NAPABAGON bigla si Paulo ng managinip na naman ito.
" Bakit ba napapaniginipan ko pa rin ang mga tao sa panaginip ko? " pag-alis nito sa kama niya at nagtungong banyo para maligo nang mahimasmasan ito at tuloyang magising.
" Papang wala ba talagang kinalaman ang mga panaginip ko sa mga nawalang alaala ko? " tanong nito habang naghahanda itong pumasok.
" Alam niyo Sir Paulo sa tingin ko sumobra lang ang tulog niyo kaya kayo nanaginip na naman " ani Lusin ng mapansin ang pananahimik ni Roman, hindi naman nagsalita pa si Paulo sa sinabi nito dahil alam niyang hindi dahil doon pagkwan nagmano siya sa mga ito para pumasok. AT napahinto ito nang makita niyang inaabangan ito ni Carol sa may gate nila.
" ALAM KO NAMANG GUSTO MO AKONG MAKASABAY KAYA ITO HININTAY KITA " mayabang pa nitong sabi.
" Kailangan ko pa bang magpasalamat? " Pamimilosop rin nito habang hilahila ang bisikleta nito.
" Di bale na! " pagsunod niya rito at napangiti na lang si Paulo sa kahanginan nito.
" Alam mo Jampawlo kung talagang gusto mo akong makasabay kailangan mabilis kang maglakad! " pag-una niya rito sa paglalakad. Pagkwan napatingin si Paulo sa uniform nito kung saan nakamaong na naman ito.
" Sandali Carol bakit naman ganyan ang suot mo? " nagtataka niyang tanong rito.
" Alam ko kasing gusto mo akong pasakayin sa bisikleta mo " natigilan naman si Paulo sa sinabi nito " Kaya ito pinaghandaan ko na " pagharap niya at naglakad paatras.
" Pati yon iniisip mo rin? " tingin niya rito.
" O bakit totoo naman yon diba? " masama niyang tingin rito kaya wala siyang magawa kundi sumang-ayon rito.
" E ano bang kinalaman ng maong mo sa pagpapasakay ko sayo sa bisikleta? " tanong pa nito.
" Masyadong mahangin kapag nagpepedal akong nakapalda at nakashort lang " Paghinto nito " Dali na yayain mo na akong sumakay! " tingin niya pa rito kaya napailing na lang itong kaharap niya.
" Minsan nanghihina na lang talaga ako sa lakas ng dala mong hangin " Natatawa nitong sabi " Dali na po, sumakay kana! " pagpapasakay niya rito, agad naman siyang sumakay rito pagkwan umangkas din rito si Paulo.
" Haist! dahil sa ginagawa mo andaming sumusunod saatin ng tingin dapat kasi ikaw ang umangkas saakin " nahihiyang pagtatago niya rito habang pinagtitinginan sila ng ilang kabaranggay nila.
" sus! Hayaan mo sila iniisip lang naman ng mga yan na girpren mo ako " agad naman siyang dumestansya rito.
" anong pinagsasabi mo? " nag-aalala nitong sabi.
" magboypren or nagliligawan lang naman ang nagsasama ritong sumakay nang bisikleta pero hayaan mo sila hindi naman yon totoo, bakla ka eh " pang-aasar na naman nito.
" tumigil ka nga tssst! Alam mo Carol dapat hindi mo sila hinahayaang isipin nila yon sayo "
" Ano namang magagawa ko sa iniisip nila? Isa pa wala akong pakialam doon noh! " seryoso nitong sabi kaya nakaramdam bigla ng kakaiba si Paulo ng maramdaman nito ang lungkot sa boses ni Carol na para bang tela naranasan na nito ang ganitong pakiramdam.
" Sandali ayaw mo bang maparusahan ngayon? " tuloyan naman siyang nagising sa sinabi nito.
" Paano? " tanong nito agad.
" May alam pa akong ibang daan pero hindi nga lang ako sigurado kung hindi pa yon naaayos ng school matagal na akong hindi dumadaan doon eh " pag-iisip nito.
" Saan? Sandali baka mang-aakyat na naman tayo tssst! Di bale na lang "
" Hindi tayo aakyat___ "
" Kung ganon doon na tayo " pagputol niya agad sa pagsasalita nito.
" Okay! " pagkwan pumedal ito ng medyo mabilis at ganon na lang ang pagtataka nito ng sa may mga damohan sila dumaan as in walang daanang sasakyan at base sa mga d**o nito kahit tao bihira na ding dumaan rito.
" Sandali Carol hindi kaya may gagawin ka saakin? Wala ng tao rito ah " paglingon ni Paulo " Hindi kaya ngayon muna ako tuloyang tatapusin? " panghihinala niya rito " Kaya ba hindi mo ako sinasaktan magmula kanina e dahil may plano kang gawin saakin? Bakit nga ba hindi ko napansin yon? " natigilan ito nang huminto si Carol.
" Baba! " sumunod naman siya rito at napahawak ito sa tuhod niya ng sipain siya nito pagkatapos din umalis sa bisikleta " matatahimik kana ba ngayong sinaktan kita? Tsk! ang daldal " pag-alis nito.
" Ang liit talaga ng pasensya niya tsssst! puwedi namang ipaliwanang na lang " nakatitig niya rito habang bakahawak sa tuhod niya " teka! Saan ka naman pupunta? " pagsunod niya rito habang maarteng umaapak sa damohan, madamo kasi talaga itong dinaanan nila.
" tulongan mo akong manguha ng dahon! " pagkuha nito sa mga tuyong malalaking dahon at nilagay sa bisekleta ni Paulo pagkatapus pahigain.
" Ano bang ginagawa natin? " pagtataka nito habang sinusunod ang ginagawa nito.
" Walang taong nagpupunta rito kaya panigurado kapag may dumaan sa bisikleta mo rito for sure kukunin nito kaya wag ka ng matanong " pagtabon niya rito ng mga dahon " okay na yan! Halika na!!! " paglalakad nito, parang tanga namang tumingin si Paulo rito at natigilan siya ng makita ang taas ng pader na may mga basag na bote sa taas.
" Kung ganon saan tayo dadaan? " napapikit ito ng sipain ni Carol ang pader at tumunog ito ng parang kahoy na nasira.
" Kung ganon kahoy pa rin ang inayos nila rito " ani Carol pagkatapus hawiin ang mga dahong tumatabon rito at isang butas sa ilalim nang pader ang nakita ni Paulo " Halika na! " pag-upo nito at inayos niya ang dadaanan nila kung saan sa ilalim ng pader.
" Carol hindi kaya bumagsak saatin yang pader? " nag-aalala nitong tanong.
" Ano naman kung bumagsak sayo? " ganon naman ang paglaki nang mata niya sa sinabi nito.
" nagbibiro ka lang diba? " Hindi nito makapaniwalang tanong.
" Nakangiti ba ako? " paggapang nito at halos hindi siya magkasya kaya medyo narumihan ang magkabilang balikat niya.
" Bilisan mo na! " utos niya rito pero tumitig lang rito si Paulo " Alam mo lahat tayo nakalista na kung anong ikakamatay natin at kung itong pader ang makakapatay sayo edi wala na tayong magagawa doon, di bale magdadala na lang ako palagi ng bulaklak rito " mahaba nitong sabi.
" grabe! akala ko pa naman palalakasin mo ang loob ko eh aksidente lang ang inaalala ko pero ikaw kamatayan ko na " pagsilip nito sa kinaroroonan ni Carol pagkatapus makapasok sa loob pagkwan naghanda na rin siyang gumapang papasok at dahil mas malaki siya rito kaya nastock ito.
" Sandali dagdagan natin ang butas " pagkuha nito ng malaking bato.
" Hoy po! Kung nagbibiro ka huwag mo ng ituloy, mamaya magcrack itong pader at bumagsak pa saakin " nag-aalala nitong sabi " mauna ka na lang pumasok, sa kabila na lang ako dadaan " sabi nito, tumingin naman rito si Carol ng ilang segundo bago tumayo.
" Oh sige " tipid lang nitong sabi at naglakad pero huminto ito nang marinig niyang umuungol si Paulo.
" O anong ginagawa mo? " pagbalik niya rito at tinitigan siya ng may pang-aasar, alam niya din kasing mangyayari ito pagkatapos niya itong titigan kanina.
" Huwag ka ngang mang-asar kasalanan mo toh kaya tulongan mo ako " naaasar niyang sabi rito habang pilit ritong umaalis sa may pader pagkatapus niyang mastock.
" Bakit ano bang nangyayari sayo? " pang-aasar niya pa rito.
" Hindi ako makaalis, nastock ako! Kaya tulongan mo na ako? " nagmamakaawa niyang tingin rito pero klaro pa rin sa mukha niya ang asar.
" Hindi kaya sinasabi ng pader na yan na siya ang kapalaran mo? Kapalarang mamatay diyan? " pananakot pa nito at ganon na lang ang tawa niya ng makita ang naaasar at natatakot nitong mukha.
" Tulongan mo na lang kaya ako? Nananakot ka pa e! " naaasar nitong sabi habang natatakot. At napatingin siya rito ng ilahad nito ang kamay niya.
" Anong binabalak mo? " nagtataka niyang tingin rito.
" edi hihilain kita o gusto mong tadyakan kita ng bumalik ang kalahating katawan mo sa labas? " seryoso nitong tanong.
" Wala ka bang naiisip pang ibang paraan? " natatakot nitong tanong.
" ayaw mong ipasira ang pader dahil natatakot kang tuloyang bumagsak sayo lahat ng pader kaya hihilain kita! " paliwanag nito " Hoy Jampawlo hindi ako mag-aaksaya ng oras na humingi ng tulong kaya pumayag ka na sa gusto ko dahil wala ka ibang choice! " paglalahad nitong muli sa kamay niya.
" Bakit nga ba sumama na naman ako sayo? " nag-aalala niyang tingin sa kamay nito.
" ano pa bang inaarte arte mo diyan? Huwag ka ngang matakot! " hawak niya sa kamay ni Paulo " Nandito naman ako " naaasar niyang titig rito pero pakiramdam ni Paulo biglang nawala ang kaba niya sa sinabi nito kaya humawak na rin siya rito.
" Dahan dahan lang ah? Mamaya maging mananaggal na ako nito eh " pagtingin niya sa kalahati ng katawan niyang nakapasok at nasa labas.
" Oo na! " paghila niya rito " huminga ka ng malalim para lumiit ang katawan mo " sabi pa nito, agad naman siyang sumunod sa sinabi niya " heto na lalakasan ko ang paghila sayo " sabi nito at diretso itong napahiga ng makaalis si Paulo at sa lakas nang pagkakahila niya rito diretso ding napayakap rito si Paulo pero hindi naman sila magkadikit talaga nagawa pa ring pigilan ni Paulo ang katawan niyang huwag tuloyang bumagsak rito habang nakatukod ang mga braso niya sa damohan kung saan nakahiga sa ibaba niya si Carol kung saan hindi niya ito napapansin.
" Hindi na talaga ako dadaan pa rito, okay lang maglinis habambuhay kaysa tuloyan akong ma-abnormal " sabi pa nito habang nasa ilalim nito si Carol nang hindi napapansin, kaya ganon na lang ang pagkakakunot noo nito habang nakatitig kay Paulo kung saan subrang lapit nito sa kaniya.
" GUSTO MONG TULOYANG MA-ABNORMAL? " ganon naman ang gulat niya ng matitigan niya ito sa ilalim niya kaya tuloyang nawalan ng lakas ang kamay niya kaya bumagsak siya sa Carol na nakatitig ritong nasa ilalim niya at ganon na lang ang paglaki ng mga mata nila pareho habang hindi makagalaw pagkatapus bumagsak rito ni Paulo at nagkalapat ang mga labi nila. Kung saan parehong nanlalaki ang mata nila habang nagtititigan ng hindi alam kung sinong puputol sa mga nangyayari ngayon.
" NABABALIW KANA!!! " pagtulak rito ni Carol at naupo, diretso namang napasandal si Paulo sa may pader habang nanlalaki pa rin ang mata niya sa takot habang nakatingin kay Carol.
" BAKA AKO TALAGA ANG NAKASULAT NA TATAPUS SA BUHAY MO! " paghawi nito sa buhok niya at makikita mo sa mga mata niya ang inis saka nito pinunasan ang labi niya.
" Sa-sa-sandali hindi naman yon sinasadya, a-a-aksidente yon " natatakot nitong tingin rito " AKSIDENTING HALIK? " kinakabahan nitong sabi.
" E kung patayin kaya kita tas sabihin kong aksidente rin ang lahat?! " masama nitong sabi kaya ganon na lang ang takot ni Paulo " O kaya alisin ko rin ang mga alaala mo sa mga nangyari ngayon? " masama niyang tingin rito.
" Nagbibiro ka lang diba? " paglunok nito at nanlulumo na ito sa takot.
" NAGBIBIRO?! " pagkuha nito sa batong katabi nito " Tingnan natin kung maalala mo pa ako pagkatapus nito! Yaaaaaaah!!! " paghampas niya rito sa malaking bato diretso sa ulo niya.
" CARRRRRROL MAAWA KA! " Sigaw nito sabay cover sa mga braso nito sa ulo niya.
" TALAGA BANG GUSTO MONG MASAKTAN? " napatingin naman rito bigla si Paulo at tuloyang nagising sa mga panaginip niya pagkatapus ng mga sigaw niya.
" Kung ganon panaginip lang pala yon pambihira parang totoong totoo " pagpunas pa nito sa pawis niyang nagsilabasan dahil sa takot. Pagkwan tumingin agad ito kay Carol at gaya sa panaginip niya ganon din ang hitsura niya, nakakatakot.
" Pasensya ka na__ ay hindi, I'm sorry " mahina nitong sabi " Yong kanina___ "
" Tumahimik ka na lang!!! " pagtayo nito at tumalikod saka naglakad " GAGO! SI PAPA LANG NAKAHALIK SAAKIN! " bulong nito at bahagyang humawak sa labi niya at ganon na lang ang asar niya ng maalala ang mga nangyari kaya agad siyang lumingon rito habang nag-aapoy ang mata nito sa inis pero binawi niya rin yon pagkatapos malingong nakatanga din si Paulo habang nakahawak sa labi niya.
" ALAM KONG HINDI NIYA SINASADYA PERO NAKAKAINIS PA RIN! " paglalakad nito ng mabilis habang parang bombang sasabog na.
" PAANONG NANGYARI YON? AKALA KO KATAPUSAN KO NA KANINA " pagtayo nito habang hindi pa rin bumabalik ang lakas niya sa takot " Ano rin ba kasing ginawa ko? " pagkwan bumalik rito ang lahat at napatingin siya kay Carol habang nalalayuan na ito " Paano ako magsosorry? Panigurado galit na galit siya " mahina nitong sabi " TSK! MINSAN PAKIRAMDAM KO AKO ANG NAGHAHANAP NG KAMATAYAN KO PERO PAANO BA NANGYARI YON? " naaasar pa nitong pag-iisip pagkatapus maalala ang nagawa niya kay Carol " Pero aksidente naman talaga yon " mga bulong pa nito saka naglakad at gaya ng madalas mangyari nauna si Carol rito pero hindi pa ito dumadating sa loob ng classroom.
" Anong nangyari bakit ang dumi mo? " ani Stell ng maupo sila pagkatapus niya itong salubongin kaya agad siyang napatingin sa uniform niya at tama nga si Stell ang daming kumapit ritong mga tuyong d**o at bakas ng pader dahil sa pagkakakiskis rito.
" Ah, Oo " wala sa sarili pa nitong sagot saka ito tinanggal habang tinutulongan ni Stell.
" Anong nangyari kay Paulo? " pagmamasdan rito nila Roh at Anika " Hindi kaya si Ken ang may gawa niyan? " tanong pa ni Roh, Hindi naman umimik pa si Anika pagkwan pumasok ang teacher at sinundan ito ni Carol kaya agad ritong tumingin si Josh at natigilan siya ng subrang sama ng hitsura nito at katulad ni Paulo may ilan ding kumapit ritong mga dahon sa buhok at ang uniform nito may bakas din ng pader.
" Anong nangyari sa kanila? " pag-iisip pa nito at ganon na lang ang pagtataka nito ng mapansin nito ang takot sa mukha ni Paulo habang nakatingin din kay Carol " Anong ginawa nila? At bakit puro d**o sila? " mahina nitong tanong at dahil kanina pa sinusundan ni Jah ang mga tingin nito kaya naitindihan nito agad ang tanong niya.
" Ayaw kong sabihin ito pero alam mo na Josh, yong ano? sa may damohan diba? puwedi ring, alam mo na!? " tuloyang natahimik itong si Jah sa marumi niyang iniisip pagkatapos itong batokan ni Josh.
" GANITO KAAGA?! AT SAKA HINDI SIYA GANON! " napalingon naman ang lahat sa malakas nitong sabi kaya ganon na lang ang ngiti ni Justin pero parang walang nakikita si Josh habang naaasar itong nakatingin sa harapan.
" Kuya what's the matter with you? " mahina ritong tanong ni Anika ang lakas kasi ng pagkakasabi nito kung saan gulat na gulat doon pati ang teacher nila pagkwan tumayo ito.
" Ma'am, Classmates, I'm sorry " pagtayo nito na sinundan ni Jah " Ako din po " nahihiya nitong sabi at yon nagsimula na nga ang klase pero sa ngayon walang kabang naramdaman si Carol kundi inis habang bumabalik sa isipan nito ang mga nangyari, hindi naman magawang lumingon rito ni Paulo habang nararamdaman nito ang masamang ihip ng hangin sa likod niya.
" Halika na Dre nagugutom na ako eh " ani Stell ng matapos ang klase nila.
" sige, gusto ko rin makausap si Carol " mabilis nitong pagliligpit.
" Kung ganon may nangyari nga sainyo? Bakit ba masyado nga kayong madahon kanina? " Tanong nito habang naglalakad sila.
" Kung puwedi Dre huwag muna natin pag-usapan yon " seryoso nitong sabi kaya tumahimik na din si Stell.
" Banyo muna ako Dre mauna kana " pag-alis ni Paulo pagkatapus makaramdam ng kaba ng maisip ang binabalak niyang pagkausap kay Carol.
" Sige, bilisan mo lang ah " kaway pa rito ni Stell, mamaya bigla din siyang nakaramdam ng kaba ng maisip si Carol " Kaya ko ba siyang makasama o lumapit sa kaniya ng kaming dalawa lang? " kinakabahan nitong paglalakad pero napangiti ito nang maisip ang mukha ni Carol " Bahala na nga " paglalakad nito at ganon na lang ang pagkakahinto niya ng pagkarating niya sa kakainan nila nandito nga si Carol.
" O bakit nandito ka na naman? " tanong nito agad habang hinahanap nito ng tingin si Paulo.
" Nagbanyo siya " sagot nito ng mapansin ang paghahanap nito at natigilan siya ng makita nito ang pagkunot noo ni Carol.
" AT SINONG SIYA?! " masama nitong tanong pagkwan kumain ito ng mabilis habang si Stell nakatayo at nakatingin lang rito.
" Tsk! tulad ng dati palagi ka pa ring nakatulala habang nakangiti!!! " sabi nito bago ito tuloyang maglakad paalis kaya tuloyan ding nagising si Stell habang namumula sa kilig.
" Kung ganon hindi niya rin ako nakalimotan " kinikilig niyang pagsunod rito ng tingin.
" TSK! BASTOS DIN ANG HOTDOG NA YON! PAGKATAPOS NANG GINAWA NIYA SAAKIN WALA MAN LANG SIYANG GAGAWIN? " naaasar nitong paglalakad " PERO DI BALE NA NGA BAKA RIN NAMAN ANONG MAGAWA KO DOON PAGBINANGGIT PA NIYA ANG BAGAY NA YON! " Naaasar nitong sabi pagkatapus maisip ang mga nangyari pero natigilan ito ng makita nitong magkausap si Paulo at Anika kung saan maraming nakakakita sa kanila, may ilan ngang kinukunan na naman sila nang litrato.
" TALAGA BANG NABABALIW NA SIYA? TSK! KAPAG NABASAG YANG PAGMUMUKHA MO ULIT HUWAG KANG MAGPAPAKITA SAAKIN " naaasar nitong sabi pagkatapus maisip si Ken " tsk! bahala ka na nga sa buhay mo! " Naaasar nitong paglalakad.
" Anika " tingin rito ni Paulo ng salubongin siya nito.
" Kamusta ka na? I mean kamusta ka ang tagal na kasi nating hindi nag-uusap " nakangiti nitong sabi.
" Okay lang " nag-aalala nitong sabi saka lumingon sa paligid " Ikaw? " Tanong din nito.
" Okay lang, anyway nagkausap na kami ni Ken at nangako siyang hindi na niya gagawin ang ginawa niya sayo " masaya niyang sabi rito " and I'm really sorry about what Ken did on you, Alam ko it's my fault kaya niya yon ginawa " nahihiya nitong sabi.
" Sa tingin ko walang may kasalanan non, siguro gusto ka lang talaga ni Ken " pagngiti niya rito " at nag-aalala akong baka may sunod na namang mangyari dahil sa pag-uusap natin " makahulogan nitong sabi pagkatapus niyang maisip si Stell at Carol. Alam niya kasing ayaw nilang gawin niya ito kaya nga hanggang ngayon hindi pa rin sila kumakain sa canteen.
" Don't worry gaya ng sabi ko I already talk to him and we're free together and talk everywhere " bahagya naman siyang napangiti sa sinabi nito.
" Mabuti naman sa totoo niyan nag-aalala din talaga akong kausapin ka, Hindi dahil kay Ken pero inaalala ko si Stell kilala mo naman paano yon humarang sa pag-uusap natin at mamaya may mangyari dahil sa pag-uusap natin siguradong dadaldal na naman yon " pagbibiro nito kaya bahagya ding napangiti si Anika at hindi niya magawang umiwas rito ng tingin " Stell is really a good friend at syempre si Carol, Hindi ko alam bakit ang tapang niya pero ang alam ko hindi tamang makipag-away sa lalaki at nag-aalala din ako doon, kaya nga hindi pa rin kita nakakausap " tumango naman rito si Anika.
" Masaya nga ako at palagi ka niyang pinagtatanggol " pagngiti nito " Ano nga ba kayo ni Carol? " Napatingin naman rito si Paulo kaya ganon na lang ang gulat sa mukha nito " Forget it " Nahihiya nitong sabi " Anyway, gusto mo bang sumama saamin sa weekends? Sa plantasyon " nakangiti nitong tanong " sumama kana! " Pamimilit niya.
" Sige, Wala naman akong gagawin " masaya naman ritong tumingin si Anika.
" Tawagan lang tayo ah " tumango naman siya rito " o sige, aalis na ako " pagpapaalam nito, mabilis din namang nagtungo si Paulo kay Stell ng maalala nito si Carol.
" Nasaan siya? " Tanong nito kay Stell habang nakatayo pa rin habang iniisip ang pagpansin rito ni Carol.
" Umalis na siya, tara kumain na tayo " pag-upo nito pagkatapos matauhan " Ano bang dahilan at gusto mo siyang maka-usap? Madalas naman gusto mong umuiwas doon " Tanong pa nito.
" May nangyari kasi kaninang umaga " pagkain nito habang inaalala ang nararamdaman ni Carol " Galit pa kaya siya? " Pag-iisip nito.
" Sabihin mo nga bakit ba puro dahon kayo kaninang umaga? " Naalala naman nito bigla ang mga nangyari kaya bigla siyang nakaramdam ng takot.
" Sa kabila kami dumaan at nag-sisisi ako sa pagpayag ko sa pagdaan doon "
" Bakit ano bang nangyari? " Makulit pa nitong tanong pagkatapus makita ang pag-aalala sa mukha nito.
" Wala, madahon kasi " tipid lang nitong sagot at magsasalita pa sana si Stell pero napansin nito ang pnanahimik nito kaya hindi na siya nag-ingay. Mayamaya natapus na din silang kumain kaya bumalik na silang classroom at sa ngayon na sa loob na si Carol at agad napahinto si Stell ng mapansin din nito si Ken at sabay silang napalingon rito ni Carol ng pumasok si Paulo.
" TSK! HINDI NAMAN SIYA BOBO PERO BAKIT HIRAP NA HIRAP SIYANG ISIPIN NA AYAW NI KEN NA MAY NAGLALALAPIT KAY ANIKA MALIBAN SA KANIYA! " masamang pag-iisip ni Carol habang naaasar ritong nakasulyap ng mata " TSK! PANIGURADO NALAMAN NA NG MANOK NA 'TOH ANG PAG-UUSAP NILA NI ANIKA KANINA " masama nitong pag-iisip at nawala lang itong inis niya ng makaupo si Paulo ng walang ginagawa rito si Ken kaya kumalma na din itong si Stell.
" Ken wala pa ba kayong pasok? " Tanong rito ni Anika habang titig na titig ito sa kaniya.
" O sige pero ihahatid kita mamaya ah " ngiti niya rito at kitang kita naman ito ni Paulo ang pagbalik rin rito ni Anika ng ngiti saka tumango " O sige, aalis na ako " pagtayo nito pagkwan lumingon ito kay Paulo kaya agad nagtama ang mga mata nila at walang gustong pumutol non. Kaya agad sinipa ni Carol ang upuan ni Paulo kaya sumubsob ito sa arm niya at naputol ang pagtititigan nila ni Ken kaya ganon na lang ang gulat ng lahat.
" Grabe naman siya " Bulongan ng mga kaklase nila.
" Sus parang hindi niyo naman siya kilala " usapan pa ng mga kaklase niya habang si Ken tawang tawa at ni Justin at Josh alam kasi nitong dalawa bakit yon ginawa ni Carol.
" Dre okay ka lang? " Pagtulong rito ni Stell at hindi na nagsalita si Paulo at umayos ng upo, alam niya din kasi ang dahilan ni Carol sa pagsipa rito at natiigilan siya ng malingon si Anika.
" Sige na Ken lumabas kana, mamaya malate ka sa klase mo " paghatid rito ni Anika sa labas pagkwan bumalik din ito sa loob.
" Sila na ba? " Dinig niyang bulongan ng mga kaklase niya.
" Kailan pa sila nagkaroon ng relasyon ni Anika ng ganon? "
" Kung ganon wala na talaga akong pag-asa kay Ken " pagdadrama ng ilang may crush rito.
" Sila na ba talaga? " Usapan pa ng mga ito.
" Hindi ako magtataka kung iisipin nila yan " bulong ni Rohan nang makita ang nalulungkot na pananahimik ng kaibigan niya " Alam ng lahat kung paano mo siya pagtabuyan tas biglang isang araw ganon ang pakikitungo mo sa kaniya? " dugtong pa nito bahagya namang nilingon ni Anika si Paulo sa kung anong iniisip din nito at agad nitong binawi ang tingin niya ng nakatingin din ito sa kaniya.
" Naku! feeling ko mas nawalan ka nang pag-asa kay Paulo sa desisyon mo " paglingon ni Rohan kay Paulo at ngumiti rito pagkwan may dumating din na teacher kaya tumigil na din sila sa mga business nila. At pagkatapos ng klase gaya ng madalas mangyari naunang lumabas itong si Carol kaya mabilis nagligpit si Paulo para sundan ito at kausapin.
" Hindi ko alam bakit kinailangan nating magmadali at makarating agad sa gate kaya ngayon kailangan kong umuwi at makita ang babaeng yon agad " Ani Stell at bago pa makapagtanong ni Paulo dahil sa pagdaldal niya mabilis siyang sumakay sa motor niya " Sige Dre, mauna na ako " Pag-alis nito.