Nilingon niya si Calix sa tabi niya at ngumiti rito bago tumayo na para sumunod sa bago nilang direktor.
Hindi niya alam kung bakit ang bilis ng kabog ng dibdib niya lalo na kapag tinitignan siya nito o nagtatama ang paningin nila. Para itong may hipnotismo na hinihigop ang kaluluwa niya maramdaman pa lang niya ang presensiya nito.
Napatigil siya sa paghakbang. Parang may dumaan na alaala sa kaniya na tila nagpapaalala rito pero hindi niya matukoy. Pamilyar ang mga mata nito, hindi lang siya sigurado saan pa niya iyon nakita.
Nakasalikop ang mga kamay niya sa harapan habang sumusunod sa likod ng lalaki. Nakapamulsa ito habang tila modelo na humahakbang. Mahahaba kasi ang mga binti nito at maganda ang tabas ng katawan. Mukhang alaga sa workout na mababakas sa malaman na mga braso nito.
Mukhang masyado siyang naging okupado ng iniisip at hindi namalayan na huminto na ito. Muntik na siyang bumunggo sa likod nito mabuti na lang at agad siyang napahinto.
Binuksan nito ang opisina ngunit tila nagulat siya ng imbes na mauna ito pumasok ay nagmuwestra ito na pumasok siya habang hawak nito ang seradura ng pinto. "After you," sambit nito.
Hmmm.. A gentleman?
Nag-atubili man ay hinila niya ang mga paa para humakbang. Nang makapasok siya ay narinig niya ang pagsara ng pinto at ang pag click ng lock. Awtomatiko siyang lumingon rito at blangkong ekspresyon naman ang nakita niya.
Malamig ang temperatura ng opisina nito pero pakiramdam niya ay pinagpapawisan siya sa mainit na titig nito sa kaniya.
"Ahm, bakit po ninyo ako ipinatawag, Director?" pukaw niya para basagin ang tensiyon na namumuo sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay sinasakal siya ng presensiya nito.
Lumakad ito papunta sa lamesa ngunit hindi gaya ng inaasahan niya na uupo ito sa swivel chair. Bagkus ay umupo ito sa harapan ng office table nito at namulsa. "Have a seat, Dr. Valderrama," nagmuwestra pa ang kamay nito na itinuturo ang silya na nasa gilid nito.
Lumunok siya. Masyadong malapit ang silya na iyon sa lalaki. Kung uupo siya panigurado ay mauuntog ng tuhod niya ang binti nito.
"Mahaba ho ba ang sasabihin ninyo? I can manage standing here while you are discussing your concern, Director." Matapang niyang tinitigan ang mga mata nito.
Tumaas ang sulok ng labi nito. Hindi niya maintindihan but she felt like this man is dangerous.
Hinimas nito ang baba habang ang isang braso ay nakahalukipkip. "I am personally assigning you as the private doctor of my niece. You will focus on overseeing her condition. And you are not allowed to handle other patients aside from her," wika nito na ikinaawang ng labi niya.
She scoffed. Kumuyom ang mga kamao niya. The nerve of this f*cking man!
Sa dami ng nangangailangan ng doktor sa araw-araw mababawasan pa para lang sa kung anong trip nito? G*go!
Nag-aapoy ang mga mata niya na tinitigan ito. "Excuse me, Mr. Henris. I can be the private doctor of Emira but you don't have a single f*cking right to dictate me not to see other patients because that is my job!" Kita niya ang saglit na pagdaan ng gulat sa mga mata nito dahil sa talas ng dila niya pero agad din napalis at muling bumalik ang mapanganib na tingin nito.
Kumurap siya ng tumayo ito mula sa pagkakasandal sa lamesa at muling isinuksok ang mga kamay sa loob ng bulsa at marahan na humahakbang palapit sa kaniya.
Pinilit niyang patatagin ang pagkakatayo at huwag magpakita ng anumang takot dito. Taas ang noo na nakipagtagisan siya ng tingin rito.
"Hmm, you can't stand not seeing other patients or it is because you will lose a chance on flirting with other doctors and patients?"
Her mouth opened in disbelief sa kung anong pinagsasabi nito. "And who the f*cking h*ll do you think you are to say that to me?" gigil niya pang dinuro ito pero nanatili lang ang blangkong ekspresyon nitong nakatingin sa kaniya. Wala siyang pakialam kung ito pa ang direktor ng ospital ng pinagtatrabahuhan niya.
Humakbang itong muli palapit sa kaniya kung kaya't humakbang naman siya paatras. "I can say whatever I want especially if that is the truth."
Naningkit ang mga mata niya. "The truth? Hah! You're godd*mn impossible, Mr. Henris!"
"Do you always kiss random guys, Gayle?" tanong nito habang patuloy sila sa tila pagsasayaw na wala namang musika. Na habang humahakbang palapit ang lalaki ay siya namang atras niya. Hanggang sa marating ng likod niya ang malamig na pader ng opisina nito. Sh*t!
Napalunok pa siya dahil sa paraan ng pagtawag nito sa pangalan niya. Walang tumatawag sa second name niya kung hindi ang Daddy at Uncle niya lang! The nerve of this man!
Itinaas niya ang mukha at matapang na sinalubong ang madilim nitong mga mata. Matalim itong nakatingin sa kaniya na kung nakamamatay lang iyon ay malamang kanina pa siya bumulagta.
"Why would I tell you? And please stop calling me on my first name. That's unprofessional." Ipinagkrus niya ang mga kamay sa dibdib para magkaroon ng katiting na pagitan sa kanilang dalawa. Isang dangkal na lang ang layo nito at hindi pa rin napupuknat ang mga mata. Sumagi na rin sa ilong niya ang nakakaakit na amoy ng pabango nito. Hindi siya mahilig sa perfume dahil sensitive ang ilong niya at mabilis sumakit ang ulo sa malalakas na amoy ng pabango, but the one this man is wearing is super soothing to her nostrils.
"Answer me, Gayle. Do you always kiss random guys just to get away from them after flirting?"
Pinapatid talaga ng lalaking ito ang pisi ng pasensiya niya. Kumuyom ang mga kamao niya, at bago niya pa napag-isipan ay umigkas na ang kamay niya at sinampal ito.
"The nerve of you to accuse me without any basis! You don't f*cking know me! And for your stupid question about kissing random men, I won't tell you. But one thing is for sure, yours is the worst!" sigaw niya sa mukha nito.
Kagyat siyang sinipa ng kaba sa nakita pangangalit ng ngipin nito at pag-igting ng panga.
Mabilis siya nitong idiniin sa pader at bago pa siya makahuma ay sakop na nito ang labi niya at siniil ng maalab na halik.