bc

Sweet Seduction r-18

book_age18+
4.3K
FOLLOW
15.0K
READ
possessive
contract marriage
love after marriage
age gap
second chance
student
sweet
campus
friends with benefits
seductive
like
intro-logo
Blurb

Maganda, sexy at pilya, yun si Olivia Aragon. Isang dalagang may madilim na nakaraan at hindi maganda ang relasyon sa magulang. Upang malabanan ang takot sa opposite s*x, naging isang VIP stripper siya sa sikat na club, ang Rainbow Club kung saan regular na costumer si JJ Cheng.

JJ Cheng, a Handsome and oozing with s*x appeal and the owner of Sweet JJ's kung saan tumatambay ang dalaga pag break time nito. At namatayan ng girlfriend na nangloko sa kanya at sa isang kaibigan pa nito.

Parehong may pinagdadaanan na pinaglaruan ni kupido. Ang sikrito ni Olivia ay walang kahirap-hirap na natuklasan ni JJ at ginamit na pang-blackmail sa kanya. Kahit iniwasan niya ito ay hindi niya magawang mapagtaguan ang lalaki. Lumapit ito sa magulang niya at nag-anunsiyong may relasyon sila at may nangyari na sa kanila.

Paano pa niya ito maiiwasan kung sa huli ay umibig pa rin siya sa binata at nakialam na ang magulang niya para pakasalan ito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ang kasal ay wala sa diksyunaryo ni Olivia, ito lamang ay isang papel na nagtatali sa buhay ng isang tao. Kahit minsan ay hindi pumasok sa isip niya ang magpapakasal siya sa isang lalaki balang-araw. Nakikita niya ang paghihirap ng kanyang ina noon nang matuklasan nilang may anak sa labas ang kanyang ama. Isa pa ay may takot siya sa opposite s*x dahil sa naging karanasan niya noong teenager lamang siya. Isang madilim na bahagi ng mundo niya na hindi mabubura sa pagkatao niya. Isa ito sa naging mitsa para napalayo ang loob niya sa mga magulang na unti-unti na ring nagiging malamig ang pagtrato sa kanya. Pinapakialaman lamang siya 'pag may maliit siyang pagkakamali at sermon pa ang naririnig niya. 'Pag nasa bahay siya ay nagkukulong na lamang siya sa kuwarto niya at iniiwasang makasalubong ang magulang maliban na lamang 'pag kakain na silang mag-anak. Ang tanging nagpapasaya lamang sa kanya ay ang dalawang kaibigan na sina Shanna at Ashton, ang nag-iisang lalaking nakakahawak sa kanya na hindi siya kinikilabutan. Sila lamang ang dalawang tao sa buhay niya na nakakaintindi sa lahat ng mga pinagdaraanan niya. Aware pa sila sa katotohanan tungkol sa takot niyang mahawakan ng iba. Ang alam ng lahat, isa siyang liberated na babae dahil open siya sa makamundong bagay. Ngunit lahat ng mga nakikita nila ay taliwas sa totoong siya, because deep inside, she's very fragile and lonely. Upang malabanan ang takot ay pumasok siya bilang isang VIP stripper sa isang kilalang night club. Nag-e-enjoy siya sa mga atensyon na nakukuha niya sa mga costumers ngunit hindi pa rin sapat, hindi pa rin siya nasasanay. Nanginginig pa rin ang katawan niya 'pag may humahawak sa kahit anong parte ng katawan niya. Kinikilabutan pa rin siya at pakiramdam niya ay nangangati ang katawan niya. Magkaganun pa man, tinuloy pa rin niya ang pagiging stripper niya kahit sinasabi na ng kaibigan niya na huminto siya at baka mapahamak pa siya o kaya ay matuklasan ng magulang niya. Lalo na ang kanyang istriktong ama. Tinignan niya ang sarili sa harap ng salamin at inayos ang suot niya na maskara. Tumaas ang sulok ng labi niya nang mabistahan ang hitsura sa salamin. Walang makakakila sa kanya dahil sa suot niyang maskara na nakatakip sa kalahati ng kanyang mukha. Nilinga niya si Shanna na nakasandal sa balikat ni Ashton na natulog agad pagkarating pa lamang nila roon. Ang huli naman ay nakapikit din ngunit gumagalaw ang talukap ng mata tanda na gising pa rin ito. "Ewan ko talaga sa babaeng 'yan! 'Pag nasa call center siya nakakaya niyang magpuyat pero 'pag sinasamahan ako rito nakakatulog agad kahit pa gaano kaingay dito," lukot ang mukhang bigkas niya. Nagmulat ng mata si Ashton at humikab. Hindi niya alam kung tatawa ba siya o maiinis dahil mukhang katulad siya ng una na nababagot na nakaupo roon. "Bumabawi lang siya ng tulog dahil bukas ng gabi ay papasok ulit siya." Humikab muli ito at pumikit. "Alam n'yo nakakatampo kayong dalawa!" nakangusong maktol niya. Tinalikuran niya ang dalawa at lumabas ng dressing room. Saktong nasa likod na siya ng kurtina ay siya namang pagsasalita ng emcee. "Good evening! Are you ready to get burn for tonight?" malakas na sigaw nito. 'Now! It's time to make the boys drool for Miss Seductress tonight!'  nakangiting bulong ng isipan niya. She heard the crowd getting wild. Ngumisi siya at inayos muli ang maskara niya upang siguraduhin na hindi matatanggal. "Alright!! Let's welcome our one and only, Miss seductress!!" Iyon ang nagsilbing hudyat para pumwesto siya sa pool na tinatabunan ng malaking curtain. Nang magsimulang tumugtog ang maharot na kanta, she threw her head back, touch her legs and move her hips habang unti-unting nalilihis ang kurtina. Her lips curve into a flirtatious smile when the crowd shouted her name. Dahan-dahan siyang lumiyad at iginalaw ang middle fingger sa kanila bago sinabayan ng paggiling ang maharot na togtog. Tumalikod pa siya at tumuwad bago muli, dahan-dahang pinaraanan ng daliri ang hita niya na naka-expose and look at them above her shoulder. She lick her lips and smirk. Ikinawit niya ang paa sa pool at parang lalaki kung haplusin niya 'yun. Naeengganyo siya sa paggiling nang mapadako ang mata niya sa may counter. Oh, girl!! Nandito na naman si JJ, ang owner ng Sweet JJ's at Cheng University. Isa itong regular na costumer dito bago pa lamang siya nagsimulang sumayaw doon. Sa una ay labis ang kaba niya nang makita niya ito. Natakot siya na mamukhaan siya nito lalo pa at naging tambayan nila ang Sweet JJ's at nahuhuli pa niya ang mga sulyap nito sa kanya. Doon pa lamang ay nakaramdam agad siya ng kilabot sa mga sulyap ng binata. Sa lahat ng mga lalaking tumitingin sa kanya ay dito siya mas lalong nakakaramdam ng kakaibang init na humahagod sa kaibuturan niya. Mabilis na nagbawi siya ng tingin at baka mapansin nitong sa kanya siya nakatingin. Tutok na tutok ang mata nito sa kanya kaya nakita niya ang paraan ng tingin nito na parang gusto na siyang sunggaban. She shuddered with his kind of look. Muntik pa siyang bumalik sa loob na parang hindi pa nasasanay sa mga tingin nito. "Sleep with me tonight!" sigaw ng isang lalaki. Nagplaster siya ng pekeng ngiti bago tinapos ang show niya at gumagalaw pa ang balakang hanggang sa bumaba muli ang kurtina. Nagmamadaling bumalik siya sa dressing room. Naabutan niya ang gising na si Shanna na humihikab at namumungay pa rin ang mata. Hindi man lang ito umalis sa pagkakasandal kay Ashton na namumula na rin ang mata dahil sa antok. "Tapos na? Uuwi na ba tayo?" inaantok na tanong nito at umayos ng upo. "Yeah! Magpapalit lang ako ng damit ko at uuwi na tayo," tugon niya at tinignan ang suot na shorts at BRA. "Matatawag bang damit ang suot mong 'yan!" nandidilat ang matang bulalas nito. Namaywang siya sa harap niya at tinaasan siya ng kilay. "Alam mo? Naaasar na ako sa pagiging prim and proper mo. I wonder kung nagkaka-crush ka pa sa mga lalaki o hindi," litanya niya. "Huwag mong problemahin kung may crush ba ako? Dalian mo na at inaantok na kami!" pandidismis nito at hinila na patayo si Ashton at lumabas ng dressing room. Nagmamadali siyang nagpalit at baka maghisterya na ang kaibigan niya sa labas. Pagkatapos niyang magpalit ay kinuha na niya ang bag at pinuntahan ang kaibigan na naiinip na sa paghihintay sa kanya. "Let's go," aniya. "Mabuti naman. Gusto ko na kayang humiga sa kama!" lukot ang mukhang bigkas nito. Sinimangutan niya ito at lumabas sila sa backdoor kung saan walang makakakita sa kanilang tatlo.  Nagkukot ang kalooban na inagaw ni Shanna ang susi kay Ashton at iniitsa sa kanya. Mabilis na sinalo niya ang susi at naka-irap na tinignan niya siya. "Ikaw ang magmaneho dahil ikaw ang nagdala sa amin dito." Sumakay ito sa backseat at hinila pa si Ashton. Naningkit ang mata niya sa inasta nito pero hindi siya nagreklamo. Nang makasakay na rin siya ay mabilis na pinaandar niya ang sasakyan. Makiki-sleepover muna sila sa condo ni Ashton. Nagmaneho siya at binagtas ang daan papunta sa condo ng binata. Nang lingunin niya ang kaibigan ay mahimbing na ang tulog nito at muling nakasandal kay Ashton na nakangiti. Naalala niya ang unang pagkakakilala nila. Nakita niya ito sa Sweet JJ's na kumakain ng strawberry cake at walang pakialam sa paligid kahit na pinagtitinginan na ito ng mga boys ng may paghanga sa mata. Parang may sarili itong mundo na walang kahit na sino ang makakapasok. But she and Ashton manage to enter in her boring universe. Sweet JJ's Nakamasid lamang siya sa kaibigan na sarap na sarap na kumakain ng strawberry cake. Hindi niya maipaliwanag kung bakit paborito niya ang strawberry na kahit araw-araw ay hindi siya nagsasawang kainin. At 'pag kumakain na siya ay ayaw niyang naiistorbo. Tinignan niya ang cake na kinakain ni Shanna at nagka-interes siyang matikman iyon. Sinubukan niyang kumutsura sa kinakain nito ngunit sinamaan niya siya ng tingin. Kahit pilit na inaabot niya ang cake ay iniiwas nito. Napanguso siya at iginala ang tingin sa paligid. Natuon agad ang pansin niya sa isang babae na naka-puwesto sa may sulok at nakatingin ng may pagnanasa kay Shanna. "Shanna, tignan mo ang babaeng 'yun at iba makatingin sa'yo," turan niya. "Naiinggit lang 'yan sa kagandahan ko," balewalang turan nito. Napabuntong-hininga siya. Grabe talaga ang babaeng 'to, ang sarap ikulong sa isang kuwarto kasama ng isang hot na hot na lalaki. Tignan lang niya kung hindi pa ito bibigay. Nang tumingin siya sa counter ay sakto namang nagsalubong ang mata nila ni JJ na agad kumindat sa kanya. Nangatong agad ang tuhod niya sa ginawa nito. Ito lamang ang unang beses na kumindat siya sa kanya sa maraming beses na nagtatama ang mata nila. Kaya naman hindi niya maiwasang magulat. The truth is JJ is out of her league. Tingin pa lamang niya ay nakasulat na sa mukha nito ang sa salitang "DISASTER". Matinik ang lalaking 'yun pagdating sa mga babae dahil marami siyang nakikitang bagong babaeng kausap ng binata sa may counter 'pag pumupunta siya roon galing sa CU. Isang pagkatalim-talim na irap ang iginawad niya rito. Nangaligkig siya nang ngumisi lang ito at basahin pa ang labi gamit ang dila nito. Kahit pa ito na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo, hindi niya siya papatulan. Nakita pa niya nang humalik sa hangin si JJ habang nakatingin sa kanya. Kinilabutan agad siya sa ginawa nito at agad na sumunod sa kaibigan na nauna nang umalis. Binilisan niya ang paglalakad para maiwasan ang nagbabagang tingin ng D.O.M na 'yun. Mahirap na at baka maakit pa siya rito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook