Chapter 7

1206 Words
Kinaumagahan ay mga nagkakagulong staff at nurse sa ospital ang naabutan niya. Mga aligaga ang mga ito at hindi magkamayaw sa pagbubulungan. Lumapit siya sa information para magtanong ano ang nangyayari. "Ara, what is happening? Bakit nagkakagulo yata ang buong universe?" pabulong na tanong niya. Pati rin kasi ito ay aligaga. "Ay Doc, may bago raw ho kasing management. Iba na ho ang may-ari ng hospital," pabulong din ang sagot nito. Kumunot naman ang noo niya. "Ha? Agad-agad? As in?" hindi napigilan na sunod-sunod na tanong niya. "Moon!" Napalingon siya sa tumawag sa kaniya. "Calixto!" ganting tawag niya rito sabay mabilis na lumapit sa gawi nito. Humawak siya sa braso at inilapit ang mukha rito na ikinaatras naman ng lalaki. "Ano ba ginagawa mo moonlight?" nakakunot ang guwapong mukha nito sa ginawa niya. Pinisil niya ang braso nito. "Gagi, may ibubulong ako sa 'yo. Napaka mo, kala mo naman pagsasamantalahan ko ang beauty mo!" ngisi niyang turan. Binasa niya pa ang labi niya bago muling lumapit. Ang mukha naman ni Calix ay parang hindi malaman ang gagawin. "Anong sinasabi nila na bago na raw ang management ng hospital?" bulong niya. Pag-atras ng mukha niya ay nagtaka siya dahil namumula ang tainga nito pero hindi na lang niya pinansin. Naisip niya natural na ito sa lalaki dahil maputi ito. "H-hindi ko rin alam," nautal pa na sagot nito. "Halika na at ipinapatawag tayo sa conference. Baka dahil nga sa issue na iyan," wika nito sabay hatak sa kamay niya. Nagpatinaod naman siya. Lumingon muna siya sa paligid dahil tila may naramdaman siyang nakamasid sa kanila pero wala naman siyang nakitang kahina-hinala. Ang lahat ay abala sa kani-kaniyang bulungan dahil sa nakakagulat na pagbabago. "Why moon?" tanong ni Calix sa kaniya. Pinisil pa nito ang kamay niya na naka-abrisyete rito. "Wala naman. Hindi ko alam kung naging paranoid lang ba 'ko dahil pakiramdam ko lagi may nagmamasid sa akin." "Ayan na nga ba sinasabi ko kasi sa iyo eh. Bakit ba kasi ayaw mo pa lumipat doon sa condo na nakita ko?" tinanggihan kasi niya ang condo na inaalok nito. Nanghinayang kasi siya sa advance payment niya condo kung aalisan niya lang. Non-refundable pa naman iyon. "Shhh! Ang lakas ng boses mo! Makasigaw ka naman parang ang layo ko sa 'yo," pabulong na angil niya rito sabay takip ng kamay sa bibig nito. Hinawakan naman nito ang kamay niya at pinalis sa bibig nito. "Eh ang tigas kasi ng ulo mong Moonlight ka! Mas matigas ka pa sa adobe!" Susuntukin niya pa sana ito pero nakarating na pala sila sa conference at hinatak na siya nito sa loob. Nakita niya ang pagtinginan at mapanudyong mga mata ng iba pang kasamahan nilang doktor at head nurses ng pumasok sila sa loob dahil magkahawak ang kamay nila. Agad naman silang bumitaw sa isa't isa ng mapagtanto nila iyon. Napangiwi siya, oo nga pala hindi alam ng buong madla ang maitim na lihim ng maputing espasol pero guwapo na si Calixto Romano! Napapangiti siya sa naiisip niya. Pero agad din na sumeryoso ng pumasok na sa conference ang dating may-ari ng hospital. Tila malungkot ang awra nito. Naging napakabuting chairman ni Chairman Del Mundo at masasabi nila na maayos ang pagpapatakbo nito ng ospital. Kaya naman ang biglaang pagiiba ng may-ari nito ay sadyang nakakagulat at nakakalungkot. "Good day everyone! It is with regret to inform that I will no longer be the Chairman of the board of SJ Medical Hospital," panimula nito na nagsimula ng mahinang bulong-bulongan sa loob ng conference. "I am hoping na kung paano kayo naging matapat at masisipag na mga empleyado sa ilalim ng pamumuno ko ay gano'n din ang ipakita ninyo sa bagong magiging director ng ospital. Kung nagtataka kayo bakit biglaan ang pagbaba ko sa puwesto, ito ay sa kadahilanan na ako ay may malubhang sakit. Gusto ko na lang enjoyin ang mga natitirang oras ko sa mundo at makipaglaro sa mga apo ko," ngumiti ito sa huling salitang tinuran. Marami ang napasinghap at naluha sa narinig nilang sinambit ni Chairman Del Mundo. "Maraming salamat sa inyong lahat. At ngayon ay gusto kong ipakilala sa inyo ang bagong Director ng SJ Medical Center, si Mr. Demir Ylmaz Henris." Kasalukuyan siyang pumapalakpak kasabay ng iba pang mga doktor at head nurses pero bigla iyong nabitin sa ere ng makita ang itsura ng bagong direktor nila. Ang inaasahan nila ay ang kaedad ni Chairman Del Mundo na may puti ng buhok at may edad na pero hindi. Napaawang ang labi niya ng mamukhaan ito. Sh*tanginez! Ang lalaking hinalikan ko sa parking! Dinig niya ang mga impit na tili at pagkilig ng mga kababaihan sa loob ng conference. Habang siya naman ay malapot na pinagpapawisan. 'Patay ako nito kapag namukhaan ako' napapikit siya ng mariin. Pero napamulat din ng maramdaman ang paghawak ni Calix sa balikat niya. "Moon, bakit?" inilapit pa nito ang bibig sa may tainga niya para marinig niya. Sasagot sana siya pero narinig nila ang malakas na pagtikhim ni Mr. Henris kung kaya't napalingon siya sa harapan kung saan ito nakatayo. Napalunok siya at parang sinakal ang pakiramdam niya ng makita niyang direktang nakatitig ito sa kaniya. 'Oh my gulay na pampahaba ng buhay! Nakilala niya kaya ako???' Agad siyang nagbaba ng tingin at kinagat ang labi paloob ng bibig. "Hello Ladies and Gents, thank you for the warm welcome," panimula nito. Napapikit siya. Tila kinikiliti ang tainga niya ng baritonong boses nito. "I won't make this long because I know that our patients need our service. I Just would like to point out that there will be a little changes on some parts but rest-assured that these changes will be for the better of the hospital." Nagpalakpakan ang lahat pero siya ay nanatiling nakayuko pero pumapalakpak pa rin naman. Bigla siyang nagmulat ng may maalala na tila kaparehas ng boses nito. Pero hindi niya matukoy. "And one last thing, my niece was admitted here at the hospital too. And she personally requested to retain the Doctor in charge to her." Umangat ang ulo niya. Ayon nanaman ang mga mata nitong parang laging nilulunod siya. Sinundot siya sa braso ng katabi niyang Doctor na si Doc Mendez. "Ikaw ang attending physician ni patient Henris 'di ba?" wika nito. Tumango siya rito. "Director, Dr. Villaverde is the one in charge of your niece. Here oh!" wika pa nito sabay turo pababa sa ulo niya. Napairap siya sa hangin. Sarap lang din talaga manapak minsan ng bida-bida eh! "Yes, I Know. Dr. Villaverde, I'd like to talk to you personally in my office about my niece," wika ng lalaki. Hindi niya alam pero kahit nagsasalita lang naman ito sa kaswal at seryosong paraan pero pakiramdam niya ay parang sinesentensiyahan na siya. Ang paraan ng pagtitig nito ay parang nagpapasikip ng hininga niya. "Noted, Director," nakahinga siya ng nagawa niyang hindi mautal sa pagsagot. Pero muli siyang napatda ng muli itong magsalita. "Now, Dr. Villaverde," madiin at puno iyon ng awtoridad. Lumunok siya at sinalubong ang tingin nito. "That's all, thank you everyone," turan nito sabay lakad palabas ng conference at tila hinihintay ang pagtayo niya at pagsabay rito papunta sa opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD