Totoong kalunos-lunos ang sinapit ng mga residente ng buong sitio. Hindi niya napigilan ang manggilalas sa nakita.
Maraming mga matanda ang nakahiga na sa sahig ng bulwagan at hinahabol ang hinga habang puno ng pantal ang buong katawan. May mga kababaihan din na nasa isang sulok at kapit ang kanilang mga anak na kapwa namumula rin sa pantal.
Lumingon siya sa kabilang dako ng bulwagan at may mga nagiiyakan naman na mga bata at sanggol na inaapoy rin ng lagnat.
Mariin siyang pumikit bago mabilis na ibinaba ang backpack na nakasukbit sa kanyang likod at inilabas ang mga medical kits.
Umangat ang paningin niya mula sa pagkakaluhod ng maramdaman ang pagtabi ni Demir sa kanya. Nang lingunin niya ito ay napatda siya ng biglang lumapat ang labi nito sa labi niya. Mabilis lang iyon at agad din na tumayo at pinisil ang pisngi niya.
"Let's get it on, baby. This will going to be a long day!" sambit pa nito bago nagumpisa na ring magasikaso ng mga pasyente.
Nakuha pa talagang lumandi sa ganitong sitwasyon??? Ibaahh din!
May isang bodyguard ito na nagabot ng tila medical kit nito at mabilis na inilabas ang stethoscope mula roon at isinabit sa leeg.
P*nyeta! Nagsabit lang ng stethoscope pero bakit ang hot? Whew!
Kumilos na siya at inuna ang isang matandang lalaki na nahihirapan na huminga. "Tay, kaya ho ba ninyong umupo?" tanong niya rito. Tumingin ito sa kanya pero tila hindi na nito kaya magsalita dahil hinahabol nito ang hinga. Sinipat niya ang pantal nito, masyadong makapal iyon. Nakaangat sa balat.
"What the hell is this?" mahinang usal niya. Mainit din ang balat nito idagdag pa na inaapoy ito ng lagnat.
"Tay, nasaan ho ang kamag-anak ninyo? May itatanong lang ho ako," nakita niya ang pag-angat ng kamay ng matanda at itinuro ang isang batang dalagita. Wala itong pantal at tila maayos ang kalusugan nito. Pero puno ang mga mata nito ng takot at pag-aalala.
Nakatingin ito sa amin kung kaya't kinawayan ko ito na mabilis naman tumalima at lumapit.
"Ano'ng pangalan mo?" masuyong tanong niya habang lumuluhod ito sa tabi niya. Kita niya ang tila panginginig ng kamay nito.
Nakaramdam siya ng awa sa bata dahil alam niyang she's being traumatized sa nakikita nito kaya sinubukan niyang pakalmahin ito.
"Eyang po. K-kamusta po ang lolo ko? O-okay lang po ba siya? Hi-hindi naman po siya mamamatay hindi po ba?" kita niya ang panginginig ng labi nito sa huling tinuran at ang pagyugyog ng balikat nito.
Ngumiti siya rito. "Huwag ka na umiyak, Eyang. Gagaling ang Lolo mo. Okay?"
Tumango ito sa kanya at tinignan ang Lolo nito. "Eyang, may allergy ba ang lolo mo sa kahit na anong gamot? May bawal ba siyang kainin na kapag kinain niya ay sumasama ang pakiramdam niya?"
Tila nag-isip ito bago umiling. "Wala naman po, Doc."
Ngumiti siyang muli rito. Medyo nagiging kalmado na ito. Agad siyang bumunot ng syringe sa kit niya at kinargahan ng anti-histamine ang hiringilya. Susubukan niya kung tatalab ito. Tuturukan niya rin ito ng paracetamol pampababa ng lagnat.
Napabaling siya sa bata na mataman na nakatingin sa kilos niya. Kita niya rin na hindi ito takot sa injection at karayom. "Gusto mo ba maging doctor?" tanong niya rito habang minamasahe ang bahagi ng braso ng Lolo nito na tuturukan niya.
"Pangarap ko po maging doktor," tugon nito. Humawak ito sa kamay ng Lolo nito bago muling nagsalita. "Para ako na po ang gagamot sa Lolo ko at matulungan ko rin po ang buong sitio namin. Bihira po kasi na may magawi na Doktor na katulad po ninyo dito sa amin," yumuko ito at tila pinahid ang mga mata. Sa tantiya niya ay nasa labing-isa hanggang labing tatlo ang edad nito. Pero mukhang matured ito magisip.
Nakaramdam siya ng lungkot sa tinuran nito. Tunay nga naman na malayo sa kabihasnan ang isla na ito. Kung kaya't ang kakulangan sa tulong pang medikal ay talaga namang kapos ang mga ito.
"Ang Lola ko po at mga magulang ay nawala sa amin dahil hindi po sila natignan ng doktor ni minsan. Na-natatakot po ako na mawala rin ang Lolo ko gaya nila. Wa-wala na po akong ibang pamilya," doon niya nakita ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata nito. Napalunok siya dahil tila nagbara ang lalamunan niya at pilit niyang pinipigil ang magpakita ng awa para rito dahil alam niyang hindi iyon makakatulong sa bata.
Ginulo niya ang buhok nito. "Gagaling ang Lolo mo, Eyang. Hindi natin siya pababayaan." Ngumiti ito at walang babala siyang niyakap.
"Salamat po, Doc. Ayoko po mamatay ang Lolo ko. Pagalingin n'yo po siya!" ang higpit ng yakap nito. Hinaplos niya ang likod nito habang pinipigilan ang mapaiyak.
"Tahan na. Gagaling siya," pag-alo niya rito. Kumalas siya ng yakap at tinitigan ito. Inilabas niya ang panyo sa bulsa at inabot dito para ipunas sa mga luha nito. "Alagaan mo siya habang binibigyan ko ng gamot ang iba pa. Okay ba iyon?"
Tumango naman ito bago siya muling kumilos at ginamot ang iba pa.
Matapos ang walang humpay na pagbibigay lunas nila sa mga residente ay nahulog naman siya sa pag-iisip kung ano ang pinagmulan ng mga naging karamdaman ng mga ito.
Lahat sila ay iisa ang sintomas. Mataas na lagnat, pamamantal ng balat at hirap sa paghinga. Pero isa lang ang sigurado siya. Hindi iyon malaria.
Kasalukuyan niyang hinihilot ang balikat at batok niya na nangalay sa buong araw na paggamot sa mga residente. Mabuti na lang at tumalab sa mga ito ang anti-histamine at paracetamol na ibinigay nila. Pero kailangan pa nila obserbahan kung tuluyan ng gagaling ang mga ito o panandalian na pagtalab lang ng gamot.
"Tired?" napukaw ang malalim na pag-iisip niya sa baritonong boses na iyon. Tumabi ito sa batong inuupuan niya habang nasa harap ng bonfire na ginawa nila maestro. Malamig ang simoy ng hangin doon at nakakatulong ang paglalagay ng apoy para maibsan kahit papano ang ginaw ng paligid.
Napalunok siya at medyo nainis dahil sa haba ng oras na iginugol nila sa paglalapat ng lunas sa mga tao ay tila ni walang bakas ng haggardness ang impakto. Nakatupi ang puting long-sleeves nito hanggang siko at nakabukas ang ilang mga butones kaya kumakaway ang mamasel nitong dibdib na bahagyang mabalahibo. Shutz!
Napakurap siya ng tumikhim ito. "Huwag mo 'ko pagpantasyahan. Hindi ko ito ibibigay agad sa iyo," saad nito na nagpasingkit ng mga mata niya.
"Kapal mo naman!"
Mahina itong tumawa kasabay ng pag-akbay nito sa kanya na mabilis niyang pinalis. Tumayo siya at lumayo rito.
Tumayo rin ito habang pilyong nakangiti at umiiling.
"I'll go get some food. Stay here, baby," tila balewala na wika nito. Parang hindi rin ito napagod. Hyper yarn?
Mabilis itong nawala sa paningin niya kung kaya't muli siyang bumalik sa pagmumuni-muni. Sa sobrang lalim ng pag-iisip niya sa pinanggalingan ng sakit ay hindi niya napansin ang nakausling ugat ng puno kung kaya't natalisod siya.
Nanlaki ang mga mata niya ng makitang ang kababagsakan niya ay sa mismong umaapoy na bonfire. P*nyeta! Napapikit siya at hinintay niya ang pagbagsak dahil hindi na siya makapihit.
Ngunit bago pa man siya tuluyang lapain ng apoy ay mayroong malalaking mga kamay ang humatak at humapit sa kanya.
"Are you okay?" tanong nito. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata para sinuhin ang nagligtas sa kanya.
Ang guwapong kanang kamay ni Demir!
Akma na siyang kakalas sa pagkakahapit nito ng marinig ang dumadagundong na boses ni Demir.
"What the hell, Rouq?!"