"I said stop it, Mr. Henris!" sigaw niya ng hindi pa rin nito bitiwan ang pagkakahawak sa kuwelyo ng kanang kamay nito na tinawag na Rouq.
Nag-iigting ang panga nito at bumabakat ang ugat sa mga braso nito sa higpit ng pagkakahawak sa lalaki. Ang mga mata nito ay nanlilisik sa galit.
Nilingon siya nito at binigyan ng nagbabantang tingin. "Ano? Bibitiwan mo ba iyang lalaking iyan o bibitiwan mo?" angil niya ng hindi pa rin ito tuminag. Ni hindi siya kakikitaan ng takot para sa Demir Henris na kaharap niya. No way!
Si Rouq naman ay dagling napatawa ng mahina sa litanya niya. Binitiwan ito ni Demir kaya't sumalampak ito sa lupa.
Pinunasan ni Rouq ang labi na dumugo sa suntok ni Demir. "Easily tamed by the tigress huh?" pang-aasar ng lalaki na may ngisi sa labi habang nakatingala kay Demir.
Marahas na bumuntong-hininga si Demir at tumalikod. Mabilis itong lumapit sa kanya at hinatak na siya palayo. Habang madilim pa rin ang anyo nito at ramdam niya ang higpit ng hawak nito sa kamay niya.
"Kung bakit kasi hindi ka nag-iingat? Alam mo naman wala ako sa tabi mo?" wika nito sa kanya. Nagulat siya na parang ang lumalabas ay sinisisi pa siya nito.
Hinatak niya ang kamay niya mula rito kaya sabay sila napatigil. "Bakit parang kasalanan ko?" sambit niya with feelings. Char!
He chuckled. Isinuklay nito ang daliri sa kamay. Halata sa mukha nito ang inis pero ang hindi niya maintindihan ay kung para saan at para kanino ito naiinis.
"Dapat pala ay isinama na lang kita kanina sa pagkuha ng pagkain, kung alam ko lang na ganyan ka ka-clumsy!"
Tinaasan niya ito ng kilay. "OA lang, Mr. Henris?"
"Will you please stop calling me Mr. Henris?" inis na angil nito sa kanya habang hindi maipinta ang mukha.
"I can't do that. You are still my boss and I need to respect you," pagtanggi niya.
Humalukipkip ito at diretsang nakatitig sa mukha niya. "I don't want you to respect me."
Napaawang ang labi niya. Ang labo talaga ng hudyo na 'to! "Siraulo ka ba? Pinagsasabi mo?" angil niya rito habang ang mga kamay ay nasa beywang niya. Naiinis na talaga siya.
Humakbang ito palapit kaya napaatras siya. Ang mga labi nito nito ay bahagyang nakataas pero hindi niya mabasa ang ekspresyon nito.
Danger. Iyon ang tila ipinapahiwatig nito.
"Mr. Henris!" may babala sa boses niya. Kumakabog na rin ang dibdib niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Iba talaga ang dating sa kanya ng presensiya nito.
"Last warning, Gayle. Or you'll be punished," halos pabulong na banta nito. Pakiramdam niya ay naghatid iyon ng kilabot at tila kuryente na tumulay papunta sa sikmura niya. Napalingon siya sa likod at mahinang napamura. Wala na siyang aatrasan kung hindi ang matayog na puno ng balete. Nakaharang ang mga ugat nito sa magkabilang gilid niya kung kaya't hindi rin siya makakatakbo mula kay Demir.
Demir took a step forward, kaya tuluyan siya nasiksik sa matayog at malaking katawan ng puno. "Mr. D-Demir," nautal pa siya dahil hindi sanay na tawagin ito sa pangalan.
He smirked. Napasandal na siya ng tuluyang inangat nito ang braso at inilapat sa puno kung kaya't nakulong siya sa pagitan ng mga ito. Ang hininga nito ay pumapaypay na sa mukha niya tila naghehele sa kanya. Mabango ang amoy nito.
"What did you just call me, hmm?"
Lumunok siya. Tila natutuyo ang lalamunan niya sa posisyon nila at sa paraan ng pagtitig nito. Idagdag pa ang tila paanas na paraan ng pagsasalita nito.
Kasabay ng pagkabog ng dibdib niya ay ang pagkataranta. Tila nawala sa sistema ang galing sa self-defense. Kung tutuusin marami siyang combinations na maaring gawin para mapatumba ito pero tila siya naparalisa sa pagkakadikit sa katawan nito.
"Mr. Henri---uhmpp!" nilamon ang kung ano man na sasabihin niya sa mabilis na pagsakop ng mapangahas na labi nito sa kanya. Tila siya natulos sa kinatatayuan habang nananalakay ang labi nito.
Lalo siyang tila papanawan ng ulirat ng maging mabagal at masuyo ang paggalaw ng labi nito. Tila siya iniimbitahan na tumugon dito. "Move your lips, Tigress," pabulong na anas nito habang nakalapat pa rin ang labi sa kanya.
Napakapit siya sa matigas na mga braso nito ng mas lalo siyang idiin sa sinasandalan. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa pisngi niya habang ang isa naman ay nakahapit sa beywang niya.
Nalilito siya sa kakaibang pakiramdam na inihahatid ng halik nito. Tila siya walang lakas para tumanggi at kusa siyang nagpapatinaod dito.
Muling masuyong lumapat ang labi ni Demir at sinunod niya ang paggalaw nito. Ramdam niya ang pagngiti nito habang sinusubukan niyang igalaw ang mga labi. "That's it, Baby. You're a fast learner."
Pakiramdam niya ay nag-init ang pisngi niya sa ibinulong nito. Na-conscious siya. Pero muli siyang nilamon ng sensasyon ng mas lumalim pa ang halik nito. Ramdam na niya ang tila pamamanhid ng labi niya sa pananalasa nito.
"Doc! Nariyan po ba kayo?" tila siya binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa kahibangan ng marinig ang pagtawag na iyon. Boses ni Eyang 'yon.
Itinulak niya si Demir pero tila hindi nito alintana ang pagtawag na iyon.
"Doc?" tila nanggagaling ang boses ng bata sa likod ng puno kung nasaan sila.
Iniwas niya ang labi kay Demir para naman matauhan ito. "M-may tao," sambit niya ng makita ang pagkunot ng noo nito sa pag-iwas niya. Marahan niya rin itong itinutulak pero tila wala iyong epekto dahil ni hindi man lang ito natitinag.
"Let her. Aalis din 'yan," bulong nito at akmang muling hahalik pero mabilis niyang naiharang ang mga palad sa bibig nito. Wala siyang choice, mukhang kailangan na niyang gumamit ng ipinagbabawal na teknik bago pa man siya tuluyang tangayin ng karupukan. Bahagya niyang inangat ang tuhod at sinentro sa kahinaan nito na nasa pagitan ng hita.
"Ouch! Damn!" napahiyaw ito.
"S-Sorry! May tumatawag nga kasi, hindi ka nakikinig," paliwanag niya. Namumula ang tainga nito. Mukha talagang nasaktan sa ginawa niya.
"Doc Moon!" sabay silang napalingon ni Demir ng tawagin ang pangalan niya ng bata.
"Eyang! Bakit?"
"Si Lolo po kasi, inaapoy nanaman ng lagnat," nanginginig ang labi nito at tila naiiyak nanaman.
"Sige, puntahan natin," sagot niya bago kumilos para lampasan sana si Demir pero hinawakan nito ang braso niya at mahinang nagsalita.
"You'll pay, Baby. You'll pay."