NAIWAN si Paulo habang sinusundan nito nang tingin si Carol habang iniisip kung paano ito makakausap.
" KAASAR BAKIT KASI PINASAMA PA NILA MA'AM AT SIR ANG BABAENG YON TSSST! KAILANGAN KO TULOY MAGLINIS HAIST! " Napalingon naman si Paulo sa driver sa sinabi nito, mahina ito pero tama na ang pandinig at lapit niya para marinig ito kaya mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng awa kay Carol.
" Ano ba talagang mayron at parang asar na asar sila kay Carol? " Pag-iisip nito, natigil nga lang ito ng tumabi rito si Anika.
" Paulo mula rito kabayo na ang sasakyan natin para makarating sa plantasyon hindi na kasi yon maabot ng kotse " paliwanag rito ni Anika " Marunong ka ba? " Tanong pa niya.
" Sa tingin ko first time kong sasakay hindi ko alam kung nakasakay na ako noong kompleto pa ang alaala ko "
" Kung ganon wala kang alaala? " Pagsingit bigla ni Ken sa pag-uusap ng dalawa, syempre nasa kanila ang tenga nito " YON SIGURO ANG DAHILAN BAKIT GUSTO SIYANG INGATAN NI LOLO O DAHILAN BAKIT NAGDONATE ANG PARENTS NIYA SA SCHOOL PARA MAPANGALAGAAN ITO TSK! YON PALA YON! " pagmamasid niya rito pero agad niya ring pinutol yon ng maalalang karibal niya ito mula sa babaeng gusto niya kaya bago pa siya makaramdam nang awa nawala yon agad.
" Tssst! Wala ka palang kuwentang kaibigan eh! " Pag-alis nito sa pagitan nang dalawa.
" Ken tumigil ka na nga " Ani Rohan.
" Sinasabi ko lang naman ang totoo, ikaw Stell, Josh, Justin, Rohan, Anika " Turo nito sa kanila pagkatapos lagpasan ng tingin si Carol " kayong lahat puwedi rin kayong mawala sa alaala niya kapag bumalik ang nawalang alaala niya! " Naaasar naman silang tumingin rito " Oo, may mga ganong kaso tsk! kahit esearch niyo pa! " Nalungkot naman ang lahat sa sinabi niya dahil may posibilidad kasi ang sinabi niya.
" TSK! EDI BIGYAN NIYO ULIT NG AMNESIA PARA BUMALIK ANG ALAALA NIYA TUNGKOL SAINYO! " nabura naman ang lungkot nila sa biglang sinabi ni Carol saka sinundan ng pagtawa pero si Paulo napatingin lang siya rito.
" Siya nga pala si Carol " pagngiti ni Paulo ng lihim " Kahit anong nararamdaman niya, yong ugali niya Ganon pa din " bulong pa niya.
" O sige tayo na nang makasakay na tayo ng kabayo " paglalakad ni Josh sumunod naman sila rito.
" At dahil dalawang tao lang sa isang kabayo at walo tayo at may ilang hindi marunong mangabayo kaya apat lang ang hiniram ko para dalawang tao sa isang kabayo at saka mas ligtas yon kung may kasama tayo " paliwanag ni Josh pagkatapus kumuha ng kabayo pagkwan sumakay na siya sa kabayo at dahil ayaw sumabay ni Anika kay Ken kaya agad itong sumakay sa kabayo ni Josh hindi rin kasi ito marunong.
" Sinong sasakay saamin ng kabayo ko? " Nakangiting tanong ni Justin, mabilis namang sumakay rito si Rohan.
" I have no choice kaya sayo na lang " Ani Rohan hindi kasi sila magkasundo nito " Dahil ayaw kong kay Ken sumakay alam kong ayaw niya ng maingay mamaya hulogin niya ako, si Paulo naman hindi marunong Ganon din si Stell, at si Carol? Kahit marunong siya kung sakali man hindi rin ako sasabay, tingnan nga lang siya nakakatakot na sumabay pa kaya? " madaldal nitong sabi.
" May punto ka kaya maswerte ka at nandito ako " pagyayabang nito kaya mabilis siyang napahawak sa kabayo ng takotin ito ni Rohan na hulogin.
" HOY PO! Wag kang nananakot " naiiyak nitong sabi kaya ganon na lang ang tawa nito pero natigilan sila ng sumakay si Ken sa kabayo.
" Gaya ni Josh isa lang ang puweding sumakay kasama ko sa kabayo kaya magdecide na kayo kung sino? " Napalingon naman si Paulo at Stell kay Carol.
" PAANO NGA BANG HINDI KO NAISIP NA HINDI PA RIN MARUNONG SI STELL, SA KANIYA SANA PUWEDING SUMABAY SI CAROL " pag-iisip ni Josh.
" ALAM KONG NAG-AAGAWAN KAYONG MAKASABAY AKO PERO AKO NA LANG ANG PIPILI KUNG SINO " Ganon naman ang pagpipigil ng tawa ni Justin at Rohan sa sinabi ni Ken habang si Stell asar na asar, ang yabang naman kasi.
" Kayong dalawa kapag hindi niyo ako tinigilan sasamain talaga kayo saakin! " Masamang lingon niya sa mga ito kaya tumigil na din sila.
" Well, ang pinipili ko ay si Stell! " turo niya rito " Una dahil mas kilala ko siya kaysa diyan sa dalawa at mukha siyang mabait, pangalawa hindi kami puwedi ni Paulo dahil baka mapatay ko siya! " Agad naman itong ngumiti kay Anika ng lumingon ito ng masama sa kaniya " at syempre pangatlo, lalong hindi puweding kami ni Carol dahil baka ang kabayo ang mapatay namin kapag nagkaganon! " Lingon nito kay Carol kaya ganon na naman ang pagpipigil ng tawa ni Jah at Rohan sa huli niyang sinabi, totoo kasing kung dalawa silang magsasama baka manghina ang kabayo kapag naramdaman niya kung anong klaseng mga tao ang nakasakay rito. Kaya naman sumakay na din si Stell pagkatapos ng mga sinabi nito.
" Kung ganon kukuha tayo ng isa pang kabayo at puweding maghatid sainyo " Ani Josh pero natahimik sila ng sumakay si Carol sa isang kabayo.
" Hu! Hu! " Pagpapaamo nito sa kabayo pagkatapus gumalaw.
" Kung ganon marunong naman pala siya, masyado tayong nag-alala " Ani Ken kaya sumakay na rin rito si Paulo.
" Marunong ka?! " Sabay sabay nilang tanong rito.
" Mahinang palo, lalakad ng maayos " dinig ni Paulong bulong nito saka pinalo ang kabayo at naglakad nga ito at dahil hindi naman siya mahilig sumagot ng tanong kaya hindi na sila umasang sasagot ito sa tanong nila at naniwala ang mga itong marunong talaga ito mangabayo.
" Kuya kailan pa siya natuto? " Tanong ni Anika habang tinitingnan nila ang dalawa.
" E diba ayaw niyang sumasakay ng ano mang bagay dahil madali siyang mahilo? " Tanong din ni Rohan.
" Baka natuto na? " Ani Jah.
" Pero imposible yon, ayaw niya ng ano mang bagay na puweding sakyan " Ani Stell pero si Josh inoobserbahan niya lang sina Carol at maayos namang naglalakad ang kabayo.
" Masyado kayong nag-aalala, si Carol Yan! Sus! kahit yang kabayo panigurado takot diyan! Takot lang niyang galitin yang kapatid niyo! " Ani Ken at malakas na pinalo ang kabayo dahilan para maiwan nila ang mga ito pagkatapos tumakbo nang mabilis ang kabayo nila ni Stell mayamaya sumunod naman rito sina Justin pero si Josh nasa likod lang siya nang dalawa habang pinag-aaralan kung marunong ba talaga si Carol.
" Carol mahirap ba magpatakbo ng kabayo? " Tanong rito ni Paulo pagkatapus maramdaman ang kakaibang kinikilos ni Carol.
" Hindi ko alam, siguro " pagpalo nito sa kabayo ng mahina " Sumusunod naman eh " kinabahan naman bigla si Paulo sa sinabi nito.
" Hindi mo naman siguro first time sumakay ng kabayo ng ikaw ang nangangasiwa? " Nag-aalala nitong tanong sa puweding maging sagot ni Carol.
" Ngayon lang ako sumakay ng kabayo! " Napahawak naman bigla ng mahigpit rito si Paulo.
" Kung ganon nagpapakamatay na naman tayo? " Paghawak niya pa ng mahigpit rito.
" Kung mamamatay tayo edi ganon siguro " mas kinabahan si Paulo sa sinabi nito " Hindi ko rin alam bakit ba gustong gusto mong sumasama saakin e napaka duwag mo naman, sus para kamatayan lang eh! "
" Kamatayan lang? HOY PO! MAY MGA PANGARAP PA AKO! " sigaw nito agad pero hindi naman yon marinig nila Anika hindi kasi sila ganon kalapit.
" Ano namang mga pangarap mo? Mabuhay habambuhay? Sus! Kung ngayon ang kamatayan mo kahit nasa loob ka ng kwarto mo mangyayari yon kaya di mo kailangan matakot! " Sabi pa nito kaya naramdaman ni Paulo muli ang malulungkot na hangin na bumabalot kay Carol.
" Bakit ba parang hindi mo binibigyan ng importansya ang buhay mo? " Naaasar niyang tanong rito " kaya siguro ganon ang tingin nila sayo dahil diyan sa mga kilos o pananalita mo " natahimik ito ng pahintuin ni Carol ang kabayo.
" Sinong sila? Tsk! puwedi ba wala kang pakialam sa buhay ko! " Pagpapalakad nitong muli sa kabayo " Ang buhay ko nakasulat na anong mangyayari at ikaw? Kapag bumalik ang alaala mo maglalaho din ako sa alaala mo kaya kung naaawa ka saakin puwes! tumigil ka dahil magsisisi ka! " Banta nito at pakiramdam ni Paulo napakalalim ng mga sinabi nito.
" Naniniwala ka sa kapalaran pero bakit naniniwala ka din sa sinabi ni Ken na mawawala ang alaala ko tungkol sainyo kapag bumalik nang buo ang alaala ko? at saka kung sinasabi mong magsisisi ako kapag pinakialaman pa kita? Sus! matagal na pero kapag nagtagal masasanay ka rin, dapat kasi nakinig ako sayo nong unang babala mong huwag akong maging mabait sayo kaya lang wala eh pinanganak talaga ako para maging mabait At hindi ko yon maiwasan " Masaya nitong sabi kahit nakakaramdam siya ng takot sa puweding maramdaman ni Carol sa pagdaldal niya.
" At nilikha naman ako para sayo para bumalik ang alaala mo " Hindi naman napigilang matawa ni Paulo ng bumalik ang kahanginan nito at tuloyang naalis ang pinaplano niyang paglayo rito.
" Tsssst! Kung ganon kailangan ko na naman ba magpasalamat? " Tanong nito.
" Bilisan mo na! " Utos nito kaya mas natawa si Paulo parang nakalimotan na nga nitong hindi marunong mangabayo itong sinamahan niya at nakikita naman ng dalawang magkapatid ang mga tawa ni Paulo kaya agad silang nilagpasan ni Josh.
" Kuya okay ka lang? " Nagtatakang tanong rito ni Anika pagkatapos niyang pabilisin ang takbo ng kabayo.
" Ayaw mo ng eksenang yon diba? " Mahigpit namang humawak ni Anika sa bewang nito dahil sa sinabi niya.
" Iniwan nila tayo " naaasar na pagtingin ni Carol sa kabayo nilang akala mo sumasali sa pageant sa bagal nitong maglakad.
" Baklang kabayo siguro ang nakuha natin, Ang bagal eh " pagmamasid niya rito.
" Nga pala Carol, yo-yong kahapon___ " napahawak si Paulo ng mahigpit rito pagkatapos niyang paloin ng malakas ang kabayo dahilan kaya bigla itong tumakbo.
" HUWAG MO NANG ITULOY ANG SASABIHIN MO MAIINIS LANG AKO! TSK! WALA AKONG PAKIALAM KUNG NGAYON MO GUSTONG MAGSORRY PERO KAILANGAN MONG MAGKAROON NG PAKI SA GUSTO KO! AT ANG GUSTO KO HUWAG MO NANG BABANGGITIN ANG BAGAY NA YON!!! TOTAL PINALIPAS MO NA EH! KAYA MANAHIMIK KANA LANG! " Tumango naman si Paulo bilang pagsang-ayon.
" Sige, basta hindi kana galit doon ah at wala kang gagawin? " alanganin nitong sabi takot lang niyang hulogin siya nito.
" Wala! Pero dahil sa sinabi mo mag-iisip ako! "
" Sige, total may kasalanan naman ako kahit aksidente lang yon " at tuloyang napayakap rito ni Paulo ng paloin nito ng malakas ang kabayo.
" AKSIDENTE!!! SINABING TUMAHIMIK KANA! " Pagpalo pa nito sa kabayo sa asar.
" Oo pasensya na pe-pero Carol ang bilis na natin at hindi ka marunong diba? " Kinakabahan nitong tanong.
" Pinapainit mo ang ulo ko eh! " Naaasar pa nitong sabi, kaya tumahimik na lang siya baka kasi mas maasar Ito kung dadaldal pa siya kaya lang ilang segundo nang lumipas pero subrang bilis pa rin nang takbo nila.
" Ca-carol Hindi naman siguro tayo nagpapakamatay talaga diba? " Natatakot nitong tanong.
" Malalaman natin yan kapag nakaalis tayong buhay sa likod ng kabayo " pagpapatakbo pa nito ng mabilis.
" Te-teka kung nagagalit ka sa sinabi ko tungkol sa kahapon puweding kumalma ka na? Sa totoo niyan nag-aalala ako sayo, sa puwedi mong maramdaman, at saka hindi naman ako nakatulog kung paano hihingi sayo ng sorry kaya sana huwag ka ng magalit at patigilin mo na itong kabayo mamaya mahulog tayo " Ani Paulo pero pinalo na naman nito muli ang kabayo
" Sinabi ko ng kalimotan mo na yon! At saka Hindi ko mapatigil ang kabayo ilang beses ko na ngang pinalo pero ayaw niyang sumunod " nag-aalala na rin nitong sabi " mas bumibilis siya " dugtong pa nito " pero sa tingin ko okay na rin ito dahil pakiramdam ko tumatakbo din ako kaya hindi ako mahihilo " Ani Carol kaya walang magawa si Paulo kundi sumunod rito.
" ANG ALAM KO BABALIK PA ANG ALAALA KO BAGO AKO MAMATAY " hawak niya ng mahigpit rito " AT SAKA SI CAROL ITO KAYA MAGIGING OKAY DIN ANG LAHAT? " alanganin niyang tingin rito.
" Hindi diyan ang daan! " Sigaw nito sa kabayo, sa ibang direksyon kasi ito dumaan " Makinig ka saakin! " Sigaw pa nito pero ayaw sumunod ng kabayo.
" Hayop yan kaya hindi talaga yan susunod " Ani Paulo habang takot na takot.
" Wala akong paki kung hayop o tao siya! Basta ang gusto ko huminto na siya dahil kung hindi mamamatay tayong tatlo! " Sigaw nito.
" Ba-bakit? Hindi, Alam ko nananakot ka na naman " pagpapakalma nito sa sarili niya.
" Sa unahan natin may maliit na bangin diyan at sa dami ng d**o hindi yon mapapansin ng kabayong ito " Hindi malaman ni Paulo pero pakiramdam niya biglang humangin ng malakas pagkatapos ng sinabi nito.
" Ito na naman ang ganitong pakiramdam " natatakot nitong sabi pagkatapos maisip ang mararamdaman nitong kalungkotan sa tuwing nangyayari sa kaniya ang ganitong bagay.
" Baliw ka ba?!! " Paghawak ni Carol sa kamay nito pagkatapus niyang maramdamang lumuwag ang pagkakahawak rito ni Paulo pagkatapus niyang tangkaing humawak sa ulo niyang biglang sumakit ng para bang may nagflash sa isipan niya kung saan ang ilaw ng sasakyan niya bago ito mahulog sa bangin o magcrash dahilan para tuloyang mawala ang ilang alaala niya " Kung balak mong magpakamatay, puwes gawin mo yon ng wala ako! Kainis! " Naaasar ritong sabi ni Carol kaya tuloyang nagising itong si Paulo at nawala ang bumabalot ritong kalungkotan sa mga sigaw nito.
" Pasensya kana___ "
" Saka kana dumaldal kapag nakababa tayo rito! " Paghawak niya ng mahigpit sa tali ng kabayo para pigilan itong mapunta sa bangin " humawak ka ng mabuti! " Agad namang sumunod rito ni Paulo " Bahala na kung hindi gumana edi ito na talaga ang kapalaran namin " bulong nito saka hinila ang tali ng kabayo para pigilan ito at halos mahulog na sila sa taas ng pagtayo nito pagkatapos huminto.
" Kapag ayaw makinig sa gusto mo gawin mo ang lahat para mangyari yon " pagtukoy nito sa kabayo pagkatapus niyang itali nang makababa sila " Tara na! " Paglalakad nito.
" Iiwan natin yang kabayo? "
" Hayaan mo na kapag dumating tayo sabihin lang natin kay Josh para matawagan niya ang may-ari at makuha niya tsk! napaka pangit na kabayo, ayaw makinig! " pagkuha nito ng kahoy at biglang napaatras si Paulo ng lumingon ito sa kaniya.
" Yong nangyari saatin ngayon, saatin lang yon! Kapag may nakaalam lagot ka saakin! " Pananakot nito kaya tumango lang rito si Paulo habang nanlalamig pa rin sa takot dahil sa mga nangyari sa kanila.
" Ang sabi ko iiwasan ko na siya pero ito nakasunod na naman ako sa may likuran niya " pagbuntong hininga nito " Akala ko ano nang mangyayari kanina pero dahil alam kong siya ang kasama ko kahit papaano hindi ganon kalaki ang naramdaman kong takot " pagmamasdan niya pa rito " At dahil sa masyado na akong malapit sa kaniya medyo naiitindihan ko na siya, Kung bakit parang napakalungkot niya kaya halos natatangay na rin ako nito " natigilan sa pag-iisip si Paulo ng biglang magsalita itong sinusundan niya.
" Natakot ka ba? " Pagtatanong nito ng hindi siya linilingon.
" Hindi___ "
" Alam mo kapag kasama mo ako hindi ka dapat matakot! " Pagputol nito sa sasabihin pa ni Paulo pagkatapus niyang marinig na hindi Ito natakot " Dahil, dahil yon ang gusto ko! " Pag-upo nito sa may tabi ng puno.
" Nang dahil diyan sa gusto mo kaya muntikan na tayo kanina at ang hula ko hindi lang ngayon nangyari ang ganong nakakatakot na pangyayari sa buhay mo at dahil yon sa kasasabi mo ng gusto mo " pagtabi niya rito.
" Kapag gusto ko ginagawa ko, gusto ko eh at gagawin ko ang mga gusto ko " lingon nito kay Paulo.
" Pero Carol hindi lahat ng gusto mo kailangan mangyari, kailangan pinag-iisipan mo muna dahil puweding makakabuti sayo pero sa iba hindi o makakabuti sa iba pero sayo Hindi, kaya dapat tigilan mo na ang habit na ganyan " sermon nito pagkatapus maisip ang nangyari sa kanila.
" Wala akong pakialam kung hindi makakabuti sa kahit sino tsk! Gusto ko kaya gagawin ko! " Mararamdaman mo sa boses nito ang inis.
" Self-centered ka at wala kang pakialam sa iba__ "
" At sawang sawa na ako sa pakikialam nila saakin! Sabihin mo, anong mas masama doon? Walang pakialam sa lahat o nakikialam sayo ang lahat? Diba pareho lang yon?! Tssst! Kaya wala silang magagawa o kahit sino pa sa kung ano man ang gusto ko! " makikita mo ang inis sa mga mata niya " Kaya wala akong pakialam sa kahit sino! At gagawin ko ang ano mang gusto ko dahil.. kung hindi ko yon gagawin hindi mangyayari, dahil Wala namang may gusto sa kung anong gusto ko! " Tuloyan ng nanahimik si Paulo ng maramdaman nito ang puot at subrang kalungkotan na pinagmumulan ng sinabi ni Carol.
" Pasensya kana " yon lang ang lumabas sa bibig niya. " Ang nararamdaman ko ay nararamdaman mo rin diba? " Natigilan naman si Paulo sa bigla nitong tanong " kalimotan mo na, nga pala may naisip na akong kapalit doon sa buwesit na nangyari kahapon " pagtayo nito.
" Anong kapalit? "
" Hindi ka nagsorry agad diba? Kaya ang gusto ko palitan mo yon ng isang bagay na gusto ko! "
" Hindi naman siguro buhay ko? " Walang gana niyang tanong rito habang nakasunod rito.
" Puwedi pero pag-iisipan ko pa matinding kagustohan at desisyon ito kaya kailangan pag-isipan ng maayos at ikaw din ang nagsabi non diba? " kinabahan naman bigla si Paulo sa sinabi nito " Huwag kang mag-alala kayang kaya mong gawin! " Mas kinilabotan si Paulo pagkatapos ng sinabi nito.
" Kailan pa ba naging madali ang mga gusto nito " bulong nito habang naglalakad sila. At pagkailang minuto dumating na din sila.
" Kung ganon unang beses pa lang yon na pagsakay mo? " Tanong pa ni Paulo habang hingal na hingal kung saan nag-uusap sila habang naglalakad.
" Oo, gaya nang pagkakaalam mo basta pakiramdam ko lumulutang ako nahihilo ako kaya pagnagpupunta ako rito naglalakad lang ako pero bago sumikat ang araw sinisimulan ko ng maglakad para hindi mainit, Hindi tulad ngayon " Sabi nito subrang tirik kasi ng araw at sabay silang bumagsak sa may damohan ng makarating sila kaya agad nagtungo rito sina Josh na kanina pa nag-aalala sa paghihintay sa kanila.
" Carol okay ka lang ba? " Nag-aalala nitong tanong pero hindi ito umimik at patuloy na huminga ng malalalim.
" Paulo? Anong nangyari sainyo? Okay ka lang ba? " Nag-aalala ritong tingin ni Anika at si Stell hindi alam kung sinong tatanongin sa dalawa habang pareho itong nakahiga sa may damohan.
" Okay lang pero subrang layo ng linakad namin " hinihingal pa nitong sabi " Yong kabayo kasi naiwan namin, hi-hindi naman kasi marunong si Carol___ "
" MANAHIMIK KA NGA! " Pag-upo nito pagkatapos mapawi ang pagod na nararamdaman niya taga probinsya siya at sanay na siya sa paglalakad nadamay lang naman siya ni Paulo at saka ikaw ba naman ang tingnan nitong sina Josh na akala mo mamamatay kana, mapipilitan kang bumangon.
" Ipakuha mo yong kabayong sinakyan namin " Pag-alis nito pagkatapus sabihin kay Josh.
" Paulo kaya mo bang tumayo? " Ani Josh.
" Sige Josh tawagan mo na yong may ari ng kabayo ako ng bahala kay Paulo " Ani Stell.
" Sige, pagpahingain niyo siya " agad namang hinawakan ni Stell ang braso ni Paulo para patayoin ito at dalhin sa may purok.
" Paulo..? " Pagtulong rito ni Anika habang alalang alala.
" Okay lang ako " pagtayo mag-isa ni Paulo " napagod lang ako " lingon nito kay Anika saka ngumiti kaya gumaan na din ang pakiramdam nito kahit papaano.
" Ang mga taga manila kasi hindi talaga mabubuhay sa ganitong lugar kaya bumalik ka na lang doon! " Naaasar ritong lingon ni Ken habang inaalalayan ito ni Anika.
" Ito talagang si Ken kahit kailan ang sama! " Parang batang sabi rito ni Justin na siyang sinang-ayonan ni Rohan pero hindi na ito pinansin nila Stell pagkwan pinagpahinga na nga nila ito at sa subrang pagod, ganda ng panahon at subrang sarap ng simoy nang hangin ay dinala siya nito sa pagkakatulog.
" Napagod talaga siya " pagmamasdan rito ni Anika " Sige magpahinga ka muna " pagpunta nito kina Ken habang nangunguha ng mangga para kainin at pagkailang minuto nagising na din si Paulo at agad niyang hinanap ang mga ito at hindi niya mapigilang matawa habang pinagmamasdan ang mga tawa nila sa tuwing binabagsakan sila ng mangga.
" Hoiii mangga wag si Anika! " Pagcover rito ni Ken.
" Si Rohan na lang po mangga!!! Total matigas po ang ulo niya " Pagturo pa ni Justin sa katabi niyang gusto niyang tamaan ng mangga.
"Bakit ako?! Ang sama mo ah! " Naasar niyang lingon rito at katatapus lang niya magsalita nahulogan si Justin pero hindi naman ganon kalaki.
" Ayan karma " tawa ni Stell kaya tawang tawa na din sila.
" Ang saya nilang panoorin " panonood nito sa mga tawanan nila at hindi niya napapansing nakangiti na din siya " Nagawa ko rin kayang tumawa ng ganyan noon? Masaya din ba ako tulad nila? " mga tanong nito " Lahat ng nakapalibot kay Anika subrang liwanag, Ang mga tawa at ngiti niya kayang tumanggal ng kalungkotan " mga bulong pa niya pagkwan dumako ang mata niya kay Carol na mag-isa sa may puno ng mangga habang nangunguha rito habang naaasar ang mukha.
" Si Carol naman sobrang dilim ng nakapaligid rito, kaya kang tangayan ng bumabalot ritong kalungkotan at subrang bigat non sa pakiramdam " pagmamasdan niya rito.
" Nangunguha sila habang ginagawang laruan pero si Carol nangunguha siya para magkapera " napalingon naman si Paulo sa biglang pagsasalita ni Josh, Hindi niya kasi Ito napansin.
" Kaya ganyan siya kaseryoso " pagtabi rito ni Josh " sumasama siya para magkapera hindi ko alam pero napipilitan lang siyang tanggapin ang binibigay ritong pera ni Tita siguro iniisip niyang galing Kay daddy " pagmamasdan rito ni Josh " si Carol kabaliktaran ni Anika, ni minsan hindi siya ngumiti at wala talaga siyang pakialam sa iba pero ngayon medyo nagbabago siya " Ani Josh " Siguro ikaw ang dahilan non, hindi ko alam pero palagi siyang nag-aalala sayo " dugtong nito.
" Kasi palagi kaming nagkikita, magkapitbahay kami kaya ganon siguro " natawa naman siya sa sinabi ni Paulo.
" ganon nga siguro " lingon nito kay Carol at sabay silang natawa ng mahulog kay Carol ang mangga kaya agad niya itong binalatan at kinain sa inis.
" Ganyan kaliit ang pasesnya niya " Ani Josh.
" Kahit mangga wala siyang patawad " pag-iling ni Paulo.
" Paulo, Kuya!! ang dami naming nakuha daliii kainin natin " pagpunta ni Anika sa dalawa at hinila ito, at sa araw na ito paglilibot sa plantasyon, pangunguha ng mangga, at tawanan ang nangyari sa kanila maliban sa kill joy sa kanilang si Carol na pera Ang nasa isip.
" Grabe nabusog ako sa kapaparusa sa mga manggang nahuhulog sa ulo ko kung bakit kasi ang titigas ng ulo nila tsk! Sinabing wag sa ulo ko eh! " At katatapus lang niya magsalita ng mahulogan na naman siya pagkatapus humangin " busog na ako! " Pagbalat nito sa mangga.
" Hindi ka nila maiitindihan kaya itigil mo na yang gusto mo " pagtabi rito ni Paulo pagkatapus marinig ang sinabi nito.
" Ayaw ko, gaya ng sabi ko lahat ng gusto ko walang may gusto kagaya ng manggang ito tsk! sinabi kong ayaw kong nahuhulogan sa ulo ko pero ayaw niyang makinig sa gusto ko kaya kailangan din nilang maparusahan! Pero hindi sila nadadala " naasar nitong sabi habang kinakain.
" Kasi hindi naman nila naiitindihan " Ani Paulo " Para kang bata " pabigla nitong sabi kaya bigla siyang kinabahan ng maramdaman niyang lumingon rito si Carol " jo-joke lang yon " alanganin nitong ngiti at mas kinabahan siya ng ngumiting demonyo itong katabi niya.
" Sige balik na ako kila Stell " pagtayo nito para umiwas rito pero natigilan siya ng hawakan nito ang belt niya.
" Te-teka bakit ang belt ko? " Pagtanggal nito sa kamay ni Carol.
" Tama ka, Hindi sila nakakaitindi kaya ang gusto ko ikaw ang kakain " ngiti nitong demonyo.
" Hindi!!! Ayaw ko!!! BUSOG NA AKO!!! Ken,, Josh, Rohan, Justin, Anika, Stell!!! Tulongan niyo ako!!!! " Sigaw nito kaya napalingon sa kanila ang ilang nagtatrabaho doon kaya tumigil na din siya sa kasisigaw.
" Kawawa naman siya " Ani Justin.
" Lumapit pa kasi siya pero maganda na yan! " Pagtawa ni Ken habang tinitingnan si Paulong ayaw paalisin ni Carol.
" Nakakainggit kaya " Ani Stell kaya sabay sabay silang lumingon rito " o bakit? " Gaya ng paglingon nila rito sabay sabay din silang umiling.
" Magiging okay din yan " Ani Josh na sinang-ayonan nang lahat habang pinagmamasdan sila. At sa pag-uwi hinatid si Paulo at Carol pagkatapus tumawag ni Josh sa nangangasiwa sa mga kabayo na magdala ito ng dalawa sa kanila.