Chapter 10

1136 Words
Mabilis si Moon na napatayo mula sa kandungan ni Demir ng makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa pinto ng opisina nito. Dinig niya pa ang marahas na buntong-hininga ng lalaki. "What?" sigaw nito sa taong kumakatok at padabog na sumandal sa sofa habang siya ay nanatiling nakatayo. Pumaling ang tingin nito sa kanya. "Sit down, Gayl," utos nito sa kanya. "Director, Maestro Hermoso called. Very urgent matter," sambit ng tao sa likod ng pinto. Ewan ba niya bakit hindi na lang ito pumasok. "Gayl, huwag mo hintayin na hilahin pa kita paupo dito sa tabi ko," mababa ang tono pero may hatid na pagbabanta ang salita nito na ikinalunok niya. Labag man sa kalooban ay sumunod na lang siya at muling umupo sa sofa. Sinikap na dumistansiya rito. "Get in, Kyle," sagot ni Demir sa kausap na nasa labas ng opisina. Napaikot ang mata niya sa hangin dahil sa wakas ay naisipan na nito na papasukin ang kausap. Ilang sandali lang ay iniluwa ng pinto ang lalaking naka-suit and tie na may hawak na cellphone at ipad sa magkabilang kamay. Bahagya pa itong nag-alangan ng makita siya sa loob bukod sa boss nito. "It's okay, Kyle. What did maestro told you? Ano iyong urgent matter?" "There's a suspected malaria outbreak at Sitio Mirao. Kailangan nila ng mga medical doctor volunteers. Halos lahat na ng mga residente sa baryo ay tinatamaan ng sakit. Maestro Hermoso is asking if we could send experts to check on them." Umahon mula sa sofa si Demir at ipinasok sa bulsa ng pantalon nito ang mga kamay. "Call Maestro, tell him we're flying this afternoon." Tumango si Kyle at nagpaalam na bago lumabas habang abala na pumipindot sa hawak na telepono. Ito marahil ang sekretarya ni Mr. Henris. Nilingon niya si Demir na kasalukuyan na rin na nasa tainga ang telepono at may tinatawagan. Nagpasya na siyang tumayo at balak na lumabas na dahil nasasayang lang ang oras niya kakatunganga roon ngunit maagap na tumaas ang isang kamay ni Demir at nagmuwestra na bumalik siya sa upuan. Nakasimangot na bumalik siya sa pagkakaupo at yumuko habang hinihilot ang sintido. Parang nananakit ang mga ugat niya sa ulo sa inis sa pagiging bossy ng Mr. Henris na ito. "Rouq, alert the squad. We're flying to mirao," sambit ni Demir sa kausap sa telepono. "Yes, prepare your men this afternoon. We're using the chopper." "Tigress." Napaangat siya ng ulo ng marinig ang huling sinambit nito sa kausap. Pakiramdam kasi niya ay siya ang binanggit nito na tigress dahil iyon din ang sinabi niya kanina ng kausap nila ang Rouq na tinawag nito. O baka assuming lang siya? Nagtama ang paningin nilang dalawa at sakto na ibinaba na nito ang tawag. Agad siyang tumayo para magpaalam. "Director, I have to go. I need to check on your niece." Sinipat niya pa ang relo niya para mas epektib. Gustong gusto na niya makaalis at makalayo rito dahil parang nakakasakal ang presensiya ng lalaki. "Pack your medical kits, Moon. You're coming with me at Sitio Mirao for the medical mission. We're leaving in 2 hours," wika nito bago naglakad patungo sa pinto at binuksan iyon para kanya. Habang siya ay tila pinoproseso pa ang sinabi nito. Ilang segundo siyang hindi nakapag-react. "Ako po? P-pero... W-wala akong dalang extrang damit. Masyadong maiksi ang two hours. I need to go back to my condo - - -," hindi niya natapos ang sasabihin dahil pinutol na siya ng lalaki. "We have no time, Gayl. This is an emergency. So if I were you, I'd better be moving my a*s now to prepare the kits," maawtoridad na utos nito. Napakuyom ang mga kamao niya pero hindi na siya nagsalita. Baka masapak niya pa ang hudyo na ito na akala mo nagorder lang sa fastfood ng burger meal kung makapagutos sa kanya. Walang salita siya na lumabas na ng opisina nito. Sinilip muna niya ang kalagayan ni Emira. Ibibilin na lang muna niya ito kay Calix habang wala siya. Nagbigay na rin siya ng instruction sa personal nurse nito ng mga dapat gawin. Mabilis siyang nag-ayos ng mga gamit na dadalhin sa medical mission at isinalansan ang mga ito sa gilid. "Dr. Villaverde," napalingon siya ng marinig ang pangalan niya. Dalawang lalaking naka-suit na itim na kapwa may suot na earpiece. "Bakit?" "Aalis na raw po tayo. Ipinapasundo na po kayo ni Director," sambit ng isang lalaki bago kinuha ang mga gamit na inempake niya. Parang gusto niya magmura ng isandaang beses sa inis sa anak ng tipaklong na 'yon. Ang sabi dalawang oras, eh halos isang oras pa lang ang nakakalipas. Nakakagigil! Umirap siya sa dalawang lalaki bago padabog na hinablot ang backpack niya at isinukbit iyon. Dinukot niya ang cellphone sa lab coat at dinial ang numero ni Calix. Hindi pa siya nakakapagpaalam dito at hindi pa naibilin si Emira. Ring lang ng ring ito. Baka may pasyente pa. Tinext niya na lang ito at muling ibinalik ang cellphone sa labcoat. Pagdating sa rooftop ng hospital ay naghihintay na roon ang chopper. Napaisip tuloy siya kung gaano ba kalayo ang sitio marao na iyon. Hindi siya sigurado kung gaano sila katagal doon, ni wala man lang siyang dalang extrang damit. Sa naisip ay muling nagpuyos ang loob niya. Grrrr! Kainis! Nasa loob na ng chopper si Demir. Hinawakan siya ng isang lalaki sa braso para alalayan dahil malakas ang hampas ng hangin mula sa elisi pero bigla itong napatigil sa kalagitnaan na ipinagtaka niya. Doon niya natagpuan ang matiim na titig ni Demir na akala mo mabangis na leon na gusto manunggab. Bumaba ito ng chopper at sinalubong siya. Inilahad nito ang kamay sa kanya, ang lalaking umakay naman sa kanya ay bigla na lang nawala sa tabi niya. Sinimangutan niya ito at inirapan, hindi niya inabot ang kamay nito at nilagpasan lang hanggang sa makasampa siya sa loob ng chopper. Nang makaupo na ay napasinghap siya dahil inilapit nito ang mukha sa kanya. "Let's see how far your stubbornness can go, Tigress," bulong nito sa kanya bago maramdaman ang pag-angat nila sa ere. Sinamaan niya ito ng tingin. Nakangisi ito pero mapanganib ang tingin. Pero hindi siya magpapasindak. Aba! Lalaban ako! Hindi ako pinalaki ng sexbomb para lang bumawi. Charot! Napansin niya na bukod sa piloto ay dalawa lang sila sa loob ng chopper. "Nasaan ang ibang volunteers? Dalawa lang talaga tayo magchecheck doon sa sitio marao? Tsaka saan ba iyon? Parang ngayon ko lang narinig ang lugar na iyon," sunod-sunod na usisa niya. Nakita niya ang pag-angat ng labi nito. "You have so many questions, baby. Just reserve your energy today, because for sure mapapalaban tayo mamaya." Humapit ang isang braso nito sa beywang niya sabay kindat. Napalunok siya. Marumi lang ba talaga ang isip niya? Dahil iba ang dating ng huling sinabi nito sa kanya. Yawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD