Chapter 4

1264 Words
After 2 long years.... "Doc! Tulungan ho ninyo ang alaga ko, parang awa n'yo na!" Napalingon si Moon sa pinagmumulan ng pagsusumamo na iyon. Galing siya sa lunchbreak kahit alas kuwatro na ng hapon. Sobrang busy naman kasi talaga ng ER kapag doon ka na-assign. Nakita niya ang isang matandang babae na nasa entrance ng ER habang nakahawak sa stretcher na may nakaratay na isang batang babae, sa palagay niya ay nasa pito o walong taon ito. Maputla ang mukha at walang malay. Inilapag niya ang hawak na tumbler sa nurse's station at sinalubong ang papasok na stretcher na kinalalagyan ng bata. Agad niyang dinukot ang stethoscope na nasa bulsa ng lab coat niya. "I'm Dr. Villaverde, ano nangyari sa bata?" tanong niya sa medic na may dala rito. Ngunit ang matandang babae ang sumagot. "Doc, naglalaro lang ho siya sa garden. Iniwan ko lang sandali para kumuha ng pamunas sa likod niya pero pagbalik ko ay wala na siyang malay na nakahandusay sa lupa. Sakitin ho talaga ang batang iyan simula ng ipinanganak siya," mahabang paliwanag ng matanda sa kaniya. Sabay nila nilingon ang bata ng gumalaw ito. "Nasaan ho ang parents ng bata?" tanong niya habang pinapakinggan ang t***k ng puso nito sa stethoscope niya. Mahina ang pulso nito at tila may kakaiba sa heartbeat. Tila may lungkot na lumukob sa matanda sa tinanong niya. "Wa-wala na ho ang magulang niya. Ang tiyuhin naman niya na tumatayong guardian niya ay bihira na rin itong dalawin." Tinitigan niya ang mukha ng bata, maamo ang mukha nito, matangos ang ilong at malalantik ang mahabang pilikmata. Nakaramdam siya ng awa rito pero bilang isang doktor ay kailangan niya palisin iyon. Binalingan niya ang matanda. "Manang, ako na ho muna ang bahala sa bata. Huwag na ho kayo mag-alala," nginitian niya ito at tinapik sa balikat. Tumango at tumalima naman ito bago isinara ang kurtina at sinimulan na i-assess ang kondisyon nito. Binuklat niya ang medical chart nito. "Emira Aiyla," mahinang sambit niya sa pangalan nito. Napangiti siya, ang ganda ng pangalan nito. Umangat ang tingin niya ng pumasok ang isang nurse. "Nurse Liz, pakipagawa ng lahat ng lab test na irerequest ko for the patient. This needs to be done ASAP," pagbibigay instruksiyon niya rito. "Yes po, Doc," tumango ito at inabot ang medical chart ng bata kung saan niya inilagay lahat ng lab request nito kasabay ng mga meds na ibibigay rito. Nasa doctor's lounge siya at kasalukuyan na pinag-aaralan ang mga medical charts ng mga hawak niyang pasyente. Binuklat niya ang lab result ng batang isinugod kanina. Bumuntong-hininga siya ng mabasa ito. "She has tetralogy of fallot, a congenital disease," sambit niya habang hinihilot ng isang daliri ang sintindo niya. "Hey Moonlight!" Napaangat siya ng tingin sa tumawag na iyon sa pangalan niya. Ngumiti siya sabay irap dito. "Tapos na rounds mo, Doc Calixto Romano?" wika niya sa nang-aasar na tono. Pumalatak ito. "Alam na alam mo talaga kung paano ako bubuwisitin na Moonlight ka ano?" Tumawa siya. "Serves you right! Nang-iistorbo ka sa pagbabasa ko ng med charts ng mga pasyente ko." Calix became her closest friend sa hospital simula ng madestino siya rito. Noong una naguwapuhan talaga siya rito, sino ba naman ang hindi? Chinito ito, maputi na parang ang linis at ang bango tignan kahit tagaktak na ang pawis sa operating room, matangkad at matalino. Perfect example of an Oppa ng isang kdrama, ganern! Isa ito sa pinakamagagaling na Doktor sa SJ Medical Hospital at crush ng lahat ng mga nurses and patients. Na-issue pa nga sila na mag-jowa before, pero ang hindi nila alam... paminta ito. Napabalik siya sa ulirat ng makarinig ng tila sigawan sa may information area ng ospital. Malapit lang kasi ito sa doctor's lounge. "What is that?" tanong niya kay Calix. "Aba! Ma at Pa! Parehas tayong nandito 'no? Pa'no ko malalaman?" may kasabay pang irap sa tinuran nito. Hinampas niya ito sa braso bago tumayo at pumunta sa information area. Naabutan niya ang dalawang lalaki na nakaitim, nasa harap ang mga ito ng desk ni Ara na naka-assign sa information area. Ang dalawang lalaki ay nakatalikod sa kaniya habang kita naman niya ang takot sa mukha ni Ara. Pinagmasdan niya ang mga nakaitim, kita niya na armado ang mga ito. Tumiim ang labi niya bago humakbang palapit sa mga ito. Pero muli siyang napabalik ng hilahin ni Calix. "Hoy! Saan ka pupunta? Huwag ka na makialam doon at may gwardiya naman. Mapahamak ka pa riyan!" sermon nito sa kaniya ng pabulong. Piniksi niya ang kamay. "He's armed, Calixto. I don't want them to get hurt. Besides, kayang-kaya ko iyan. Ako pa ba?" He chuckled. Ayaw pa rin nito bitiwan ang kamay niya. "Ano feeling mo, si darna ka?" "Hindi. Si Super Moon," nginisihan niya ito sabay malakas na pumiksi sa kamay nito. Wala na ito nagawa ng makahulagpos siya at humakbang palapit sa dalawang lalaki. "Excuse me, ano ang problema rito?" tanong niya habang nakatingin kay Ara. "Uhm Doc, nagpupumilit po kasi sila na ilabas ang pasyente na kakapasok lang kanina. Ang sabi ko po ay kailangan muna po ng go signal galing sa attending physician para mailabas nila," paliwanag nito na hindi maitago ang panginginig ng boses. "Sino'ng pasyente iyon?" "Emira Aiyla Henris po, Doc," sagot nito. "Sige na Ara ako na ang bahala rito," sinenyasan niya ito na bumalik na sa trabaho at hinarap ang dalawang maangas na lalaki. "I'm Dr. Villaverde, attending physician of patient Henris. Hindi ko pa siya mabibigyan ng clearance dahil may mga lab test result pa akong...," nabitin ang sasabihin niya ng makita niya na bumunot ng baril ang isa. Pinaglapat niya ang kaniyang labi. "Wala kaming pakialam. Ilalabas na namin ang young miss!" malakas na sambit nito. Nakapukaw na ito ng atensyon ng ibang pasyente at tao sa hospital. Paepal talaga masyado ang dalawang maangas na 'to. Nangangati ang kamay ko! Relax, Moon! Tandaan mo, pinaghirapan mo ng matagal na panahon ang lisensya mo! Paalala niya sa sarili. Tumaas ang kilay niya kasabay ng pag-angat ng sulok ng labi niya. Pwede naman niya palabasin na self-defense. Pagsuporta naman ng kabilang side ng isip niya. Nakita niya na iniangat ng lalaki ang baril at umakma na itututok sa kaniya, pero mabilis ang naging kilos niya at nahawakan ang kamay nito at pinilipit patalikod sabay diin dito sa pader. Naagaw niya ang baril at itinutok sa ulo nito. Nilingon niya ang kasama nito na bubunot din ng baril kaya mabilis niyang nasipa ang kamay nito at tumalsik ang baril. Sumipa siyang muli at sapul ito sa pagitan ng hita nito, napaluhod ito sapo ang pagitan ng hita. Bumaling siya sa lalaking nakapilipit ang kamay sabay palo ng baril sa batok nito sabay bitaw. Humandusay ito sa malamig na tiles ng ospital. "Pagsisisihan mo ito, humanda ka kay Boss!" nanghihina na sambit ng lalaking nakasapo sa happiness nito. Nilingon niya ito. "Sabihin ninyo sa Boss ninyong inurungan yata ng dragon balls, kung talagang may pakialam siya sa batang gusto ninyong ilabas magpakita siya at personal na alamin ang kalagayan nito! Hindi 'yong kung sino-sinong mahihinang goons ang ipapadala rito sa ospital para manggulo! Naiintindihan ninyo?" malakas niyang sigaw sa mga ito. Gigil na gigil ang itsura niya na halos maglabasan ang litid niya sa leeg. Ang mga tao sa ospital ay mga nakatulala lang sa kaniya. Ika-ika na tumayo ang dalawang pangit na goons. Sa inis niya ay hinabol niya pa ng sipa ang isa sa mga ito. "Ang papangit ninyo!" sigaw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD