Chapter 9

1640 Words
MATAPOS ang mga oras ni Tide kasama si Kelli ay umuwi narin sya at kasalukuyan na syang nag mamaneho nang Kotse nang maka tanggap sya ng tawag mula kay Cham.. si Cham na isa sa mga matalik niyang kaibigan. "Pare, where are you?" ani nang nasa linya. "Pauwi na ako sa Antipolo, why?" "are you free later? 9pm…samahan mo ako" " where? at bakit nasa Manila kana ba?" kunot nuong tanong niya sa kaibigan. Dahil akala niya ay sa Zamboanga ito At abala sa pinapatayo nitong bagong Business "yaaah, kaninang tanghali lang ako dumating. At inimbita ako ni Red sa party, i dont know what kind of party..Hindi ako naka tanggi so samahan mo ako. Dahil ayaw kong ma out of place dun." Ani nang kaibigan "Hey! I'm so tired Pare…gusto kong mag pahinga" yamot na sabi niya sa kaibigan. "tsss, I'm sure maraming babae dun, magaganda at Sexy kaya huwag kanang tumanggi..dadaanan nalang kita dyan para naman makita korin sina Tito at tita, tsaka kotse ko nalang ang gamitin natin. at… "Hey Cham…hindi pa ako pumapayag…sabi nang pagod ako- "Bla…bla…bla bla, see you later Pare" ani nang kaibigan at pinatay na nito ang tawag.. "D*mn" inis niyang mura.. samantala sumapit na ang Alas nuwebe, nag sisiyahan at nag kakantahan at nag tatalon ang ibang nag eenjoy sa banda. ang awit ni Bamboo na Haleluya ang kinakanta nang kapatid ni Jessie na si Jullius. halos mag sigawan na ang mga nag-uusap dahil sa lakas nang tugtog ng banda. Kinakailangan pang lumapit sa tenga nang kasama at sumigaw upang magka rinigan. Kaya naman halos mabingi si Tide nang maka pasok sila sa malaking Gym na sa likod niyon ay isang napaka laking Mansyon na hindi niya alam kung kanino. Pero satingin niya ay ang may-ari nang mansyon na iyon ay iyon rin ang may-ari nang malaking Gym na animoy Basketball court nag lalarong Kulay asul at pula na maliliit na ilaw ang nasa paligid at tanging nasa stage lamang ang may matinding ilaw.. bumukas lamang ang lahat ng ilaw nang matapos sa pag kanta ang banda. Kaya naman napansin ni Tide na marami rin palang mga naroroon na mga kaedad lamang nila. "Cham, mabuti naman at dumating kayo" ani Nang maputing lalaki na may Dark red na buhok. "ang hirap tumanggi sayo eh, by the way Pare, ito si Red Follox bagong business partner ko. at Red, meet my bestfriend Tide Rosales, taga Zamboanga rin sya pero may house and business sila dito sa Manila." pag papakilala ni Cham sa dalawa KAHARAP ni Jessie ang pinsan niyang buntis na si Jency at sina Diana, Violet, Elice, Amara, Kiela, Rafaela, Jen at Annie. Ang ibang girls naman na anak nang mga ninong niyang Apollo ay nasa kabilang tables. Habang ang mga boys naman ay may kani-kanilang grupo. Nag-iinuman at nag kakatuwaan ang lahat. Apat na basong tequila na ang nainom ni Jessie. At nakaka ramdam narin sya nang kaunting tama nang alak “uyy! Nandito si Pogi!” ani ni Jency na nasa tabi niya at tinuro nito ang gawi nang tatlong lalake. “haaa?! Sinong pogi?” sagot ni Jessie at pilit inaaninag ang tatlong lalaki na tinuturo ng pinsan. “nagagwapuhan ka kay Red?” ani ni Rafaela “Ofcourse not.. Tignan niyo kasi nang maigi ang tinuturo ko. Ayun oh, iyang katabi ni Red.. Iyang naka blue haaayst ang pogi niya no” ani ni Jency at napa himas sa malaki nitong tiyan. “tsss, kakapogi mo…ayan tuloy lumaki ang tiyan mo” ani ni Diana. “Ohh, siya 'yung tumulong saakin diba? Ba't siya nandito?” saad ni Jessie nang maaninag niya nang maayos ang mukha ng lalaki. “tumulong sayo saan?” pag uusisa naman ni Alleya na kakalapit lang at may hawak itong bote ng tequila at nilagyan nito ang mga malilit na baso na nasa harapan nila. Si Alleya naman ang bunsong anak na babae nina Kiel at Alena. Matalik rin itong kaibigan ni Jessie at masasabi niyang sa lahat nang mga anak ng pitong ninong niya Ay ito ang pinaka close niya. “naku! Kanina…'yung pogi na'yun ang hero nitong Jessie natin. Dahil tinulungan niya si Jessie mula sa snatcher” “buti Hindi puso mo ang tinangay” ani ni Kiella “hahaha mga sira. Nag magandang loob lang iyung tao” ani ni Jessie at muling uminom nang tequila. Ang dating napaka bait at walang bisyo ay heto't napaka galing nang uminom ng alak. “Halikayo girls, lapitan natin” ani ni Amara at hinila ang kamay ni Elice habang si Jency naman ay hinila ang kamay ni Jessie. Dahil napansin nitong ayaw sumunod nang dalaga. “haaayst bakit kasali ako? Kayo nalang lumapit” naka simangot na sabi ni Jessie “Duuh! Syempre ipapa kilala mo kame kay Poging Hero mo” sagot naman Rafaela. kaya naman wala nang nagawa ang dalaga. Kundi ang mag pahila nalang at napapairap na lamang sya. “Hello Boys” ani ni Amara nang maka lapit sila sa tatlo. “Hello ladies …Cham…Tide mga pare pinapakilala ko sa inyo ang mga nag gagandahan na 'to. sina Kiella, Amara, Elice, My sister Violet, Rafaela, Diana, Jency and Jessie” “kilala kona sila” ani ni Tide sabay senyas nito kina Jessie at Jency “Hi Nice too see you again Pogi” ani ni Jency na ito na ang naunang bumeso sa binata. Habang si Jessie naman ay tinanguan at tipid na nginitian lamang ang binata. Habang ang mga kasama ay isa isang ibineso ang dalawang lalaking katabi ni Red. “So Red, ikaw pala ang nag imbita sa kanila? Bakit dito kayo nag-uusap” baling ni Jessie sa lalaking katabi ni Violet. “Oo nga, duon kayo sa table namin.” ani ni Amara. At siniko nito si Kiella dahil kanina pa nitong napapansin na masama ang tingin nito kay Cham. Maka lipas ang tatlong oras at madaling araw narin. Naka tulog na Sa labis na kalasingan ang marami. Ang iba naman ay nag siuwian na at ang iba ay sa mansyon na ng mga Sandoval naki tulog. Habang si Jessie naman ay nagising sya mula sa pag kakayuko sa upuan. Naramdaman niyang babaliktad ang sikmura niya. Kaya madali syang tumako. At kahit napaka lakas ng tama ng alak sa kaniya ay pinilit parin niyang mag tungo sa banyo. Ngunit sa kaniyang pag mamadali ay ibang banyo ang napasukan niya. Nasa pang lalaki sya naka pasok.. Napa luhod sya sa inidoro at inilabas lahat ng gustong ilabas ng sikmura niya. “Iinom inom kasi, Hindi naman kayo” ani nang pamilyar na boses at naramdaman niyang hinagod nito ang kaniyang likod. Hindi na ito pinansin ni Jessie, bagkos ay nag patuloy sya sa pag susuka. Hanggang sa maka tapos sya. Akmang tatayo na sana sya subalit may mga kamay na nag paawang sa kaniya sa era. Mga brasong bumuhat sa kaniya ng pang bridal style. “sa sobrang kalasingan mo. Hindi mona napapansin ang pinasukan mong banyo” ani ng binata. Mabuti na lamang ay mabilis itong naka pag zipper ng pantalon dahil sa inidorong pinag sukaan ng dalaga ay doon sya umiihi kanina. Napa atras lang sya nang maramdaman niya ang nag mamadaling lasing na babae. Namumungay ang mga matang tinignan ni Jessie ang lalaking bumuhat sa kaniya. Hindi niya naitago ang matamis niyang ngiti sa binata na niyon lamang napag masdan nito. “ang pogi mo pala lalo kapag sa malapitan my hero” ani ni Jessie at mahinang hinaplos ng palad niya ang umiigting na panga ng binata. “ang gaspang ng maliliit mong balbas. Ang dami nila, tumutubo.. Pero guwapo ka parin.. Haayst poging pogi sayo yung pinsan kong buntis” pag dadaldal ng dalaga. Kaya naman lihim na napangiti si Tide dahil sa sinabi ng dalaga. Akala niya ay napaka tahimik at hinhin nito. Hindi niya alam na may pagka madaldal rin pala ito. “tsss, lasing kalang. Saan kaba naka tira? Ihahatid na kita” ani nang binata. “saan ako naka tira? Hahahaha nag papatawa kaba? Edi dito…dito ako naka tira” tugon ng dalaga natatawa ito habang tinuroturo nito ang dibdib ng binata “dito ako naka tira” ani ng dalaga at idiniin ang hintuturo nito sa tapat ng puso ng binata pagka tapos ay tuluyan nang naka tulog “Haaayst ang liit mo pero grabe ang bigat ng babaeng 'to” ani ni Tide matapos niyang ipasok sa kotse ni Cham ang lasing na dalaga. Hindi niya alam kung saan ito naka tira, kaya naman napag disisyunan niyang dalhin nalang sa condo niya ang dalaga at ipapaliwanag nalang niya dito ang lahat kinabukasan. Hindi niya napansin o nakita si Cham sa loob at naisip niyang baka may pinuntahan ito kasama si Red. Dahil wala rin ang binata sa loob. Maging ang ibang mga babaeng nakilala niya ay wala na rin sa loob. Iilan nalang ang naka tulog sa loob at halos hindi niya kilala lahat. Maging si Jency na hindi naman uminom ng alak at puro gatas Lang naman ang ininom ay naka tulog narin sa kina uupuan nito. Pasakay na si Tide sa driver seat nang may biglang may apat na lalaking humarang sa harapan ng kotse. Naka tayo ang mga ito at kitang-kita ang pag tagis ng bagang ng mga ito at halos mapaso na sya sa sobrang sama at init ng tingin ng mga ito sa kaniya. Ang dalawang lalaki ay may hawak na baril. Kaya naman nag simulang kabahan ang binata. Pamilyar sa kaniya ang mukha ng mga ito. Subalit hindi niya matandaan kung saan niya nakita ang mga ito. “at saan mo balak pumunta? Satingin mo makaka labas ka dito sa Area namin na daladala ang babae na iyan?” ani nang lalaking pinaka matangkad sa apat. May hawak itong baril at naka tutok iyon sa kaniya. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD