Chapter 14

1321 Words

Pagbaba pa lang nila sa sasakyan ay sinalubong na sila ng magulang ni Olivia at ang dalaga na nakahalukipkip habang nakatingin sa magulang nito na malugod na kausap ang mga parents niya. Bakas sa mukha nito ang panunuya bago nag-iwas ng tingin at tumigil ang mata sa kanya. Agad nabura ang kakaibang reaksyon nito at ngumiti sa kanya. Naglakad ito palapit sa kanya at palihim na kinurot ang baywang niya. Tumaas ang sulok ng bibig niya at hinaplos ang braso nito. Pareho silang mahinang natawa sa kalokohan nila. "Good evening, amiga," bati ni Mrs. Aragon at nakipagbeso sa Mama niya habang nagkamayan naman ang papa nilang dalawa. "Good evening, hija," magiliw na bati ng Mama niya kay Olivia na awtomatikong ngumiti. "Same po, Tita," ganti nito at nakipagbeso rin sa ina niya. "Let's go inside,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD