Kabanata 26

3561 Words
NATIGILAN sa paglabas si Paulo patungong canteen nang wala siyang maramdamang nakasunod rito, ang mahilig gawin ni Stell. " Anong mayron? May problema ba? " Paghihintay niya rito, umiling naman ito bilang sagot habang naiisip nito ang score niya. " Kailan pa ba sila naging close nang ganon para pagsulatin nito si Paulo? O humingi ng tulong rito, ang ayaw na ayaw niyang ginagawa " pag-iisip ni Stell. Samantala hindi naman maalis ni Anika ang tingin niya kay Paulo habang sinusundan nila ito nang tingin ni Rohan. "Crush mo ba talaga siya? " Agad namang naglakad si Anika sa pagsasalita ni Rohan. " Kahit sino puweding magka-crush kay Paulo " Sabi nito habang iniisip ang ugali ni Paulo " kahit nga ikaw, Hindi ba? " Lingon niya pa rito. " Eh normal lang naman saakin ang magkacrush " sabi nito agad " May crush ako kay Ken kaya lang baliw sayo kaya hanggang crush lang ako, ni Stell na gusto lahat kaya low key lang din, kay Justin kaya lang napaka ingay niya, at ni Josh na walang gusto kaya malabo din akong magustohan " tawa nito kaya mahina ding natawa si Anika sa pinagsasabi nito. " Tama ka, kaya lang malabo namang maging bakla si Kuya, actually natanong ko na yon kay Daddy nag-aalala kasi ako sa kaniya at sabi niya walang bakla sa angkan namin kaya I'm sure totoong lalaki si Kuya " " Baliw! sigurado naman yon, nakuuu kung ako ang daddy mo sasamain ka saakin sus! napaka guwapo ni Josh at saka ang katawan niya!!! " Pagkatapos itong pagnasaan sa isipan niya " tas iisipin mong bakla siya? " Ani Rohan " Feeling ko may gusto si Josh pero hindi lang siguro natin kilala baka sa ibang school siguro " pag-iisip na naman nito " Pero mabalik nga tayo sa nararamdaman mo kay Paulo, gaya ng sabi ko normal lang saakin magkacrush basta may hitsura crush ko na yan " kinikilig pa nitong sabi " Kaya lang sayo hindi yon normal, matagal na tayong magkaibigan pero wala ka pang nashi-share saaking crush mo kaya I know hindi lang ordinaryo ang nararamdaman mo kay Paulo " madaldal nitong sabi. " Sa totoo niyan hindi rin ako sigurado kung ano ang totoo kong nararamdaman kay Paulo pero tama ka, he has a special part in my heart? " Ganon naman ang kilig rito ng kaibigan niya. " Nakuuu feeling ko magkakaboyfriend kana!!! " Pagtusok niya rito sa tagiliran kaya ganon na lang ang layo rito ni Anika habang nakangiti. " Tumigil ka nga Rohan mamaya marinig ka ni Kuya, e masyado pa namang curious yon saamin ni Paulo baka anong isipin niya " saway niya rito. " Sus! sa tingin ko magkakatotoo naman yon, kasi iba yong tingin sayo ni Paulo basta nararamdaman ko may crush din siya sayo " pagpapakilig pa rito ni Rohan habang kilig na kilig ito sa pinag-iisip niya " Malakas ang kutob ko gusto ka rin nun " bulong niya pa rito kaya bahagya namang napangiti si Anika sa sinabi niya. " Sa tingin mo talaga? " Bulong niya rin rito. " Oo, ako pa!!! " Paninigurado nito " Pero yong si Carol ba may gusto din siya kay Paulo? Napansin ko madalas siyang makipag-usap rito, ibang iba rin sa kung anong mayron sila ni Stell noon " napaisip naman si Anika sa mga sinabi nito. " Tama ka, minsan nga naisip ko na rin yan pero posible ba talagang magkagusto si Carol? Alam mo naman gaano siya ka-weird diba? " Tumango naman rito si Rohan. " Oo, sobrang labo at saka hindi puwedi yon dapat ikaw lang ang magkagusto kay Paulo! " Sabi nito, natahimik naman si Anika sa sinabi nito pero mayamaya sinundan ito ni Rohan ng pagtawa " Kaya lang subrang labo naman non " tawa pa nito. SAMANTALA mabilis namang tumigil maglakad si Paulo ng makita nito ang tungo ni Stell Kung saan sa paboritong lugar ni Carol. " Marami naman tayong puweding kainan kaya bakit diyan? Panigurado nandiyan si Carol " Sabi nito agad at nakaramdam siya ng takot ng maisip niyang baka nga nandoon si Carol. " Dito na tayo, hangga't hindi pa natin alam kung anong iniisip ni Ken ito ang pinaka magandang pinupuntahan natin maliban sa classroom kung saan nandoon din si Carol " Ani Stell at hinila nito si Paulo. " PAREHO NAMAN AKONG BUGBOG SA DALAWANG GUSTO NIYANG IWASAN AT SAMAHAN NAMIN " paglalakad na rin nito at ganon na lang ang gulat niya ng bigla nilang makasalubong si Carol. " Bakit nandito kayo? " Tanong nito agad at ganon na lang ang asar ni Paulo ng itulak siya ni Stell at pumunta ito sa likuran niya dahilan para mauna ito. " Anong ginagawa mo? Ikaw ang nangyayang pumunta rito tas ako naman pala ang gagawin mong pain? " Pag-atras ni Paulo pero umatras din si Stell kaya ganon na lang ang pagkakakunot noo nitong si Carol sa pinaggagawa nila. " Tsk! Nagpapatentero ba kayo? " Natigilan naman sila " Ang lakas ng trip niyo ah! " Hindi pa nito makapaniwalang tingin sa dalawa " tsk! Tumabi nga kayo! " Pagkain nito sa lollipop niya at naglakad habang nakabulsa ang isa nitong kamay. " Saan naman ang tungo non? " Pagsunod rito ni Paulo ng tingin pagkwan tumuloy na sila para kumain pero natigilan ang mga ito nang wala silang tubig. " Ako nang kukuha " pagtayo ni Stell " mabilis lang ako, sa canteen lang naman e " dugtong pa nito ng hindi hinihintay ang sagot ni Paulo at umalis. Napalingon naman ito sa bag ni Stell nang tumunog ang phone nito mula rito pagkwan binuksan niya ito at kinuha ito kaya lang hindi nakaphonebook ang tumatawag kaya nagdalawang isip itong sagotin mamaya naputol ito pero pagkailang segundo tumunog na naman. " Baka iportante? " Paghihintay nito kay Stell pero ng malapit na itong maputol sinagot niya rin. " Stell..? " Tawag rito ng babae sa kabilang linya " mabuti sinagot mo " masaya pa nitong sabi. " I'm sorry pero kaibigan niya 'toh may kinuha siya pero babalik din yon " Ani Paulo " tumawag ka na lang ulit " bilin pa niya. " Kaya naman pala sumagot ka agad dahil hindi naman pala ikaw si Stell " malungkot nitong boses " Sandali ikaw ba si Paulo? " tanong pa nito bigla. " Ah Oo___ " " Nice meeting you, I'm Gean (Jeyan) " pagpapakilala nito pagkatapus putolin ang pagsasalita ni Paulo " Natutuwa ako at nakausap kita " masaya pa nitong sabi " Gusto ko pa sanang kausapin ka kaya lang may klase na kami, pakisabi na lang kay Stell na tumawag ako ah " Sabi nito nang hindi pa nakakasagot si Paulo. " Oo, wag kang mag-alala " maginoo nitong sagot. " Napaka bait nga ng boses mo sana makita din kita, o sige Paulo ah, babye! " makulit nitong sabi saka pinutol ang linya. PAGKWAN linagay din ito ni Paulo sa bag ni Stell pero natigilan siya nang may maramdaman siyang box rito at nagtataka siyang tumingin rito ng makita niya ang ilang laman nitong nabuhos pagkatapus mabuksan. " Oh ito " Paglapag ni Stell sa mineral water na binili niya pagkwan napatingin ito kay Paulong nakatingin sa bag niya. " Ah hindi ko sinasadyang tingnan ang bag mo " Sabi nito agad. " Sus! Okay lang yon " paghahanda nitong kumain. " Stell bakit puro hair clip ang bag mo? para kanino ba yan? " Tanong pa nito habang kumakain sila. " Nabuksan na naman ba? " pagkuha nito sa bag niya at mabilis nitong binalik ang mga hairclip sa box. " Lahat ba nang mga yan binili mo para sa crush mo at kung hindi ako nagkakamali wala ka pang naibibigay sa kaniya kahit isa? " Tanong nito na may pag-aalala baka kasi masamain ni Stell ang tanong niya pagkatapus makita ng hindi sinasadya itong bag niya. " Ganon na nga, Hindi ko alam paano ibibigay sa kaniya hindi siya mahilig nito eh pero alam mo sa loob ng isang taon, isang beses nagsusuot siya ng ganito at bagay na bagay niya, subrang ganda kasi ng mga buhok niya " kinikilig pa nitong sabi saka nito isinara ang bag niya. " si Gean ba? " Ganon naman ang gulat sa mukha ni Stell sa binanggit nitong pangalan. " Sandali bakit alam mo ang pangalang yon? " Nakakunot noo nitong tanong. " Hindi ko sinasadya pero tumawag siya sa phone mo, ayaw kong sagotin kaya lang nakadalawang beses at saka new number kaya sinagot ko mamaya emergency " nagtataka namang tumingin rito si Paulo ng manahimik itong si Stell. " Pasensya kana kung sinagot ko " Sabi nito agad ng hindi na ito umimik. " Okay lang yon Dre pero puwedi bang huwag na lang nating pag-usapan ang babaeng yon? " Ngiti pa nito pero bakas sa mga mata nito ang inis, kaya tumahimik na din si Paulo. SAMANTALA ganon naman ang takot ni Andy nang salubongin ito bigla ni Carol. " Ba-bakit? " Natatakot nitong tanong. " May kinalaman ka doon sa litrato ni Anika at Jampawlo, diba?!!! " Deritsahan nitong tanong kaya hindi na alam ni Andy kung saan ito titingin pagkatapus dumoble ang nararamdaman niyang takot sa tanong ni Carol. " Ba-bakit mo ti-natanong? " nauutal nitong tanong. " Tsk! Puwedi bang sagotin mo na lang ang tanong ko hindi yong nagtatanong ka rin! Nakita ko yong text mo kahapon, Kung iniisip mong nakikialam ako ng messages malaya kang isipin yon kaya lang hindi yon sinasadya " mahaba nitong sabi " Dali na sabihin mo saakin! " Paghawi nito sa buhok niya kung saan kapag hindi ito umayos nang sagot baka anong mangyari sa kaniya. " Sumama ka saakin " Ito lang ang lumabas sa bibig niya at naglakad kung saan dinala niya ito sa department ni Aira " Kaibigan ko yong nag-upload nun pero sigurado ako nabigla lang siya kaya pakiusap wag mo siyang sasaktan ah " pakiusap nito pero iniwan na siya nito at nagtungo sa classroom ni Aira kaya ganon na lang ang tingin ng mga istudyante roon sa kanya. " Sino sainyo si Aira!!!? " malakas nitong tanong, pumunta naman ito bigla sa harapan niya at napakunot ito nang noo ng makilalang ito yong nagbigay kay Paulo ng sulat. " Ba-bakit Carol? " Natatakot din nitong tanong habang nakasilip sa kanila ang lahat, laki kasi ng takot nang mga istudyante rito kay Carol. " Yong litrato bakit mo pinost? " Tanong nito agad kaya ganon na lang ang takot nito lalo na nong tumingin din sa kaniya ang mga nakarinig sa sinabi nito. " Sumunod ka saakin " paglalakad nito, sumunod naman siya rito ganon din si Andy. " Aira sorry ah, di ko napigilan yong takot ko nang tanongin niya ako eh kaya nasabi ko ang ginawa mo " yakap rito ni Andy sa braso " Tsk! Wag nga kayong umasta diyan na akala mo kontrabida ako at pagpapatayin kayo " naaasar nitong pag-upo " Ngayon sabihin niyo saakin kung bakit niyo pinost ang picture? " Tingin pa nito sa dalawa pero para silang mga pipi sa pananahimik, takot lang nila rito. " O sige, ganito na lang, Sino bang pakay niyo sa picture na yon? Si Anika o si Jampawlo? " Tingin nito sa dalawa pagkwan hinawi nito ang buhok niya sa inis kaya biglang nagising itong dalawa. " Naiinis lang naman ako kay Anika kasi kinukuha niya lahat, kaya naisip kong ipost yon para magalit si Ken at dahil doon iiwasan niya si Paulo o si Paulo ang kusang gagawa non " Ganon na lang ang pagkakalunok nila ng tumawa ito ng malakas. " WOW NAMAN! PARANG NASA DRAMA LANG KAYO AH!? " naasar nitong pagtayo pagkwan lumapit siya sa mga ito kaya bahagya silang umatras " Makinig kayo! Wala akong pakialam sa mga pinaggagawa niyo kaya lang hindi ko maiwasang pakialaman si Jampawlo kaya kung gagawa kayo ng mga bagay bagay siguradohin niyong hindi siya nadadamay para hindi ako nadadamay dahil kung hindi?! " Titig niya sa mga ito at ganon na lang ang gulat nila ng hilain sila nito " SASAMAIN DIN KAYO SAAKIN! " Masasama niyang tingin sa kanila kaya ganon na lang pagkakahinto ng hininga nila sa takot. " YONG LITRATO EDELETE NIYO PATI NA RIN ANG MGA POST NIYO! " pagbitiw niya sa mga ito saka ito naglakad. " ANO BA SILA NI PAULO? " tanong agad ni Aira habang nanginginig pa rin sila sa takot habang sinusundan nila ito ng tingin. " Hindi ko alam basta ang alam ko palagi siyang pinagtatanggol ni Carol sa totoo niyan may kakaibang trato si Carol sa kaniya " Ani Andy. " Gusto niya rin ba si Paulo? " Tanong pa nito. " Hindi ako sigurado pero siguro? Baka? Hindi ko alam, e kasi ang labo naman niyang magkagusto hindi ba? " Tumango naman rito si Aira. " Sandali Andy sa tingin mo ba kung sasabihin natin sa kaniyang na kay Ken ang ID ni Paulo maniniwala siya? " Agad namang napalingon rito itong tinanong niya sa takot. " Nababaliw ka na ba?! Gusto mong saktan tayo ni Ken? " Natatakot ritong tugon ni Andy. " Ang sabi mo palaging napaparusahan si Paulo at dahil si Carol lang ang puweding kumuha non mula kay Ken kaya naisip kong sabihin na lang natin sa kaniya " Ani Aira. " ano ka ba?! Nakakatakot magalit si Ken pero.... may punto ka rin naman kawawa naman kasi si Paulo " usapan pa nila. AT pagkarating ni Carol agad na nagsimula ang lecture nila hanggang sa natapus yon at ang buong klase nila ngayong araw. " Dre hindi muna kita masasamahan ah " pagpapaalam rito ni Stell. " Oo, mag-iingat ka " Sabi nito pagkwan naglakad na papuntang gate si Stell, si Paulo naman para kunin ang kaparusahan nito pagkwan nagtungo na din siya sa bagong lugar na lilinisan niya at natigilan ito ng madatnan nito si Carol rito habang nakatingin lang sa lilinisin nila. " Ibig sabihin ikaw ang sinasabi ng mga guard na makakasama ko? " Tanong nito agad. " Oo, kaya dalian mo nang maglinis! " Utos nito. " Teka! Ang alam ko dalawa tayong naparusahan kaya bakit ako lang? " Reklamo nito. " Alam mo nandito lang naman ako dahil akala ko gustong gusto mong napaparusahan " pag-upo nito. " Ah, kung ganon kasalanan ko pa palang naparusahan ka " Sabi nito at natigilan si Carol ng hinahati nito ang lilinisin nila gamit ang paa niyang pinang-lilinya niya sa alikabok sa floor. " Ayan hinati ko na para walang lamangan, dito ako sa kanan ikaw naman sa kaliwa " pagtapon niya rito sa walis " kaya maglinis kana bago kita maiwan " pagsisimula nito pero tumingin lang rito si Carol " Hoy po! Hindi ako nagbibiro iiwan talaga kita! " Paglingon rito ni Paulo habang nagsisimulang maglinis. " Hindi ka ba binalaan ng mga guard na bawal mag-ingay rito!? " Malalim nitong sabi. " Ano namang dahilan? Wala namang nag-aaral sa kabila kaya anong dahilan? maglinis ka na lang bago kita maiwan " Paglilinis nito. " Hoy Jampawlo mali ka sa sinasabi mong walang tao sa kabila " lapit niya rito kaya natigilan din si Paulo at tumingin rito. " Nananakot ka ba? " May halong kabang tanong nito paano kasi nakakakilabot magsalita ni Carol. " Alam mo ba kung bakit tayo lang ang nandito ngayon? "Mahina nitong tanong " Itong kinatatayuan kasi natin ang pinaka unang building rito sa school at ang balibalita inabandona ito dahil maraming nasasaniban rito " kinilabotan naman si Paulo sa sinabi nito habang bumubulong. " Sa-sandali nga bakit ka ba bumubulong? " Pagwawalis nitong muli para umiwas riti at matapos agad nang makaalis na rito pero nanindig ang balahibo nito sa sunod na sinabi ni Carol. " Alas sais, ala sais nang gabi " pagtingin nito sa relo niya kaya napasilip din rito si Paulo " Alas sais nang mangyari ang hindi malilimotang nangyari sa kinaroroonan natin ngayon, isang istudyanteng babae ang nagpakamatay rito dahil sa pagbagsak rito ng kaniyang teacher at mula noon hindi na siya umalis at isinumpa ang lugar na 'toh " napalunok naman si Paulo nang humawak ito rito " At madalas sinasaniban niya kapag dalawang tao lang ang pumapasok rito " agad namang napalingon rito si Paulo habang nakakaramdam nang takot " Ngayon hindi mo ba naiisip na baka hindi ang totong Carol ang kausap mo ngayon? " Paghawak niya rito nang mahigpit kaya agad bumagsak sa sahig si Paulo ng matitigan niya ito habang nakangiti rito si Carol nang nakakatakot. " Jampawlo....? " Paglapit niya rito nang mabagal, mabilis namang pinangharang ni Paulo ang walis niya. " Carol tumigil kana! Hi-hindi na ako natutuwa sayo! " Sigaw nito pero hindi ito nakinig sa kanya saka biglang lumapit rito kaya napaatras ito sa takot habang nakaupo. " Jampawlo... " Paglapit pa niya. " Manahimik ka! Ikaw lang naman ang tumatawag saakin ng Jampawlo kaya wag mo-mo akong takotin! " pag-atras pa nito hanggang sa narating nito ang wall at wala na siyang maatrasan. " Jampawlo samahan mo ako... " Lapit niya rito habang nasa unahan ang mga kamay nito kaya napapikit na lang ito at hinintay ang mangyayari pero napamulat siya ng mata ng malakas itong tawanan ni Carol. " BAKLA KA TALAGA! TSK! KUNG TOTOONG MULTO AKO EDI MALAYA TALAGA KITANG MAPAPATAY " tawa pa nito saka nagwalis kaya ganon na lang ang asar nito. " Hindi ko alam kung saan ang nakakatuwa doon! " Pagkuha nito sa walis at naglakad palabas. " Hoy Hindi pa tayo tapos kaya wag mo akong iwan! " Sigaw niya rito. " Magpapa-assign na lang ako sa ibang lilinisan kaysa magkasama tayo rito puro ka pang-aasar! " Paglalakad niya pero natigilan siya ng magsalita muli itong si Carol. " At sinong nagsabing nang-aasar lang ako? " Napalingon naman rito si Paulo " Sige, umalis ka sana hindi ka niya salubongin " pananakot pa niya at ganon na lang ang pagpipigil niya ng tawa ng makita nito ang reaction ni Paulo sa takot saka nagwalis muli at hindi na pinansin pa si Carol habang pinapanoof lang siya habang naglilinis at pagkatapos nang ilang minuto natapus na din ito. " Ang maiiwan mumultohin " sigaw pa ni Carol habang tumatakbo at dahil takot na takot nga itong si Paulo nakipag unahan ito sa takbohan tumigil nga lang sila ng makarating silang gate. " Bakit ba tuwang tuwa ka kapag pinagtitripan ako? " Lingon niya rito habang naglalakad sila ng tinatawanan pa rin ito ni Carol para asarin. " Ang dali mo kasing maniwala at saka yang kabaklaan mo nakakatawa! " Pang-aasar pa nito pero natigilan siya sa paglalakad nang hawakan ni Paulo ang mga braso niya. " Bakit ba panay tawag ka saakin ng bakla? " Pagpapaharap niya rito " Baka gusto mong___ " napaatras ito ng biglang lumapit rito si Carol. " Hahalikan mo ako?! " Paglapit niya sa labi niya rito kaya napaupo itong si Paulo sa gulat. " Pambihira takot na takot ka naman! " Tawa na naman niya rito habang si Paulo nakahawak sa labi niya " Hindi kaya bakla ka talaga? " Pag-upo rin nito at tinitigan ito habang nakatingin din ito sa kaniya. " TIGILAN MO NA NGA ANG PANG-AASAR SAAKIN! " naaasar nitong pagtayo at naglakad ng mabilis para kunin ang bisikleta niya, tahamik naman niya itong sinundan ng tingin. " Pambihira hindi kaya bakla talaga siya? " pagkain nito nang lollipop at naglakad din. " Umangkas kana saakin " pagsunod rito ni Paulo, hindi nga rin naman nadadala sa pang-aasar niya rito at nagawa pa siyang sundan. " Di bale na lang! " Paglalakad lang nito. " Umangkas kana nagmamadali ako e, ayaw kitang iwan kaya dalian mo na " pagungulit nito at huminto siya ng tumigil bigla si Carol. " Kung ganon bumaba ka at ako ang magbibisikleta " utos niya rito. " Sandali nangtitrip ka na naman ba? " Hindi nito makapaniwalang tanong. " Kapag sa likod ako panigurado mahihilo ako, Hindi ko alam pero basta nararamdaman kong hindi ako nakaapak sa lupa sumasama ang sikmura ko pero kung ako ang magpepedal para rin akong naglalakad " tingin niya rito natigilan naman sa pagbaba si Paulo sa sunod nitong sinabi " Bumaba kana kung talagang gusto mo akong makasabay sumakay sa bisikleta mo? " Ngiti niya pa rito ng nang-aasar. " Ang lakas din ng amats mo noh " natatawa nitong pagbaba. " Oo, ako si Carol eh! " Proud pa nitong sabi kaya umiling na lang ito pagkwan sumakay na nga sila. " Palagi mong sinasabing bakla ako pero yong totoo ikaw naman itong lalaki kumilos, dapat ang lalaki ang nagpepedal para sa babae pero ikaw ginagawa mong kabaliktaran " pagsasalita nito. " DAHIL YON ANG GUSTO KO! AT WALA KANG MAGAGAWA DOON " mayabang na naman nitong sabi. " Sus! Ayan na naman yang gusto mong ikaw lang talagang may gusto! " Pag-uusap nila patungong mga bahay nila. ~ si Carol walang ginawa kundi mang-asar, nabubuhay ata siya sa paaralan para lang gulohin, saktan, at asarin ako " pagsusulat nito " At si Anika hindi pa rin kami nagkakausap " natigilan ito sa pagsusulat ng maisip nitong magkasama sila ni Ken kanina saka ito nawalan nang gana magsulat at nakahiga na siyang pagdala nito sa kanya sa pagtulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD