AGAD lumabas itong si Lusin ng may kumatok sa may gate.
" Magandang umaga po " bati agad rito ng taong nasa labas.
" Stell ikaw pala, 'lika pasok ka "pagbubukas nito sa gate.
" Andiyan po si Paulo? " tanong pa nito.
" Oo pero lalabas na din yon " at katatapus lang nitong magsalita ng makita nilang lumabas sa may pinto si Paulo.
" Ah aling Lusin okay lang po ba kung iwan ko ang motorbike ko? " tumango naman ito kaya mabilis ritong binigay ni Stell ang susi.
" Stell nandito ka? " agad namang pumasok itong si Lusin ng magmano rito si Paulo bilang pagpapa-alam sa pagpasok nito.
" Ah Oo, sasabay ako sayo? " pagkamot pa nito sa ulo niya habang nahihiya.
" bakit anong mayron? " paglabas nito habang nagtataka pagkwan umakbay rito si Stell.
" Naisip ko lang yong inasal ko kahapon " nahihiya nitong ngiti " Nagsinungaling ka kasi " ngiti niya pa rito ng bahagya " Pero okay na rin yon syempre kilala ko si Carol magagalit din yon kung ipagsasabi mo " pagkuha nito sa bisikleta ni Paulo at hinila niya ito habang naglalakad " Kaya lang ang hindi ko maitinidihan bakit niya rin yon ipagsasabi " pag-iisip nitong ni Stell habang naglalakad sila.
" Naniniwala ka ba talaga sa mga sinabi niya? " Ani Paulo tumango naman ito rito " KILALA KO SI CAROL, PASAWAY SIYA PERO HINDI YON MARUNONG MAGSINUNGALING " sabi pa nito.
" Bakit ba parang ang dami mong alam kay Carol? " napahinto naman ito sa biglang sinabi ni Paulo " pero sa bagay mukhang ako lang naman ang hindi nakaka kilala sa kaniya " dugtong din nito kaya naglakad na din muli itong si Stell " Pero yong mga sinabi niya hindi yon totoo " napalingon naman rito si Stell na halatang hindi naniniwala alam kasi niyang hindi nagsisinungaling si Carol.
" Hindi ba mahilig siyang magpantalon? " pagpapatuloy magsalita nitong si Paulo " Kaya lang sa tingin ko ang gusto ng Lola niya nakaskirt ito kaya nong araw na nagkasabay kami sa labas at nagkataong lumabas ang Lola niya para salubongin ito mabilis niyang hinubad ang pantalon niya at tinapon saakin para hindi siya mahuli sa klase ng pananamit niya kaya napunta saakin yong pantalon niya " napatingin naman ito sa Stell na umaliwalas ang mukha pero mayamaya binawi niya rin yon.
" SUS! ALAM MO DRE BESTFRIEND TAYO KAYA HINDI MO KAILANGAN MAGSINUNGALING AT SAKA LALAKI TAYO KAYA OKAY LANG YON " tapik niya rito ng mahina at hindi na muli maipenta ang mukha.
" seryoso ako sa sinabi ko " lumingon naman muli rito si Stell kaya hindi siya kumurap rito para kumbensihing totoo ang sinasabi niya pagkwan tumitig pa ito ng mariin sa kaniya.
" TOTOO " umiling naman itong si Stell pagkatapus ng sinabi niya saka sinundan ito ng pag-aliwalas ng mukha niya.
" KUNG GANON NAMAN PALA ANG NANGYARI BAKIT AKO NALULUNGKOT DIBA? " Tawa pa nito " sus! Akala ko talaga may ginawa kayo " tawa pa nito.
" Ano namang gagawin namin? Baka bugbogin lang ako non buong magdamag kung sakaling makulong kami sa isang kwarto at saka mukha namang hindi ganong klaseng babae si Carol " halos maputol ang leeg ni Stell sa katatango bilang pagsang-ayon rito.
" Totoo yan, Hindi siya ganong babae " nakangiti pa nitong sabi.
"DAHIL HINDI NAMAN SIYA BABAE " sa isipan nitong si Paulo " Pero nagkausap ba kayo kahapon tungkol doon kung bakit niya yon sinabi? " tanong pa nitong si Stell.
" Gusto lang ata niya akong inisin pa " mahina nitong sabi " malakas kasi talaga ang kutob kong alam niya kung nasaan ang ID ko at gumawa na naman siya ng ibang gimik para inisin ako " ani Paulo ng hindi sinang-ayonan ni Stell pero Hindi naman niya ito sinaway " kaya lang ang nakakapagtaka may sinabi siya saakin pero kagabi ko pa iniisip kung anong ibig niyang sabihin doon " pag-iisip ni Paulo sa mga huling sinabi rito ni Carol.
" ANO YON DRE? " pangungulit rito ni Stell pagkwan tiningnan ni Paulo ang relo niya na para bang hindi niya ito narinig.
" Umangkas ka saakin para makarating tayo agad " pagsakay nito sa bisekleta niya ng makitang malilate na sila.
" teka, ano ba yong sinabi sayo ni Carol? " pag-angkas rito ni Stell.
" Hi Stell! Paulo!!! " kaway rito ng mga babaeng istudyanteng naglalakad kumaway naman agad sa kanila itong si Stell at nagpaflying kiss pa at nakangiti sa mga ito bilang pagbati habang si Paulo isang maginoong ngiti lang ang ibinati niya sa mga ito.
" Dre ano nga yong sinabi sayo ni Carol? Pinaliwanag ba niya kung bakit niya yon sinabi kahapon? " pangungulit ni Stell ng bumaba siya sa bisikleta ng dumating sila.
" TSK! ANG SABI KO MATUWA KA KAHIT HINDI YON NAKAKATUWA AT WALANG NATUTUWA DOON" napalingon naman itong si Stell kay Paulo.
" Yan ang sinabi niya saakin, Alam ko ang gulo kaya kalimotan mo na " paglock nito sa bisikleta niya " o siege pumasok kana sa gate at papasok naman ako sa bago kong pintuan " pagtukoy nito sa may pader.
" Sama ako, gusto kong matry at saka total sasamahan din naman kitang maglinis kaya magpaparusa rin ako " ani Stell.
" Hindi ka magiging masaya kapag dumaan ka doon at saka panigurado nandoon din sina Ken na mambubuwesit na naman "
" Mukhang hindi nga magandang dumaan doon pero gusto ko pa rin masubokan ang daanan ni Carol, ang ibig kong sabihin ang dinadaanan niyo " paghawak nito sa braso ni Paulo kaya naglakad na ito pero napalunok agad itong si Stell ng makita ang taas ng aakyatan nila.
" dito talaga kayo dumadaan? " Hindi pa nito makapaniwalng tanong.
" KAPAG PAULIT ULIT KANG DUMAAN MASASANAY KA RIN " Pag-akyat niya rito " sige na, sa gate kana dumaan kita na lang tayo sa classroom " pagngiti rito ni Paulo at tumalon sa loob at naglakad pero napahawak agad ito sa ulo niya ng tamaan ito ng bag sa ulo.
" Dre sandali lang " sigaw pa ni Stell at pilit na umakyat " Madali naman palang akyatin " ngiti nito ng maka-akyat sa taas ng pader at ganon na lang ang gulat niya ng bumagsak ito sa may damohan.
" Sa umpisa mahuhulog ka talaga kapag hindi ka nag-ingat " pagtapon niya rito sa bag niya habang nakahawak itong si Stell sa braso niya pagkatapus masaktan " halika na, panandalian lang yang sakit " paglalakad nito agad naman ritong sumunod si Stell at ganon na lang ang pagtataka nito ng walang Ken na nag-aabang.
" Ano kayang mayron at wala rito ang grupo ni Ken? " ani Paulo.
" Nakuuuu! Dalian na lang natin maglakad baka dumating pa sila " paghila rito ni Stell kaya ito akala mo mga kaluluwang dumaan sa sobrang bilis pero natigilan sila ng bigla nilang makita ang grupo ni Ken habang nakatambay sa may tabi ng daan kung saan may puno rito at wala masyadong dumadaan rito at napahinto sila nang may istudyanteng pumuta sa harapan ni Ken.
" Magandang umaga!!! " masigla nitong bati at tama na ang lapit at pandinig nila para marinig ito " Ken alam ko bata pa ako pero sabi ni Mama puwedi na daw akong magboypren " nagtataka namang nakatingin si Paulo sa Senior High students na pumunta sa harapan ni Ken pero si Stell malungkot siyang nakatingin sa direksyon nila Ken.
" halika na Dre! " paghawak ni Stell sa braso ni Paulo " Pagkakataon na natin ito para hindi nila tayo mapansin at makatakas sa kanila " bulong nitong si Stell pero nakatingin lang si Paulo sa munting dalaga.
" Tayo na Dre! " ani Stell at maglalakad na sana sila ng biglang magsalita muli ang munting binibini.
" nakuuu nababaliw na siya " bulong pa nitong ni Stell.
" AKO SI SALLY SENIOR HIGH SCHOOL STUDENT FROM HUMSS " malakas loob nitong pagpapakilala " PAKI-USAP TANGGAPIN MO ANG PAG-IBIG KO!!! " pagbibigay niya rito sa isang box of chocolate.
" Bata pa siya kaya hindi niya alam kung sino ang puweding paglaanan ng pag-ibig " ani Stell at katatapus lang magsalita nong bata ng kunin ng kasamahan ni Ken ang chocolates.
" Sandali hindi yan para sayo ehh " malungkot na sabi ng bata at napatingin ito bigla kay Ken ng magsalita ito.
" MAKINIG KA, HUWAG KA NG MAG-ABALA PANG BUMILI NG ANO MANG BAGAY PARA SAAKIN DAHIL HINDI KITA MAGUGUSTOHAN OKAY? BATA KA PA AT HINDI AKO PARA SAYO! " naiiyak namang tumakbo ang munting binibini sa sinabi ni Ken.
" Boss bakit ka naman ganon? Kyuuut naman siya ah! " sabi pa nong isa.
" tssst! Masyado siyang bata! Hindi ko siya type kaya anong dahilan para paasahin siya " lingon niya sa mga ito at agad niyang binatokan ang mga ito ng makita niyang kinakain nila ang chocolates.
"Hoy mga gagu!!! Tsssst! Makinig kayo, hanapin niyo yong bata kanina at bayaran niyo yang chocolate niya!!! " singhal niya sa mga ito at magsasalita pa sana sila ng mapansin nila ang pagdaan nila Paulo habang si Stell abot langit ang kaba habang naglalakad huli na kasi para mag-iba sila ng dadaanan.
" teka! Bakit walang pumigil saatin? " tanong agad nitong si Stell ng malagpasan nila sina Ken.
" Boss bakit bigla ka atang bumait? " tanong agad ng tropa nitong si Ken pagkatapus niyang pigilan ang mga ito na pigilan sina Stell.
" ANO NAMANG AKALA MO SAAKIN TULAD AKO NG CAROL NA YON NA DEMONYO? " batok niya rito " at saka mabait naman ako diba? " ngiti nito pero wala namang may sumagot sa kaniya kaya ganon na lang ang tingin niya sa mga ito.
" AH! OO BOSS SUBRANG BAIT NIYO!!! " pagtaas pa nila sa kamay nila rito na akala mo sinsamba nila para maniwala ito.
" TIGILAN NIYO NGA YAN! " pagpalo niya sa kamay ng mga ito kaya nagsitigil na din sila.
" e boss ibig sabihin ba niyan ibabalik niyo na ang ID ni Paulo? " tanong pa nila rito.
" Siguro? " pagngiti nito saka naglakad habang nakapamulsa ng kamay mabilis naman silang sumunod rito.
" BOSS AKALA KO BA GUSTO NIYONG PAALISIN YAN DITO SA SCHOOL, E BAKIT NAMAN BIGLANG NAGBAGO KAYO NG PLANO? " tanong pa nila.
" BAKIT KO NAMAN GAGAWIN YON GAYONG MAY RELASYON SILA NG BABAENG LOBO NA YON " pagtukoy nito kay Carol " Hindi naman ako ganon kasama para paghiwalayin sila " ngiti nito tsaka nasundan ng malakas na pagtawa.
" Pambihira hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang gusto ng Paulo na yon si Carol at higit sa lahat papaanong napa-ibig niya ang Carolin na yon? Wala namang feelings yon diba? " Hindi pa nito makapaniwalang sabi habang iniisip ang mga nangyari kahapon.
" Boss hindi kaya palabas lang yong kahapon? E ang labo naman kasing magkagusto talaga ang Carol na yon at higit sa lahat ang pangit niyang magustohan kaya nakakapagtaka talaga at biglang may kuwento siya tulad ng mga sinabi niya kahapon " agad naman rito napalingon si Ken.
" Boss sa tingin ko ginawa yon ng lobo na yon para tigilan mo si Paulo " dugtong pa ng isa kaya mahigpit na hinawakan ni Ken ang ID ni Paulo sa mga bulsa niya dahil sa mga sinabi nila.
" tsk! Kung ginawa niya yon para tigilan ko ang Paulo na yon, isa lang ibig sabihin non gusto talaga siya ng Carol na yon " seryoso nitong sabi " At kung tama ang sinasabi niyo humanda saakin ang Paulo na yon " naaasar nitong sabi.
" Eh diba boss dapat si Carol ang malagot dahil siya ang nagsinungaling? "
" TUMAHIMIK KA NGA! " batok ng kasamahan ni Ken sa isa pa nilang kasamang katatanong lang " Ano namang ipananakot mo sa Carol na yon or sasaktan mo? " dugtong pa ng kasama niya. " tama yon, e diba nga last nilagyan natin ng sili ang pagkain niya ng hindi niya alam pero wala man lang siyang reaction doon " pagkukwento ng kasamahan nila " Tas nilagyan natin ng kechap ang upuan niya para kunwari dinugo e nakakahiya yon sa part ng mga babae pero siya nirampa niya sa campus yon " pagkukwento pa nila.
" TIGILAN NIYO NA NGA YANG KABABANGGIT SA PANGALAN NIYA NAGDIDILIM ANG PANINGIN KO! " paghawak ni Ken sa ulo niya kaya tumahimik na din silang lahat samantala napapailing naman itong si Stell pagkatapus maisip ang nangyari sa munting binibini na nag-alay ng pag-ibig kay Ken.
" O bakit parang may epilepsy kana sa kaiiling diyan? " ani Paulo.
" Naiisip ko lang yong ginawa ni ken sa babae kanina " mahina nitong sabi " Marami namang paraan para magsabing hindi mo gusto ang isang tao diba? " lingon pa rito ni Stell pero tumingin lang rito si Paulo habang naghihintay sa sasabihin pa nito.
" Puwedi naman niyang sabihing bata pa yon kaya hindi pa sila puwedi " buntong hininga pa nito pagkatapus maisip ang mararamdaman ng dalagita kanina.
" Sinabi niya yon hindi ba? " ani Paulo pagkatapus maalala ang mga nangyari kanina.
" Oo nga pero dapat sa maayos na paraan " naaasar pang sabi nito " puweding, Alam mo bata ka pa " paghawak nito sa kamay ni Paulo habang iniisip yong eksena kanina " Sa ngayon mag-aral ka muna ng maayos tapus pagmalaki ka na ako ang manliligaw sayo kaya huwag ka mo nang gumastos para sa pag-ibig mo saakin " mapang-akit nitong sabi kasabay ng pafall nitong mga mata at ngiti.
" tsk! Paaasahin mo naman siya doon " paghila ni Paulo sa kamay niya at tinulak ito para mapalayo ito sa kanya " tsk! Kinikilabotan ako sayo Dre sa dami ng ginamitan mo niyang mga salita at pafall mong ugali natatakot akong baka isang araw dumating lahat ng babaeng tinatrato mo nang sabay sabay ng ganiyan " iling nito ng hindi makapaniwala mabilis naman ritong tumabi si Stell.
" EDI MAMAHALIN KO SILANG LAHAT " Biro nito habang nakangiti kaya bahagya na ring napangiti itong si Paulo " E kung ikaw Dre, anong sasabihin mo kung biglang may nag confess sayo? " natahimik naman si Paulo sa tanong nito.
" Ano Dre? " tanong pa nito habang hinaharot ang braso nitong si Paulo.
" Wala namang nagconfess saakin " mabilis nitong paglalakad.
" Naku kung ako sayo iisipin ko na kung anong sasabihin mo dahil sa dami ng may crush sayo rito hindi malabong isang araw may magconfess sayo " sunod rito ni Stell " Alam mo masyadong aggressive magkagusto ang mga babae dito saamin kaya kung ako sayo paghahandaan ko na yon mukhang ayaw mong makasakit ng damdamin at mukhang wala ka ring balak magkagirlfriend pa kaya isipin mo na yon " akbay niya rito.
" Tumigil ka nga " paglayo niya rito.
" Naku binabalaan lang naman kita " yakap niya ulit rito makulit pa si Stell sa linta kung makadikit at natigilan sila ng tumunog ang phone nito.
" Dre mauna kana sagotin ko lang 'toh " pagtanggal niya sa pagkakayakap niya rito.
" sige " pagsunod rito ni Paulo.
" Hindi kita naihatid dahil may kailangan akong gawin " sagot agad ni Stell sa tumawag sa kaniya habang naiinis " Natext na kita diba? " dugtong pa nito.
" Itatanong ko lang naman kung dumating ka na ng school " mahinang sabi ng babae sa kabilang linya.
" Kararating ko lang " tipid nitong sagot.
" Ganon ba? "Mahina pa nitong sabi habang nakangiti " Kararating ko lang din sa school " sabi pa nito ng hindi nagsalita si Stell.
" mabuti " tipid nitong sabi na halatang tinatamad magsalita.
" ah sige, papasok na ako sa classroom " pagpapaalam nito.
" Sige! " tipid pang sabi nitong si Stell.
" Mag-iingat ka___ " Hindi na natuloy ng babae Ang sasabihin niya pagkatapus niyang putolin ang linya.
" Bakit naman niya kailangan ipaalala pa yon " bulong nito tsaka pumasok pero natigilan siya ng hindi nito makita si Paulo.
" Paulo bakit ka nandito? Nagkita na ba kayo ni Anika? Hinihintay ka niya sa labas dala ang ID ko para makapasok ka sa gate ng hindi napaparusahan " pag-iisip ni Paulo sa sinabi ni Rohan pagkatapus siya nitong salubongin sa may pinto habang naglalakad ito papunta sa may gate para puntahan si Anika.
" Anika hindi ka pa papasok? Malapit na ang first period natin " tanong rito ng mga kaklase niya pagkatapus nila itong makita sa labas.
" Ah sige, susunod din ako mamaya may hinihintay lang ako " ngiti nito kaya pumasok na yong mga kaklase niya.
" Diba crush niya si Paulo pero naunahan siya ni Carol " bulongan ng mga ito.
" tumahimik ka nga mamaya may makarinig sayo e diba sabi ni Josh saatin lang yon na magkakaklase? " saway rito ng kaibigan niya hindi naman umimik pa si Anika sa mga narinig niya..
" Nasaan na kaya siya? " Pagsilip nito sa daanan patungo sa bahay nila Paulo " Pumasok na kaya siya? " pagtingin pa nito sa relo niya at natigilan siya ng bigla niyang maamoy ang paborito niyang amoy.
" Paulo? " lingon nito habang nakangiti kaya muntik na siyang sumubsub sa dibdib ni Paulo kung saan nasa may likuran niya ito.
" Ikaw nga! " ngiti pa nito at tumingala rito pero mabilis siyang umatras ng mapansin niyang subrang lapit niya rito.
" Pasensya na " bigla nitong pag-atras kaya natisud ito sa maliit na batong naapakan niya kaya ganon na lang ang gulat niya at napapikit habang hinihintay na bumagsak sa may lupa.
" Okay ka lang? " napadilat ito sa pagtatanong ni Paulo at ganon na lang ang pagbablush niya ng maramdaman niyang nakahawak ito sa may likuran niya dahilan kaya hindi siya bumagsak sa lupa.
" mhhm " mahina nitong pagtango habang nakatitig sa binata at pakiramdam niya kinulong sila ng hangin na para bang nilipad sila nito habang nanatili sila sa posisyon nila.
" Pumasok na tayo? " pagputol ni Paulo sa mga nangyayari kaya tuloyang nagising si Anika at mabilis na tumayo pagkatapus siyang hilahin ni Paulo sa pagkakatihaya nito habang naka-alalay ito sa may likuran niya.
" Sa-salamat " nahihiya nitong sabi pagkatapus maisip ang mga nangyari.
" sa sunod mag-iingat ka " ngiti rito ni Paulo.
" Oo " mahina nitong sabi habang nakangiti pagkwan kinuha nito ang ID ni Rohan.
" Mula ngayon palagi mo akong hintayen rito para hindi kana maparusahan " pagbibigay niya rito sa ID tiningnan naman ito ni Paulo habang nagtataka.
" Kapag hindi mo na talaga nahanap ang ID mo magpagawa ka ulit " pagbibigay niya rito " Wag kang mag-alala sasamahan kita " ngiti nito " Dali na kunin mo na " sabi nito pagkatapus hindi kunin ni Paulo.
" Alam mo bang puwedi ka ring maparusahan kapag nalaman ito ng mga guard? " tanong pa niya rito.
" Hindi naman nila malalaman " pagsuot niya rito kaya tuloyan ng natahimik si Paulo at pakiramdam niya lumakas bigla ang pintig ng puso niya sa pagsusuot niya rito.
" Kasalanan nang kapatid ko kaya nawala ang ID mo kaya dapat lang na tulongan kita " ngiti nito " Tayo na " paglalakad nito sumunod naman siya rito habang nakangiti at wala siyang naramdamang kahit na ano habang naglalakad sila sa mga guard samantala nong sila ni Carol halos himatayin siya sa takot.
" Akala ko ba ang Carol na yon ang may gusto kay Paulo pero anong ginagawa ng Anika na yon!!!?? "
" Ano naman kung may nagkakagusto sa kanila sa kaniya? at saka bakit mo sila pinicture? " usapan ng magkaibigan habang pinapanood sina Anika kanina.
" Alam mong galit ako sa magkapatid na yon diba?! Si Stell at Ken kinuha nila tas ngayon pati ba naman si Paulo? Tsk! Hindi ko papayagan yon!!! "
" Anong pinaplano mo? " nag-aalala ritong sabi ng kaibigan niya.
" TSK! BASTA KAILANGAN SAAKIN LANG SI PAULO! " paglalakad nito. Samantala hindi naman maalis ni Paulo ang tingin niya kay Anika habang naglalakad sila.
" MULA NGAYON SABAY NA TAYONG PAPASOK " pagharap rito ng dalaga.
" Salamat " ngiti niya rito tumango naman ito sa kanya bilang sagot habang nakangiti saka naglakad muli at dahil nauuna si Anika nang kunti kaya mabilis na naglakad itong si Paulo para makasabay rito.
" Yong kahapon nga pala na sinabi ni Carol hindi naman yon totoo " natahimik siya ng lumingon rito si Anika.
" Alam ko, sinabi ni kuya saakin ang dahilan " masaya nitong sabi kaya ganon na lang ang pagtataka nito hindi niya pa rin kasi maitindihan kung bakit yon sinabi ni Carol.
" wag kang mag-alala nandito din naman ako pero hangga't maaari umiwas ka kay Ken pasaway kasi yon " bilin nito.
" Salamat " ani Paulo pagkwan tinanggal nito ang ID ni Rohan at iniabot rito.
" Sige, mauuna na ako mamaya makita na naman tayo ni Stell " tumango naman rito si Paulo pagkwan nauna ng pumasok sa classroom si Anika.
" Saan ka nanggaling Dre? " tanong agad rito ni Stell ng maupo siya.
" Sa banyo " tipid nitong sagot habang nakangiti.
" Galing ka lang banyo tas ganiyan na ang mga ngiti mo? " suspensya ni Stell sa mga ngiti niya at tinitigan ito.
" Tumigil ka nga " saway niya rito habang ang lapad ng ngiti.
" sus! pakiramdam ko may kahinahinala diyan sa mga ngiti mo " pag-iling pa nito pagkwan napalingon siya kay Anika at naningkit ang mata nito ng mapansin ang maaliwalas na mukha nito habang nakangiti pagkwan lumingon ito sa direksyon nila at mabilis niyang binawi yon ng makitang nakatingin sa kaniya si Stell.
" Dre umamin ka nga bakit pareho kayo ng mga ngiti ni Anika? " kalabit rito ni Stell pagkwan nilingon niya ang tinutukoy ni Stell kaya mas lalong lumapad ang ngiti niya kaya ganon na lang ang pag-iling nitong si Stell habang iniisip kung anong nangyari sa dalawa.
" Andiyan na si ma'am " ani Paulo ng maramdaman niyang magsasalita si Stell.
" Naku Dre basta binabalaan kitang sa lahat ng babae dito sa campus kay Anika ka lang hindi puweding kiligin " bulong niya rito ng makita ang teacher nila. " narinig mo ba ako? " pangungulit pa nito pagkatapus siyang baliwalain nito.
" Dre makinig ka saakin! " pagyogyog pa niya rito sa braso.
" naririnig kita " ani Paulo kaya tumigil na din itong si Stell pagkwan lumingon ito sa upuan ni Carol.
" Puwedi kayang nasa may puno na naman siya? " mahina nitong tanong sa sarili niya pero tama na ang pandinig ni Paulo para marinig yon.
" Masyadong maganda ang pakiramdam ko kaya panigurado hindi yon pumasok " ani Paulo habang nakatingin sa harapan " At saka wala namang dahilan yon para pumasok maliban sa saktan at pahiyain ako tssst! " dugtong nito " pagkatapus ng ginawa niya kahapon babalik lang yon kapag nakaisip siya ng panibagong gagawin saakin " sabi pa nito at naalis ang mga ngiti niya pagkatapus maisip ang mukha ni Carol.
" Alam mo masyado kang kakaiba para pagtuonan ka ng pansin ni Carol " napalingon naman siya rito " Wala pang nagugustohan at pinansin yon mula ng mawala ang papa niyang nagpalaki sa kaniya kaya saakin, napaka swerti mo " ani Stell habang si Paulo napalunok pagkatapus maalala ang pinaggagawa rito ni Carol.
" Napakabuti mo rin kasi kaya siguro gusto ka niya? " hindi rito siguradong sabi ni Stell.
" Gustong bugbogin ba kamo " naaasar nitong sabi at mariing nakinig sa teacher pero dahil sa pagbanggit ni Stell sa pangalan niya hindi na siya makaconcentrate sa pakikinig habang naiisip ang mga sinabi ni Carol kahapon kaya pakiramdam niya bumalik yong naramdaman niyang hiya kahapon. At hanggang sa natapus ang klase nanatili niyang naiisip ang buong pagkatao ni Carol.
" Sige Pang, uwi na po ako, aling Lusin " ani Stell ng makasakay ito sa motorbike niya " Dre! " lingon nito kay Paulo.
" Mag-iingat ka " sabi nila rito bago umalis.
" Maaga ka atang naka uwi ngayon " tanong agad rito ng Papang niya nang maka-alis si Stell.
" Hindi po pumasok ang last period namin " dahilan nito sa paglilinis niya palagi kaya hindi ito nakaka uwi agad.
" Paulo, apo!! " natigilan naman sila sa paglalakad papasok ng marinig ang Lola ni Carol.
" Si Carol ba pumasok siya? Kamusta siya? " kita sa boses ng matanda ang pananabik sa apo niya habang nasa may bakod ng bahay nila at nakikipag usap sa kanila at dahil hindi naman pumasok si Carol kaya hindi ito maka-imik kaya nabura ang excitement sa mukha ng matanda.
" Ganon ba " malungkot nitong sabi pagkatapus maitindihan ang pananahimik ni Paulo " o siya marami akong nilutong gulay kaya mamaya pumunta ka saakin at magdala ng plato "
" Opo Lola, maraming salamat po " magalang nitong sagot bago sila pumasok.