" Aling Lusin masyado naman pong marami " Pagtingin ni Paulo sa ginawa niya ritong baon.
" Mainam na po yong hindi kayo kulangin at saka puro yan hotdog Sir " paglalagay nito sa bag niya " Nga pala yong bisikleta niyo po napaayos ko na po kaya puwedi niyo nang gamitin " Sabi nito pagkatapus niyang ihanda ang bag ni Paulo.
" Magsabi ka nga Paulo ano ba ang nangyari sayo nong isang araw? Imposibleng nakuha mo lang yang pamamaga ng bibig mo sa pagkadapa mo " pangungulit na naman ng papang niya nang mapansin ang hindi pa humihilom nitong sugat.
" Huwag niyo na po isipin yon Papang at pakiusap po huwag niyo na pong banggitin kina mommy at daddy ayaw kong mag- alala sila " pagsuot nito sa bag niya saka nagmano rito at umalis para iwasan ang mga tanong nito " Sige po Pang, Aling Lusin alis na po ako " paglabas nito kaya walang nagawa si Roman kundi sundan ito ng tingin.
" Huwag niyo na pong alalahanin si Sir kasama naman niya yong Apo ng kapitbahay natin at mukhang magkaibigan pa sila kaya paniguradong ligtas siya " ani Lusin ng mapansin ang pag-aalala ng matanda.
" Nandito kami para magpagaling siya kaya nag-aalala akong baka lumala lang ang sakit niya kung patuloy siyang magkakaroon ng mga ganong sugat " tugon nito habang iniisip ang nangyari sa alaga niya.
" Sa tingin ko naman maayos ang kalagayan niya at marami na siyang kaibigan rito baka aksidente lang talaga ang nangyari sa alaga natin kaya wag na kayong mag-alala " Pagtabi niya rito ng upo. SAMANTALA hindi naman mapigilang tamaring pumasok ni Paulo sa tuwing naiisip niyang sa may pader na naman ito dadaan at isang kaparusahan na naman ang naghihintay rito.
" NAKA-ALIS NA KAYA SIYA? " paghinto nito sa tapat ng bahay nila Carol at saktong nagbukas rin ang pinto at lumabas rito ang Lola nito.
" Magandang umaga po " magalang niyang bati sa matanda " Si Carol po? " Tanong nito agad.
" Ang Apo ko? Naku kahit ako hindi ako makapaniwala pero nakaalis na siya para pumasok " natutuwa nitong sabi kaya nagpaalam na din siya para pumasok.
" Sayang puwedi pa naman sana ako sumabay sa kaniya para hindi ako maparusahan " mabagal nitong pagpedal pero mabilis itong bumaba ng makita niya ito sa may puno ulit " CAROL? IKAW BA TALAGA YAN? " paghawak niya pa rito kaya agad siyang pinalo nito pero imbis na mainis siya napangiti ito dahil totoo ngang si Carol ang nakikita niya " Anong dahilan at nandito ka na naman sa punong ito? " Tanong pa niya.
" Bakit ba ang dami mong tanong? Alam mo mas maganda siguro kung bigyan ko ng kambal yang pamamaga ng bibig mo para medyo mabawasan ang kadaldalan mo " agad naman siyang lumayo rito sa sinabi nito.
" Nagbibiro ka lang hindi ba? " Paghawak nito sa bibig niya habang natatakot.
" Tsk! Syempre! " Paglalakad nito pero bago pa makahinga ni Paulo ng maayos nagsalita itong muli " Pero puwedi ko ring totohanin kapag nairita ako sayo! " Paglalakad nito habang nakapamulsa ng kamay kaya ganon na Lang ang takot niya pero gayon pa man mabilis pa rin siyang sumunod rito habang hilahila nito ang bisikleta niya.
" Sus! Hinintay mo ako pero ayaw mo akong pagsalitain? " Pangungulit niya rito.
" Baliw ka ba? Sino namang nagsabing hinihintay kita? Tsk! para magpahinga lang yong tao " depensa nito agad.
" Sus! magpahinga daw, umamin ka nag-aalala ka paring may gawin saakin si Ken kaya ka naghihintay doon hindi ba? " Panghuhula nito.
" Tsk! Napaka bakla mo kasi kaya hindi ko maiwasang isipin na baka nga abangan kana naman nila e total pareho lang naman tayo ng daan at tungo kaya hinintay na lang kita " walang paligoy ligoy nitong sabi pero maaga talaga itong umalis nang bahay dahil alam niyang maaga pumasok si Paulo at nag-aalala talaga siya rito kaya niya ito hinintay.
" Bakit ba masyado kang nag-aalala saakin? " Mahina nitong tanong at napatingin siya rito ng marinig niya itong tumawa nang malakas pero yong tawang plastic kaya para tuloy itong tanga habang linilingon sila ng ilang istudyanteng kasabay nila.
" Nag-aalala? Tsssst! minsan sinasaniban ka talaga ng kafeelingan e noh? " Pagtigil nitong tumawa " Hoy Jampawlo, Alam mo ganito kasi yan, Halimbawa may maliit at baklang aso kang nakita tas biglang tumawid sa kalsada habang ang daming sasakyan, anong gagawin mo? " Napaisip naman si Paulo sa tanong niya.
" Edi kukunin ko yong asong bakla? " Alanganin nitong sabi " para pigilang tumawid mamaya masagasaan o kaya sasamahan kong tumawid " sagot nito.
" May utak ka naman pala e! Tsss! Ganon ang ginagawa ko sayo kaya hindi ko maiwasang pakialaman ka " natigilan naman si Paulo sa sinabi niya at paulit ulit itong nagpa-ikot ikot sa isipan niya bago niya ito tuloyang maitindihan.
" Sandali bakit naman kailangan mo pa akong ikumpara sa isang tuta? " Naaasar niyang tingin rito.
" Ano bang masama sa pagiging tuta? Eh sa yan ang tingin ko sayo " seryoso pa nitong sabi pero hindi na umimik itong si Paulo habang naaasar ritong nakatingin at pagkarating nila sa daanan nilang dalawa feel na feel ni Paulo ang pag-akyat rito pagkatapus maisip na hindi siya mapaparusahan ngayong kasama niya 'toh.
" Halika na, talon na " Sabi niya rito habang naghahanda itong salohin.
" Mukhang masaya ka atang tulongan ako bumaba e madalas gusto mong magpapilit? " Titig niya rito at naninibago ito sa ngiti ni Paulo.
" Advance pay off ko na lang " Hindi man nito naitindihan ang sinabi niya tumalon na ito " GRABE, MABIGAT PA RIN SIYA " naiiyak nitong pagstretch sa mga braso niya pagkatapus na naman nilang mahiga ni Carol sa may damohan pagkatapus niya itong salohin at gawin na naman siyang higaan nito o panangga sa lupa " PERO OKAY LANG HINDI NAMAN AKO MAPAPARUSAHAN KAYA MABUTI NA RIN ITO " nakangiti nilang pag-uusap ng sarili niya pero natigilan siya ng harangan sila ng guard pero mabilis siyang nagtungo sa likod ni Carol nang maisip niyang kasama niya ito.
" Carol takotin mo nga sila " pag-iisip pa ni Paulo habang nakahawak sa bag nito well, nagiging demonyo na rin siya dahil sa madalas nilang pagsasama ni Carol.
" Go-good morning " kinakabahang tingin sa kanila ng guard habang hawak ng mga ito ang talaan ng mga istudyanteng mapaparusahan " Pasensya na pero kasama ko si Carol kaya aabsent ako sa kalilista niyo saakin " sa isip nito at tumigil ang mundo niya ng abotin ito ni Carol at nagsulat rito ng pangalan.
" Sandali Carol ba-bakit ka naman nagsusulat diyan? Alam mo ba kung ano yan? " Hindi niya makapaniwalang tanong rito at isang tango ang isinagot niya rito saka niya binigay din rito ang listahan.
" Isulat mo na rin ang pangalan mo para pareho tayo " paglalakad nito at dahil nakatingin sa kaniya ang mga guard at wala na naman siyang choice kundi tumanggap ng parusa kaya sinulat na niya ang pangalan niya.
" Kainis akala ko pa naman hindi na ako tatanggap ng parusa kung magsasabay tayo " reklamo nitong si Paulo habang nakasunod siya kay Carol.
" Gaya ng narinig mong pag-uusap namin ni mama noon, yon ang ginagawa ko ngayon, Ang maging mabait na istudyante " proud pa nitong sabi " At saka akala ko gusto mong napaparusahan kaya, ayon! " Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi nito.
" Anong gusto? Sino namang ginusto ang maglinis araw araw? " Naaasar nitong tanong.
" E palagi kang nagpaparusa eh! " Malakas nitong sabi, kaya tumahimik na lang si Paulo hindi niya rin kasi malaman kung nang-aasar ito o seryoso.
" Kung hindi mo sana winala ang ID ko edi sana sa gate ako dumadaan tssst! Alam mo ba pakiramdam ko janitor na ako dito sa school? " Reklamo nito.
" Hoy! issue mo na naman yong ID mo! tsk! E sana kung kinuha mo nong iwan ko sa upuan mo edi sana nasayo pa! " Paninisi niya rito.
" Hindi ko naman nakita kaya paano ko kukunin? " Reklamo pa niya.
" Tsk! Problema mo na yon! " Lingon niya rito ng masama kaya tumahimik na si Paulo panigurado kasing hindi siya mananalo rito sa ganitong mga tingin nito. Pagkwan napalingon ito sa may gate ng makita nito ang sabay na pagpasok ni Anika at Ken, napansin naman ni Carol ang pagtigil nito habang nakatingin sa dalawa kaya tumingin din ito sa direksyon ng mata niya.
" Tsk! Anong mga tingin yan?! " Natigilan naman si Paulo at napalingon rito dahil sa tanong nitong may pang-aasar.
" Hoy Jampawlo!!! Kung may gusto ka kay Anika kalimotan mo na kung hindi ka marunong makipag-suntokan o kaya makipag away dahil paniguradong hindi papayag yang inaagawan mong makuha mo si Anika ng hindi natitikman ang mga kamao niya ulit " pagtukoy nito kay Ken.
" Tsssst! Ano bang pinagsasabi mo? " Paglalakad nito, sumunod naman ito rito habang nang-aasar itong nakatingin rito.
" Sus yong mga tingin mo nalulungkot, nakuuuuu may crush ka ba talaga sa anak na yon ng Asawa ni mama?! " Pang-aasar nitong tanong.
" Huwag ka ngang mang-asar! At saka ano naman kung crush ko siya kahit sino naman puweding magkacrush kay Anika " napatingin naman rito si Carol " Pero hindi yon ang inaalala ko, naiisip ko lang kasi hindi pa kami nag-uusap nang maayos mula nong tungkol sa litraro, inaalala ko siya " nag-aalala nitong sabi habang naglalakad sila.
" Tsk! Bobo ka pa rin sa issueng yon hanggang ngayon?! Hoy ingot! wala kang dapat inaalala kay Anika Santos, una kasama niya palagi si Josh Santos at malabo namang saktan siya ni Ken Suson noh! tsk! para sa kaalaman mo ikaw lang ang nanganganib rito! " Mahina nitong palo sa ulo nito.
" Puwedi naman sigurong pangalan ko na lang ang itawag mo saakin at hindi yong pinapalitan mo ng ingot, Bobo! samantala sina Ken kompleto naman ang tawag mo sa kanila ah, minsan talaga hindi ko maiwasang isiping baka may sama ng loob ka talaga saakin Carol " masama niyang lingon rito at magsasalita sana ito ng muling magsalita si Paulo " Pero hindi naman ako takot kay Ken at saka katabi naman kita palagi kaya paanong matatakot ako!? " Lingon niya rito kaya bahagya namang napangiti ito.
" Pero teka nga Carol maliban sa kabobobo at kae-engot mo saakin bakit ba panay tawag kang Jampawlo saakin? e-JOHN PAULO naman ang pangalan ko, J O H N P A U L O! " Pagspell niya pa rito.
" Dahil yon ang gusto ko at wala kang magagawa doon! " Paglalakad niya ng mabilis kaya naiwan na itong si Paulo sa karereklamo niya.
" Sa dami ng sinabi ko yon lang ang sagot niya! " Pagsunod niya ng tingin rito pagkwan lumingon ito sa likod at nakita na naman nito sina Anika at nag-uusap ang mga ito kaya agad niyang binawi ang mga tingin niya at naglakad muli at gaya nang madalas mangyari sumalubong na naman rito si Stell.
" Hindi pa siya dumating? pero nauna siya saakin " pagtataka nito ng hindi mahagilap sa loob ng classroom nila si Carol.
" Sino? si Carol o Anika? " Tanong nitong ni Stell ng maupo sila " Sandali bati na ba kayo ni Carol? " Tanong pa nito.
" Hindi ko alam pero kinausap niya ako kanina kaya lang iba naman ang ugali niya dahil minsan maayos siyang kausap pero madalas kamao at mga sipa niya ang pinapakausap niya saakin " ganon na lang ang pagtataka nito ng tawang tawa si Stell na para bang natutuwa pa sa p*******t rito ni Carol.
" Pero mabait naman siya Dre diba? " Makulit nitong tanong bahagya namang tumango rito si Paulo pagkwan pumasok si Anika kaya agad siyang napatingin rito at diretso din naman ang mata niya sa kanya pero agad humarang si Stell sa pagtatama ng mata nila kaya naputol yon agad.
" Ikaw ba Dre may gusto ka talaga sa kaniya? " Tanong nito nang tumingin ito sa harapan.
" Anika could be everyone's ideal pero wala pa akong plano diyan sa iniisip mo, ni ako nga hindi ko alam kung sino o anong totoong ako dahil sa mga nawalang alaala ko kaya paanong papasok ako sa buhay ng iba? " Seryoso nitong sabi kaya tumahimik na din si Stell pagkatapos maramdaman ang lungkot sa boses niya.
" Babalik din yan Dre! " Pagtapik niya rito, sakto namang pumasok ang teacher nila at napalingon sila sa pagsunod rito ni Carol at si Stell ito, nakangiti ritong nakatingin hanggang sa naupo ito sa likod nila. Pagkwan nagsimula na nga ang lecture hanggang sa nasundan ito, at nasundan.
" Okay class get 1 whole sheet of paper we will have quiz, a surprise quiz! " Sabi agad ng teacher ng makapasok ito, agad namang nagpanic ang lahat sa sinabi nito maliban sa magkapatid na magkatabing Santos at ni Paulo.
" Ma'am puwedi po bang magreview muna kami kahit 10 minutes lang po? " Tanong agad ng iba.
" 5 minutes! " Seryosong sabi ng teacher kaya tumahimik naman ang lahat para ngang may dumaang bagyo. At si Carol ito hindi niya alam anong pag-aaralan niya, Wala naman kasi itong sulat kahit isa.
" Nakakainis paano naman ako mag-aaral kung namuti na itong mga notebook ko at saka ano bang subject namin rito? " Pagtitig pa nito sa teacher nila " Pakiramdam ko wala na talaga akong pag-asa sa desisyon kong mag-aral " pagsubsub nito sa mukha niya sa mga notebook niya " siguro babalik na lang ako sa bahay ng Asawa ni mama at magpapakabulok sa kwarto kong ginawang topic ng mga katulong roon araw araw " naiiyak pa nitong pag-iisip habang nabubulok sa loob nang kwarto niya " Kung bakit kasi naisipan ko pang mag-aral ng maayos ng dahil sa Jampawlo na 'tong tsismoso " tingin nito sa likod ni Paulo " Pasensya na Lola kung hindi ko matutupad ang pangako kong magsasama tayo " pagyuko nitong muli pero natigilan siya ng maisip niya ang Lola niya kaya bigla itong nagising at lumakas ang loob niya.
" Sandali!!! " Napalingon naman ang lahat sa pagtayo nito bigla " Ma'am ang maalala ko kasi wala naman kayong sinabing may quiz kaya paanong may quiz tayo ngayon?! " Tanong nito pero nanatili lang silang nakatingin rito habang hindi makapaniwala ang mga hitsura nila " Paanong biglaang may quiz? E diba kapag may quiz ina-announce yon? " Nagtataka pang tanong nito, tumayo naman ang teacher at pilit na kumalma sa kabobohan nito.
" Ms. Carol kaya ko nga sinabing surprise quiz hindi ba? " Nakangiti nitong tanong habang pinipilit nitong kumalma sa inis.
" E ano ngayon? Kailangan niyo pa rin e-announce dahil quiz pa rin yon! " Pagpipilit nito sa gusto niyang mangyari.
" Surprise quiz nga kasi!!! " Malakas ritong sabi ng teacher habang pilit na nakangiti.
" PERO KAILANGAN NIYO PA RING E-ANNOUNCE PARA NAKASTUDY MAN LANG AKO! SURPRISE! SURPRISE! E MAY KARUGTONG NAMANG QUIZ TSSST! KAILANGAN SINABI NIYO PA RING MAY QUIZ! " pagpupumilit pa nito ng hindi naiitindihan kung ano ang surprise quiz, kaya ganon na lang ang asar ng teacher nila at ilan niyang kaklase, habang ang iba nagpipigil ng tawa sa kaingotan nito, at si Paulo ito hindi makapaniwala sa pinagsasabi nito at sina Josh at Stell ito natutuwang nakatingin kay Carol at nagpipigil ng tawa sa stress sa mukha ng teacher nila na dinulot nitong kakulitan ni Carol.
" Ms. Anika Santos please explain to her what is meant by SURPRISE QUIZ!!! " halos pasigaw na sabi ng teacher habang namumula na ito sa inis. Tumayo naman si Anika sa sinabi nito.
" When you say___ "
" Puwedi ba itagalog po! " Masama ritong tingin ni Carol.
" Okay, Kapag sinabi kasing surprise quiz it means hindi sasabihin ni ma'am kung kailan o anong araw ang quiz and this kind of quiz ay sinusubokan niya kung may natututunan o nag-aaral ba tayo saating previous lesson " paliwanag nito, pinaupo naman agad ito ng teacher.
" Is it clear now? " Tanong rito ng teacher dahil sa pananahimik niya.
" ANG HABA NG SINABI NIYA TSK! " bulong pa nito pagkwan asar siyang tumingin sa teacher " SO WHAT?! PAREHO NAMANG MAY QUIZ NA NAKALAGAY KAYA HINDI PA RIN TAMANG HINDI MO SABIHIN! " sigaw pa niya kaya ganon na lang ang tawanan ng lahat kaya ang teacher nila halos himatayin na sa inis.
" Nababaliw na siya! " Bulongan ng mga kaklase nila " nagpapatawa ba siya o gusto lang niyang inisin si ma'am? " Pananahimik ni Paulo habang tinitingnan ang lahat sa iba't iba nilang reaction, yong iba tawang tawa, naiinis, at hindi makapaniwala sa kaingotan niya " Akala ko ba gusto nitong mag-aral na ng maayos? " Pag-iisip pa ni Paulo habang kunwari nagbabasa sa notebook niya pero yong totoo siya Ang nahihiya para sa pinaggagawa nito.
" SILENT!!! " sigaw ng teacher kaya tumahimik ang lahat pagkwan nagpipigil ito ng galit na tumingin kay Carol " I DON'T KNOW WHAT YOU'RE TRYING TO SAY OR TO DO " Nanlilisik nitong mata sa inis " But listen to me, Wala kang dapat ipag-aalala dahil hindi ka naman babagsak!!! kaya pumasa ka na lang ng blangkong papel gaya ng madalas mong gawin! " nagtatabingi na ang mga bagang nito sa inis kaya tahimik namang naupo si Carol pagkatapus ng sinabi ng teacher.
" Tssss kasalanan ko naman kaya wala akong maisagot, kailan pa nga ba ako nag-aral ng maayos " pagcover nito sa notebook sa mukha niya pagkwan nagsimula na ang quiz. At identification, palihim naman itong sinusulyapan ni Stell at blangko talaga ang papel nito, si Paulo naman linakihan nito ang sulat niya para makita ito ni Carol kaya lang dahil matagal na siyang walang pakialam sa pag-aaral kaya hindi niya ito napapansin, nalimotan na rin niya mangopya.
" Okay, that's for now! Pass all your papers " sigaw ng teacher at dahil may isang essay kaya hindi nagkasabay sabay ng pasa.
" Basta may attendance! " Pagpaparinig rito ni Stell ng tumayo siya kaya agad ritong napatingin si Carol.
" KUNG GANON PAREHO KAMING WALANG SAGOT? IBIG SABIHIN MAY KASAMA AKO? " tingin nito kay Stell na naglalakad para pumasa.
" GAYA NG SABI KO, KUNG HINDI KITA MATUTULONGAN EDI SASAMAHAN NA LANG KITA " proud pa nitong pagbibigay sa papers niya habang nag-iisip kaya yong teacher nila ganon na lang ang inis niya sa papel ni Stell.
" KUNG WALA ANG DESISYON KO BAKA KANINA PA AKO PUMASA NOONG BINABASA PA LANG NI MA'AM ANG TANONG PERO IBA NA NGAYON, KAILANGAN MAY SCORE AKO KAHIT PAPAANO PARA MAABOT KO DAW ITONG MGA ANAK ANAKAN NI MAMA " lingon nito kay Anikang nagliligpit nang gamit dahil siya ang pinaka unang pumasa, pagkwan dumako ang mata niya kay Josh pero agad niyang binawi yon ng nakatingin din ito sa kaniya.
" ANO BA YAN, MALALAMAN PA ATA NIYANG NAGTITIGAN LANG KAMI NG PAPEL KO TSSS! MAMAYA SABIHIN PA NIYA KAY MAMA " bulong nito pero natigilan siya ng makita niya ang papel ni Paulong hindi pa niya pinapasa kahit tapos na ito.
" TSK! SAAN KAYA NANGGALING ANG SAGOT NG HOTDOG NA 'TOH!? " tingin niya pa rito pero natigilan ito ng magsalita ang teacher.
" 3 minutes left finish or not pass your paper! " Malakas nitong sabi pagkwan nalingon ni Carol ang kaklase nilang nagkokopyahan kaya bigla itong nagkaroon ng idea.
" Dre pumasa kana! " tapik rito ni Stell pagkwn pasulyap siyang tumingin sa papel ni Carol pero natatakpan ito kaya hindi niya nakita.
" Siguro naman may sagot siya " pagtayo nito pero malakas itong bumagsak sa upuan ng hilain ni Carol ang belt nito.
" Ano bang ginagawa mo?! " Naaasar niyang tanong rito ng hindi lumilingon habang hinahawakan nito ang puwet niya dahil sa bigla niyang pagkaka-upo.
" Kopyahin mo ang sagot mo! " Bulong niya rito habang si Stell nagtataka sa kanila dahil sa bulongan nilang pag-uusap.
" Ano? Bakit ko naman kokopyahin ang sagot ko? " Natigilan ito ng ibigay rito ni Carol ang papel niya.
" Total nasabi mong pareho tayo ng sulat kamay kaya ikaw ng magsulat " pamimilit niya rito.
" Teka ayaw ko, I-ikaw nang magsulat! " kinakabahan nitong sabi pagkatapus niyang malingon ang teacher nila.
" Mabagal ako magsulat mamaya number 1 lang masulat ko! Daliiii na kailangan ko ng score at saka ngayon lang! Pangako!!! " pamimilit pa nito pero kinakabahan talaga itong si Paulo.
" Nababaliw kana! " Mahina nitong sabi habang natatakot sa teacher nilang busy sa pagbabasa ng essay ng mga pumasa.
" HINDI PA, PERO KAPAG BUMAGSAK AKO MABABALIW NA TALAGA AKO AT ISASAMA KITA SA MORGUE!!! " Bulong niya rito na may pananakot.
" Teka bakit morgue? " Tanong rin nito.
" DAHIL KAPAG NABALIW AKO MAGPAPAKAMATAY DIN AKO AT SYEMPRE ISASAMA KITA! " Pananakot nito " magsulat kana kasi! " Paghampas niya rito kaya sumubsub ito sa arm chair niya at sa lakas non napatingin sa kanila ang teacher pero agad namang ngumiti rito si Carol ng plastic kaya ganon na lang ang pagtataka nito kaya agad siyang nag-iwas ng tingin rito.
" HINDI KAYA NABABALIW NA ITONG MABAIT KONG ISTUDYANTE? " bulong pa ng teacher nila " okay, 2 minutes left! " Sigaw nito at si Paulo ito nagsusulat ng para kay Carol pagkatapus matakot at naawa na rin. At si Stell ito naiiyak ritong nakatingin.
" KUNG GANON AKO LANG ANG ZERO NGAYONG ARAW? " yakap nito sa katawan niya saka lumingon kay Carol habang naiinip na tinitingnan ang pagsusulat ni Paulo habang kita sa mukha nito ang kabang baka hindi sila umabot.
" Buti na lang umabot! " Masaya nitong sabi kay Paulo ng makapasa ito at ganon naman ang inis nito, halos mabutas na kasi ang likod nito sa katutusok niya ritong tapusin nito ng mabilis.
" Sige mauna na ako! " Pagsuot nito sa bag niya saka lumabas.
" Ang Carrrrrrol na yon kahit kailan pasaway talaga " tingin rito ni Paulo bago nagligpit ng gamit