Chapter 6

644 Words
KASAMA ni Jessie pumasok sa paaralan ang apat na kapatid niyang mga lalaki. katulad niya ay graduating narin ang dalawa sa college.. habang nasa third year college Naman ang dalawa . habang ang tatlo pa niyang mga kapatid na lalaki ay nasa Senior high pa lamang. "ba't nag kakagulo at may mga pulis?" nag tatakang sabi ng kapatid na nag nga-ngalang JEllo "sino tinatanong mo kuya? kasi kung kami..Ewan rin namin. magkakasabay kaya tayong pumasok" ani naman ni Jullius ang pangalawa sa kapatid niyang mga lalaki . Nanatiling tahimik lamang si Jessie hanggang sa mag hiwalay na silang mag kakapatid. Dahil mag kakaiba sila nang kurso. Wala syang pakealam sa mga nangyayare sa paligid at nag patuloy na lamang sya sa pag lakad hanggang sa maka rating sya sa room nila. "Jessie, Wala daw munang pasok ngayon" mahinhin na ani nang kaklase niyang babae na katabi niya sa upuan. nerd ito kung tignan, ngunit napaka talino naman nito at mabait. Ngunit mahiyain at ilag ito sa lahat dahil palagi ito nabubuli nang grupo nina Kelli. walang emosyon niya itong tinignan at nakita niyang napa yuko ito at tinatago nito ang mukha "wag kang matakot, hindi kita sasaktan" saad niya dito. Kaya naman inayos nito ang malaking salamin sa mata pagka tapos ay ang kulot Nitong bangs. "ah, hmm a-alam ko" tipid nitong sagot. "bakit mo alam?" "lahat nang mayayamang estudyante dito. Kayo lang ng mga pinsan mo at mga kapatid mo ang hindi bumubuli saakin. at ikaw lang ang kumakausap saakin dito. Maliban sa mga teachers" mahabang sagot nito. "hmmm, hindi porket kinakausap kita. Mabait na ako ha.. Hindi ako mabait" saad niya dito. at tumayo na. May sa puso ni Jessie na gusto niya itong maging kaibigan. Subalit natatakot na sya, ayaw na niyang mag tiwala sa kahit na sinong tao. Lalo na kung hindi niya kilala. Nag tiwala sya sa ibang mga kaklase niyang sumama sa patry lalo na kina Kelli. Ngunit ang tiwala na iyon ang sumira rin sa buhay niya at sa buong pagka babae niya. Kaya tanging pamilya lamang niya o matalik na kakilala Lamang ang pag titiwalaan niya. Kina gabihan, lasing na lasing ang babaeng pangalawang kaibigan ni Kelli. kalalabas lamang nito sa Bar. May hawak pa itong isang bote nang alak. Pasuray suray itong pumasok sa kotse nito at pag start pa lamang nito nang sasakyan ay ang nakaka binging pag sabog nang kotse nito ang nag pagulat sa lahat nang mga naroroon. nilamon ng nag aalab at malaking apoy ang kotse nang babae. Habang sa hindi kalayuan naman ay naka sakay nang kulay itim na Motor ang babaeng may punong-puno nang galit ang mga mata nito. naka suot ito nang kulay itim na hoodie jacket na may naka tatak na Blood Revenge. Nagka gulo ang mga tao ruon. at bago paman dumami nang tuluyan ang mga tao ay pina harurot na ni Jessie ang Motor na bigay pa sa kaniya nang Mommy Jessa niya. motor na ginagamit pa ni Jessa nung dalaga pa ito. Kinabukasan, sinalubong nina Kelli si Jessie. Papasok na siya nang silid nang harangin sya nang dalawang babae. halata sa mga mukha nito ang lungkot at pag-iyak. "Ikaw…ikaw ang pumatay sa mga kaibigan ko!" galit na sabi ni Kelli at akma nitong sasampalin si Jessie, ngunit mabilis iyon Sinalo nang kanang kamay niya. "prove it" tugon ni Jessie at nilapit niya ang mukha sa tenga nang galit na babae tsaka bumulong "pero mag-iingat ka, baka ikaw na ang kasunod" bulong niya rito. Halata sa mga mata nito ang takot at mahina itong napa atras. "bago mo saakin ibintang dapat may patunay ka ha. Hindi yung puro kapraningan lang" ani ni Jessie habang naka taas ang kaliwang kilay nito at ang nginunguya niyang Bubblegum ay kinuha niya tsaka dinikit iyon sa noo ni Kelli at ngumisi sya nang mala demonyo tsaka ito iniwan.. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD