Dalawang linggo makalipas ang insidente na nangyari sa loob ng opisina ni Mr. Henris ay pinilit umiwas ni Moon dito. Kahit ang reports ng progress ng condition ni Emira ay sa nurse niya ipinapabigay. Ilang beses din siya nito ipinapatawag sa opisina nito pero lagi siyang nagtatago at nagdadahilan.
Inaamin niya na nagalit talaga siya sa walang batayan na akusasyon nito na nakiki-flirt siya sa mga pasyente at doktor at basta na lang nanghahalik ng kahit na sino.
Ang kapal ng mukha! Gano'n ba tingin niya sa akin?! Muli nanaman bumangon ang inis niya ng maalala iyon.
Isa pang dahilan ng pagiwas at pagtatago niya rito ay ang ginawa niya sa lalaki matapos siyang biglang halikan nito.
Nang makakuha kasi ng pagkakataon ay tinuhod niya ito sa pagitan ng hita nito. At dahil nasaktan ang lalaki at hindi pa nakarekober ay hindi ito naging handa sa sumunod na ginawa niya. Hinatak niya ang kamay nito at ibinalibag, bumagsak ito pahiga sa malamig na sahig ng opisina nito sabay mabilis niyang tinungo ang pinto habang namimilipit ito.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at mabilis ng naglakad papunta sa doctor's quarter ng mapukaw ang atensyon niya ng mga lalaking nakaitim na tinatahak ang pinakadulong pasilyo.
Napakunot ang noo niya dahil matagal ng abandonado ang parte ng hospital na iyon dahil kinukumpuni raw. Pero halos taon na iyon at hanggang ngayon ay nakasarado pa iyon at walang sinoman ang nakakapasok.
Maingat siyang sumunod sa mga ito. Iba ang pakiramdam niya, hindi niya mawari pero buhay na buhay ang kuryosidad niya.
Huminto ang mga ito sa isang metal na pinto na may nakapaskil na DO NOT ENTER. Luminga ang mga ito kaya mabilis siyang nagkubli sa may gilid ng pader sa pasilyo.
Ilang segundo pa ay narinig niya ang tila pagbukas ng pinto ngunit hindi niya makita dahil nakakubli siya. Nang tila tumahimik muli ang pasilyo ay nagpasya siyang lumabas at tignan ito.
Wala na ang mga lalaking mga nakaitim. Marahil ay doon ang mga ito pumasok. Maingat ang lakad na lumapit siya sa nakapinid na metal na pinto at pinagmasdan ito. Saradong-sarado at wala ka maaaninag o masisilip man lang ano ang mayroon sa loob.
Inilapat niya ang mga kamay sa pinto. Sinuri niya ang automatic lock nito. Parang RFID lock o baka password lock. Kinalikot niya ito at pinindot.
"Excuse me, this area is off limits to hospital staffs," halos mapatalon siya ng biglang may magsalita sa likuran niya.
"Ayyy palakang guwapo!" wala sa loob na nasambit niya.
Isang lalaking nakaitim din, nakashades ito at may nakalagay na tila earphone na may cord sa tainga nito.
Infairness ah, yummy si koya! Mukha rin itong hindi purong pinoy. Mamula-mula ang balat nito at maganda ang katawan. Mukhang naka lifetime membership ng gym. Ang ilong nito ay prominente na pinaresan ng manipis at mapulang labi. Hindi niya makita ang mga mata nito na nakatago sa shades.
"Miss? Please stop checking me out and leave this area now," pukaw nito ng hindi pa rin siya tumitinag at nakatitig lang siya rito habang nakahawak sa dibdib niya.
Taray! Englisero!
"Ahm, I'm sorry. But may I know what's behind that metal door? I saw men wearing the same suit with you that entered that door," wika niya sabay turo sa pinto.
Nakita niya ang pagtuwid ng tayo nito sabay lagay ng kamay sa loob ng suot na pants. Mas lalo siyang nanliit nang mapagtanto na ang tangkad din pala nito. "That is a restricted area. Don't come on this part of the hospital again. Please be warned," mahinahon na sambit nito pero may hagod ng lamig at pagbabanta.
"What's with the commotion, Rouq?" isang pamilyar na baritonong boses ang nagpasinghap sa kaniya ng marinig ito mula sa likod niya. Lumingon siya at nakumpirma ang hinala niya.
Ang talipandas na direktor nila. Si Mr. Henris! Jusko naman... Sa dinami-rami ba naman ng puwedeng makaengkwentro iyon pa talagang iniiwasan mong makita!
Tila panandalian din itong nagulat ng makilala siya pero kagyat din napalitan ng blangkong ekspresyon.
"I saw her sneaking in on this restricted area. But she's been warned so do not worry," sagot ng tinawag ni Demir na Rouq. Tumingin ito sa kaniya na tila sinasabi na umalis na siya. "I'll escort her out."
Umakma ang lalaki na hahawakan siya sa braso pero naiwan ito sa ere ng marinig na nagsalita si Demir.
"Dr. Villaverde," malamig na sambit nito sa pangalan niya na naghatid ng kilabot sa kaniya.
"You know her, Ylmaz?" baling ng lalaki sa direktor. Base sa paraan ng pagkausap nito kay Mr. Henris ay tila mataas din ang posisyon nito dahil first name lang ang tawag nito dito.
Napalunok siya ng humakbang ito palapit sa kaniya at hindi napuputol ang paninitig na tila ginagalugad ang buo niyang pagkatao.
Huminto ito ng mapatapat sa tinawag nitong Rouq bago mahinang sinambit ang katagang, "Tigress."
Nang marinig ang sinambit ni Demir ay nanlaki ang mga mata ng lalaking kausap nito at umawang ang labi na may naglalarong sinusupil na ngiti.
"F*cking h*ll! Siya 'yon?" hindi makapaniwala ang tono nito sabay alis ng shades at bumaling sa kaniya habang tila nagsasayaw sa amusement ang mga mata. Ang kaninang malamig pa sa bangkay na personalidad nito ay tila nasapian ng clown sa perya na halos mapunit na ang labi sa pagngiti.
Napataas ang kilay niya. Nagtatagalog naman pala ang p*nyeta pinahirapan pa siya mag-english kanina! Y*wa!
Napailing siya. "Ewan ko sa inyong dalawa. Lakas n'yo maka- OP, wala ko maintindihan sa pinagsasabi n'yo!" wika niya sabay tatalikod na sana.
"Gayl," banggit sa pangalan niya. Napahinto siya ngunit hindi lumingon sa gawi ng mga ito. Napapikit siya ng mariin dahil tila kakaiba ang hagod ng pangalan niya sa labi ng talipandas na ito.
"Go ahead, Rouq. I'll escort her out," wika ni Demir. Hindi naman mawala ang mapanudyong ngiti sa labi ng lalaking kausap.
"Yeah sure. Ingat ka, baka maibalibag ka nanaman. Hindi na kita maipagtatanggol sa pang-aasar ni Azha," bulong nito na sinundan pa ng tapik sa balikat kay Demir na mabilis naman na pinalis nito.
"Just get the h*ll out of here, F*cker!" mahinang angil nito kay Rouq.
"Oh by the way, nice to finally meet you, Tigress. I'm Rouq, Demir's right hand. Mukhang mas magugulo mundo mo kapag na-meet ka pa ni Azha," lumapit ito at inilahad ang kamay sa kaniya na nakataas ang labi pero maagap naman na hinatak siya palayo ni Demir.
"Just shut the f*ck up, *sshole! Get the hell out of here bago pa magdilim ang paningin ko at gripuhan kita sa tagiliran!" mapanganib na ang tono ng boses nito. Itinago pa siya ni Demir sa likod nito.
Itinaas naman nito ang dalawang kamay na tila sumusuko pero hindi napapalis ang ngisi." Okay! Okay! I'll take my leave now. See you around, Tigress!" Kumiling pa ito para silipin siya sa likod at muling hinarap si Demir. "Itago mo 'yan kay Azha, kung ayaw mong hindi tantanan no'n."
Pagkawika nito ay mabilis ng tumalikod at siya naman ay hatak na ni Demir sa kamay. Hindi niya naiintindihan ang pinaguusapan ng mga ito. Sino si Azha? Bakit Tigress ang tawag ng mga ito sa kanya? Ano ang mayroon sa likod ng metal na pinto na iyon?
Natagpuan niya ang sarili sa loob ng opisina ni Demir. "You have a lot of explaining to do, Gayl. From the incident two weeks ago, to playing hide and seek with me and now sneaking in on restricted area. Just make sure acceptable ang reasons mo kung ayaw mong maparusahan."
Napalunok siya. Parang kinikilabutan siya sa pagbabanta nito. Pero pinanatili niya ang matapang na ekspresyon. Hindi siya papasindak dito.
"Sit here," utos nito sa kaniya at tinapik ang sofa na kinauupuan nito.
Humakbang siya at tumalima. Umupo siya sa sofa pero doon siya umupo sa dulo na malayo rito.
"Not there, Gayl. Here," malamig na wika nito sabay tapik sa tabi nito.
Ano bang trip ng lalaking to?
Tumayo siya at akmang uupo na sa tabi nito ng bigla siyang hapitin nito palapit. Papikit siyang napakandong sa hita nito. Mabilis sana siyang tatayo ngunit kinulong na ng dalawang hita nito ang mga binti niya sa pagitan ng hita nito.
"Mr. Henris," pabulong na banggit niya sa pangalan nito. Pakiramdam niya ay tila nangangatog ang hita niya at halos lalabas na ang puso niya sa lakas ng t***k nito.
"This is much better. Now talk, baby. Before I lose my temper," anas nito na ipinatong pa ang baba sa balikat niya at mahigpit na hinapit ang beywang niya.