NAG TATAKA si Jessie kung bakit hindi niya makita si Kelli, dalawang araw nang lumipas nang matapos niyang patayin ang dalawang kaibigan nito at kanina lamang ay tapos na niyang iligpit ang pangatlong kaibigan nito. sa parking lot at papasok na ito sa kotse nito nang sakalin ito ni Jessie at saksakin nang paulit-ulit..Nang masiguro niyang patay na ito tsaka sya tumakbo palayo..
Lahat nang imbistigation sa tatlong crimen na naganap at lahat nang cctv na nakuha nang mga pulisya ay walang maka pag sabi kung sino ang taong naka suot nang itim na hoodie Jacket at may suot na mask. Hindi rin matukoy kung babae ba ito o lalaki ang salarin. Dahil mabilis itong kumilos at halata sa kilos nitong magaling ito sa ninja moves..
Samantala umiiyak si Kelli habang naka sakay na sa private je pag mamay-ari nang t tito niya. dahil sa takot na baka sya na ang susunod na patayin ng killer, ay napag disisyunan niyang sa America na ipag papatuloy ang pag-aaral at para narin sa kaligtasan niya.. sobrang sakit para kay Kelli ang pagka wala ng mga matalik niyang kaibigan.
"balang araw, mag babayad ka Jessie…pag babayaran mo ang ginawa mo sa mga kaibigan ko" mahinang sabi niya. Dahil malakas ang hinala at kutob niyang si Jessie ang nasa likod nang pag paslang sa mga kaibigan niya.. Dahil narin sa binitawan nitong mga salita na may pag babanta. Kaya sigurado syang si Jessie ang dahilan kung bakit namatay ang tatlo niyang mga kaibigan.
ISANG BUWAN ANG LUMIPAS, kasalukuyang nasa Terrace si Jessie.. Tinatanaw ang malawak na lupain nila. dalawang oras narin nang maka rating sila sa Mindoro, bakasyun na nang mga estudyante. Kaya naman napag pasyahan nang daddy niyang bisitahin ang Hacienda nila sa Mindoro.
"Palagi nalang naka tulala ang anak natin Babe, halos mag da-dalawang buwan na syang ganiyan" nag aalalang sabi ni Jessa sa asawa. Nasa garden area ang mga ito at nakikita nila mula sa itaas ang anak nilang dalagA. Kapansin-pansin ang napaka laking pag babago nito. palagi itong wala sa bahay, palaging tahimik at palaging malayo ang iniisip. Matagal narin nilang hindi nakakasabay sa hapag kainan ang dalaga. Kaya sobrang nag tataka na ang mag-asawa sa kinikilos nang anak nila.
"kaya konga naisipan dito mag bakasyon ang mga bata para ma refresh naman ang isipan nila. dito tahimik at presko ang hangin. Malaking tulong ito kay Jessie .. By the way pina imbistigahan ko narin kay Jason ang tungkol sa pagka wala ni Jessie noon.. pansin kong mula nung araw na iyon ay napaka laki nang nabago sa anak natin." mahabang sabi ni Jego sa asawa.
"so anong resulta?" kunot nuong sabi ni Jessa
"hindi ko alam kung pa pano ko sasabihin sayo Babe. sobrang nagalit ako sa nalaman ko at na aawa ako sa anak natin. nag kukunwari lang akong walang alam, kapag kaharap natin sya—
"bakit ba? ano bang nangyare Jego?! mag-asawa tayo at anak korin ang pinag uusapan natin. Kaya bakit hindi mo masabi saakin?" galit na baling ni Jessa sa asawa.
"na-na na rape ang anak natin" nauutal na sabi ni Jego at nabasag ang boses nito. dahil sa sama ng loob at galit na nararamdaman nito. Nangilid rin ang mga luha sa mata ni Jego at nag tatagis ang bagang.
"wa-what?! sino…at kailan mo pa ito nalaman?" galit na sabi ni Jessa at mabilis napa luha ang mga mata nito. Niyakap ito nang asawa at walang nagawa si Jessa kundi ang humagulgol sa bisig nang asawa.
"two weeks na.. Two weeks ko nang alam.. pinag bayad kona rin ang dalawang lalaking gumahasa sa anak natin. Pinahirapan ko muna sila bago ko pinatay. may isa pang natitira at balita ko sa probinsya ito." tiim bagang saad ni Jego sa asawa
"hayop! hayop sila. So ibig sabihin tatlo ang bumab*y sa anak natin!?" galit na galit, habang umiiyak na sabi ni Jessa.
"yes, at alam korin na si Jessie ang pumatay sa Dalawang babae na kaklase niyang sangkot." pag amin ni Jego sa asawa.
"si-si Jessie? si Jessie…pumatay? nakaya niyang pum*tay?" nanlalaki ang mga mata at hindi maka paniwalang sabi ni Jessa.
Napaka bait nang anak niya, at hindi iisipin na nakayang pumatay nang anak niya. "Yes babe at mukhang minana saatin ni Jessie ang pagiging Mafia.. Hindi niya nakokontrol ang sarili niya at nakikita koyun sa mga mata niya. Punong-puno sya nang galit" sagot ni Jego at napa tingin sila sa anak nilang nasa itaas. at katulad kanina ay naka tulala parin ito at napaka layo parin nang iniisip nito.
Lumipas ang ilang araw, hindi na nag lalabas si Jessie, dahil gusto niya lamang mag kulong sa madilim niyang silid. "NOOOOO!" nang gagalaiti sa galit na sigaw ni Jessie nang makita niya sa Online ang tungkol sa pagka matay nang Basketball player na Boyfriend ni Kelli. Ang lalaking gumahasa sa kaniya. Galit na galit sya, dahil ang tatlong lalaking gumahasa sa kaniya at sumira nang pagka tao niya ay namatay na.. P*natay ang mga itO. Galit sya dahil gusto niya ay siya mismo ang p*patay sa mga ito.
"Ahhhh! hindi…hindi…ako dapat…ako dapat ang p*patay sa kanila ahhhh!" galit na galit na sabi ni Jessie. at itinapon ang kaniyang Cellphone.
DALAWANG TAON ang lumipas. Naka ngiting naka pikit si Jessie at sinamiyo ang amoy nang pilipinas. kalalabas lamang niya nang Airport. Sa loob nang dalawang taon ay tinulungan nang mag-asawang Jego at Jessa ang kanilang anak, upang maka limot sa masalimuot na nangyare dito.. Sa Switzerland nila dinala si Jessie upang duon mag simula at maka bangon. hindi rin naka yanan ni Jessie ang mag lihim sa mga magulang niya at kahit anong tago niya. ay kahit hindi man nag sasalita ang mga ito ay alam niyang nag hihintay lamang ang mga ito na mag salita sya At sya mismo ang unang mag sasabi, naamin niya sa mga magulang na ginahasa siya. At tanging sagot lamang ng mga ito ay sila na umano ang bahala at mag pagaling lamang ang dalaga.
Hindi naman nabigo ang mag asawa sa pag dala nila sa anak sa ibang bansa. dahil muli itong naka bangon. At bumalik ang dating Jessie na masigla, mabait at mapag mahal.
"Cous…napag hintay ba kita? sorry kung natagalan ako sa pag sundo sayo." ani nang pamilyar na boses ang nag pamulat kay Jessie.
napangiti sya nang makitang malaki na ang tiyan nang Pinsan niyang si Jency. Lihim parin syang nag tatampo sa pinsan. dahil Masyado itong malihim. Malapit na itong manganak hindi parin niya kilala o nakikita ang ama ng pinag bubuntis nito. kahit anong pilit niyang sabihin kung sino ang naka buntis dito ay ayaw talaga nitong mag salita. Kaya hinayaan na lamang niya at mag hihintay na lamang sya kung kailan ito magiging handa mag kwento sa kaniya.
"Jency, I miss you…oh wala kang kasama? ba't mag isa kalang? Nasa'n si Ate Diana?" aniya nang mapansing mag-isa lamang ito.
niyakap muna sya nito pabalik at ibineso tsaka napa irap na humarap sa kaniya. "tsss, hindi ako sinamahan. Porket may Jowa na ang isang yun. tssss, halos hindi na mapag hiwalay. Eh wala namang forever at mag hihiwalay rin naman" naka simangot na sabi ni Jency ang anak nang tita Jenny niya.
"hindi naman siguro ampalaya ang ulam mo no.. Masyado kang bitter cous" naka ngiting sabi niya tsaka napapailing..
"tseee! hindi ako kumakain nun no...Oh sya, tara na... nanlalagkit na ako sa init nang panahon. amoy pawis na naman ako nito" ani nang pinsan at sinenyasan ang driver nila upang isakay ang mga gamit niya sa kotse.
nag lakad na sila palapit sa kotse at nang akmang bubuksan na niya ang pinto ay may biglang humablot nang sling bag niya..
"ho-hoooy! snatcher! mag n*nakaw!" halos magkakasabay na sigaw nilang mag pinsan.
"dito kalang cous!" sabi niya sa pinsan at mabilis na tumakbo upang habulin ang nag nakaw nang bag niya.
"hoooy! cous! bumalik ka dito…" rinig niyang sigaw nang pinsan, ngunit hindi niya ito pinansin At nag patuloy sya sa pag habol
"Mag n*nakaw! Hoy Mama, pigilan mo...mag n*nakaw yan!" malakas na sabi ni Jessie sa lalaking naka tayo sa tabi nang kotse at padaan doon ang lalaking mag nanakaw..
samantala bumaba nang kotse si Tide upang mag tungo sa suki niya ng bulaklak... satwing napapadaan sya sa lugar na iyon. Malapit sa airport ay humihinto sya upang bumili nang bulaklak para sa kaniyang abuwela At kapatid na babaeng may kapansanan. Nag sindi muna sya ng sigarilyo. Ngunit naagaw ang kaniyang pansin sa sigaw ng isang babaeng tumatakbo
"Mag n*nakaw! Hoy Mama, pigilan mo...mag nanakaw yan!" sigaw nang babae. Kaya naman hinarang niya ang paa niya, dahilan upang mapatid ang lalaking mag n*nakaw. Nadapa ito at nabitawan nito ang ninakaw na bag.
sinipa niya ito sa tagiliran tsaka pinulot niya ang bag. dumating naman ang babae at pinalo nito sa braso ang lalaking mag nanakaw. "G*go ka! pinagod mo pa akong magn*nakaw ka." ani nang babae matapos nitong paluin ang lalaki gamit ang kamay nito.
"Tama na ho, pasensya na ho.. Kailangan kopo talaga ng pera.. Nasa hospital ang anak ko. kailangan niyang operahan..Wala po akong pera at hindi kopo alam kung saan ako kukuha Para sa anak ko..Pakiusap huwag niyo po ako ipakulong" pag mamakaawa ng lalaking mag nanakaw. Habang hawak ito sa braso ng guwapong lalaking tumulong kay Jessie.
"ano Mis, anong gusto mong gawin dito?!" saad ni Tide sa babaeng tinulungan niya. hind naman sya pinansin nito. Bagkus ay ang mag n*nakaw ang hinarap nito. kaya naman medyo nabastusan si Tide sa hindi pag pansin sa kaniya nang babae.
"kung nang hingi po kayo Manong. bibigyan kopo kayo.. Hindi niyo ho. kailangan mag nakaw Manong..." ani nang babae at kinuha ang bag nito sa kamay nang extraherong binata.
Nag labas naman nang pera si Jessie at ibinigay iyon sa lalaking mag n*nakaw "Ito po Fifty Thousands Cash po para sa anak niyo ho. at itong cheke, one hundred thousands pesos po pang simula niyo ho. Huwag na ho kayo mag n*nakaw ulit ha" mahabang sabi ni Jessie
Tuwang-tuwa at maluha-luhang nag pasalamat ang lalaki kay Jessie. Habang si Tide naman ay lihim na humahanga Sa babaeng kaharap. Hindi lang ang napaka ganda nitong pang labas. Kundi napaka bait rin nito.
//Continue