KASALUKUYANG nakahiga si Carol pagkatapos makapag-uniform habang iniisip kung papasok ba ito.
" Mukhang hindi naman papayag si mama sa pakiusap ko kaya mabubulok na lang ako dito sa kwarto " bulong nito at pumikit pero napadilat ito ng biglang may pumasok sa isipan niya.
" Yong sulat nga pala " pag-iisip nito kay Paulo pagkwan naupo ito ng may kumatok sa kwarto niya at mayamaya nagbukas ang pinto.
" Papasok ka ba ngayon? " Nahiga naman ito ulit ng maupo ang mama niya sa kama niya.
" Ano naman sainyo? " pagtagilid pa nito ng higa para talikuran ito pagkwan naramdaman nito ang paghawak ng mama niya sa buhok niya.
" Alam mo ba kung bakit gusto kong tumira din rito? " tanong pa rito ng mama niya pero tumahimik lang Ito " Gusto ko rito dahil gusto kong mabuhay ka ng maganda " natigilan ito sa paghawak sa buhok nito ng hawakan ni Carol ang kamay niya at inalis rito.
" Kung wala na kayong sasabihin lumabas na kayo! " pag-upo nito habang nakatalikod sa mama niya at nakakunot ng noo.
" Napag-isipan ko na ang mga sinabi mo kahapon " natigilan naman ito at hinintay ang mga sasabihin pa nang mama niya " Pumapayag ako " ganon naman ang pagkislap ng mata niya at humarap rito " Pero may mga kondisyon ako " dugtong nito agad.
" Sige! " pagseryoso nito.
" Kailangan maabot mo ang grado ng mga kapatid mo! " napakunot naman siya ng noo rito sa asar.
" Nagbibiro ba kayo? Rank 2 and 1 ang mga anak anakan mo kaya paano ko gagawin yon?! " malakas nitong sabi.
" Pangalawa lahat ng gagawin mo sa labas ng school kailangan kong malaman " sabi nito ng parang hindi narinig ang reklamo ni Carol.
" TSK! ANO NAMAN ANG KINALAMAN NG MGA GINAGAWA KO SA BUHAY NIYO?! " naaasar nitong sabi.
" Pangatlo every weekends dito ka uuwi at makikinig ka saakin " pagbalewala nitong muli sa mga sinabi ni Carol " Kung gagawin mo ang mga sinabi ko then, wala na tayong pag- uusapan " ngiti nito ng hindi na nagsalita si Carol.
" Ihahatid ko sa lunes ang mga gamit mo kung pumapayag ka sa mga sinabi ko " paghawak niya rito sa mukha at natigilan ito ng paloin ni Carol ang kamay niya dahilan para matigil ito sa ginagawa niya.
" MAS LALO MO NAMAN AKO KINUKULONG SA MUNDONG GUSTO MO!!! " sigaw nito.
" Ginagawa ko yon para sayo " kalmado niyang tingin rito.
" Para saakin?!!! " tawa nito habang naaasar " Asan ang para saakin doon? Ang pantayan ang mga anak ng asawa mo? Ang gawin ang gusto mo? At pakisamahan kayo rito?! " naiinis nitong sabi " Alam mo ba kung bakit ayaw ko rito?! Dahil sawang sawa na akong pakisamahan at gawin ang gusto mo!!! " sigaw nito.
" TUMAHIMIK KA! " nagpipigil ritong galit ng mama niya " HUWAG KANG NAGREREKLAMO DAHIL KUNG SA UNA PA LANG SUMUNOD KA SA MGA GUSTO KO HINDI SANA GANIYAN ANG GALIT MO, SAAMIN, SAAKIN! KAYA SA AYAW AT GUSTO MO KAILANGN MONG SUMUNOD SAAKIN DAHIL MAMA MO AKO!!! " Titig niya rito pagkwan hinawi ni Carol ang buhok niya.
" tsk! Lintik na mama yan! " pagkuha nito sa bag niya at naglakad.
" Saan ka pupunta?! " tawag niya rito.
" Gagawin ang gusto niyo! " pabagsak nitong pagsara sa may pinto, natahimik naman ang mama niya at pinigilang mahulog ang mga luha niya.
" Ginagawa ko 'toh dahil bilang mama mo kailangan mong mabuhay ng masaya, nang maganda pero bakit hindi mo yon maitindihan? " bulong nito " Pero ano bang dahilan at bigla siyang nagkaroon ng ganong mga disisyon? May pangarap na ba siya sa buhay? Imposible naman kasing gawin niya yon dahil sa Lola niya, matagal ng nawala ang papa niya kaya paanong ngayon lang siya magdidisisyon ng ganon " pagkwan nakita nito ang barya sa study table nitong si Carol " Maaari bang dahil dito? " bulong nito pagkwan naalala niya ang nauna nitong asawa kung saan dito nakuha ni Carol ang ganitong ugali, ang magdisisyon gamit ang barya " Ang anak mo napaka pasaway " bulong nito at tuloyang nahulog ang mga luhang namumuo sa mata niya.
" PAPASOK KA?! " malakas ritong tanong ni Anika ng makita niyang naglakad palabas si Carol pero huminto lang ito saka naglakad muli.
" Sige po Daddy, Kuya papasok na rin po ako! " mabilis nitong pagsuot sa bag niya at tumakbo palabas mataman naman silang sinusundan ng tingin nitong si Josh.
" Talaga bang sa kanilang dalawa lang maaaring nagmula yong sulat kay Paulo? Pero sino sa kanila? " pag-iisip nito " Mga pasaway talaga " pagbuntong hininga pa nito.
" Alam kong alam mo ang nangyayari sa dalawang yan sa school kaya sabihin mo saakin anong dahilan at ganyan yang kinikilos nila? " tanong rito ng daddy niya " Si Anika hindi umaalis ng hindi kumakain pero ngayon mabilis na umalis na para bang may hinahabol at si Carol na walang gusto sa buhay bigla ding nagka-interest pumasok " pagtabi niya rito sa may sofa " Ano bang nangyayari diyan sa dalawa? " natigilan itong daddy niya ng tumayo itong si Josh " Sandali wag mong sabihing aalis ka na din? " nagtataka niyang tanong rito.
" May P.E class po kami " mabilis din nitong pag-alis.
" Akala ko yong mga dalaga ko lang ang may deperensya pero mukhang ganon din ang binata ko " pagsunod niya ng tingin rito. SAMANTALA hindi naman maiwasang isipin ni Paulo ang love letter sa kaniya.
" Sino bang maaaring nagbigay non? " bulong nito wala kasing nakalagay ritong pangalan " At saka ano bang dapat kong sabihin kapag nagka-usap kami? " paghawak niya ng mahigpit sa kutsara niya habang nasa harap ng almusal.
" Sir ayaw niyo po ba sa hinanda ko? " ani Lusin " Pero puro naman hotdog ang hinanda ko kaya imposible naman yon kaya sige na po mag-almusal na kayo " ngiti nito habang pinagmamasdan nila ito ng Papang ni Paulo.
" Kumain kana baka mahuli ka sa klase " ani Papang nito.
" Pang may nagkagusto na po ba sainyo? " natigilan naman siya ng biglang tumawa itong si Lusin.
" Matandang binata ang papang mo kaya imposible yon! " tawa pa ni Lusin at mabilis na umalis ng makita ang masamang tingin rito ng Papang ni Paulo.
" Ano bang gusto mong sabihin? " tanong din rito ng Papang niya.
" Eh may nagsabi na po ba sainyo ng nararamdaman nila? " tanong nito at napangiti siya ng tumango ito.
" Talaga po? " nangingislap nitong tanong.
" Oo, nong wala pang nawala sa memorya mo madalas natin pag-usapan ang mga nararamdaman mo " bumagsak naman ang nguso nito sa sinabi ng matanda.
" Tama si Aling Lusin matandang binata itong tinatanong ko kaya puweding wala siyang alam sa mga gusto kong malaman ngayon " bulong nito saka tumayo " Sige Papang aalis na po ako " paglalakad nito.
" Sandali hindi ka pa kumakain " pagsunod niya rito.
" Sa school lang po baka malate na po ako " pagsakay nito sa bisikleta niya at umalis.
" Ano bang sasabihin ko mamaya? " pag-iisip nito " Kagabi ko pa ito iniisip pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dapat kong maramdaman kapag nagkaharap kami ng nagbigay saakin ng letter at saka anong sasabihin ko? " natigilan ito ng maalala niya ang pagtatapat ng munting binibini kay Ken kahapon.
" Erereject ko ba siya tulad ng kay Ken o sa pamamaraang katulad ni Stell? " pagkwan naalala niya ang pafall na ugali ni Stell.
" ahhhhhh kainisssss!!!! " paggulo nito sa buhok niya pero natigilan siya ng mapansin niyang nakatingin sa kaniya ang ilang tao sa daan.
" Nakakahiya " pagpedal nito ng mabilis " Pero sino bang nagbigay saakin? mas makakapag-isip ako ng maayos kung kilala ko dapat kasi nilagay niya ang pangalan niya " bulong pa nito pagkwan naisip niya si Anika.
" Mas madali sanang magdesisyon kung si Anika " pagbablush nito pero naalis yon ng maisip si Carol " Imposible naman siguro, siya nga ang nag-iisip na ako ang may gusto sa kaniya kaya lang paano kung siya? " napalunok ito ng biglang maisip ang mukha ni Carol " BAKA MAGCOLLAPSE AKO KUNG SAKALING SIYA ANG MAKIKIPAGKITA SAAKIN " pilit nitong ngiti habang pinagpapawisan ng maisip kung sakaling kay Carol nga.
" Pauloooo!!! " naalis bigla ang kaba niya ng makita niyang kumakaway sa harapan niya si Anika.
" Sana nga siya na lang " bulong pa nito at nagtungo rito at gaya ng madalas mangyari binigay niya rito ang ID ni Rohan para makapasok ito at dumeretso sila sa may volleyball court for their P.E class.
" Kamusta ang tulog mo kagabi? " ani Anika habang naglalakad sila kasabay si Rohan at Andy pagkatapus nila itong makasabay patungo sa court nang magpalit sila ng P.E uniform.
" Maayos naman " ngiti nito.
" Paulo yong letter kahapon__ " napalingon si Paulo sa pagtatanong ni rohan ng sawayin ito ni Anika.
" sige, mauna na kami " pagpapaalam nila at naunang naglakad agad namang ngumiti si Paulo ng lumingon rito si Andy saka sumunod sa dalawa.
" Paano nga kung si Anika? " hindi nito maiwasang mapangiti sa pumasok muli sa isipan niya pagkwan naglakad na ito at sumalubong rito si Justin.
" Isulat mo ang pangalan mo for attendance " pagbibigay niya rito sa listahan ng pangalan at ballpen, inabot naman niya ito agad.
" Salamat " Ngiti nito pero natigilan siya sa pagsulat ng makita ang mga nakalistang pangalan at apat sa sulat kamay rito ay ang sulat kamay ng naglove letter sa kaniya.
" Carol, Anika, Andy, at ni Rohan? " basa niya rito.
" Sandali Justin bakit magkakapareho ang sulat kamay na ito? " pagtatanong agad nitong si Paulo " Kung malalaman ko ang nagsulat nito malalaman ko kung sinong nagbigy saakin ng sulat at saka paanong pati si Carol? " bulong nito.
" Yan ba? Okay lang yan ang mahalaga may attendance isusulat din naman ulit ni Josh itong attendance siya kasi ang naatasang maglelead sa klase ngayon, may meeting si Sir kaya okay lang kung iba ang magsulat sa pangalan mo " ani Justin agad naman niyang hinagilap ng mata si Carol at nandito nga ito sa court habang nakaupo sa may sulok at nakapikit samantala sina Anika naglaro agad.
" Napaka tamad talaga niya " bulong nito pagkwan nilingon niya si Justin " Nakita mo ba sinong nagsulat sa pangalan nitong apat? " pagtukoy niya sa pangalan nila Carol.
" Hindi, bakit mo tinatanong? " pagtitig na rin niya sa sulat.
" Dumating kana pala " pagsulpot ni Stell at umakbay rito " Halika laro tayo " nakangiti pa nitong sabi pagkwan napalingon siya sa Justin na matamang tinitingnan ang attendance sheet.
" Ano bang ginagawa mo? " batok niya rito ng mahina kaya natigilan ito.
" Ah kasi, tinatanong ni Paulo kung sinong nagsulat nito " mahinang sabi nitong si Justin kaya mabilis na umalis itong si Paulo bago pa makapagtanong si Stell.
" Pero bakit? " natigilan itong si Stell ng mabasa niya ang pangalan ng magkapatid na Santos.
" Teka Paulo! " takbo niya rito " Bakit mo tinatanong kung sinong may sulat kamay roon? " akbay rito ni Stell.
" Wala, huwag mo nang pansinin yon maglaro na lang tayo " pagtanggal niya sa pagkakaakbay niya rito.
" May kinalaman ba yon sa nagsulat sayo? " napalingon naman siya rito " Hinahanap mo ba kung sinong nagsulat sayo at yong nakita mong sulat kamay ay katulad ng nagsulat sayo hindi ba? " napalingon naman siya rito na halatang hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Stell.
" Gaya ng sabi ko sayo marami ng nagsabi saakin ng nararamdaman nila " pag-akbay ritong muli ni Stell " Sa personal, chats, at love letter kaya alam ko ang nararamdaman mo syempre mukhang first time mo pa ata yan maranasan pero kapag nagtagal masasanay ka din " pagtapik niya pa rito " Sa ngayon maaaring nagmula ang sulat mula kay Rohan, Andy, Anika, at Carol? " tingin nito sa Carol na nakasandal sa may wall at nakakunot na tinitingnan ang mga kaklase nilang naglalaro kaya bigla tuloy itong napangiti.
" Tama ka, kaya lang hindi ko pa naman nakikita ang mga sulat kamay nila kaya hindi ko alam kung sino sa kanila pero ikaw alam kong alam mo " natigilan ito nang umiling si Stell.
" Maliban kay Rohan Hindi ko alam ang sulat kamay nila " ani Stell " si Anika nakakatakot lapitan mamaya bugbogin ako ni Ken kaya hindi ko pa nakikita ang sulat kamay niya, si Andy naman hindi ko alam kung napapansin mo pero umupo lang naman siya diyan sa likod mula ng maupo tayo sa likuran dahil sa harapan talaga yan nakapuwesto palagi kaya hindi kami ganon kaclose sa madaling salita hindi ko pa nakikita ang sulat kamay niya, at si Carol? " napatitig rito si Paulo ng tumahimik ito bigla saka siya nakaramdam ng kaba.
" SI CAROL? " tanong nito pagkwan lumingon ito sa kinauupuan ni Carol kanina at nawalan siya ng lakas kaya bumagsak ito sa may sahig nang bigla itong tumingin sa kaniya kasabay ng paghawi nito sa buhok niya.
" Bakla talaga " naaasar nitong bulong.
" Dre okay ka lang? " pagtulong rito ni Stell tumayo.
" Oo " pag-ayos nito sa P.E uniform niya ng mapansin niyang nakatingin sa kaniya ang ilang kaklase nila " Pero Stell yong sulat kamay ni Carol? Ano? Siya ba?! " sunod sunod niyang tanong rito pagkwan bumulong ito rito.
" sa loob ng limang taong pagkakaklase namin hindi ko pa nakikitang nagsulat siya " bulong nito saka sinundan ng pagtawa at naglakad sa direksyon nila Josh na naglalaro .
" OKAY LANG NAMAN KAHIT SAAN NANGGALING YONG SULAT BASTA HINDI PUWEDING KAY CAROL TSST! PAANO NAMANG BIGLA SIYANG MAGKAKAGUSTO SAAKIN AT SAKA KUNG SASABIHIN KONG HINDI KO SIYA GUSTO E PANIGURADONG BUBOGBOGIN NIYA AKO " nag-aalala nitong pag-iisip saka sinundan si Stell.
" MUKHANG KILALA KO NA ANG NAGSULAT SAYO " pag-iisip ni Stell pagkatapus malingon ang kaibigan niyang nag-aalala ang mukha " Ano kayang mangyayari mamaya? " lihim nitong ngiti.
" Makinig kayo ang magpaparticipate lang ang ililista ko sa attendance kaya kahit nakasulat kayo nang pangalan kung hindi kayo nagparticipate useless yon " Malakas na sabi ni Josh kaya yong mga naka upo madaliang naglaro pero si Carol gaya nang madalas asahan wala siyang pakialam sa narinig niya.
" Tsk! Pinaka-ayaw ko talaga yong sinasabi kung anong gagawin ko " pag-upo nito muli kung saan maglalaro sana ito pero dahil sa sinabi ni Josh bigla itong nawalan ng gana pagkwan naglaro na din itong si Paulo at pagkailang minuto nagpahinga na din siya at ganon na lang ang gulat niya ng makasabay nito si Carol kung saan palabas ito at siya naman uupo malapit sa may daraanan.
" Go-good morning " pilit niyang ngiti rito pero masama lang siyang tumingin rito " Sandali! " tawag rito ni Paulo nang maglakad ito.
" Lalabas ka na naman ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Josh? " tanong niya rito.
" ANO NAMANG PAKIALAM MO SA GUSTO KONG GAWIN? " malamig nitong tanong.
" Ang akin lang naman nandito kana at saka sayang yong attendance na sinulat mo kaya bakit hindi kana lang maglaro? " dugtong pa nito.
" Wala naman akong pakialam doon! " paglalakad nitong muli.
" Ang hirap naman niyang kausap " bulong nito pagkwan mabilis siyang tumakbo sa harapan ni Carol pero napaatras din siya ng makita ang mga mata nito.
" Sandali may itatanong lang ako, yon lang " tingin niya rito pero tumingin lang din ito sa kaniya na halatang naghihinty sa tanong niya " ah, eh, si-sinong nagsulat sa pangalan mo sa attendance sheet? " Kinakabahan nitong tanong " Ikaw ba? " pilit nitong ngiti pero naalis din agad yon ng masama ritong tumingin si Carol.
" Haist! " bulong nito saka naglakad palabas natigilan naman sa pagsunod rito ng tingin si Paulo ng mapunta sa direksyon niya ang bola.
" Salamat " pag-abot ni Anika sa bola pagkatapus niya itong kunin at iabot rito.
" Grabe ang bango niya talaga kahit subrang pawis niya " pag-iisip nitong si Anika pagkatapus ritong ngumiti ni Paulo pagkwan nagpahinga na din siya.
" Anong sinabi mo sa kaniya? " napalingon bigla si Paulo sa pagtabi sa kaniya ni Josh " Alam mo ba ayaw na ayaw niyang inuutosan siya " nagtataka naman siyang lumingon rito hindi niya kasi sigurado kung sinong tinutukoy nito.
" Ikaw bang nagsabi sa kaniyang mag-aral ng maayos? " mas lalo siyang nagulohan sa sinabi nito " Mula ng pilitin siyang tumira nila daddy sa bahay at nilipat sa pinapasokan namin bigla siyang nagbago na akala mo daladala niya palagi ang poblema ng mundo para maging ganon kasungit ang mukha niya araw araw dati iniisip kong dahil baka ayaw niyang nagbibyahe kaya naaasar siya nong dalhin siya ni tita sa bahay malayo kasi sa school ang bahay namin kaya lang habang tumatagal napapansin kong mas lalo siyang nawawalan ng pakialam sa lahat pero alam mo ba kahapon sinabi niyang mag-aaral siya ng maayos " Hindi naman pinansin ni Josh ang pabiglang tawa ni Paulo.
" Pasensya kana " nahihiya nitong sabi dahil sa inasta niya " Maganda kong papasok siya ng maayos palagi din yon tinatanong ng Lola niya " pagseryoso din niya pero tumango lang itong si Josh.
" Paano bang magkakapareho kayo ng year level? At halos magkaka-edad? " Tanong na din ni Paulo sa matagal niyang iniisip sa tatlo.
" One year old twin kami ni Anika kaya dahil sa maliit na agwat nang edad namin napagkaisahan ng parents namin na sabay na kaming pumasok sa school para nababantayan ko siya " pagkukwento nito " Si Carol naman anak ni Tita at Daddy sa madaling salita nagcheat si Daddy kay mommy or kay tita? " bahagya nitong ngiti at napalitan ng pagseryoso ng mukha niya
" Yong totoo parental si Mommy at Daddy ang totoo talagang nagmamahalan ay ang mama ni Carol at ni Daddy pero magkaiba sila ng buhay kaya tutol doon ang mga magulang ni Daddy nakakatawa pero kung iisipin sa telenovela lang yon nangyayari hindi ba " pagsandal nito ng upo at tumingin sa Carol na nagtungo sa may volleyball net nang makabalik Mula sa labas.
" Sa tingin ko maliban sa Lola niya ikaw ang dahilan bakit gusto niyang mag-aral ng matino " pagtayo nito kaya napalingon naman rito si Paulo " sinabihan mo siyang maglaro hindi ba? " ngiti pa nito bago tuloyang umalis.
" Ang weird naman niya " bulong nito at tumingin sa tinutukoy ni Josh pero natigilan siya ng biglang maisip ang sinabi ni Josh
" AKO ANG DAHILAN BAKIT NIYA GUSTONG PUMASOK? " pagtingin niya rito " SANDALI HINDI KAYA PARA ASARIN LANG AKO?!!! " nanlalaki niyang tingin kay Carol sa takot pero natigilan ito ng makita niyang nagsi-alisan ang mga naglalaro at naiwan ito " Sino namang makikipaglaro sa kaniya kung ganiyan siya kalakas pumalo ng bola? " pagtukoy nito sa pag-iwas ng mga kalaro niya sa bola sa tuwing pinapalo niya ito.
" tayo na mamaya ma-abnormal tayo nito pagnamaan tayo " bulongan ng mga kasamahan ni Carol sa may net si Anika naman kanina pa umalis para magpahinga " Nakakatakot naman siya " bulongan pa nila.
" tssst! Mahihina naman pala kayo eh! " sigaw nito napalingon naman sa kaniya ang lahat maging ang mga boys dalawang net kasi ang pinaglalaruan nila boys and girls net pero magkatabi lang ito.
" AT SAKA SINO BANG NAGSABING GUSTO KO NG KALARO? " bulong pa nito habang ang sama ng tingin.
" Kapag pinagsama mo ang sungit ng mukha mo at lakas mong pumalo talagang walang gustong kumalaban sayo " napalingon naman ito kay Paulo.
" One on one tayo " ani Paulo at pumunta sa kabila at napalunok ito ng matitigan niya ang mata ni Carol.
" IWAN KO BA PERO SA TUWING NAKIKITA KO SIYA PARANG MAY MAGNET NA HUMIHILA SAAKIN PALAPIT SA KANIYA HINDI KO RIN ALAM KUNG HINAHANAP KO BA ANG KAMATAYAN KO SA MGA KAMAY NIYA O ANG KAMATAYAN KO ANG NAGHAHANAP SA MGA KAMAY NITONG SI CAROL " pag-iisip nito pagkwan pinalo na nga ni Carol ang bola pero hindi ito sinalo ni Paulo.
" PAMBIHIRA ANG LAKAS NGA, LUMPO AKO NITO KAPAG NATAMAAN AKO! " pagpulot nito sa bola.
" Sali ako " pagpunta ni Stell kay Paulo at lumapit pa si Josh at Justin sina Anika at ilang kaklase nila para maganap ang tamang players.
" Mabuti naman " pagngiti nitong si Paulo at nagsimula na nga ang laro at kateam nila Anika si Paulo sina Josh naman at Carol.
" kinakabahan ako sa mga palo ni Carol " natawa naman si Anika ng marinig ang bulong ni Paulo.
" Hindi siya nauubosan ng lakas " ani Rohan.
" Kapag tinamaan tayo diretsong hospital ang sasapitin natin " mas lalong lumakas ang tawanan nila sa sinabi ni Stell.
" Bakit naman ata ang saya nila? " ani Justin habang hawak hawak ang bola para magserve.
" May usapan siguro sila " ani Josh at napalingon sila kay Carol nang kunin nito ang bola.
" AKO ANG MAGSESERVE! "
" si-sige " kinakabahan ritong pag-awat ni Justin.
" heyaaah!!! " sigaw nito at malakas na pinalo ang bola at sa bilis nito napatitig na lang rito sina Stell at inabangan saan ito tatama.
" Araaaay ko " pagkatihaya ng tinamaan.
" tsk! Tapos na ang klase " ngiti ni Carol at tumalikod saka umalis.
" Paulo okay ka lang? " punta rito nila Anika.
" Punta tayong clinic " ani Stell pagkatapus makita ang pagdugo ng bibig ni Paulo pagkatapos tamaan ng bola.
" Masama talaga siya " bulongan pa ng ilang estudyante.
" Tapos na ang klase puwedi na kayong lumabas " ani Josh bago pumunta kay Paulo.
" Mas maayos kung pupunta kang clinic " tingin nito sa bibig ni Paulo.
" Ang Carol na yan talaga!!! " pagtayo ni Anika.
" Hayaan mo na Hindi naman siguro niya sinasadya " pagtayo nito at natigilan naman si Carol sa sinabi niya " Sige, mauna na ako " mabilis nitong paglalakad " Stell ikaw ng bahala sa bag ko " bilin pa nito sinundan naman ito ng tingin ni Carol pagkatapus siyang lagpasan nito.
" Kuya sumusobra na si Carol " sumbong nitong si Anika.
" Pumasok na tayo " sambit lang rito ni Josh at naglakad.
" Alam mo minsan hindi ko alam kung sinong kapatid sainyo ni Josh e parang mas pinapaboran niya palagi si Carol " ani Rohan habang naglalakad sila palabas pero hindi na siya nagsalita at naaawang naisip si Paulo.
" KUNG BAKIT KASI ANG BAIT NIYA " bulong nito at naglakad palabas. Samantala agad namang nagtungo sa washing area si Paulo para magmumog.
" BALAK NA ATA AKONG PATAYIN NG CAROL NA YON " natatakot nitong pagmumog " Aray ko " bulong nito pagkatapus masaktan dahil sa pagkakasugat ng labi niya.
" Sa tingin ko naman hindi mo yan ikakamatay! "
" CAROL! " paglayo niya rito pagkatapus makitang nakatayo ito sa harapan niya habang nakahalukipkip.
" Ayaw kong sabihin ito dahil kasalanan naman ng kabaklaan mo yan pero dahil nakakaawa ka, sige " agad naman nagtagisan ang bagang ni Paulo sa sinabi nito.
" PASAWAY KA__ " natigilan ito sa pag-iisip ng magsalita si Carol
" SORRY! " mabilis nitong sabi " Pero kasalanan mo rin naman dahil nakipaglaro ka saakin at pangalawa pinilit mo akong maglaro kahit ayaw ko " mahina nitong sabi.
" Ang mahalaga nag sorry ka kaya okay na yon! " masaya nitong pag-iisip pero natigilan itong si Paulo ng makita ang mga mata nito hindi yong matang nakakatakot kundi yong matang may malulungkot na tingin.
" TSK! NAKAKAAWA KA! " ani Carol at naalis ang mga ganong tingin at napalitan ng masasama pero binaliwala niya ito.
" Pumasok na tayo " pagpunas nito sa bibig niya " Kung mag-aaral kana nang maayos pumasok na tayo " ngiti nito at naglakad pero hindi rito sumunod si Carol " Halika na mahuhuli na tayo sa next period " lingon niya rito at ngumiti at napailing na lang siya ng masama lang ritong tumingin si Carol at naglakad pero tahimik niya lang itong sinundan at hindi na tinangka pang kausapin.