Chapter 2

1517 Words
Pagkatapos ng klase niya ay dumeretso siya sa pag-uwi. Alam niyang madaratnan niya ang magulang sa bahay nila pero wala siyang magagawa. Wala naman siyang puwedeng uwian para roon na siya tumira. Minsan ay nagsasawa na rin siya sa malamig na pakikitungo ng magulang niya sa kanya. Pakiramdam niya ay nasasakal siya at hindi makahinga 'pag alam niyang uuwi siya at ang madadatnan ay ang katahimikan ng kanilang bahay. At kung maabutan man niya ang mga ito sa sala ng bahay nila ay hindi man lang umaabot sa sampung salita ang pagpapalitan nila ng salita. Kung minsan pa ay para silang mga estranghero sa sarili nilang bahay na hindi nag-uusap. Kaya naman mas prefer niya talaga ang nasa school kasama ang kaibigan na nagbibiruan at nagtatawanan. At katulad ngayon ay naabutan niya ang ina na nasa may magarbong sala ng bahay nila at nagbabasa ng magazine. Nang marinig nito ang pagpasok niya ay nag-angat ito ng mukha at nilingon siya. "Good evening, 'Ma," bati niya. Tumango ito at sumenyas lang na umakyat na siya sa kuwarto niya. Tahimik na tumalima siya at umakyat sa taas. Ni-lock agad niya ang pinto at inilagay ang gamit sa sofa bago naghubad at pumasok sa banyo. Tumapat agad siya sa dutsa at hinayaang umagos ang tubig sa katawan niya kasabay nang pagluha niya. Sa katunayan ay matigas lang siya sa labas ngunit ang puso niya ay nasasabik siyang magiging close sila ng ina. Walang kahit na anong tunog na lumabas sa bibig niya pero patuloy pa rin ang pagluha niya. Pagkatapos niyang maligo ay pinatay niya ang dutsa at isinuot ang roba. Nang lumabas na siya ng banyo ay kinuha niya ang hair dryer at isinaksak. Habang tinutuyo ang buhok ay tinatawagan niya si Shanna na agad sinagot ang tawag. "Magtitiis na naman ako ng 10 hours and 30 minutes dito sa bahay. Tapos 15 minutes bago makarating sa campus at tumambay sa Sweet JJ's. Pagakalipas ng ilang oras uuwi na naman ako at magkukulong sa kuwarto ko. Tapos iiyak uli ng ilang minuto para ibuhos ang kahungkagan sa puso ko dahil hindi ako pinapansin ni Mama at si Papa na palaging nagagalit 'pag nagkakamali ako ng kunti at 'pag ayaw kong sumabay sa dinner." Hindi ito nagsasalita sa kabilang linya at hinayaan lamang siyang ilabas ang sama ng loob niya. Sa umaga ay palaging may ngiti sa labi niya pero pagsapit ng gabi ay nabubura ang mga ngiti niya at napapalitan ng pait at lungkot. At paminsan-minsan ay tinatawagan niya ang kaibigan para maghinga ng sama ng loob. "Kahit anong karangyaan ang meron kami ay hindi pa rin matutumbasan 'nun ang kaligayahan na meron ako 'pag kayo ang kasama ko. Naisip ko pa nga na siguro hindi nila ako tunay na anak at isa lang akong palamuti para matatawag lang kaming isang pamilya," pagpapatuloy niya. "Bakit hindi ka na lang pumunta rito ngayon para gumaan ang pakiramdam mo?" mahinang tanong nito. "'Pag umalis ako ngayong oras marami na naman silang tanong na parang may gagawin akong masama," wika niya. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Bakit hindi ka kasi makiusap na bumili sila ng condo para pumisan ka na sa kanila," suhestiyon nito. "Papayagan ba nila ako? Alam mo naman na 'pag lumalabas ako ay kailangan ko pang sabihin na ikaw ang kasama ko. Ang alam kasi nila ay gagawa ako ng ikasisira ng pangalan nila." "Dapat na kino-comfort ka nila pagkatapos ng insidenting 'yun at baka hindi lumala ang takot mo sa mga lalaki." Narinig niya ang pinipigilan nitong inis sa tono ng boses nito Pagak siyang natawa. "Wala kasi silang pakialam sa nararamdaman ko-" Natigil siya sa pagsasalita at mabilis na pinatay ang cellphone nang makitang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang inang may hawak na shopping bag. Inilapag nito iyon sa paanan ng kama niya at tinignan siya. "Gamitin mo 'to bukas ng gabi. May importante tayong pupuntahan na pagtitipon," wika ng kanyang ina at binuksan ang kahon. Nakita niya ang kulay blue na dress. "And remember this, huwag mo kaming ipapahiya ng Papa mo bukas sa pupuntahan nating pagtitipon," babala nito bago lumabas ng kuwarto niya. Pagkasara ng pinto ay naaasar na sinipa niya ang shopping bag. Ang isa sa mga iniiwasan niya ay ang mga events na pinupuntahan ng magulang niya at isinasama siya. Kailangan pa kasi niyang makipag-plastikan sa lahat. Kailangan din niyang mag-tiis na panoorin ang drama ng kanyang magulang na isa silang masaya at perpektong pamilya. Minsan nga gusto niyang mag-wala sa event na dinadaluhan nila pero hindi niya magawa dahil palaging nakasunod ang mata ng magulang niya sa bawat kilos niya. Bumuntong-hininga siya at umupo sa gilid ng kama. Kinuha niya ang cellphone at nag-reply sa text ni Shanna sa kanya. From Shanna: [Anong nangyari?] To Shanna: [Pumasok si Mama sa kuwarto ko. Sige na matulog ka na, goodnight.] From Shanna: [Okay! Goodnight.] Ilalapag sana niya ang cellphone nang tumunog muli iyon. Akala niya ay si Shanna ngunit ang may-ari ng club. "Hello, Arthur," bati niya pagkasagot sa tawag. "Everyone is looking for Miss seductress," imporma nito. "Arthur, every saturday ang usapan natin," mahinahong sagot niya. "Hindi ba puweding kahit ngayon lang pumunta ka rito," ungot nito. "Hindi puwede! Sinabi ko na sa'yo noon na hindi ako puwede sa gabi ng weekdays," sagot niya at agad pinatay ang linya. Napag-usapan na nga nila noon na saturday lang siya puwede. Ito na ang bahalang makipag-usap sa mga costumers nito. Noong pumasok siya roon bilang stripper noon ay nakiusap siyang huwag nitong ipagsabi kung sino siya at nangako ito. Kaya ito lang ang nakakaalam kung sino talaga si Seductress. Humiga siya sa kama bago pumikit para matulog. Kailangan niyang ihanda na naman ang mga pekeng ngiti niya bukas ng gabi. NAKANGITING TUMAYO SIYA sa harap ng counter sa Sweet JJ's. Nag-text na siya sa dalawang kaibigan na hihintayin niya ang mga ito roon. Sa tuwina ay siya ang palaging naghihintay sa dalawa. "Hello, Troy. One cookies and cream na yogurt please," malambing na tawag niya kay Troy, ang nakatoka sa may counter. "Hmm!! Smell's so good!" nanindig lahat ng balahibo sa katawan niya nang marinig ang nang-aakit na bulong ng isang tinig sa mismong taynga niya. Ramdam din niya ang init ng katawan nito sa may likod niya kaya lalo siyang nangaligkig sa takot. "Who are you?" yamot na sikmat niya sa lalaki at naaalibadbarang lumayo sa lalaki. Matamis na ngumiti ang lalaki at kumindat sa kanya. "Really? You don't know me?" nang-aakit pang balik tanong nito. "Hindi!" mataray na sagot niya at hinablot ang yogurt sa counter na inilapag ni Troy. "Thank you, Troy." Mabilis na lumayo siya sa lalaki at pumunta sa paboritong puwesto nilang tatlo. Umayos na siya ng upo at hinablot ang yogurt drink niya. Sa halip na ilagay ang straw sa yogurt ay inalis niya ang takip at deretsong inubos ang malamig na yugort para kalmahin ang nanginginig na kamay sa pagkakalapit ng lalaking 'yun sa kanya. "Anong nangyari sa'yo at para kang nabuhusan ng putik sa sama ng timplada ng mukha mo?" agad na tanong ni Shanna sa kanya pagkaupo pa lang nito. Umupo naman si Ashton sa tabi nito na nagtatanong din ang matang nakatingin sa kanya. "Bakit ba kasi ang tagal ninyo. Tignan ninyo at may lumapit sa'kin!" maktol niya. "Are you okay?" bumakas ang pag-aalala sa mata ni Ashton. "No, I'm not!! May malaking mikrobyo na kumapit sa katawan ko!" nandidiring bigkas niya "Hoy! Ang bibig mo! Baka kasuhan ka ni Sir JJ 'pag narinig ka niya," saway ni Shanna sa kanya. "Hindi naman niya naririnig," tugon niya. Napailing si Shanna. "Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob na sabihing may mikrobyo ang Sweet JJ's. Kung ako ang may-ari nito ay malamang pinalayas na kita." "Kung ikaw ang owner nito. Eh, 'di hindi ko na kailangan pang magbayad," hirit niya. Inirapan siya nito at hindi na siya pinansin. "Lalabs, order lang ako," sabi ni Ashton at naglakad papunta sa counter. "Nga pala kailangan ko ang tulong mo mayang gabi!" nagmamakaawang sabi niya. "Tulong? Ikaw ang mayaman sa atin. Ano naman ang maitutulong ko sa'yo?" nagtatakang wika nito. "Hindi pera ang sinasabi ko. May event na dadaluhan ang parents ko at isasama nila ako. You know how I hate those kind of gathering," nakangiwing saad niya. "'Yung palagi nating dinadahilan sa kanila." Sasabihin niyang may gagawin silang project kaya 'di siya makakasama. 'Yun ang palagi nilang alibi sa magulang niya. "Ok!" tumango ito. "Here you go!" sabi ni Ashton na inilapag ang paborito ni Shanna. Napailing siya nang makita ang pagkislap ng mata ni Shanna nang makita ang strawberry cake. Agad itong kumutsara at sumubo pagkatapos ay muling kumutsara at isinubo kay Ashton na agad nitong tinggap. Hindi niya alam kung bakit hindi pa nagiging sila gayong kung kumilos sila ay daig pa ang magkasintahan. Nang makita muli niya ang kislap sa mata nito ay nakaramdam siya ng inggit. Hay! Itong kaibigan niya kahit simpleng bagay lang ay nagpapasaya rito. Sana lang ay ganito din siya. Siguro masaya siya katulad ni Shanna na parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD