Chapter 9

1343 Words

Malamig at pormal ang tingin na iginawad niya kay JJ. Matiim na tinignan siya nito at hindi nagsasalita. Ang pamamaga ng pisngi niya ay tinago uli sa paglalagay ng make-up ngunit ang sugat sa labi niya na dala ng mariing pagkakagat niya ay hindi naitago ng lipgloss niya. Kagabi ay hindi siya lumabas ng kuwaarto niya kaya wala siyang ideya kung ano ang pinag-usapan nilang tatlo. Wala rin namang silbi pa ang kung ano man ang paliwang niya kung naroon siya. Isa pa, ayaw niyang makita ng binata ang namumulang pisngi niya at ang namumugtong mata niya dahil sa matagal na pag-iyak. Pilit na lamang niyang inaalo ang sarili sa pamamagitan ng pagmura sa binata at pagyakap ng mahigpit sa malaking unan at tumingin sa kawalan hanggang sa makatulog siya. At kaninang umaga lang ay inutusan siya ng ama n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD