Chapter 1

1212 Words
"One Cafe Americano for Moon!" ang pagtawag na iyon sa pangalan niya ang nagpa-angat ng mukha niya mula sa pagkakasubsob sa pagbabasa ng libro about human anatomy. Kasalukuyan syang nagre-review para sa paparating na physician board exam. Sa ikatlong pagkakataon ay susubok siya na makamit ang lisensya na pinangako niya sa kanyang namayapang ama at sa uncle niya na siyang tumatayong guardian niya at isa ding doktor. Mabilis akong tumayo at palakad na papunta sa counter para kunin ang order ko nang mapukaw ang atensyon nang lahat ng nasa cafeteria nang pumasok ang isang grupo ng mga kalalakihan. Mga naka-suit ang mga ito at naka-shades kahit wala namang araw. Pero mas agaw pansin ang nangunguna sa kanila dahil sa taglay nitong tikas, idagdag pa na tila poste ito sa tangkad at talaga naman tila gising na gising ito nang naghasik ang langit ng kakisigan at sinalo nito. Mukhang bodyguards nya ang mga nakabuntot sa kanya dahil iba din ang suit na suot nya kumpara sa mga kasama nito na lata nalang ang kulang ay pwede nang tumugtog sa may bangketa. Nagpatuloy na sya sa paglakad ng i-overtake sya ng isang lalaki na naka-suit at shades. Mas lalo nanlaki ang mata nya ng dinampot nito ang kape na order nya. "Excuse me, Mister? But that coffee is mine" mababa ang tono ko dahil ayoko gumawa ng eksena. Ngumisi ito at tumingin sakin "Miss, order ng boss ko ito" sagot nito na nagpakulo na ng dugo ko. Kumuyom ang kamao ko habang pilit kong kinakalma ang sarili ko Humalukipkip ako at nginisihan din sya. Nag-uumpisa na din sila makaagaw ng atensyon. Nilingon ko ang leader ng mga ito na prenteng nakaupo sa dulong table na may binabasang kung ano at tila walang pakialam sa kaabnormalan ng mga tao nya. O baka ito mismo ang nag-utos sa tauhan nito na mang-agaw nalang ng kape ng may kape? Walang modong poste na to! "Ah talaga? So anong kape ba yang hawak mo ngayon?" nakataas ang kilay at sulok ng labi nya. Kung andito ang uncle nya ay nakikinita na nya ang magiging reaksyon nito. Malamang ay iiling iling nanaman ito. "K-kape! Basta kape. Pare-parehas lang naman yun, Miss" nabulol pa ito sa pagsagot. Gusto nyang matawa sa pagkalito nito. Walang sabi-sabi na tumalikod na ito at naglakad papunta sa amo nito na mabilis ko naman sinundan. Hindi ako basta-basta papayag na argabyaduhin. Ako si Moon Gayle Villaverde and no one messes with me! Chanting my mantra silently. Ilang dipa nalang ang layo nang lalaking nanguha ng kape nya sa lalaking poste na amo nya ng tapikin nya ito sa balikat. Nang pumaling ito paharap sa kanya ay mabilis nyang inagaw ang kape na hawak nito. "Ano ba?! Ang kulit mong babae ka ah!" angil sa akin nito. Napukaw na din ang atensyon ng lalaking poste dahil nag-angat na ito ng tingin pero nananatiling blangko ang ekspresyon ng mukha. Akmang lalapit ang lalaking nanguha ng kape sa akin kaya mabilis nyang tinanggal ang takip ng cup na hawak nya at sinaboy sa mukha nito. Ngunit dahil malakas ang pagkakasaboy nya dahil with feelings yung pagsaboy nya ay tinamaan din ng kape ang lalaking poste. Kita ko ang pagpikit ng mga mata nito ng mariin pero muling napabaling ang tingin ko sa lalaking sinabuyan dahil pasugod na ito sa akin. Mabilis akong naghanda at binigyan ito ng isang roundhouse kick. Sumadsad ito pabagsak sa sahig. Tumayo na din ang ibang mga tauhan nito pero nakita ko ang pagtaas ng kamay ng lalaking poste na nagpapigil sa mga ito. Dahil sa pagmamasid ko ay hindi ko namalayan na nakatayo na pala ang lalaking sinipa ko at hawak na nito ang isang silya at akmang ihahampas na sa sakin. Kumilos ako ngunit may mga kamay na tila bakal ang humatak sakin. Napasubsob ako sa dibdib nito at narinig ko ang dumadagundong na boses nito. "That's enough!" tila ito isang kidlat na anumang oras ay bubulagta ka at manginginig sa takot. Puno ng awtoridad, malamig at nakakakilabot. Panandalian akong nawala sa huwisyo ng maamoy ko ang mamahalin nitong pabango na humalo sa amoy ng balat nya. Tila sya idinuduyan sa kung saan. Dagli din syang napadilat ng maramdaman ang braso nito na inilalayo na ang katawan sa kanya. Dun sya tila natauhan. s**t! What the hell, Moon Gayl! Kita nya na pinasadahan sya ng tingin ng lalaking poste mula ulo hanggang paa pabalik paakyat sa mukha nya. Tila nag-init ang pakiramdam nya ng tumagal ang titig nito sa labi nya. Naconcious sya bigla. Nakasuot lamang sya ng hoodie jacket na katerno ng ripped jeans nya at ng puti nyang sneakers. Ang kanyang salamin na may makapal na lenses dahil sa labo ng mata nya at hindi sya sanay mag-contact lens dahil madaling sumakit ang mga mata nya lalo pag matagal syang nakababad sa pagbabasa. Tinaasan nya ito ng kilay at pinameywangan habang ang isang kamay ay dumuduro-duro sa mukha nito "Hoy lalaking poste! Next time turuan mo ng good manners yang mga tauhan mo ha! At huwag mangunguha ng kape ng may kape!" kita ko ang nanunuot nitong pagtitig na parang gusto ako kainin ng buhay. Napalunok ako ng tila sumagot ang walanghiyang isip ko 'mukhang masarap naman magpakain pag nagkataon'. Goodness! Tinaasan lamang sya ng sulok ng labi nito pero ramdam nya ang tila mala-yelo nitong pagkatao. Mainit naman ang katawan nito kanina pero ang personalidad nito feeling ko mahihiya ang freezer sa pagka-cold nito. Inirapan ko ito bago tumalikod at padabog na bumalik sya sa table nya at sinamsam ang mga gamit bago naglakad na palabas ng cafeteria. Bago makalabas ng pinto ay nasa daanan pa ang lalaki na nakalagay sa beywang ang isang kamay habang pinupunasan ang sarili dahil sa pagkakabasa ng kape. Tila binabasa din nito ang pangalan na nakasulat sa cup na pinaglagyan ng kape nya kanina na nasa ibabaw na ng table nakapatong. Nakahubad na ang coat nito at nakarolyo na ang longsleeves hanggang siko. Kitang-kita na ang matipuno nitong muscles na bakat sa puting long sleeves nito. Yummy sana kundi lang walang modo! Sa gigil nya ay umarangkada nanaman ang kalokohan nya. Dire-diretso sya naglakad, nang mapatapat sa lalaki ay buong lakas nyang inapakan ang paa nito. "Oops! Sorry!" sambit nya na halatang hindi sinsero ang pagkakasabi habang sinusupil ang sarili na mapabulanghit ng tawa. "F*ck!" mahinang mura nito. Infairness, ang gwapo pa din nito at poise na poise. Akmang maglalakad na sya palabas ng cafeteria ng bigla lang mapabalik dahil sa marahas na paghatak nito sa braso nya. Hindi sya handa dito kaya ramdam nya na magpapasa talaga iyon maya-maya lang. Lalo pa syang nangilabot ng tuluyan syang mapalapit dito at bumaba ang mukha sa gilid ng tenga nya. Dinig nya ang pagtatangis ng ngipin nito. "I'll let you slide now, woman. But don't you ever dare do that again or else I'm gonna make sure you'll regret it." nangilabot sya sa hagod ng mga salita nito. Pero halos pangatogan na sya ng tuhod sa pahabol na winika nito. "Paparusahan kita sa paraan na hindi mo kailanman makakalimutan. Ikaw na lang ang mamimili kung anong klaseng parusa ang gusto mo".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD