unting nanghina ang katawan niya. Dahil doon niya naalala. Dante. Unti-unting tumulo ang luha niya. Hindi. Hindi pwede. Hindi… Kinuha niya ang anak ko. At sa unang pagkakataon— parang tuluyan nang nabaliw si Elena. “My baby…” hagulgol niya. “My daughter…” “AYAME!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
754.1K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.8M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
986.8K
bc

A Warrior's Second Chance

read
364.0K
bc

Not just, the Beta

read
350.5K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook