Kabanata 16

3078 Words
PAGKATAPOS nang klase nila nagtungo silang canteen at ganon na lang ang pagtataka nang lahat ng sumabay sa kanila si Carol at tumabi nang upo sa mga ito sa canteen pagkwan sumama ito kina Stell na umorder. " Kakaiba ang hangin ngayon dito sa canteen " pagdating nila Ken " Pero nandoon naman ang nagpapaganda ng araw ko " ngiti nito at nagtungo kay Anika. " Andito ka na naman pala! " tingin nito kay Paulo " Nga pala nagkita naba kayo ng secret admirer mo? " pang-aasar nito " Teka nga! Paano na si Carol kung ganon? " tawa pa nito. " Ano ba Ken nang-aasar ka na naman eh " saway rito ni Anika. " Ano bang nakakaasar sa sinabi ko? Katotohanan yon baka nakakalimotan mo yong tungkol sa pantalon? " tumahimik naman ang lahat sa sinabi nito pero wala silang balak sabihin rito ang totoo para sa kaligtasan ni Paulo " Teka nga! Anong sabi ni Carol tungkol doon? " pangungusisa pa nito. " ANO NAMANG PAKIALAM MO DOON? " agad napatayo itong si Ken ng magsalita si Carol sa may likuran niya. " BA-BAKIT KA NANDITO? " Nanlalaking matang tanong niya rito pagkatapus mapatayo. " anong paki mo? " pag-upo nito kaya naupo din itong si Ken at nagpunas ng pawis pagkatapus pagpawisan ng makita itong si Carol. " KAYA NAMAN PALA ANG PANGIT NG PAKIRAMDAM KO NGAYON " bulong pa nito " Sandali nga, talaga bang okay lang sayo kahit may nagkakagusto kay Paulo? " tanong pa nito " HINDI AKO PUWEDING MAGPAKITA NG KABA AT SAKA TAMA, BAKIT PARANG OKAY LANG RITONG MAY NAGKAKAGUSTO KAY PAULO TSSST! KUNG GANON PALABAS NGA LANG ANG LAHAT TUNGKOL SA PANTALON " pag-iisip pa nito. " WALA KA NANG PAKI DOON! " pagkain nitong si Carol. " BAKA NAMAN YONG TUNGKOL SA PANTALON AY ISANG PALABAS LANG TALAGA? " pagngisi pa nito ng alanganin kaya para tuloy itong tanga. " Hindi naman kasi lahat katulad mong umasta kay Anika! " pabiglang sabi ni Justin. " Totoo yon, puwedi namang may magkagusto sa taong gusto mo " dugtong pa ni Rohan pero mabilis nilang sinubo ang kinakain nila pagkatapus maisip ang pinagsasabi nila nang tumingin sa kanila si Ken. " tsk! Kapag gusto mo dapat sayo lang yon! " naaasar na sabi nitong si Ken " Pero nakakapagtaka naman sa kabila nang nangyari sainyo okay lang sayong lumingon sa iba si Paulo? " pagtukoy nito sa kuwento ni Carol tungkol sa pantalon. " Sandali Ken yong tungkol diyan___ " natigilan si Paulo nang apakan ni Carol ang paa niya. " Gaya ng sabi ko wala ka ng pakialam doon! " tingin rito ni Carol pero natigilan sila ng tumawa nang malakas itong si Ken. " Wag mong sabihing ikaw ang nagbigay sa kaniya ng sulat kaya okay lang sayo? " Agad namang napalingon ang lahat kay Carol pero si Josh sabay niyang tiningnan ang reaction ng mga kapatid niya. " Sinasabi ko na nga ba " pag-iling pa nito " Saan ba kayo magkikita ng nagbigay sayo ng love letter at anong oras? " kung ang lahat naghihintay sa sagot ni Paulo si Anika at Carol tahimik na kumakain at parehong hindi mabasa ang iniisip " para masaksihan naman namin kung sino yang babaeng may gusto sayo " pagpapatuloy pa ni Ken at makahulogang tumingin kay Carol. " MAAARI BANG SA KANILANG DALAWA LANG? " ani Josh habang pinagmamasdan sina Anika " Ken nandito tayo para kumain at hindi sa bagay na yan at saka privacy na yon ni Paulo " ani Josh kaya natigilan na din ang lahat sa pagtsitsismis sa kung anong puweding sabihin ni Paulo. " curious lang naman ako " pagsandal pa ni Ken at nakangiting pinagmamasdan si Paulo. " KAPAG NALAMAN KONG PALABAS LANG YONG TUNGKOL SA PANTALON HUMANDA KA SAAKIN " pagngisi nito. At pagkatapus nilang kumain nagsibalik na din silang school at mga ilang minuto natapus na din ang klase. " KUNG GANON PUWEDING NASA MGA KAPATID MO TALAGA ANG NAGBIGAY NG SULAT KAY PAULO " bulong ni Justin kay Josh nang halos sabay na lumabas si Anika at Carol. " Sino sa kanila? " Bulong ni Josh. " Ang mabuti pa mauna na tayo bago pa makalabas si Paulo mamaya mahuli tayo " ani Justin at hinila na palabas si Josh pagkatapus nitong malaman kay Stell ang tagpuan ni Paulo at nang nagsulat sa kaniya. " Gusto ko sanang sumama pero kailangan ko ng umuwi " ani Stell habang naglalakad sila palabas ng classroom pagkwan tumawa ito ng malakas " Sandali nga kinakabahan ka ba? " pagtingin nito sa mukha ni Paulo. " tumigil ka nga hindi ko naman alam ang sasabihin ko " naaasar niyang tingin rito. " Naku! Madali lang naman yan, kung ayaw mo edi sabihin mo at kung gusto mo edi ganon din " pagtapik niya rito. " Tumigil ka nga alam mong wala pa akong balak diyan kaya lang ayaw kong manakit ng nararamdaman " malungkot nitong sabi. " Sinabi ko namang paghandaan mo yan pero hindi ka nakinig " tingin rito ni Stell " Basta ang masasabi ko nasayo ang desisyon, sa gusto mong mangyari " pag-akbay niya rito " At saka walang masama sa pagsasabi ng katotohanan, gaya nang sabi mo mas masakit magpaasa " pagtapik niya rito ng mahina tsaka ngumiti. " Paano Dre mauna na ako! " pagpapaalam nito ng matanaw niya ang gate " Good luck! " masaya pa nitong sabi saka umalis tahimik namang tumingin rito si Paulo. " Hindi talaga siya maaasahan sa mga ganitong bagay " pag-alis na din ni Paulo. " MAS MAGANDA KUNG HINDI AKO MAKIKIALAM AT SAKA PANIGURADO NAMANG MAGIGING MAAYOS DIN ANG LAHAT " lingon pa rito ni Stell saka naglakad muli habang nakangiti. " Pasensya na pero hindi mo pa naman ako kilala ng lubosan kaya mas maganda kung kikilalanin muna natin ang isa't isa " pagpapractice nitong si Paulo " Kainis para namang pinapaasa ko siya " bulong nito. " Pasensya na pero may gusto akong iba " practice pa niya nang makarating sa tagpuan nila at siya lang ang tao rito " Kaya lang paano kung itanong niya kung sino? Hindi maaari " paggulo pa nito sa buhok niya pagkwan binasa niya muli ang sulat " Pasensya na pero hindi kita gusto " practice pa niya " ahhhhh!!! Kainiss wala akong karapatan para manakit ng nararamdaman " naaasar nitong pagsandal sa may upuan sa may tabi ng puno kung saan matataba ang halaman rito kaya wala masyadong nagagawi rito na siyang piniling tagpuan ng nagbigay sa kaniya ng sulat. " Darating pa ba yon? "Ani Paulo at tumingin sa paligid ng hindi napapansin ang presensya nila Josh malapit sa kinauupuan niya habang nagtatago sa mga halaman. " Josh bakit ba kailangan pa nating magtago? Puwedi naman tayong maupo sa kabila kunwari tatambay din tayo rito " mabilis namang tinakpan ni Josh ang bibig ni Justin nang lumingon si Paulo. " Hinaan mo ang boses mo " bulong nito " makinig ka sinisekreto ng mga kapatid ko ang lahat kaya baka hindi sila sumipot kung sakaling makita nila ako kaya maganda na ito " bulong din nito. " E sino ba sa tingin mo sa kanila? " makulit pang tanong ni Justin. " Hindi ko alam pero pareho silang kakaiba ang kinikilos lalo na si Carol kung napansin mo masyado siyang naglalapit saatin ngayon " magsasalita pa sana si Justin ng tumayo si Paulo at nahagilap nila ng mata ang pagdating nang isang babae. " Nandiyan na siya " paggapang nila para makita ang mukha nang babae natatakpan kasi ito ni Paulo kaya kinailangan nilang gumapang at pumunta ng ibang direksyon para makita ito ng tuloyan. " ARAY!!! " ganon na lang ang gulat ni Anika ng magkauntogan sila ni Josh " Ku-kuya bakit nandito ka? " Hindi nito makapaniwalang tanong habang nakadapa rin at nagtatago sa halaman. " e ikaw hindi ba't ikaw ang nagsulat sa kaniya? " mahina pang tanong ni Josh. " Bakit ko naman yon gagawin wala akong balak ipabugbog si Paulo kay Ken noh! " ganon na lang ang paglaki ng mata nila nang maisip ang iisang taong maaaring magbigay ng sulat kay Paulo. " pero imposible " sabay nilang paghawi sa halaman para makita kung tama ang hula nila. " Unang kita ko pa lang sayo nagkagusto na ako sayo, GUSTONG GUSTO KITA! " pagtatapat rito ng babae habang nanlalaki ang mata nila Anika " Sana pumayag kang lumabas tayo paminsan minsan " mabilis na pinigil ni Rohan si Anika nang kunin nito ang maliit na sanga ng puno sa tabi niya pagkatapus hawakan ni Paulo ang kamay ng babae. " Sabi sayo, mabait na tao si Paulo napaka gentleman kaya imposibleng tumanggi siya at manakit nang nararamdaman " ani Rohan habang tumatango si Justin bilang pagsang-ayon rito. " Ako si Aira, ang kaibigan ni Andy at alam niya kung anong nararamdaman ko sayo, siya ang tumulong saakin para makuha mo ang sulat kaya pakiusap gustohin mo din ako? " ganon na lang ang ngiti nito ng hawakan ni Paulo nang mahigpit ang kamay niya. " Umalis na tayo rito " ani Josh mahina namang tumango si Justin at nangunang naglakad habang nakaupo. " Tayo na Anika mukhang huli na ang lahat " nalulungkot ritong tingin ni Rohan agad naman itong yumuko. " Pa..u...lo " malungkot nitong tingin sa dalawa. " Maganda ka at mukhang marami ding nagkakagusto sayo kaya lang sa ngayon hindi pa ako handa sa bagay na yan " nanlaki naman ang mata ni Anika sa mga sinabi ni Paulo " Nag-aalala akong masaktan kita pero mas masama naman kung magsisinungaling ako hindi ba? Sana maitindihan mo ako? Masaya ako at may tulad mong nagkakagusto saakin pero sa ngayon hindi ko muna magagawa yon pabalik " malungkot nitong sabi mahina namang binawi ni Aira ang mga kamay niya. " Hindi nga ako nagkamaling gustohin ka, napaka bait mo " ngiti niya rito " Salamat, sige, mauuna na ako " masaya pa nitong sabi para takpan ang totoo niyang nararamdaman " mag-iingat ka rin sa pag-uwi " pagtalikod nito habang namumuo ang tubig sa mata niya. " Sandali___ " " Okay lang ako " pagtakbo nito napaupo naman si Paulo at sinundan niya lang ito ng tingin. " Akala ko talaga pagbibigyan siya ni Paulo at saka akala ko si Carol talaga ang nagbigay sa kaniya ng sulat " ani Rohan pagkatapus nilang umalis sa pinagtataguan nila kanina at tumango naman rito si Anika. " Paanong alam niyo din ang tagpuan nang dalawa? " ani Justin nang mahabol sila nitong dalawa sa paglalakad. " Masyado kang madaldal para hindi ko yon malaman mula sayo, kung napapansin mo masyado akong mabait makipag-usap sayo ngayong araw " napatango naman si Justin madalas kasi silang mag-asaran ni Rohan pero ngayon masyado ngang mabait sa kaniya si Rohan. " Ano bang dahilan at nanilip kayo doon Kuya? " ani Anika " Akala ko ba privacy yon? " pang-aasar pa nito. " Tumahimik ka nga " naaasar nitong paglalakad " teka nga rin bakit ba nandoon ka rin? " lingon niya rito. " Tara na Rohan may practice nga pa pala tayo " mabilis nitong pag-alis para iwasan ang tanong nito. " MASYADO NA SIYANG HALATA " bulong ni Josh " SANDALI KUNG GANON NASAAN SI CAROL? MAAARI BANG UMUWI NA YON O BAKA NASA MGA HALAMAN DIN AT NAGTATAGO? " pag-iisip nito. Samantala hindi naman maalis ni Paulo ang isipan niya sa mga alaalang nangyari kanina. " MASYADO BA AKONG NAGING MASAMA? " pagsandal nito sa may upuan at tumingin sa taas at ganon na lang ang paglaki nang mata niya sa may punong nakikita niya. " Hindi ba alam ng babaeng yon na bakla ka? " ani Carol habang nakaupo sa may puno at nakatingin kay Paulo sa ibaba niya " kawawa naman siya hindi ba? " mabilis namang umalis si Paulo sa kinauupuan niya habang nakatingin sa taas ng masilip nito ang mga legs ni Carol. " May short ka ba Carol? " pagyuko nito. " Ano namang akala mo? " paghawi nito sa palda niya at may short ito pero maigsi. " baliw ka talaga! " mabilis na paglalakad ni Paulo. " Hoy sandali!!! " sigaw niya rito. " Ano na naman? Kung mang-aasar ka puwes bukas na lang! " sigaw nito pero mayamaya bumalik din ito " SANDALI NGA KAYA KA BA UMAKYAT DIYAN PARA MARINIG ANG MGA PAG-UUSAPAN NAMIN? " masama niyang tingin rito pero nang makita nito ang mga legs ni Carol yumuko din siya agad. " Mga artista ba kayo para panoorin ko kayo? " sarcastic nitong sabi " at saka kung gusto ko kayong panoorin eh gagawin ko yon kahit saan, kahit sa harapan niyo pa para mas nakikita ko lahat! " pagmamalaki pa nito. " E kung ganon bakit ka nandiyan? " tanong pa nitong si Paulo habang nakayuko. " Sasabihin ko kapag nakababa ako kaya dali na salohin mo ako!!! " agad namang tumingin rito si Paulo. " Tsssst! Bahala ka diyan, umakyat kang mag-isa kaya bumaba ka rin mag-isa! " ngiti pa nito tsaka tumalikod at naglakad " Pero kung magmamaka-awa ka puweding magbago ang isip ko____ " natigilan ito at napatakbo sa kinaroroonan ni Carol ng makita niya itong tumalon. " Baliw ka ba? " tanong niya agad rito habang nakadagan rito si Carol pagkatapus nilang matumba ng salohin niya ito hindi naman talaga siya ganon kataas " Alam mo wala kang mga pakpak para tumalon ng ganyan kataas, anong akala mo lilipad ka? " pag-upo nito pagkatapus umalis ni Carol sa pagkakadagan rito at hindi rito makatingin pagkatapus nang pagkakalapit ng mukha nila. " tssst! mauuna na ako! " paglalakad nito pero natigilan siya nang marinig nito ang mga daing ng binata. " Bakit ang sakit ng mga binti ko? " pagtingin nito sa binti niya at natigilan ito ng makita niyang namamaga ito pagkatapus madaganan ni Carol at tumama sa bato " Mukhang na sprain ata ang binti ko " pagtingin niya rito. " Kung magmamakaawa kang tulongan kita baka tulongan kita " pag-upo ni Carol sa harapan nito at tiningnan siya ng malapitan. " Ikaw nga ang dahilan nito tas ako pa ang makikiusap na tulongan mo? " asar nitong sabi " pero di na bale, salamat na lang! " pilit nitong pagtayo " Aray " daing nitong muli at napaupo ulit sa sakit. At ganon na lang ang asar niya ng makita nitong lihim siyang tinatawanan nitong si Carol. " Nang-iinis ka ba? " ganon na lang ang gulat nito ng bigla siyang buhatin nito at kinarga sa magkabilang bisig nito. " anong ginagawa mo? " nanlalaking mata niyang tingin rito. " napakahina mo " tingin niya rito " Minsan gusto ko na lang maniwala na baka nga bakla ka talaga " sabi pa nito habang buhat buhat siya. " tsssst! Ibaba mo nga ako! " utos niya rito pero parang hindi siya narinig nito " Hoy ibaba mo ako!!! Baliw ka ba? Kapag may nakakita saatin baka anong isipin nila at saka baka nakakalimotan mo yong tungkol sa pantalon kaya dali na ibaba mo ako! " pagpipilit nitong bumaba. " Kapag ako nainis ibabagsak kita para tuloyan ka nang hindi makalakad at manahimik! " ganon naman ang takot nitong si Paulo kaya tahimik na ibinaling ang tingin sa iba at dahil gabi naman wala masyadong estudyante pero gaya ng inaasahan ni Paulo nakukuha pa rin nila ang attensyon ng bawat makakita sa kanila. " Kapag itong babae talaga ang kasama ko palagi akong nasasaktan tas susundan nang kahihiyan! " naiinis nitong pag-iisip pero natigilan ito ng ilapag siya ni Carol sa may tabi ng makalabas silang school. " Akin na ang susi ng bisikleta mo " paglalahad nito sa kamay niya. " At bakit mo naman kukunin? " nagtataka pa niyang tingin rito. " Ibigay mo na lang kasi bakit ba ang kulit mo? " naaasar niyang tingin rito kaya mabilis niyang inabot rito pagkwan pinuntahan nito ang bisikleta nitong nakalock pero bago pa siya makabalik kay Paulo mabilis ritong nagtungo ang driver niya. " Ma'am uuwi na po ba tayo? " tanong nito agad. " May kailangan lang akong gawin, hintayin mo ako dito babalik din ako agad " Pag-alis nito wala namang nagawa ang driver kundi sundan lang ito ng tingin. At napangiti ito ng makita niyang kay Paulo ito nagtungo. " Kaya mo bang umangkas saakin? " tanong nito agad kay Paulo pero tiningnan niya lang ito " Kung ganon bubuhatin na lang kita " pag-alis nito sa bisikleta kaya ganon na lang ang takot nitong si Paulo. " Sandali!!! " pagpigil nito sa mga kamay ni Carol na hahawak sa kaniya " Kaya ko pe-pero kailangan mo akong tulongan " mahina nitong sabi kaya ganon na nga ang nangyari. " Hindi pa naman siguro ako mahihilo nito " bulong pa ni Carol at nagpedal habang nakahawak si Paulo sa magkabilang balikat niya. " Kailan pa siya nakipag usap sa ibang tao? " pagsunod rito ng driver niya ng tingin " Hindi kaya siya ang dahilan bakit biglang sinisipag mag-aral nitong si Ma'am Carol? " Hindi naman maiwasang kiligin ng driver sa naisip niya. At habang nasa daan ang dalawa pauwi walang may nagtangkang magsalita. " Lagyan mo yan ng yelo " bilin nito ng dumating sila " wag kang mag-alala hindi mo yan ikakamatay " dugtong pa nito. " Hindi ko alam kung nag-aalala ka ba o nang-aasar " tingin rito ni Paulo " pero Salamat! " ngiti niya pa rito pero natigilan siya ng tumitig lang ito sa kaniya. " sige, aalis na ako! " pagtalikod nito at naglakad. " napaka labo niyang kausap " tingin niya rito " te-teka! Hindi ka ba muna magpapakita sa Lola mo? Matutuwa yon kapag nakita ka " habol niya rito pero kumaway lang ito at patuloy na naglakad " Kung sa bagay kahit naman ako kung sisilip lang ako hindi na bale " pagkatok na rin nito para pumasok " Pero yong mga mata niya masyadong maraming sinasabi " malungkot niyang lingon rito pero tuloyan na itong naka-alis. " Sa tingin ko naiitindihan naman nong babaeng nagbigay saakin ng sulat ang lahat nang mga sinabi ko sa kaniya " pagsusulat nito " Panibagong p*******t na naman ang ginawa saakin ng babaeng si Carol pero sa tingin ko baka mabait talaga siya? " paghinto nito magsulat at nahiga. " Carol? " pag-iisip nito at tuloyang pumikit para matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD