WARNING: Contains adult theme!!! Namumugto at masakit na ang mata ni Olivia sa kakaiyak ngunit hindi pa rin maampat-ampat ang luha niya. Hindi talaga niya maiwasang madurog ang puso niya sa pagsusungit ni JJ sa kanya. Nasanay na kasi siyang nilalambing at pinagbibigyan siya sa lahat ng kapristo niya kaya labis ang sama ng loob niya rito. Kahit ng sinungitan, tinarayan at tinakbuhan niya ito pagkatapos painumin ng pampatulog ay hindi man lang siya nito sinigawan. Yakap ang sarili na sumubsob siya sa tuhod niya at gigil na pinigilan uli ang mapaiyak ngunit bigo siya. "Kasalanan 'to ng lalaking 'yun, eh!" umiiyak pa rin na maktol niya. Hindi niya pinansin ang malakas na ulan at ang malamig na simoy ng hangin na nanunuot sa bawat himaymay ng katawan niya. All that matters to her, kung paano

