Kabanata 23

3115 Words
" Apo mag-iingat ka! " Kaway rito ng Lola niya sa may pintuan. " Opo, pumasok na kayo Lola! " Ani Carol habang naglalakad palabas nang gate at natigilan ito ng pagbukas niya ng gate kakalabas lang din ni Paulo. " Good morning " bati nito sa kaniya pero parang hindi siya narinig nito habang nakatitig ito sa bibig niyang namamaga pero mabilis nitong binawi ang mga tingin niya at naglakad nang mapansin siya nito. " Hindi ko naman masisising ayaw niya akong pansinin pero sana maisip nitong sinabi kong tigilan niya ako kahapon pero hindi ibig sabihin nun magiging magkaaway kami ang ibig ko lang naman sabihin doon ay sana tigilan niya ang pakikialam sa buhay ko, yon lang " pag-iisip nito habang sinusundan si Carol. " Oy sandali, Carol! " Habol niya rito pero mabilis nitong hinarang ang mga paa niya ng marating siya nito kaya ayon napayakap si Paulo sa may damohan pagkatapos niyang mapatid rito. " Haist! Ang ingay naman! " Malakas pa nitong sabi saka naglakad muli. " Oy ano ka ba?! Sandali nga iniisip mo pa ba yong mga sinabi ko kahapon? " Pagtayo nito " Alam mo hindi naman tayo nagkaitindihan doon " dugtong nito habang sinasabayan niya ito maglakad at mabilis siyang huminto ng humarap ito bigla sa kaniya. " Alam mo hindi ako nakikinig kaya sayang lang ang laway mo! At puwedi ba hindi ko iniisip yong kagabi noh! Sino ka ba para isipin ko yon? " pagngisi pa nito " tsk! ang feeling naman! Sino ba siya sa akala niya!? " pambabalewala niya rito pagkatapus niyang kausapin ang sarili niya saka nito kinain ang binalatan niyang lollipop at naglakad muli pero sa pagkakataong ito hindi na siya sinundan pa Paulo. " Mukhang hindi talaga kami nagkaitindihan kagabi " paglalakad nito habang sinusundan niya ito ng tingin. At dahil sa may paboritong daanan ni Carol siya dumaan muli kaya nakatanggap na naman ito ng parusa pagkatapus itong makita nang guard na halatang inaabangan siya. " Sa loob ng campus yan lang ang puwedi kong gawin para masunod ang bilin saakin ni Lolo " pagmamasdan nila Ken rito habang naglalakad " Kung bakit kasi sa dinamidaming tao siya pa ang gustong ingatan ni Lolo dito sa campus " naaasar nitong sabi. " Yon na nga boss kaya kailangan pa tuloy nating pumasok ng maaga para lang masiguradong mapaparusahan siya " tinatamad pang tugon ng mga kasama nito. " Kung hindi kasi ako papasok paniguradong makakalusot yan sa mga tamad na guard at madaling maawa kung bakit kasi napakabait din nang Paulo na yan kaya lahat na lang gusto siya o gustong tulongan " naaasar pang sabi nito. AT pagkailang minuto dumating na din si Paulo habang hinihintay ito ni Stell sa labas ng room nila. " Dre anong nangyari diyan? " Tanong agad nito ng makita ang pasa nito malapit sa bibig. " Paulo si Ken ba ang dahilan? " naghahalong lungkot at pag-aalalang tingin rito ni Anika pagkatapos niya din itong makita habang inaabangan siya nito sa pag-aalalang baka may mangyari rito hanggang ngayon kasi hindi pa rin sila nagkaka-usap ni Ken. " Wala ito " ngiti niya pero masyado itong masakit kaya hindi siya ganong nakangiti o naibuka ang bibig niya. " Kailangan ko na talaga siyang makausap " mabilis naman itong pinigilan ni Rohan sa binabalak niyang pagpunta kay Ken. " Afternoon ang klase ngayon nila Ken kaya hindi pa yon dumadating siguro " hawak rito ni Rohan, kaya kumalma na din siya pero bago pa nito mapuntahang muli si Paulo ay nakita nito ang pagharang rito ni Stell mula sa kaniya. " Halika na Dre maupo na tayo " hawak rito ni Stell para ilayo kay Anika " Dapat kasi nakinig ka saakin " sermon nito ng makaupo sila " Maliban sa nakikita ko ngayon may ginawa pa ba siya sayo? " Mapangusisa niyang tingin rito. " Wala na at saka bakit ba alalang alala ka diyan? umamin ka nga baka hindi lang kaibigan ang tingin mo niyan saakin ah " pagbibiro nito para putolin ang pag-aalala nitong ni Stell o nang mga kaklase niyang linilingon siya. " Ano ka ba Dre seryoso ako! " nag-aalala pa niyang sabi rito. " Okay lang ako, wag kang mag-alala " bahagya nitong ngiti pagkatapos maalala ang pagtulong rito ni Carol kahapon. " Natutuwa kami kung yan lang ang nangyari sayo pero alam mo sa tingin ko kahit papaano, masyadong naging mabait sayo si Ken " paglapit pa ni Justin na siyang sinang-ayonan ng lahat habang nakikinig sa kanila. " Salamat! Sa totoo niyan dumating kahapon si Carol kaya tadyak at suntok lang yong nagawa ni Ken " kitang kita naman niya ang ngiti ng lahat. " Mabuti naman, si Carol lang kasi ang katapat non " lingon rito ni Andy na kanina pa nakikinig sa kanila. " Oo, totoo yon kaya lang pakiramdam ko lumala lang ang mga nangyari dahil kasi doon hindi ko nakausap si Ken para ayosin ang lahat " sabay sabay naman silang nagbuntong hininga sa sinabi niya. " Kausapin mo nga yang bff mo Stell mukhang hindi mo pa nasasabi sa kaniya anong ugali ni Ken " pagbalik ni Jah sa upuan niya pero tuloyan na silang nanahimik ng biglang dumating ang teacher nila na sinundan ni Carol. Sa totoo niyan hinintay talaga niyang mauna rito ang teacher nila dahil ayaw niyang makarinig na naman ng usapan ng mga kaklase nila at gaya nang inaasahan niya tumahimik nga ang lahat ng pumasok ang teacher nila at masama itong lumingon sa dalawang setmate niya ng mariin itong nakatingin sa kaniya. " Ano na naman bang dahilan at nakatingin sila saakin? " Pag-upo nito pagkwan nagsimula na ang klase mamaya nagpunta ito sa tabi ni Andy ng hindi ito makafucos sa likod sa tuwing nakikita nito ang likod ni Paulo sa harapan niya. " Yes Andy! Can you give us some idea about what I have said earlier? " Napaayos naman nang upo si Carol sa pagtawag sa katabi niya kanina pa kasi ito napapansin ng teacher na hindi nakikinig habang gumagamit ng cellphone. " Pambihira mukhang mapapasabak na naman ako agad! " Paglunok ni Carol sa kaba na baka siya na ang sunod na matawag " kaya ayaw kong mag-aral ng maayos eh dahil ayaw ko nang mga ganitong pakiramdam, grade 1 pa ako nong huling maramdaman ko 'toh noong pumasok akong hindi naliligo pagkatapus mag-inspection ni Sir nang malinis " pagsasalita pa nang utak niya pagkwan napasulyap ang mata nito sa phone ni Andy habang nakalagay sa messages ng magvibrate ito. " Huwag ka ng mag-alala maayos siya maliban sa pasa malapit sa bibig niya " basa nito sa ilang text ni Andy " Magpasalamat ka kay Carol dahil tinulongan siya nito " napaisip naman siya sa nabasa nito at napatingin kay Andy " Hindi kaya may kinalaman siya tungkol sa litrato? " Pagmamasdan niya rito " pero Ano naman ngayon? Tsk! Wala na akong pakialam doon noh! " Malakas nitong sabi pagkatapus maalala ang mga sinabi rito ni Paulo kahapon at napalingon sa kaniya ang lahat ng dahil sa bigla niyang pagsasalita kaya mabilis itong tumingin sa teacher nila ng mapansin yon at nakatingin nga din ito sa kaniya. " Naluko na! kapag ako tinawag nito katapusan ko na " kinakabahan niyang nakatingin rito pagkatapus niyang walang maitindihan sa lecture. " Okay, Andy you can take your set now! " Utos ng teacher nila kaya mas lalo siyang kinabahan lalo na ng magtama ang mata nila ng teacher. " Magbababa ba ako ng tingin para sabihing wala akong alam o makikipagtitigan ako para kunwari may Alam ako? " Pinagpapawisan nitong pag-iisip habang nagtititigan pa rin sila ng teacher at pigilpigil nito ang hininga niya ng makita nito ang unti unting pagbukas ng bibig ng teacher nila. " Ako na ba? " Pilit nitong pagpapakalma sa sarili niya habang naghahabolan ang mga pawis niya " Pambihira maiihi ako nito sa kaba " pag-iiba nito ng upo. " Okay, let's continue our discussion " isang napakalaki at malalim na paghinga ang ginawa niya pagkatapus mawala ang kaba niya ng hindi siya natawag. " Masyado siyang napaghahalataan " Ani Paulo pagkatapus mapansin ang kabang kinikilos nito. " Pero ang kyuut niya Dre diba? " Mahinang bulong rito ni Stell habang si Josh hindi rin nito maiwasang matawa habang natutuwang pinagmamasdan siya. " Para siyang grade 1 para matakot sa lecture " Ani Josh " Malabo naman siyang tawagin dahil hanggang ngayon takot pa rin sa kaniya ang ilang teacher " bulong pa nito kaya napalingon rito ang katabi niyang si Justin dahil sa bigla nitong pagsasalita. " Ano yon Josh? " Tanong pa nito " teka! Iniisip mo rin ba ang mga pinagsasabi ni ma'am na walang katuturan? " Ani Jah habang tinatamad makinig. " Yes, Mr De dios? " Tawag rito ng teacher kaya ganon na lang ang gulat niya. " Haist! Nakakainis naman minsan kana nga lang mag-ingay matatawag ka pa " naaasar nitong pagtayo " Feeling ko talaga may crush saakin si ma'am para tawagin ako palagi sa oral recitation " pagka-usap pa nito kay Josh habang nakasimangot na nakatingin sa teacher. " Ang sabihin mo napapansin ni ma'am na wala kang natututonan sa lecture niya " pagbibiro niya rito kaya mas lalong bumagsak ang hitsura nito. " Anong tingin yan? Are you insulting me Mr. De Dios? " Masungit ritong tanong ng teacher. " Kainis mukhang may regla pa ata si ma'am ang sama ng tingin " bulong pa nito kaya ganon na lang ang tawa ng mga kaklase niyang nasa tabi niya pagkatapus yon marinig. " WHAT'S THE MATTER?!! " malakas na tanong ng teacher kaya tumahimik din ang lahat. " Sorry po ma'am " tingin nito sa dalagang teacher gamit ang gummy smile niya kaya ayon biglang tumulo ang laway nito kaya ganon na lang ang tawanan ng lahat maliban kay Anika habang kanina pa sumusulyap kay Paulo dahil sa ginawa rito ni Ken. " Ang tagal naman kasi ng oras " paghawak nito ng mahigpit sa ballpen niya pagkatapus sulyapan ulit ang wrist clock niyang antagal kumilos " Pero paanong hinayaan siya ni Carol? " pagtingin nito rito habang seryosong nakikinig pero kitang wala naman siyang naiitindihan " pero kailan pa nga ba siya nagkaroon ng paki sa iba " pagbuntong hininga nito. " Ang lalim naman non " lingon rito ni Rohan pagkatapos matawa sa teacher nilang pinagluluko ni Jah " Alam mo imbis na mag-alala ka diyan kay Paulo ang isipin mo na lang ay anong sasabihin mo kay Ken para makombinse mong tigilan na yang crush mo " mahina niyang sabi rito. " Kagabi ko pa yan pinractice kaya nga hindi na ako makapaghintay makausap siya mamaya kasi may magawa pa siyang bago kay Paulo bago pa kami makapag-usap " nag-aalala niyang sabi pero natigilan sila sa pag-uusap ng paloin nang teacher ang board. " Enough! Hindi na ako natutuwa class " pagalit nitong sabi dahil sa tawanan ng lahat pero halata naman talagang kinikilig ito sa mga ngiti sa kaniya ni Jah " And Mr. De Dios don't magnitize me with that gummy smile or else I'll give you singko! Hindi mo ako makukuha diyan! Beside I'm your teacher! " Pagtalikod nito at mabilis na nagpunas nang pawis pagkatapos ng sinabi niya para itago ang totoo niyang nararamdaman " Kung bakit kasi naipon sa klase ko ang mga dating high school sweethearts ng school na pinasokan ko nong mag-intern ako " pag-aayos nito sa sarili niya para tuloyang alisin ang nararamdaman niya " okay Jah, I mean Justin Di Deos you can take your set now! " Malakas nitong sabi para kunwari naiinis ito. At pagkatapos ng klase nila this morning mabilis na lumabas si Anika para kausapin si Ken. " Pakiramdam ko nanghihina na talaga ako nang dahil sa pag-aalala kong matawag sa klase nakakainis mas hindi pa kami magtatagal na magsama ni Lola nito kung mananatili ako rito at mag-aaral ng maayos " parang Zombieng paglalakad ni Carol palabas ng classroom kaya si Josh hindi niya mapigilang hindi matawa habang sinusundan nila ito ni Justin. " Carol okay ka lang ba? " Tanong niya pa rito nang pagiwang giwang itong naglalakad. " Oo " matamlay nitong sagot kaya mabilis ritong bumulong si Jah. " MUKHANG ORAL RECITATION ANG NAGPAPAHINA SA TULAD NI CAROL NA MAY SARILING DESISYON AT GUSTO SA BUHAY " natatawa nitong bulong kay Josh kaya ganon na lang ang tawanan nila. " ANONG NAKAKATAWA? " tanong pa nitong si Carol na halatang wala sa sarili dahil sa panghhihina nito. " Nagiging madaldal rin " tawanan pa nila ni Jah pero mabilis din itong tumigil ng maisip na si Carol itong pinag-uusapan nila. " Tumigil ka na nga Jah! " batok niya rito at isang hagikhik ang pinakawalan nila pagkatapus malingon ang paglalakad na naman ni Carol. " Grabe masyadong apektado si Carol sa pag-aaral niya pero Paulo napaka cute niya diba? Ganon pala ang nangyayari sa tulad ni Carol kapag nag-aral ng maayos " pag-iisip rito ni Stell nang makalabas ito " Nga pala nagdala ako ng pagkain para hindi na natin kailanganin pang pumuntang canteen alam mo na iiwas muna tayo doon hangga't hindi pa maayos o malinaw ang lahat kay Ken " paglabas ni Stell sa pagkain nilang dala niya " Alam kong ipipilit mong puwedi mong ayosin ang lahat sa pagkausap kay Ken kaya kung sasabihin kong magdala ka nang pagkain mo Hindi ka rin susunod dahil sasabihin mong walang dahilan para iwasan si Ken dahil Wala kang ginagawang masama " masama niyang sabi rito kaya napangiti na lang rito si Paulo pagkatapus ng mga sinabi niya. " Kailan ka pa naging manghuhula Stell? " Pagkain nito pagkatapus maghanda ni Stell. " Haist! Alam ko, sa nangyari kahapon nalaman mo na paano magalit si Ken pagkatapus kang tamaan ng mga kamao niya mabuti na lang talaga nandoon si Carol dahil kung hindi iwan kung makapasok ka pa " pagkain din nito " Dapat nagpasalamat ka sa kaniya doon " pagtukoy nito kay Carol. " Sa totoo niyan hindi kami maayos ni Carol " napatingin naman ito bigla sa kaniya at natigil kumain " sa tingin ko kasi hindi niya naitindihan nong sabihin kong tigilan niya ako___ " " ANO?!!! " Pagputol nito sa pagsasalita niya " DRE! BAKIT MO YON SINABI? ANONG DAHILAN? PAANONG NAISIP MO YON? " sunod sunod nitong tanong habang natatapon na ang pagkain sa bibig niya. " Dre dahan dahan lang, pagkain mo natatapon sa pagkain ko " pagtakip niya rito gamit ang mga kamay niya. " Sorry " mabilis na pagpunas ni Stell sa bibig niya " Pero seryoso Dre anong naisip mo at sinabi yon? " Tingin niya ritong seryoso. " E kasi palagi na lang niya akong pinapakialaman kaya pakiramdam ko mas lumalala ang lahat lalo na kung tulad nila ni Ken ang magbabanggaan, parehong mainitin ang ulo, bayolente, at maliit ang pasensya kaya paniguradong mas lalala lang ang lahat at isa pa alam mo bang nabanggit pa ni Ken yong tungkol sa pantalon iniisip niyang ginawa namin yong mga sinabi ni Carol para makalapit ako kay Anika, tsaka sa tuwing nagkakalapit kami ni Carol palagi na lang akong nasasaktan " mahaba nitong sabi " nag-aalala nga akong baka kung maglalalapit pa ako sa kaniya hindi lang memorya ko ang tuloyang mawawala kundi baka isang parte na nang katawan ko " pagkain nitong muli pero natigilan siya ng ilapag ni Stell ang kinakain niya at tumingin rito. " MASYADO NGA SAYONG MABAIT SI CAROL " naiingit pang tonong boses ni Stell " Pero sa bagay napaka bait mo rin kasi kaya hindi yon nakakapagtaka " masaya pa niyang sabi " Alam mo ba ang dahilan tungkol sa pantalon? Ayaw ko sanang sabihin ito dahil imposibleng hindi mo maisip pero sige na nga talagang hindi mo kasi naiitindihan hanggang ngayon " mariin namang naghintay si Paulo sa sasabihin niya " Sa umpisa pa lang kasi gusto ka nang protektahan ni Carol mula kay Ken siguro may nagawa kang mabuti sa kaniya kaya ganon, Sa totoo niyan ginawa niya yon para isipin ni Ken na may namamagitan sa inyo at pagnangyari yon hindi kana niya pag-iinitan sa pag-iisip na baka may gusto ka kay Anika kagaya na lang nong araw araw niyang pagbabantay sayo sa may likod ng pader para maparusahan at sa tingin ko natigil naman talaga yon mula nang sabihin niya yong tungkol sa pantalon hindi ba? " Hindi naman ito makapagsalita sa sinabi ni Stell dahil tama ang sinasabi niya " Pero alam mo maliban sa tanong ko kung bakit sayo mabait si Carol, gusto ko din malaman kung bakit hindi ka sinasaktan ni Ken dito sa loob ng school e kung totoosin batas niya ang kumokontrol rito pero bakit kailangan sa labas pa ng school niya gawin ang p*******t sayo? Imposible namang nang dahil kay Anika dahil maraming beses naman niyang nagawa ito at sa loob talaga ng school niya pinapahirapan ang mga tulad mo hanggang sa kusa nitong maisipang lumipat na lang nang school ulit " Ani Stell habang iniisip ang dahilan ni Ken. " Hindi ako sigurado pero sa tingin ko isa si Carol sa dahilan? nasabi niya kasing kung nasa labas kami walang puweding tumulong saakin " nahihiya nitong sabi pagkatapus ng mga nalaman niya tungkol kay Carol at maisip ang mga sinabi niya rito kahapon kaya ganon na lang ang pagmamalaki na naman ni Stell sa pangalang binanggit nito. " Napaka cool pa rin talaga ni Carol kasi hindi pa rin siya naiwasan ni Ken, paano ba naman kasi palagi siyang nakabantay sayo " tawa nito " Alam mo ba nong may naglove letter sayo hiningi niya saakin ang meeting place niyo nang nagbigay sayo ng sulat dahil nag-aalala siyang baka si Ken lang ang nasalikod non tas kitang kita ko rin ang pag-aalala niya nong lumabas ang mga litrato niyo ni Anika hindi yon kapanipaniwala ah, once in a blue moon lang yon makikita sa tulad ni Carol " naiingit nitong sabi habang nakangiti. " bakit naman niya yon gagawin? " Ani Paulo habang iniisip ang mga sinabi nito tungkol sa mga ginagawa ni Carol para sa kaniya " Edi alamin mo sa kaniya sus! Hindi naman yon mahirap sayo mukha naman kasing nababaitan talaga sayo si Carol " Ani Stell " kausapin mo siya at magsorry na rin sa mga sinabi mo sa kaniya " utos niya rito. " Balak ko naman yon hindi niya rin kasi naitindihan yong gusto kong sabihin kahapon " Sabi nito agad " Pero kung sa bagay hindi rin kasi maganda ang pagkakasabi ko " malungkot nitong sabi pagkatapos maalala ang pagsusungit niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD