Chapter 3

1185 Words
Kita niya ang pag-angat ng sulok ng labi ng lalaki nang magtama ang mga mata nila. Tila may hipnotismo ang mga mata nito na may hatid na kilabot. Saan ko ba siya nakita? Pamilyar talaga ang mukha nito. Tanong niya sa sarili at pilit hinahanap sa kasulok-sulokan ng memorya kung saan niya ito nakita. "Moon, palitan na lang natin ang target board. Pasensiya ka na kay Mr. Henris," bulong ni Jarred sa kaniya. Nginitian naman niya ito at tinapik ang balikat na ikinaigtad nito. Marahil ay nagulat sa pagtapik niya. Namula rin ang tainga nito kasabay ng pagbasa ng labi. Napalingon siyang muli sa kabilang range para lang madismaya na wala na ang lalaking may mga matang kulay abo at tanging mga tauhan na lang nito ang naroon. Muli niyang itinuon ang atensyon sa target at nagsimulang umasinta. Napasarap siya sa pagbababad sa firing range at hindi namalayan ang oras na madilim na pala. Medyo malayo-layo pa naman ang kailangan niya i-drive papunta sa uncle niya. "Holy molly! Bakit nga ba hindi ko napansin ang oras!" bulalas niya habang tinatapik ang sariling noo. Sinilip niya ang cellphone niya at nakasampu na missed call na ang uncle niya. Agad niyang idinial ang numero nito pero hindi na sinasagot kaya nagtext na lang siya na papunta na siya." Hala, lagot na 'ko nito," maktol niya sabay hampas sa manibela. Naalala niya rin na wala pala siya nabili na bilin nito na lansones. Mas lalo siyang malalagot rito. Pihado puro sermon ang aabutin niya. Aruyyy! Mabilis siyang nag-drop by sa pinakamalapit na palengke at naghanap ng lansones. Nagmamadali siya dahil halos pasara na ang mga ito. "Sh*t!" mabibilis at malalaki ang mga hakbang niya. Tinumbok ang isang fruit stand na naglalagay na ng harang dahil magsasara na. "Nay, baka pwede pa ho ako makabili ng lansones ninyo," wika niya sa matandang babae. "Ay sige ineng, ilang kilo ba?" Ngumiti siya at mabilis na pinahid ng kamay ang pawis na gumitil sa noo dahil sa pagmamadali. "Limang kilo ho, Nay." Mabilis na itinimbang ng matanda ang lansones at iniabot sa kaniya habang nakangiti at mataman na nakatingin sa kaniya. "Ikaw ba ay naglilihi, Ineng? Napakarami ng binili mong lansones ah? Siguro ay hindi pa alam sa inyo kaya ikaw ang bumibili," intriga ng matanda sa kaniya ng iabot niya ang bayad sabay kuha ng lansones. Binigyan niya ito ng pilit na ngiti bago muling nagsalita. "Nay, Marites ho ba ang pangalan ninyo?" imbes na sagutin ang tanong ng matanda ay tanong rin ang ibinalik niya rito. Kumunot naman ang noo nito. "Hindi, Ineng. Bakit?" "Ay wala ho. Akala ko ho Marites, may kapitbahay kasi kami na kamukha ninyo. Akala ko ho kayo. Sige po alis na 'ko salamat ho," Hindi na niya hinintay na makasagot ito at umalis na dahil baka kung ano pa ang masabi niya. Ngunit pag-ikot niya ay may mga kalalakihan na nagtatakbuhan at muntik pa siyang matumba ng mabangga ng isa sa mga ito. Nakita niya na nagmadali na ang matanda sa pagsara ng tindahan habang siya ay pinoproseso pa ang nangyayari at nagtataka. Ang alam kasi niya ay sa pelikula lang nangyayari ang mga ganitong eksena. Muli siyang napakurap ng may panibagong grupo ng mga kalalakihan na nagtatakbuhan papunta sa gawi niya. Napalunok siya ng makita na armado ang mga ito. Mabilis siyang umatras at isiniksik ang sarili sa gilid. Nang makalagpas ang mga ito ay tsaka naman siya mabilis na naglakad pabalik sa kotse. "Ano ba ang mayroon sa lugar na ito? Bakit parang ang gulo?" wika niya sa sarili ng makasakay sa kotse niya. Inilapag ang biniling lansones sa passenger's seat bago binuhay ang makina at muling nagmaneho. Nakatira ang uncle niya sa Bulacan. Medyo liblib ang napili nitong pagtayuan ng bahay kung kaya't kapag pinapapunta siya nito ay tinatamad talaga siya. Pero dahil minsan lang ito makalabas ng kampo bilang private doctor doon ay hindi naman niya ito mahindian. Kasalukuyan siyang taimtim na nagmamaneho ng biglang makarinig ng mga putok ng baril kaya agad siyang nagmenor at nagmasid sa paligid. "Anak ng letsugas! Mukhang may mga NPA yata rito ah?" mahinang sambit niya habang nakafocus sa pagmamaneho. Tumingin siya sa rearview mirror at nakita ang dalawang gumegewang na sasakyan. "Ano ba trip ng mga ito? Karerahan?" Muli ay umalingawngaw ang putok ng baril at nakita niya na nagovertake sa kaniya ang sasakyan na gumegewang bago sumalpok sa gutter. Bumukas ang hood ng itim na tinted na sasakyan at umusok. Napapreno siya dahil naalangan na ang sasakyan niya at maari rin siyang sumalpok rito. Ang isang sasakyan na kasabay nito ay lumampas na. Napakurap siya ng makitang bumukas ang pinto ng driver's seat at gumapang palabas ang isang matangkad na bulto hawak ang dibdib nito. Natamaan ito ng ilaw ng sasakyan niya kaya kita niya na halos maligo ito sa sarili nitong dugo. "Holy molly!" bulalas niya. Biglang umiral ang pagiging medicine graduate niya. Alam niyang kailangan niya itong tulungan. Umibis siya ng kotse at tinakbo ang lalaking nakaupo sa kalsada at nakasandal sa kotse nito. "Hey! Are you okay?" tanong niya. Niyugyog niya ito dahil tila malapit na itong mawalan ng malay sa dami ng dugo na nawala rito. "Mister, stay with me. Can you hear me?" Tinapik niya ng marahan ang pisngi nito. Dumilat ang mga mata at direktang nakatingin sa kaniya. Bahagya siyang natigilan dahil sa kulay abong mga mata nito na kahit nanghihina na ay puno pa rin ng awtoridad at puwersa. Ang lalaki sa firing range! Bulalas ng isip niya. Mabilis niyang diniinan ng kamay ang sugat nito sa may dibdib. Napalingon siya ng makarinig ng papalapit na sasakyan at nanlaki ang mga mata niya ng makita na nakaumang sa kanila ang isang mahabang baril mula sa sasakyan. "Sh*t! Sh*t! Sh*t!" mura niya. Nahagip ng mata niya ang hawak na baril ng lalaki at mabilis na dinampot at iniumang sa paparating na sasakyan at sunod-sunod na pinaputok gamit ang isang kamay lamang. Ang isang kamay niya ay nanatiling nakalapat sa dibdib nito na may tama ng baril. Gumewang ang sasakyan at sumalpok sa puno at derechong nahulog sa bangin at sumabog. "Who are you, Tigress?" napalingon siya sa lalaki ng magsalita ito. Ang mga mata nito ay tila nanunuot ang titig sa kaniya at ang boses nito ay kasing lalim ng balon at kasing lamig ng antarctica. Ngunit hindi na siya nakasagot ng makarinig muli ng mga paparating na sasakyan. Sinilip niya ang magazine ng baril, dalawang bala na lang. "Do you still have bullets?" Nanghihinang tumango ito at iniangat ang kamay sabay turo sa sasakyan. Agad siyang tumayo para maghagilap sa loob ng kotse nito. Agad naman niyang namataan ang tatlong magazine. Dinampot niya iyon at pinalitan ang magazine ng baril sabay kasa. Muli niyang dinaluhan ang lalaki at diniinan ang sugat habang ang mga mata niya ay malikot at nakikiramdam sa paligid. Napabalik ang tingin niya sa lalaki ng maramdaman ang palad nito na humawak sa kamay niya na nasa dibdib nito. "Tigress," sambit nito bago tuluyang nawalan ng ulirat at lumungayngay ang ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD