Kabanata 29

3962 Words
NAPILITANG bumangon si Paulo ng hindi na nito magawang matulog pagkatapus nitong magising at sumagi sa isip niya ang mga nangyari sa kanila ni Carol kahapon. " Wala nga pa pala akong naiisip na gagawin kapag nagkausap kami " paglalakad nito pagkatapus magtimpla nang kape at mabilis itong naglakad ng makita niyang gising na ang papang niya saka tumabi rito ng upo " Tama, baka matulongan ako ni papang " pagtabi niya rito. " Papang puwedi po ba kitang maka-usap? " Nagtataka namang tumingin rito ang matanda habang may hinahanap ang mata nito sa loob ng bahay nila pagkatapus niyang pagalain rito. " Ano bang pag-uusapan natin? " Tanong nito habang nawewerdohan sa kinikilos ni Paulo. " Si Aling Lusin po? " Tanong nito pagkatapos hindi mahagilap nang mata. " Nasa kung saan mang sulok ng bahay bakit? " Hindi maputol putol nitong pagtataka. " Papang wag kayong magugulat ah pero ako po ba may nahalikan na noon? Ang ibig kong sabihin girlfriend po " at dahil sa tanong niya mas natahimik at nagtaka ang papang niya. " Alam ko pong werdo ang tanong ko pero Papang sagotin niyo na lang " namumula sa hiya nitong sabi. " Oo pero isa at matagal na yon, wala na kayo " Hindi malaman ni Paulo pero pakiramdam niya biglang humangin ng malakas at nagdala ito ng lamig sa buong pagkatao niya dahilan para makaramdam siya ng kalungkotan. " okay ka lang? " Paghawak rito ng matanda, pilit naman siyang tumango. " Opo, kaya lang bigla akong nakaramdam ng kakaiba, parang subrang lungkot po " at napahawak ito sa mukha niya ng may dumaloy na tubig rito mula sa mata niya " papang bakit po ako naiiyak? " Nagtataka pa nitong tanong at bahagya siyang napahawak sa ulo niya ng bigla itong sumakit. " Kailangan kasi iwasan mong isipin ang mga nakaraan mo, sandali kukunin ko lang ang gamot mo " pagtayo nito, mayamaya bumalik din ito at natigilan siya ng makitang nag-aalala ang mukha nang alaga niya " heto, inomin mo na " agad naman itong sumunod sa kaniya at mga ilang minuto bago yon nawala. " Papang ano bang kinalaman ng naramdaman ko sa babaeng minahal ko noon? Sandali malungkot ba ang paghihiwalay namin? Iniwan ko ba siya o siya... ang nang-iwan saakin? " mga tanong nito. " Alamo apo nandito tayo para magpagamot at hintaying magbalik ang alaala mo kaya hindi ko masasagot ang mga tanong mo at alam kong naiitindihan mo yon pagkatapus ng mga nangyari sayo " natahimik naman siya sa sinabi ng Papang niya " At kung maaari huwag mo nang pilitin alalahanin ang lahat dahil babalik din naman yon at saka hindi maganda sa kalagayan mo, maaari ba? " Tumango naman siya " mas gagaling ka nang mabilis at maayos kung susundin mo ang mga sinabi ko basta ang alam ko, magiging masaya ka pagkatapos na ang lahat ng ito " makahulogan nitong sabi kaya tumahimik na din si Paulo pagkatapos maalala ang naramdaman niya kaninang kalungkotan, sa takot na baka maramdaman itong muli kung hindi siya makikinig sa Papang niya. " Sir Paulo may tumatawag po sainyo " pagbibigay rito ni Lusin sa house phone nila habang naka-upo sila sa may sofa. " Salamat po " pag-abot niya rito saka sinagot. " Magandang umaga " masiglang bati rito ni Anika kaya agad lumayo ni Paulo sa Papang niya. " Magandang umaga " bati rin nito " Aalis na ba tayo? " Nag-aalala nitong tanong nang hindi pa siya nakakapagbihis. " Hindi sa ganon, sa totoo niyan mamayang 8 pa alis natin para hindi ganon kainit sa daan papupuntahin ko lang sayo ang driver namin para ihatid ka dito sa bahay " paliwanag niya rito sa mga mangyayari. " Ah Anika okay lang ba kung mas maaga akong pumunta diyan? " Mabilis nitong tanong. " Okay lang naman " nagtataka nitong sagot. " Ah kasi gusto kong mag-isang hanapin ang bahay niyo para hindi na maabala pa ang driver nyo " paliwanag nito pagkatapus maramdaman ang pagtataka sa boses ng dalaga. " Wala namang problema doon Paulo, okay lang yon " nakangiti nitong sabi pagkatapos nang kabaitan ng kausap niya. " Sa totoo niyan kasi nakabihis na ako at total almost 7 na kaya mas mabuti siguro kung diyan na lang ako maghintay?" Pagsisinungaling nito " Okay lang ba? " Tanong pa niya. " Okay lang naman sa totoo niyan papunta na nga rito si Rohan at saka dito rin natulog si Justin kaya okay lang kung pupunta kana rito di bale ipapasundo na lang kita " paliwanag niya rito. " Okay lang Anika baka mahanap ko rin ang sainyo " pagtutol nito. " Opo, sundoin niyo na " dinig nitong sabi ni Anika sa kabilang linya " nandiyan na siya " Sabi nitong muli sa kabilang linya. " Mukhang wala na nga akong choice " pagngiti nito. " Oo, in a minute nandiyan na siya " nataranta naman ito bigla sa sinabi niya. " Sige muna para makapaghanda ako " mabilis nitong sabi. " Pero akala ko ba tapos ka na? " Nagtataka nitong tanong. " Ah Oo, Ang ibig kong sabihin yong ilang dadalhin ko " at dahil dito natapos na rin ang pag-uusap nila. " Pasensya kana pero hindi mo puweding malaman yong tungkol sa halik " Ito kasi ang dahilan bakit gusto niyang mag-aga para makausap si Carol halos hindi kasi siya nakatulog sa pag-aalala sa mga nangyari pagkatapus itong hindi makausap. " Akala ko ba Sir Paulo mamaya pa kayo aalis? " Pagliligpit ni Aling Lusin sa mga gamit niya pagkatapos nitong maligo. " May oras pa po kasi kaya mas maganda po kung kakausapin ko na lang siya para matapus itong pag-aalala ko at makahingi sa kaniya ng sorry " pagtuwalya nito sa buhok niya ng hindi napapansin ang sinabi niya. " Ano ba yang inaalala mo Apo bakit ba itong mga nakalipas na araw pakiramdam ko may ilan kang inililihim saakin, ano ba talagang nangyayari sa school mo? " Natigilan naman si Paulo sa tanong ng papang niya at humarap ito sa dalawa nang marealize ang sinabi niya kanina. " Sorry po Papang, Aling Lusin kung masyado akong naging malihim sainyo pero kahit po kasi ako hindi ko rin maitindihan kung bakit pinapakisamahan ko siya, eh sa tuwing nakikita ko siya takot lang naman at subrang kalungkotan ang nararamdaman ko " napatingin naman ang dalawa sa sinabi nito pagkatapus nilang marinig ang takot at lungkot sa boses niya. " Paulo... " Bulong ng papang niya pagkatapus makita ang hindi maiguhit nitong mukha " ilang buwan ko na ring hindi nakikita ang ganiyang mukha " nag-aalala nitong sabi. " Pero siguro po pagkatapos ng pag-uusap namin iiwasan ko na po siya nakakahiya pong sabihin pero ako naman po talaga ang may kasalanan paanong hanggang ngayon nagsasama pa rin kami palagi pero ititigil ko na po yon " pagngiti nito pero bakas rito ang kalungkotan " sige po aalis na ako " pagsuot nito sa bag niya at naglakad palabas, mabilis naman silang sumunod rito mayamaya dumating din ang driver ng mga Santos kaya agad siyang sumakay rito. " Lusin sino ba yong tinutukoy niya? " Tanong ni Roman nang makapasok sila. " Siguro po yong Apo ng kapitbahay natin " panghuhula nito " Alam niyo po magkapareho po sila ng buhay ni Sir kung totoosin, napakalungkot niya rin pong bata ayon sa Lola niya " napatingin naman rito si Roman. " Masyado po siyang matapang kaya hindi mo makikita sa mga kilos niya kung anong totoong nararamdaman niya " pagsasalita pa nito " at sa tingin ko yon ang pinagka-iba nila ni Sir sa totoong mundo niya o sa totoong pagkatao ni Sir " dugtong pa nito. " Kung ganon siya ang Apo ko sa pagkakataong ito " pag-upo ni Roman. SAMANTALA hindi naman malaman ni Paulo kung paano kakausapin si Carol habang nasa loob ito ng sasakyan. " Paano ko kaya siya kakausapin ng hindi lumilipad sa mga mukha ko ang kamao niya o kaya ang mga paa niya sa tuhod ko? " Pag-iisip nito kaya hindi maiwasang tumingin ng driver rito habang balisa itong nakaupo sa loob. " Sir may problema po ba kayo? " Natigilan naman siya sa pag-iisip sa tanong ng driver. " Huh? Ano, iniisip ko kung paano kakausapin si Carol " Hindi lang siya ang nagulat sa biglang lumabas sa bibig niya kundi maging itong kausap niya tsaka nito sinundan ng pagtawa. " Hindi niyo naman po kailangan kausapin ang babaeng yon, Hindi niyo po kailangan bumati doon kung yon ang iniisip niyo " Sabi nito habang natatawa na para bang pinagtatawanan itong tinutukoy niyang si Carol " Nandoon lang naman po ang babaeng yon dahil weekends kasi pinalayas na siya sa bahay ng mga Santos o sa bahay ng boss ko o sa mga kaibigan niyo po Sir " natahimik naman ito sa biglang pagsasalita ni Paulo. " Ang alam ko isa din siyang Santos__ " " Sabi sabi lang po yan pero hindi yon totoo! " Pagputol nito sa pagsasalita ni Paulo " Sigurado yon, ang babait po ng Santos at ang babaeng yon? Tssst! subrang sama nun at kung nakita niyo na siya paniguradong naiitindihan niyo ang sinasabi ko " buong loob nitong sabi. " Ang totoo hindi niyo lang siya naiitindihan... pakiusap tumahimik na lang po kayo " pagsandal nito at pumikit pagkatapus makaramdam ng pagka-inis sa mga sinabi ng driver kaya hindi na ito nagsalita pang muli at mga ilang minuto dumating na din sila. " Sir nandito na po tayo " umayos naman siya ng upo sa sinabi nang lalaki " ah Sir, yong mga sinabi ko po kanina pakiusap po huwag niyo na pong sabihin kay ma'am Anika o sa kahit sino pong pamilya ng Santos panigurado po kasing mawawalan ako nang trabaho " nag-aalala nitong sabi " Nasabi ko lang naman po yon dahil akala ko tulad kayo ng ilang taong naihahatid ko sa bahay ng Santos, sa katunayan kayo lang po ang kauna unahang nagtanggol kay ma'am Carol at sorry po kung nasabi ko yon sa kaniya " natatakot nitong sabi. " Hindi ko alam anong dahilan kung bakit mo yon sinabi pero sa tingin ko mabuting tao siya at hindi niyo lang talaga siya kilala " paghawak ni Paulo sa sasakyan para buksan ito " Pasensya na rin po kung hindi ka man natuwa sa mga inasal ko " paglabas nito " Salamat sa paghatid saakin " pagngiti pa nito kaya tuloyang nawala ang takot na nararamdaman ng driver tungkol sa maaari itong magsumbong. " Oo nga pala dahil sa mga nangyari hindi ako nakapag-isip ng magandang paraan paano kausapin si Carol o matinong gawin para harapin man lang siya " naaasar nitong sabi pagkatapus lumipas ang oras ng wala siyang naiisip " Pambihira kasi bakit ba ang hirap isipin na kausapin siya? Kagabi ko pa ginagawa pero wala talaga " namumroblema nitong pag-iisip. " Paulo okay ka lang? " Dito lang niya napansin si Anika habang nakatayo ito sa may side niya. " Ah Oo, kanina ka pa ba? " Nahihiya nitong tanong pagkatapus itong hindi mapansin. " Hindi naman pero napansin ko parang may iniisip ka? Ano yon? " Sunod sunod nitong tanong. " Ah, Wala yon, ibig kong sabihin may iniisip nga ako pero hindi naman ganon kahalaga " pagngiti nito " SANA TALAGA HINDI IMPORTANTE PARA HINDI AKO NAGPAPAWIS NG GANITO KAAGA " sa loob loob nito habang nagpupunas ng pawis. " Halika tumuloy ka sa loob " paglalakad nito, sumunod naman siya rito. At habang tinitingnan si Anika pakiramdam niya kahit papaano nabawasan ang inaalala niya. " Ah Anika, si Carol? " huminto naman ito sa tanong ni Paulo pero naglakad din itong muli agad. " Ah, nasa kwarto pa pero bababa din siya, sasama din kasi siya " lumakas naman ang loob niya sa biglang sinabi nito. " Kung ganon mamaya ko na lang siya kakausapin para makapag-isip pa ako ng maayos " pag-iisip nito pagkwan bumungad rito sina Stell habang nakaupo ang mga ito sa loob. " Mabuti nandito kana!!! " Pagpunta niya rito " Hindi ko alam kung matutuwa ka sa pupuntahan natin pero nasisigurado ko mas makikilala mo ang lugar namin dahil dito kaya baka mag-enjoy ka din " paglayo niya rito kay Anika. " Stell ano bang ginagawa mo kung umasta ka naman parang girlfriend ka ah, tsk! Napaka defensive naman! " pagpunta rito ni Rohan, grabe din kasi ang suporta nito sa bestfriend niyang may krass na rin. " Mahirap na mamaya may camera rito at malaman ni Ken ang pagsasama nila " Ani Stell at ginard pa ang kaibigan. " Para sa kaalaman mo nakausap na ni Anika si Ken kaya puwedi ka nang lumayo sa kaniya " Pag-alis niya sa kamay ni Stell sa mga braso ni Paulo para din kasing bata si Rohan. " Talaga?! " Sarcastic nitong tanong pero nanlaki ang mata niya ng mag-sink in rito ang sinabi ni Rohan " Nagbibiro lang kayo diba? " Tingin pa nito kay Anika at umiling naman ito bilang sagot. " Pero bakit? Alam mo bang puweding pag-initan pa siya ng Ken na yon? Parang pinagtataggol mo si Paulo ang dating non kay Ken kaya panigurado mas magagalit yon " nag-aalala nitong sabi. " Paano namang magagalit yon e may kapalit naman ang pag-uusap nila! " Napalingon naman ang lahat kay Anika kahit kasi sa Kuya niya hindi niya yon sinabi, tanging si Rohan lang ang nakakaalam sa totoong napag-usapan nila ni Ken. " Anong ibig mong sabihin? " Pakikisali na rin ni Jah habang katabi ito ni Josh ng upo. " Wala, naging madaldal lang ako kalimotan niyo na yon " pag- upo nito para iwasan ang mga nagtatanong nilang mga tingin. " Puwedi bang saamin na lang ni Ken kung anong napag-usapan namin? Basta ang mahalaga titigilan na niya si Paulo " Ani Anika kaya tumigil na din sila pero napalingon sila sa iisang direksyon ng marinig nila ang mga yabag nang paa ni Carol kaya si Paulo pakiramdam niya nawalan ng buto ang mga tuhod niya kaya napaupo ito ng wala sa oras ng hindi tumitingin kay Carol. " Panigurado hindi tamang tumingin ako sa kaniya gayong hindi pa ako nakakahingi ng sorry paano kasing nandito na ang lahat ganito ba sila ka-excite magtungo sa plantasyon? " Pag-iisip nito at si Carol nakatingin nga ito sa kaniya agad. " ANG HOTDOG NA 'TOH?! NAKALIMOTAN NA BA NIYA ANG NANGYARI KAHAPON? TSK! NAIINIS AKO!!! " titig niya pa rito " NGAYONG NARINIG KO ANG MGA SINABI NI ANIKA O ANG MGA PAG-UUSAP NILA WALA NA AKONG DAHILAN PARA SUMAMA KAYA LANG BAKA ANO PANG ISIPIN NG JOSH SANTOS NA 'TOH KAPAG GINAWA KO YON GAYONG INIISIP NIYANG SI JAMPAWLO TALAGA ANG DAHILAN BAKIT NAPILITAN AKONG SUMAMA TSSSST! ALAM KO MABAIT AKO PARA ALALAHANIN SIYA TSK! BAKA INIISIP NIYO DING GUSTO KO SIYA PERO HINDI! GAYA NG SABI KO NOON PAKIRAMDAM KO NAGKAKAITINDIHAN KAMI, NAIITINDIHAN NIYA ANG NARARAMDAMAN KO PERO SA NGAYON WALA NA YON! TSK! PAGKATAPOS NIYA AKONG HALIKAN NG AKSEDINTE DAW! DI KO MAIWASANG MAGDILIM ANG PANINGIN KO SA KANIYA PERO GAYON PA MAN GUSTO KO SIYANG PROTEKTAHAN KAY KEN KAYA GUSTO KONG SUMAMA! ANONG DAHILAN? DAHIL GUSTO KO! AT YON LANG YON! GUSTO KO LANG! HINDI SI JAMPAWLO KUNDI DAHIL GUSTO KO! " paglalakad nito habang naaasar ng maalala ang mga nangyari kahapon ng hindi man lang nagsosorry ni Paulo. " Oras na ba? " Excited na pagtayo ni Stell. " Tayo na, halos 8 am na " pagtayo ni Josh at sumunod kay Carol at bahagya siyang napangiti habang pinagmamasdan ito. " Mabuti naman at sumama siya " nakangiti nitong pag-iisip pero natigilan ang lahat ng may sumigaw sa labas ng gate pagkatapus ritong bumungad ni Carol. " Pambihira bakit mukha mo agad? Tsssst! Kinikilabotan ako! " Pagyakap pa ni Ken sa katawan niya habang patuloy na naglalakad si Carol sa may sasakyan nang hindi man lang siya binibigyan nang pansin at ganon na lang din ang gulat nito ng hindi lang si Carol ang nasa gate nang tuloyan itong mabuksan. " Saan ang punta niyo? At bakit magkakasama kayo? " Tanong pa nito at sumama ang tingin niya ng dumako ang mata nito kay Paulo. " Pati yan? " Naaasar nitong tanong " Saan ba ang punta niyo? " Tanong pa nito kay Anika. " Pupunta kaming farm, sa plantasyon " sagot nito. " Kung gusto mo sumama ka " nagulat naman ang lahat sa sinabi ni Josh. " Josh nagbibiro ka lang diba? " Tanong agad nitong ni Stell pero agad ritong yumakap ni Ken at tinakpan ang bibig nito. " Gusto kong sumama! " Masaya pa nitong sabi " At ikaw kapag hindi ka tumahimik sasamain ka saakin! " Bulong nito kay Stell bago binitawan. " HINDI TALAGA TAMANG PASAMAHIN SIYA! ANG AGA AGA NANANAKOT NA SIYA " sa isip ni Stell habang nakatingin sa Ken na tumabi kay Anika. " Kung ganon, alis na tayo " paglalakad ni Anika pagkwan lumingon ito kay Paulo " Ano kayang problema niya? Nag-aalala ba siya kay Ken? pero nasabi ko namang wala na siyang dapat ipag-alala rito " pag-iisip ni Anika pagkatapus makita ang pag-aalala ni Paulo habang nakatingin sa sasakyan. " Paano ko kaya siya makakausap? " Bulong ni Paulo habang nakatingin sa sasakyan kung saan nasa loob nito si Carol. " Dre kung gusto mo huwag na lang tayo sumama, bigla din sumama ang pakiramdam ko eh " balik rito ni Stell at mabilis siyang sumunod rito ng maglakad ito nang para bang hindi siya narinig nito. " KAILANGAN KO SIYANG MAKAUSAP " paglalakad pa ni Paulo. " Josh sigurado ka bang okay lang pagsamahin si Paulo at Ken? " Tanong ni Jah habang sinasabayan nito si Josh sa paglalakad habang nakatingin kay Paulo. " Gaya ng sabi ni Anika nakausap niya si Ken kaya walang dapat ipag-alala " paglalakad nito bahagya namang huminto si Jah at pinagmasdan ito. " Pakiramdam ko mayroon siyang hindi sinasabi saakin " pagkamot nito sa ulo niya saka sumunod rito at dahil van ang sinakyan nila, sa first raw si Rohan at Anika, sa second raw naman KenJoshTin hindi kasi makatabi ni Ken si Anika dahil pumagitna ng upo si Rohan at naiirita siya sa kadaldalan nito kaya mas pinili niyang kela Josh tumabi sa third naman si Stell at Paulo, at syempre mag-isa sa likod si Carol habang masama itong nakatingin sa mga upuan senyales na ayaw niya ng katabi. " Ano nga bang ginagawa mo sa labas ng gate nila Anika? " paglingon ni Rohan kay Ken sa likod nila habang nakatingin sa Anikang tahimik na naka-upo sa unahan. " Gusto ko siyang yayain lumabas " pagsandal nito sa van pagkatapos magtama ang mata nila ni Rohan pagkwan bahagya itong sumilip kay Paulo " E bakit ang isang yan sumama din? " Naaasar nitong tanong. " Sinabihan siya ni Anika " sagot bigla nitong si Rohan kaya mabilis ritong lumingon si Ken kaya ganon na lang ang takot niya at tumingin sa harap. " At bakit kailangan mo pang yayain Anika? Tas ako hindi niyo man lang sinabihan " Mas naaasar pa nitong sabi pagkatapus ng nalaman niya. " Nangako kasi akong ipapasyal siya kaya naisip kong isama siya " paglingon rito ni Anika kaya mas lalong naasar itong si Ken " Pasensya kana kung hindi kita nasabihan " dugtong pa nito kaya naalis bigla ang nararamdaman niyang inis. " Di bale na, naiitindihan ko rin naman " pagsandal nitong muli pagkatapos nitong maisip na may espesyal naman talagang nararamdaman rito si Anika " Malamang yayayain niya talaga ang isang ito! " Pag-iisip pa niya saka tuloyang nanahimik at si Paulo halos hindi nga niya marinig ang mga Ito habang inaalala kung paano kakausapin si Carol. " Sana maraming pagkakataon sa plantasyon na pupuntahan namin " pagsilip niya rito at natigilan siya ng makita niya itong mahigpit na nakahawak sa may upuan at nakatingin sa labas. " Carol okay ka lang ba? " Nag-aalala niyang tanong rito pagkatapos hindi makapagpigil dahil sa pangamba sa mukha nito pero hindi man lang siya nilingon nito. " Uminom ka ba ng gamot? " Tanong din ni Josh pagkatapus nitong marinig si Paulo at tulad kanina parang wala itong narinig " Hindi ko nga pala nasigurado kung ininom niya yong gamot " nag-aalalang pagmamasdan rito ni Josh at napansin naman yon ni Justin. " Mabait naman talaga si Josh at saka kahit nga ako naaawa kay Carol " nalulungkot ding pagmamasid rito ni Jah lalo na itong si Stell. " Naku!!! Dapat hindi na siya pinasama parang bata naman pala talaga ang Carol na Yan eh! Para pagsakay lang " pang-aasar pa ni Ken ng hindi tinitingnan si Carol laking takot lang niya noh " Nakakaawa naman " pagtawa pa nito at tuloyan itong natahimik ng tamaan ito ng unan, pangtravel kasi ng Santos itong sinakyan nila kaya may ilang unan rito. " Ang lakas non ah! " Paglingon rito ni Ken " Nahihilo ka pero yong lakas mo walang kupas akala mo nasa dugo mo si Hercules! " Pagtayo pa nito sa inis pero biglang nagbreak ang sasakyan kaya muntik na itong bumaliktad ng upo kaya ganon na lang ang pagpipigil ng tawa ng lahat maliban kay Carol at Paulo. " BAKIT KA HUMINTO?! " Sigaw nito sa driver pagkatapus mahiya pero napalingon ang lahat sa biglang pagtayo ni Paulo nang masuka si Carol sa tabi nang kinauupuan niya dahil sa ginawang biglang paghinto ng driver kaya hindi niya ito napigilang lumabas nang sumubsub ito sa upuan nila Paulo. " Carol okay ka lang? " Pagbibigay rito ni Josh at Stell ng panyo. " Tubig " pag-abot rito ni Paulo habang si Anika nag-aalala ritong nakatingin at kay paulong muntik ng maligo roon. " Kadiri ka talaga! " Pag-upo ni Ken. " Ken puwedi ba? " Pagalit rito ni Anika sa mabait na tono. " Sorry pero totoo naman yon " dugtong pa niya. " Okay ka lang ba? " Nag-aalala ritong tanong ni Paulo pero hindi na ito umimik saka sumandal at pumikit. " Buwesit kasi " pagpunas nito sa bibig niya pagkatapus kunin ang panyo ni Stell " Pasensya na " Bulong pa niya kaya tumahimik na din ang lahat pagkatapos makaramdam ng awa rito. " Okay lang yon Carol alam naman talaga naming mangyayari yan " pagpapagaan loob ritong sabi ni Rohan pero natahimik siya ng tumingin rito ng masama ni Carol. " PAKIRAMDAM KO LALABAS ANG LAMANG LOOB KO TAS OKAY LANG? AT SAKA WALANG NAKAKATUWA SA NANGYARI KAYA BAKIT KAILANGAN NIYANG NGUMITI! " pag-iisip pa niya. " Paulo sa kaniya ka muna tumabi " utos rito ni Josh pagkatapus makita ang upuan ni Paulo " Stell kela Rohan ka tumabi " tingin nito rito kung saan nasa tabi niya ang kinauupuan ni Paulo. " Okay lang, malapit naman tayo " Ani Stell na para bang hindi natitinag sa tabi niyang ginawa ni Carol. " O sige " Ani Josh saka umayos na rin ng upo ng umandar ang sasakyan. " Sa bagay matagal din kayong nagkasama kaya sanay kana siguro sa ganyan noon " mahinang sabi ni Rohan kay Stell kaya napatingin rito si Paulo. " MAGKAKILALA SILA? " paglingon nito kay Stell habang nakangiti na para bang natutuwa paano kasi inabot ni Carol ang panyo niya. " Okay ka na ba? " Tanong rito ni Paulo ng malingon nito si Carol " may dala akong tubig baka gusto mo? " Pagbibigay niya rito. " Manahimik ka na lang! " Sagot lang nito kaya ganon na nga ang nangyari. " NAKATABI KO NGA SIYA PERO HINDI KO NAMAN NAGAWANG KAUSAPIN DAHIL SA MGA NANGYARI " pagmamasdan rito ni Paulo ng makababa sila pagkatapos nilang dumating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD