Chapter 6

1147 Words
"Hi, Babe!" wika niya sa lalaki na abala sa pagpindot ng telepono nito. Nang mag-angat ito ng tingin sa kaniya ay walang sabi-sabing sinunggaban niya ito ng halik sa labi. Saglit natigilan ang lalaki pero hindi rin naman lumayo. Nagtagpo ang mga mata nila habang magkalapat ang kanilang labi. Kitang kita niya ang kakaibang kulay ng mga mata nito na nakakatunaw pero nakakatakot. Sh*t! Ang guwapo! Not bad for my first kiss! Akma siyang hihiwalay na ng bigla siya nitong hapitin pabalik. Napahawak pa ang kamay niya sa dibdib nito. "He's still looking, Babe," bulong nito sa tainga niya na naghatid ng tila boltahe ng kuryente sa buong sistema niya. Daig pa niya ang naelectric shock! At ang boses, syete! Hindi pa siya nakakahuma ng walang sabi-sabi nitong muling inilapat ang labi sa kaniya. Ang isang kamay nito ay nasa likod ng ulo niya at ang isa naman ay nakaalalay sa likod niya. Hala! Pero bakit parang nagustuhan ko naman! Ang lambot ng labi nito at ang bango ng hininga. Pero bigla siyang nataranta ng biglang gumalaw ang mga labi nito at biglang lumalim ang halik. Nakakahiya! Baka malaman nito na hindi ako marunong! Nakarinig siya ng harurot ng motorsiklo, sa tingin niya ay motor iyon ni Darius. Kaya ayaw man niyang putulin ang halik, ay itinulak niya na ito ng marahan. Kapwa nila habol ang hinga, nakahapit pa rin ang mga kamay nito sa kaniya. Nakatingkayad na pala siya kanina pa hindi niya namalayan. Ang tangkad kasi nito! Agad siyang umatras at yumuko. "Pa-pasensiya ka na, Mister. Ayaw kasi ako tigilan no'n kakasunod. I'm sorry for kissing you! Thanks again!" halos magkanda buhol-buhol na ang dila niya. Hindi man siya nakatingin sa mukha nito ay ramdam niya ang pagtitig nito sa kaniya. Sandali niyang inangat ang ulo para tignan ito pero agad din na yumuko. Sh*t! Ang guwapo nga! Tila nakita na niya ang pares ng mga mata na iyon. Hindi niya lang matandaan. Idagdag pa na medyo madilim doon sa parking. Yumuko pa siya at muling nagpasalamat bago nagmamadali ng tumakbo papasok ng grocery. Lingid sa kaalaman niya ay sumenyas ang lalaki sa tauhan nito na nasa loob ng kotse para sundan siya. Hawak-hawak niya ang dibdib ng makapasok sa grocery na halos pasara na. "Oh my God! Parang maha-heart attack ang pakiramdam ko!" mahinang sambit niya. "Ma'am, malapit na ho kami magsara. Pakibilisan na lang po," agaw sa pansin ng isang staff ng grocery sa kaniya. Ibinababa na kasi ng guwardiya ang roll up tanda na pasara na ito. "Ah oo! Mabilis lang ako. Thank you," sagot niya at nginitian ito. Napalingon siya ng tila may naramdaman na nakamasid sa kaniya. Bumalik kaya ang Darius na iyon? Tanong niya sa isip. Wala na rin naman kasi halos tao sa grocery. Napabuntong-hininga siya. Hays! Nagvibrate ang cellphone niya. Sh*t! Nakalimutan pala niya tawagan agad si Calix. Naka-isandaang missed calls ito. "Calixto!" sagot niya. Iyon lang ang nasambit niya dahil dire-diretso na ng kuda si Calix sa kabilang linya. "Moonlight! Pinag-alala mo 'ko! Ano nangyari sa iyo? Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba? Nasaan ka? Pupuntahan kita!" sunod-sunod na sambit at tanong nito na daig pa ang machine gun. Bakas sa boses nito ang matinding pag-aalala. "Okay lang ako. Sorry hindi ako nakatawag agad. Si Darius kasi nahuli ko nanaman na sinusundan ako," sumbong niya rito. Dinig niya ang malakas na mura ni Calix sa kabilang linya. "Sinasabi ko na kasi sa iyong ipapulis mo na ang g*gong iyon eh! Baka sa susunod kidnapin ka na no'n at gahasain sinasabi ko sa iyo!" Gusto niyang matawa rito. Daig pa kasi nito ang tatay kung makasermon sa kaniya. "Hoy! Ang morbid mo masyado, Calixto!" buska niya pa rito. "Ako Moon seryoso ha. Ipapulis mo na iyan! At please lang, lumipat ka na ng condo bukas na bukas din! Ako na maghahanap dahil alam kong tamad ka!" "Grabe siya oh! Tamad agad? Hindi ba pwedeng wala lang time?" "Whatever! Basta iayos mo na ang gamit mo pag-uwi para makalipat ka na bukas. At utang na loob, siguraduhin mong nakalock lahat ng pinto mo. O gusto mo ba puntahan kita riyan sa condo mo? Hindi rin naman ako mapapakali sa pag-aalala ko sa 'yo rito," gusto talaga niya ma-touch sa bruhildo na 'to. Napaka-protective at sweet. Sayang lang at lalaki rin ang hanap nito! "Opo, Father Dear! Huwag mo 'ko alalahanin. Sisiguraduhin ko na buo pa rin ako bukas," humagikgik pa siya. Dinig naman niya ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. "Sunduin kita riyan bukas. Huwag ko lang makita ang Darius na iyon kung hindi ako babangas sa mukha no'n!" "Ay wow! Kailan ka pa naging tomboy, Calixto?" "Seryoso ako, Moon." Natahimik siya. Ramdam niya na seryoso nga ito. "Woyyy! Huwag ka na kasi mag-alala. Love ako ni Lord. Marami akong angels, nothing bad will happen to me. Uhmkeyyy?" inartehan niya pa. Ayaw kasi niya kapag ganitong seryoso na ang kaibigan. Hindi siya sanay. "O siya, andito na ako sa condo magpapark na ako. Itext mo ako kapag nakauwi ka na," wika nito. Napangiti siya. "Very boyfriend naman ang Calixto Romano na iyan! Oo na po. Bayiiiii!" wika niya sabay pindot ng end call. Hindi na niya hinintay itong makasagot at baka lalo pa ito maimbyerna. Nagmamadali na niyang itinulak ang push cart papunta sa counter ng masiguro na nakuha na lahat ng kailangan niya. Nang matapos ipunch lahat ng binili niya ay inabot niya ang card sa kahera. "Ayy Ma'am, nakafree of charge po kami sa lahat ng last na customer dito sa grocery," wika nito habang abala sa paglalagay sa bag ng mga pinamili niya. "Ha? Promo ninyo ba iyon? Baka naman malugi kayo, tanggapin mo na itong payment," hindi niya alam pero nagtataka talaga siya. Inabot niya muli ang card dito baka jinojoke lang siya ng cashier. Umiling ito at ngumiti. "Hindi po ma'am. Free po ito. Thank you po, see us again," sagot ng kahera sa kaniya at inilagay na lahat ng pinamili niya sa cart. Nagtataka man ay hinawakan na niya ang cart. "Ganda pala maging last customer dito. May pa-free? Everyday ba iyon, Miss?" sambit pa niya. Baka lagi na siya magpahuling customer dito. Muli itong ngumiti sa kaniya. "Today lang po, Ma'am. Para lang po yata sa inyo." Kumunot ang noo niya pero hindi na lang sumagot. So lucky me gano'n? Lakas maka-noodles. Nang makalabas ng grocery ay agad niyang ikinarga ang mga pinamili sa compartment. Pagsara niya ay napalingon nanaman siya sa paligid. Ramdam nanaman kasi niya na tila may nagmamasid sa kaniya. Wala ng mga sasakyan sa parking lot maliban sa kotse niya at isang heavily tinted na sasakyan na itim. Bumuntong-hininga siya bago mabilis na umibis sa kotse niya at pinaharurot ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD