Chapter 10

2669 Words
NAPA taas naman nang dalawang kamay si Tide at nag tatakang tinignan ang apat na lalaking naka harang sa harap ng kotse. “mga Pare, wala akong masamang balak sa babaeng ito. Ihahatid ko lang siya” saad ni Tide. Kaya naman napa ngisi ang pangatlong lalake. “saan mo ihahatid? Baka ikaw gusto mong ihatid ka namin kung saan ang impiyerno—ibaba mo ang babae na iyan, kung ayaw mong pasabugin namin ang bungo mo” saad nang pang apat “bakit ko naman gagawin iyon? Sino ba kayo...kung gusto niyong kunin ang babaeng ito, hindi ko siya ibibigay. Baka ano pang gawin niyo sa kaniya.” nag hihinalang saad ni Tide sa mga ito. Subalit napa kunot noo naman ang mga ito. Pagka tapos ay napa tawa.. Hindi niya gaanong nakikilala ang mga mukha nang mga ito dahil natatalikuran ng mga ito ang ilaw mula sa Poste. Subalit familiar sa kaniya ang mga ito kapag natititigan niya ng maigi, subalit hindi niya lang ma alala kung saan nga ba niya nakita ang mga ito. “G*go! Ano naman gagawin namin sa kapatid namin?—ate, Ate Jessie are you okey?” saad nang pangalawa. “huy! Baket!? Hindi sumasagot si Ate Jessie? Anong ginawa mo sa kaniya?” saad ulit nang pangalawang lalake. Sumenyas ang may hawak na baril sa dalawang lalake. Lumapit ang mga ito sa Kotse tsaka binuhat nang isa ang lasing na dalaga. “ You're not familiar, bakit ka nandito sa loob ng Subdivision namin?” saad nang may hawak na baril “kasama ko si Cham, ininvite siya ni Red Follox.. Look, kung kapatid niyo nga iyan. Gusto ko lang malaman niyong wala akong balak na masama sa kaniya. Gusto kulang siyang ihatid— “ihatid? Hindi mona kailangan siyang ihatid dahil dito siya naka tira. At hindi namin kilala ang sinasabi mong Cham—Jullius, tawagan mo nga si Red, alamin mo kung nag sasabi ng totoo ang lalaking ito. Dahil kung hindi, hindi ko ito palalabasin ng buhay dito” saad nang matanggad na lalake. Kaya naman napa lunok nang sariling laway si Tide. Hindi niya akalain na may mga ganitong klaseng tao pala. Parang laro lang sa kanila ang buhay ng isang Tao. “walang number saakin si Red, pero susubukan ko kay Violet” sagot nang nag ngangalang Jullius Kaagad nitong tinawagan ang binanggit at wala pang isang minuto ay kaagad nang sumagot ang nasa linya. *aaarg istorbo! Natutulog ang Tao eh, hello! Sino ba 'to* saad nang babae sa linya at halatang galit ito. Nak loudspeaker ang tawag kaya rinig na rinig nila. Napa tawa nang mahina ang dalawang lalake. Dahil sa masungit na pag sagot ng nasa linya. “hey hey hey! Relax…tignan mo muna kasi kung sino ang tumatawag bago mo sagutin—toot…toot…toot” napa tigil sa pag sasalita si Jullius at nawala ang ngiti nito nang bigla siyang babaan ng tawag ni Violet. “ang sungit, may regla ata kuya” “tawagan mo ulit” utos uli nang matangkad na lalake. Na kaagad naman ginawa ng katabi. *ano ba! Sino ba to! Anong kailangan mo.. Bilisan mo pag sasalita, inaabala mo ang tulog ko peste!* singhal nang nasa linya. “sabi na eh, may regla talaga ang babaeng 'to... hey PJ Violet, si Jullius Sandoval to. Ang crush na crush mo, pero hindi ka crush..asan kaba?kasama moba ang kuya mo?” Saglit na tumahimik ang nasa linya pagka tapos ay nag tititili ito..*he-Hello Julluis ikaw ngaba iyan?* mahinahon nang sabi ng nasa linya “Ay hindi si Jai to...kakasabi ko lang diba...oh kasama moba ang kuya Red mo?” *hindi eh, bakit ba?..tsss, pilosopo* “may kilala kabang Tide, friend daw nang nag nga-ngalang Cham. Ininvite siya nang kuya mo” saad nang binata. *Tide?…ammm…ammm oh yah, yes I know that man.. Friend rin ata siya ni Jessie.. Why?* sagot nang nasa linya. Kaya naman lihim na nag pasalamat si Tide. Dahil akala niya ay hindi na siya matatandaan ng babae. At dudurugin siya nang apat na lalaking ito. 'Wait? Anong sabi nang lalaking to? Jullius Sandoval? Damn kaya pala Familiar sila saakin. Dahil nakita kona mga picture nila, nung pina imbistigahan ko ang Sandoval Brothers, kung ganun nasa loob ako nang tiritoryo nang mga Sandoval' ani nang isip ni Tide at napa tingin siya sa babaeng buhat nang isang lalake. 'At siya ang Sandoval Princess, Jessie…Jessie Sandoval' saad ulit nang isip ng binata at tsaka may pumasok na idea sa kaniyang isip na lihim na ikina tuwa nang kalooban niya. Hindi na nag abalang sumagot ang nag ngangalang Jullius, bagkus ay gumanti naman ito sa ginawa nang babae na nasa linya. Kaagad rin pinatay ng lalake ang tawag. “Yes kuya, kilala niya ang lalakeng iyan. At sabi ni Violet, friend rin ni Ate iyan” pag kumpirma ni Jullius. Kaya naman ibinaba nang dalawa ang hawak na armas. “sige, Makakalabas kana.. Sa susunod na pag haharap natin. Ayusin mo ang pag sagot mo. Dahil hilig ko ang mang tanggal nang dila” saad nang matangkad at naisip ni Tide na ito marahil ang panganay sa Pitong Sandoval Brothers. Mainit na ang sikat nang araw nang magising si Jessie. Napa sapo siya sa kaniyang noo dahil sa sobrang sakit niyon. Pagka tapos ay yumakap siya sa malambot na unan at iminulat ang Mata. Ilang minuto rin siyang nag pagka tulala, tsaka bumaling siya sa orasan. Nanlaki ang mga Mata niya dahil nakita niyang sobrang Eleven na pala. At malapit na ang lunchtime. Naka limutan niyang kailangan niyang gumising nang Seven dahil may importanteng tao siyang kikitain “sh*t! Sh*t sh*t aarg tinanghali na ako! Manang paki handa po ng coffee at sandwich ko, sa kotse na ako kakain. Paki bilisan lang po please, thankyou” saad niya. Matapos niyang pindutin ang voice monitor sa kusina. “copy Senyorita” sagot nang mayordoma nila. Mabilis nag bihis si Jessie at dahil maiksi naman ang buhok niya ay hindi rin siyang nahirapan ayusin iyon.. Halos talunin na niya ang hagdan dahil sa sobrang pag mamadali “Ate, dahan dahan…baka mahulog ka” rinig niyang sabi ni Jello “hindi kana kakain…ayan, inom inom Pa.. Ayan tuloy tinanghali kana” saad naman ni Jullius “hindi na, thankyou.. Bye!” walang lingon na sagot ni Jessie tsaka kinaway lamang ang kamay habang naka talikod at palabas ito nang mansyon. “Manong paki bilisan lang ha.. Kailangan kong mahabol ang ka meeting ko... Gaaash, hindi puwedeng ma cancel ang proposal ko sa kaniya” nag aalalang sabi ni Jessie. Nang maka rating ay mabilis siyang bumaba ng kotse, tanging laptop at coffee mug lamang ang hawak niya. Sa sobrang pag mamadali niya ay hindi na niya napansin ang isang lalaki. “nako! Sorry sorry sorry sorry... Arrg nakaka inis naman oh” nag mamadaling sabi ni Jessie, dahil hindi niya sinasadyang matapunan nang kape ang lalaking nabangga niya. “hey! I'm fine…I'm fine—Jessie?” saad nang pamilyar na boses nang lalake.. Kaya naman napa angat nang tingin dito ang dalaga. “Ta-Tide” nauutal pang sabi ng dalaga. “Hi, why are you here? Mukhang nag mamadali ka” saad nang lalake “yah, pasensya kana ha. Sobrang nag mamadali talaga ako.. Sorry ulit.. Ufff, nadumihan ko pa ang polo mo.” “it's okay…sa loob kaba? Diyan rin ang punta ko eh” ani nang binata “yes, hmm sige ha i have to go. Sorry ulit” saad ni Jessie “Sabay na tayo. Iisang place lang naman papasukan natin” ani nang binata. Kaya naman walang nagawa ang dalaga kundi ang tumango na lamang. Nang maka pasok ay kaagad hinanap ng mata nang dalaga ang kaniyang ka meeting. At lihin siyang nag papasalamat nang matanaw niya itong nag kakape. “you're late Ms Sandoval, almost half an hour mo akong pinag hintay. I'm so dissapointed Ms Sandoval.. My time is gold, hindi mo ba alam ang dami Kong kinansel na meeting para makita lang iyang proposal mo.. Aba't kung ganiyan ka palagi ka pabaya sa oraz ay hindi tayo mag kakasundo niyan.” saad nang lalake, mataba ito at sa tingin nang dalaga ay Mahigit Trenta na ito. “I'm so sorry Mr Buenaventura— “I'm sorry too Ms Sandoval, dahil paalis narin ako. Hindi na ako interesado sa business mo” saad nang lalake. Lihim na naka ramdam nang pagka pahiya si Jessie lalo na't nasa likod lamang niya si Tide. “wait Mr Buenaventura!”habol nang dalaga sa lalaking ka meeting niya. Subalit hinawakan lamang ni Tide ang kaniyang siko upang pigilan siya. “Stay Here, ako ang kakausap sa kaniya. I know him” saad ni Tide, kaya naman napa nguso na lamang ang dalaga at pigil na pigil nito ang mapa luha. Dahil sa labis na kahihiyan. First-time niyang ma encounter ang ganung asal. Wala pang nakaka pag salita sa kaniya ng masakit o nag pahiya sa kaniya. Hindi na namalayan ni Jessie ang pag bitaw ng binata sa kaniya at ang pag alis nito. Mahalaga sa kaniya ang approval ni Mr Buenaventura. Para sa bagong business na pinapatayo niya. Ayaw niyang mapunta nalang sa wala ang lahat ng mga pinag puyatan niyang business proposal para dito. naka upo lamang si Jessie habang hinihintay niya ang pag balik ni Tide. Ilang sandali lamang ay bumalik itong may ngiti sa labi tsaka may hawak na brown envelope. “congrats…I didn't know na nakaka mong pag sabayin ang mga business mo. Isa ka palang Engineer Designer, professional Artist, at CEO nang Double-J company…congrats pinirmahan na ni Mr Buenaventura” saad nang binata. Kaya naman, nanlaki ang mga Mata ni Jessie at lumiwanag ang mukha nito dahil sa saya. Kaagad napa tayo si Jessie at walang pag dadalawang isip na napa yakap siya sa binata. Na ikina gulat naman iyon ni Tide. “So-sorry, nadala lang ako. I'm so happy lang kase—wait...paano mo iyun nagawa? Hindi madaling kumbinsihin si Mr Buenaventura eh” saad ni Jessie at nahihiyang nilayo niya ang sarili sa binata. Tsaka bumalik sa pagkaka upo. “twice kona siyang naka meet, friend siya nang Daddy ko. Then I told him, you are my girlfriend.. That's why napapayag ko siya.” sagot nang binata na ikina maang nang dalaga. “seriously sinabi mo iyon?” saad ni Jessie.. Naka ngiti namang tumango ang binata tsaka naupo sa harapan niya. “hahaha wow, buti naniwala saiyo... By the way mabuti nalang pala naka sama kita dito. Dahil kung wala kalang dito.. Baka umuwi akong pasan ang mundo dahil sa lungkot. “you are Sandoval.. Isa kang Billionaire Princess nang Sandoval group. Bakit kailangan mo pang mag maka awa kay Mr Buenaventura at mag paka pagod pumunta dito para lang sa proposal na ito.. Puwede namang Secretary or Personal Assistant mo ang gumawa” saad nang binata. “simple lang, ayaw kong umasa sa pera nang mga magulang ko or yaman ng pamilya namin. Gusto ko, lahat nang nakukuha ko at meron ako ay pinag papaguran ko. Gusto ko maging successful businesswoman nang hindi ginagamit ang power nang Apelyido ko.” sagot nang dalaga. At uminom ito nang kape. “ammmm, independent ha. Nakaka bilib naman, Jessie wala kana bang pupuntahang iba?” “hmmm, why?” “gusto sana kitang yayaing manuod nang sine. I have a two tickets, ngayon ilalabas iyung paburitong Horror movie nang kaibigan kong si Cham, binigyan niya ako nang dalawang ticket, mag hanap daw ako nang kasama. Sayang naman kasi kung hindi magagamit. Puwede kaba?”ani nang binata. At hinihintay ang sagot nang dalaga. Umaasa siyang papayag ito. “pasensya kana ha, hindi ako puwede eh...nakita mo iyon? Five bodyguards palaging naka buntot. Tsss, utos iyan nang Daddy ko..at isa pa hindi ako sanay sa madilim” saad nang dalaga kaya naman lumaglag ang balikat nang binata sa narinig. Bigla naman naka ramdam ng konsenya si Jessie nang makita niya ang dissapointment sa mukha nang binata. Kaya naman naka ramdam ng guilt si Jessie dahil sa pag tanggi niya dito. “sige nanga…ano bang oras? Ngayon naba iyan…” saad ni Jessie, naisip niyang nakaka hiya naman kung tatanggi siya, gayung siya na nga itong tinulungan ng binata. Napapasigaw na lamang si Jessie habang natatapon naman ni Tide ang hawak na popcorn, dahil sa gulat.. Yakap yakap na nang dalaga ang kaliwang braso ng binata at napapa siksik na lamang ito sa upuan dahil sa nakaka takot na kanilang pinapanuod “haayst grabe, kaya ayaw kong manuod sa mga horror eh. Biglang nang gugulat, halos atakihin na ako sa puso. Ikaw naman enjoy na enjoy mo” saad nang dalaga na ngayon ay nasa isang Kainan sila na nasa first-floor lamang nang Mall. “kulang nalang sumiksik ka sa likod ko, naisip ko iyung cleaner dun sa sinehan. Masyado tayong nag kalat dun.” ani nang binata Nasa masayang pag uusap ang dalawa nang may biglang umagaw sa kanilang pansin.. Kaya naman kaagad nawala ang ngiti sa labi ni Jessie nang mapag sino niya ang nag salita. “Tide, oh nandito ka pala…sinong kasama mo?” ani nang maarteng babae. Humalik ito sa pisngi ng binata pagka tapos ay lumingon ito sa gawi ni Jessie. Katulad nang dalaga ay halatang nagulat rin ito. At nawala rin ang naka paskil na ngiti sa labi nito. Matapos nitong makilala ang kasama ng binata. “Jessie? Oh c'mon magkakilala kayo? Tide mukhang marami tayong pag uusapan ah” saad ng babae at naupo ito sa tabi ng binata. Habang naka harap ito kay Jessie “yup, at mukhang magka kilala rin kayo”sagot nang binata. HALOS ayaw ikurap ni Jessie ang kaniyang mga Mata at naitago niya ang mga kamay sa ilalim ng mesa pagka tapos ay mahigpit siyang napa kuyom nang kamao. Parang bumalik sa alala ni Jessie ang lahat ng mga nangyare sa kaniya. Dahil lahat sa babaeng kaharap. Ilang taon niyang hinanap ito at hinintay na makaka harap niya muli ito. “Kelli—ang tagal mong nag tago ah, kailan kapa dumating?” seryosong saad ni Jessie at halos mag ngit-ngit ang mga ngipin niya dahil sa pag diin nang bawat salita niya. Habang kaharap ni Jessie ang babae. Ay pakiramdam niya ay para siyang bumalik sa dati. Nakikita niya sa kaniyang isipan kung papaano niya papatayin o to-torturin ang babae. Naiimagine niya ang pag papahirap niya dito at unti-unting pinap*tay. Kaya naman hindi na niya napapansin ang mga sinabi nang kaharap. “Jes, are you okay?” ani ni Tide dahil kanina pa nila kinakausap ang dalaga. Subalit nasa malalim itong pag-iisip. Tinapik nito sa balikat ang dalaga, dahilan upang maputol ang iniisip ni Jessie. “ha- ahh ha! may sinasabi ka?” ani ni Jessie nang lingunin niya ang binata. “ang sabi ko. Napaka liit talaga ng mundo, hindi ko akalain na magka kilala pala kayo” ani ni Tide. At tsaka sumulyap kay Kelli. “Batch mate kami noon” tipid na sagot ng Dalaga. “by the way, sige Tide maiiwan kona kayo ni Kelli ha.. Nakalimutan kong may pupuntahan pa pala ako, bye” ani ni Jessie at kaagad na tumayo. Pakiramdam niya ay hindi siya puwedeng mag tagal doon. Dahil baka hindi niya makontrol ang sarili niya at ano pang magawa niya sa babaeng kaharap. Baka makalimutan niyang nasa public place sila, at kasama pa nila si Tide. “ganun ba, sige ihahatid na kita— “No thanks, may mga bodyguards ako at na text kona rin ang driver namin.” sagot ng dalaga. Samantala nang maka alis si Jessie ay lumipat sa kabilang upuan si Kelli, upang makarap nito si Tide “ang galing mong umarte ah, nag kunwari kapang hindi mo alam na magka kilala kami ni Jessie, now tell me.. Anong Plano mo?” ani nang babae. At tumaas ang kaliwang sulok ng labi nito. //continue Nako umayos ka Tide. Nag didilim ang paningin ko sayo. Hahahha chaar Hello mga loves kamusta kayo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD