SAMANTALA agad namang hinanap ni Anika si Ken at nagtungo ito sa department nila kaya malayo pa siya kinantyaw na nang mga kadepartment ni Ken ang pangalan niya tas susundan ng " Ken, soon girlfriend mo!!! "
" SI ANIKA!!! " sigaw ng mga kadepartment ni Ken mapababae man o lalaki " KEN SOON GIRLFRIEND MO HINAHANAP KA! " sigawan pa nila habang nanunukso.
" My precious " paglabas nito habang nakapamulsa ng kamay at nakatingin rito habang nakangiti na may pagkaka smirk kaya ang sexy tuloy niyang tingnan kumpara sa ugali ni Paulo kabaliktaran nito ang ugali ni Ken " Ano atang dahilan at ikaw na ang naghahanap saakin ngayon? Kanina iniisip lang kita pero ngayon hinahanap mo na ako " Pagharap niya rito habang nanluluko ritong nakangiti.
" Tumigil ka nga nang-aasar ka e " Hindi maitago ni Ken ang tuwa ng tingnan siya nitong si Anika " Puwedi ba tayong mag-usap? " Tanong nito agad " Pero yong tayong dalawa lang sana " lingon nito sa mga kadepartment nitong pinapanood sila habang nangungutya ang mga tingin nila.
" Sige " Pagtaas nito sa kamay niya at akala mo mga pagong na nagsipasok sa loob ng classroom nila ang mga kadepartment niya kaya silang dalawa lang ang natira.
" GANON BA TALAGA SILA MAKINIG KAY KEN? " pagtingin ni Anika sa paligid pagkatapus nilang maiwan ritong dalawa at tanging paghinga lang nila ang maririnig mo.
" Anong pag-uusapan natin? " Pagmamalaki niyang tingin rito pagkatapus ritong sumunod ang lahat.
" Sumunod ka saakin " hawak niya rito sa braso saka siya hinila at naglakad kaya kilig na kilig siyang nakatingin rito hindi pa rin kasi ito komportable kahit silang dalawa lang ang nasa labas.
" ANO BA YAN KINIKILIG AKO " Sabi nito agad ng makarating sila sa dinalhan rito ni Anika " Ano bang pag-uusapan natin? " Pagpunas pa nito sa uupuan ni Anika saka niya nilagay rito ang panyo niya " Sige maupo kana, baka marumihan ka " ngiti niya pa rito, sumunod naman ito sa kaniya.
" Mahalaga ba ang sasabihin mo? Magsisimula na kasi ang klase at saka hindi mo pa naman ako kinakausap nang ganito kaya hindi ko maiwasang mag-isip " Ani Ken habang natutuwa ritong tumabi maupo.
" Sa totoo niyan nandito ako dahil gusto kitang makausap tungkol kay Paulo " mabilis naman siyang pinigil ni Anika nang tumayo ito kaya napilitan itong bumalik din nang upo.
" Tsk! Ano bang tungkol doon? Kung itatanong mo kung sinaktan ko siya, Oo ginawa ko yon at kung itatanong mo kung bakit? panigurado namang alam mo na ang dahilan kaya sa tingin ko walang dahilan para pag-usapan pa natin siya " panghuhula nito sa pakikipag-usap rito ni Anika.
" Inaasahan ko namang gagawin mo yon pero kasi Ken hindi tamang gawin mo yon kay Paulo wala naman kasing ibig sabihin non sa kaniya, yong litrato isang pagkakamali yon sa totoo niyan nagkataon lang yon " Sabi nito agad at kinuwento niya rito ang buong pangyayari bago nangyari yong nasa litrato.
" Kung sinalo ka niya maganda yon pero ayaw ko pa ring naglalapit siya sayo lalo na't hindi ka pa naman saakin " pagtayo nito " Sa tingin ko walang mangyayari sa pag-uusap natin kaya mauuna na lang ako " pagpapaalam nito nararamdaman kasi nito sa boses ni Anika ang pag-aalala at pagtatanggol nito kay Paulo at naiinis siya rito.
" Nakikiusap akong tigilan mo na siya " Sabi nito agad nang aalis na si Ken kaya ganon na lang ang asar nito.
" Sabihin mo nga anong dahilan bakit mo yan ginagawa? Ang alam ko marami na akong sinaktan kagaya ng kaso ni Paulo pero bakit ata nakikialam ka sa tulad niya? At saka bakit ba alalang alala kayo sa kaniya? Tsk! Bagohan lang naman siya rito kaya hayaan niyong ibalik ko kung saan siya nanggaling " paghinto nito " at isa pa hindi ko siya gusto! " Napalingon ito at napakuyom sa kamao niya ng magsalita itong si Anika.
" Gusto mo ba talagang tuloyan kong burahin ang pagmumukha ng Paulo na yon dito sa school?! " Nag-aapoy ang matang galit niyang tingin rito dahil sa sinabi nito.
" Hindi ko yon sinabi dahil gusto kong magalit ka sa kaniya pero kung talagang gusto mo ako dapat irespeto mo ang nararamdaman ko " paglapit niya rito at napatingin siya rito nang isang tawa ang pinakawalan nito pero agad niya ring pinutol iyon.
" SO NGAYON GUSTO MONG TIGILAN NA KITA? NA ITIGIL KO NA ANG NARARAMDAMAN KO SAYO? GANON BA YON? " tawa pa nito na halatang naiinis.
" Hindi sa ganon___ "
" Edi anong ganon? " Sigaw nito ng hindi pa natatapus magsalita si Anika kung saan sa ano mang oras gustong kumawala ng mabibigat niyang kamao sa inis.
" Gusto ko si Paulo pero hindi ibig sabihin nun pinapatigil ko na rin ang nararamdaman mo saakin dahil sigurado namang hindi mo yon gagawin pero ang gusto ko itigil mo na ang p*******t kay Paulo bilang respeto sa nararamdaman ko dahil sa totoo niyan, ako naman ang lumalapit talaga sa kaniya kaya walang dahilan para magalit ka sa kaniya kung gusto mo saakin ka magalit, tatanggapin ko yon " napatingin rito si Anika ng mahigpit siyang hawakan nito sa braso at hinila siya nito palapit sa kaniya.
" Iniisip mo ba talagang kaya kong magalit sayo?! Alam mong hindi ko kaya yon Hindi ba?! " Titig niya rito sa mata at makikita mo rito ang sakit na nararamdaman niya dahil sa mga sinasabi ng babaeng mahal niya.
" I'm sorry Ken pero I can't deal with your feelings hindi ko alam kahit ramdam ko namang totoo pero iwan ko, Hindi ko alam why I can't felt the same " nalulungkot niyang tingin rito kaya binitiwan din siya nitong si Ken.
" Kung ganon bakit gusto mo pa ring ituloy ko ang nararamdaman ko sayo kahit may gusto ka nang iba? " Nasasaktan nitong sabi saka bumalik sa inuupuan nila kanina na siyang sinundan ni Anika para makapag-usap sila ng maayos.
" Dahil hindi ka naman susunod kung sabihin kong itigil mo na at baka ano pang gawin mo kay Paulo " nakita naman nito ang gumuhit na inis sa mukha ng katabi niya " Actually, naisip ko kagabi hinahayaan nga kitang ipakita mo ang nararamdaman mo saakin but I never let to accept your love kaya naisip ko kung papayagan kitang ligawan ako then maybe mas makikita at matatanggap ko yon " Sabi nito habang nakatingin sa mga paa niyang hindi mapakali.
" Sinasabi mo bang ligawan kita habang may gusto kang iba at umasang baka ako rin ang magustohan mo? Grabe! Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil pinayagan mo akong ligawan ka o maiinis dahil pakiramdam ko pinaglalaruan mo ang nararamdaman ko " nakangiti pa nitong sabi pero alam mong hindi siya natutuwa sa sinabi niya.
" Gusto ko si Paulo pero hindi niya ako gusto mabait lang siya saakin, sa lahat sa totoo niyan kung babae ka Ken iisipin mo ding baka may gusto din siya sayo sa subrang bait niya pero yong totoo pinanganak lang naman talaga siyang mabait " masaya nitong pagsaaalita habang iniisip si Paulo kaya mas naiinis itong si Ken " kaya naisip ko rin, baka confused lang ako sa nararamdaman ko dahil sa kabaitan niya, dahil masyado siyang mabait saakin kaya naisip ko nong unang may gusto siya saakin kaya rin ako nagkagusto sa kaniya pero nong nagtagal napansin ko mabait lang talaga siya, Hindi lang saakin kundi sa lahat " natatawa pa nitong sabi " at naisip naman kita matagal ka nang may gusto saakin pero hindi ko naman yon pinapansin kaya wala siguro akong maramdaman sayo kaya naman hahayaan na kitang gustohin ako, paibigin pero sana hayaan mo ding gustohin ko si Paulo " nagulohan naman si Ken sa sinabi nito.
" Gaya nang sinabi ko hindi ka naman titigil kung sasabihin o iuutos ko yon diba? Kaya sige hahayaan kitang gustohin ako at hayaan mo ding gustohin ko si Paulo hanggang sa marealized natin pareho kung sino ba talaga ang gusto natin, naiitindihan mo ba? " lingon niya rito " Ano papayag ka ba? " Tanong pa nito.
" Nagbibiro ka ba? Paano kung mas marealized mong mas gusto mo talaga si Paulo kaysa saakin paano naman ako? " seryoso nitong tanong habang umiiwas rito ng tingin.
" Edi wag mong iparealized saakin " napalingon naman siya rito sa sinabi niya " Hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko kay Paulo pero ikaw sigurado ka sa nararamdaman mo saakin kaya sa tingin ko mananalo ka bago ko pa marealized na gusto ko talaga si Paulo pero hindi rin naman ako nangangakong hindi talaga si Paulo ang magugustohan ko sa huli basta sa paraang ito malalaman mo kung ano ba talaga ang nararamdaman mo saakin at anong nararamdaman ko din " pagngiti nito " So ano pumapayag ka na ba? " Nakangiti niyang tingin rito habang nakalahad ang kamay niya para sa pakikipag-kamay rito para sa kasunduan nila.
" Minsan kana nga lang ngumiti saakin pero ang hirap naman nang kapalit " pagkamot nito sa ulo niya habang nahihirapang magdesisyon.
" Pumayag kana kasi para maayos na ang isyoryang ito mula simula sobrang gulo na kaya daliiii na pumayag kana?!! " pamimilit nito pagkwan huminga ito ng malalim at tumingin rito.
" Tssst! Mukha namang wala akong choice eh! " Paghinga nito nang malalim " Sa totoo lang kung ako ang papipiliin mas gusto kong manliligaw ako nang hindi ka nagkakagusto kay Paulo " pagtayo nito at humarap rito " Nasabi na kita kay Lolo na ikaw ang babaeng papakasalan ko kaya wala na akong choice kundi pumayag at hindi magpatalo kaysa naman sa iwasan mo ako at least binigyan mo pa rin ako nang kunting chance " pakikipag-kamay nito kaya ganon na lang ang ngiti ni Anika.
" Salamat, Ken " yakap niya rito kaya ganon na lang ang gulat nito habang ang lakas ng heart beat niya hindi nga siya nakabalik ng yakap rito.
" Tayo na, pumasok na tayo " pagtanggal nito sa yakap niya rito at naglakad pero natigilan siya ng bumagsak sa may damohan si Ken pagkatapos hindi makaget over sa nangyari.
" Okay Lang ako! " Mabilis nitong pagtayo ng magtungo rito si Anika para tulongan siya kaya ganon na lang ang tawanan nila.
" Kung bakit kasi nangyakap ka bigla " paglalakad nila pero hindi na umimik pa si Anika habang pinagmamasdan itong naglalakad sila pabalik " Kung ganon Mula ngayon puwedi kitang yayain lumabas? I mean ligawan nang official " tumango naman ito bilang sagot.
" Oo pero sana wag ka naman masyadong maging magulo sa pag-aaral ko " paglalakad nila kaya ganon na lang ang ngiti ni Ken.
" Sabihin mo nga bakit ba si Paulo? Kung sa bait lang naman, eh mabait din si Stell at si Justin at Kung pagmamahal naman ang pag-uusapan nandito naman ako pero bakit si Paulo? Hindi mo pa naman siya ganon kakilala " Sabi nito, silang apat kasi si Josh, Jah, Stell, at si Ken ang sweetheart ng campus nila kaya yon ang mga tinanong niya ritong pagpilian.
" Kayong apat nga ang sweetheart ng campus at kahit sino puwedi ring magkagusto sainyo pero si Kuya kung sa kaling hindi ko siya naging Kuya Hindi ko rin siya magugustohan dahil wala pa naman siyang nagugustohang babae minsan nga iniisip ko na lang na baka talaga totoo yong ship dito sa school na JoshTin, Alam mo yon wala pa ata siyang nagugustohang babae " pagbibiro nito " si Stell naman kabaliktaran ni Kuya, napaka pa-fall lahat na lang gusto niya minsan nakakalito kung sino ba talaga ang gusto niya sa daming babaeng binibigyan niya nang malisya, si Justin naman may pagka-isip bata at walang ginawa kundi bumuntot kay Kuya kaya pakiramdam ko kapatid ko na rin " Pag-iisa isa nito sa mga tinanong rito ni Ken.
" e ako? Hindi ko naman katulad si Josh dahil may gusto ako, at lalong lalo ni Stell dahil ikaw lang naman ang gusto ko at ni Jah? E bumubuntot lang naman ako kay Josh dahil gusto kong mapalapit sayo at isip Bata? siguro minsan pero that's part of maturity diba? " depensa nito sa sarili niya.
" Masyado kang masungit sa ibang babae at napakaliit din nang pasensya mo magkabaliktad kayo nang ugali ni Paulo " nakangiti pa nitong sabi.
" Aba dapat lang hindi kami puweding maging magkatulad noh! " Mabilis nitong sabi.
" Sa totoo niyan, kayo ni Carol ang may pagkakatulad nang ugali " agad namang lumayo rito si Ken sa sinabi niya.
" Ang lobong yon? Tssst! mas mabait naman ata ako doon noh! "
" See? Pareho talaga kayo " tawa nito nang mahina kaya walang nagawa si Ken kundi panoorin ito, paano ba naman siya kokontra sa babaeng gusto niya.
" Sige Ken, papasok na ako " pagtukoy nito sa magkaibang daan patungo sa bawat department nila.
" Sige, mag-iingat ka o baka gusto mong samahan kita? "
" Hindi, malapit lang naman yan " tanggi nito agad " sige, mauuna na ako " paglalakad niya. AT ilang explanation ang ginawa nito bago makapasok pagkatapus niyang mahuli sa klase. Pagkaraan ng ilang oras natapus na din ang klase nila.
" Balita ko napunish na naman siya " Ani Rohan habang pinagmamasdan nila si Paulo kasama si Stell " sa tingin mo ba susunod si Ken sa napag-usapan niyo? " nakuwento na kasi niya rito ang napag-usapan nila.
" Pakiramdam ko susunod naman siya doon " pagngiti nito saka nagtungo sa practice area nila.
SAMANTALA mabilis namang nagtungo si Paulo sa gate ng makita nitong naroon si Carol habang kinakausap ang guard.
" Kukuha ka rin ba ng kaparusahan? " Tanong nito agad pero parang hindi siya narinig nito.
" Sir yong pinakamahirap na trabaho ang ibigay niyo diyan palagi po siyang nahuhuli hindi siya natututo! Kaya parusahan niyo po ng mahirap!!! " Paglingon niya kay Paulo at mataray na tumalikod.
" Oy! Carol teka lang! " Pagsunod niya rito pero mabilis itong tinawag ng guard kaya napilitan itong bumalik " Hindi ka pa tapos sa kaparusahan mo " pagtapon nila rito sa walis at daspan.
" Sir hindi naman po kayo nakinig doon? " Nag-aalala niyang pagkuha sa mga walis at daspan.
" Sa totoo niyan nag-aalala siya sayo kaya siya nandito kanina " Sabi nila rito at magtatanong pa sana siya pero biglang dumating si Stell " tayo na Dre! mabuti na lang napakiusapan ko siyang mauna na kaya puwedi kitang tulongan " pagkuha niya rito sa walis.
" Sino ba yang hinahatid mo palagi? " Pag-uusap nila.
" Gusto ni mama pero huwag na natin siyang pag-usapan " Ani Stell na halatang naaasar. AT dahil dalawa silang naglinis kaya natapus ito agad at nakauwi sila ng maaga pero natigilan sa paglalakad pauwi si Paulo nang may mapansin siyang tao sa may tabi ng puno habang nakayuko na para bang hindi maayos ang pakiramdam nito lalo na't tumambay rito sa ganitong oras.
" Anong ginagawa niya rito sa ganitong oras at lugar? " Paglapit niya rito ng mapansin niyang hindi ito gumagalaw at tanging ang sinag ng buwan ang umiilaw rito " tao kaya ito? " Paglunok nito habang lumalapit rito at tanging siya lang ang tao rito, madilim na kasi pagkatapus niyang maparusahan kaya gabi na ito nakauwi " Bakit kasi ang dilim rito " pagkuha nito sa phone niya at lumapit rito saka inilawan.
" Tao nga " pag-upo nito at itinapat niya rito ang ilaw " O-okay ka lang? " Paghawak niya rito pero napasigaw ito at bumagsak sa lupa ng bigla itong tumingin sa kaniya.
" BAKLA KA BA?! " pagtayo nito at isinuot ang bag niya.
" CAROL? IKAW BA TALAGA YAN?!!! " Hindi nito makapaniwalang tanong at sumunod rito at tuloyang naalis ang kabang nadarama niya kanina " Bakit ka natutulog doon? " Tanong pa nito " Teka! Sandali hinihintay mo ba ako? " Pangungulit niya pa rito.
" BAKIT NAMAN KITA HIHINTAYIN? SINO KA BA? NAISIPAN KO LANG MAGPAHINGA DOON KAYA LANG NAKATULOG AKO " sagot nito sa mga tanong ni Paulo at totoo naman yon pero ang mga yon ay rason lang para may dahilan siyang hintayen ito pagkatapus ng pag-aalala niyang baka may gawin na naman rito sina Ken.
" Napaka werdo mo talaga! " Mabilis nitong paglalakad at sumabay rito pero mabilis na hinarang ni Carol ang mga paa niya pero hindi na rito nadapa pang muli si Paulo.
" Hindi mo na ako mahuhuli ulit diyan noh " paymamayabang nito pero napayakap ito sa may lupa ng sipain siya ni Carol sa may puwetan kaya ganon na lang ang inis niya pero naalis yon agad ng marinig niya ang mga tawa nito.
" Tsst! Lalaki ka ba talaga? " Paglalakad nito na para bang wala siyang ginawa.
" Kaligayan mo talaga ang saktan ako noh? " Pagsunod niya ritong muli pero hindi na siya nilingon nito habang masayang naglalakad at sumasama ang buhok niya sa pag-agos ng hangin.
" Nga pala, sorry sa mga sinabi ko kahapon at salamat na rin " mabilis naman itong lumingon sa kaniya " At saka ang ibig kong sabihin kahapon ay tigilan mo na ang pakikialam saakin pero hindi ang pagkakaibigan natin__ "
" Kaibigan? " Pagputol nito sa pagsasalita ni Paulo " sinong nagsabing magkaibigan tayo? Tssst! Magkaklase lang tayo at magkapitbahay noh! " Lingon niya rito habang hindi makapaniwala ang mga tingin niya rito saka pumasok sa gate nang bahay nila pagkatapus nilang dumating.
" HINDI TAYO MAGKAIBIGAN JAMPAWLO! " Malakas pa nitong sabi habang naglalakad patungo sa pinto ng bahay nila.
" Oo na " masaya niyang sabi rito kaya kahit itago ni Carol lumabas din ang mga ngiti niya " Good night Carrrol! " masaya pa niyang sabi saka pumasok sa gate nila " Nandito na po ako! " sigaw nito bago kumatok sa pintuan.
~ Ang daming sinabi ni Stell saakin ngayong araw kaya pakiramdam ko ang dami kong kasalanan kay Carol at si Anika sana matigil na rin ang pag-aalala niya saamin ni Ken hanggang ngayon kasi mukhang ayaw pa niya akong kausapin " pag-susulat nito sa diary niya.