Kabanata 12

4117 Words
NAPANSIN agad ni Stell itong mukha ni Paulo na akala mo pasan na nito ang buong mundo sa tamlay nang pagkakaupo nito. " Mapaparusahan ka ulit? " tumango naman si Paulo sa tanong nitong si Stell pagkatapus niyang ikuwento ang mga nangyari. " Hindi kaya may kinalaman sina Ken sa pagkawala ng ID mo para bantayan ka nila palagi? At saka sabi mo ikaw lang ang pinipigil nila " matalinong pag-iisip nitong si Stell na bahagyang nilingon sila nitong kaklase nilang naka-upo sa harapan nila na siyang dahilan bakit nakuha ni ken ang ID nito pagkatapus marinig ang usapan nila. " Sabi ko naman sayo layuan mo si Anika " bulong pa niya rito nang nag-aalala. " Wala namang kinalaman doon si Anika at saka ano bang ikinakagalit ng Ken na yon wala namang namamagitan saamin ni Anika " lingon niya rito " magkaibigan lang naman kami..? " Pasulyap nitong tingin sa Anikang kausap ni Rohan. " sus! Magkaibigan, eh Hindi ka nga sure sa sinabi mo! " Masama ritong tingin ni Stell " Alam mo maganda talaga si Anika pero Dre kay Ken na yan eh " ani Stell " sa iba ka na lang tumingin madami diyan " pagkalabit nito sa kaklase nilang nasa unahan nila na kanina pa nakikinig sa usapan nila. " Tulad ni Andy, napaka kyut niya! " kindat pa rito ni Stell kaya ganon na lang ang pamumula niya, sikat kasi talaga sa mga babae itong si Stell. " Pasensya kana Andy, sige huwag mo na kaming pansinin " nahihiya ritong sabi ni Paulo mabilis naman itong ngumiti sa kaniya at tumingin sa harapan. " ikaw talaga Stell, tigilan mo na nga yang ganiyang ugali mo nakakahiya ka " saway niya rito agad. " Naku pinanganak ako para itrato ang mga babae ng parepareho at saka anong masama sa ginawa ko? " lingon pa nito sa kaklase nilang nakatingin sa kanila at kumaway rito ng bahagya habang nakangiti. " Kasasabi ko lang na tigilan mo na yang ugali mo pero tingnan mo nakatingin ka na naman sa iba " Pagbaba nito sa kamay ni Stell habang nanlalandi ng kaklase nila. " Wala namang masama sa ginagawa ko at saka friendly lang naman ako at inaappreciate ang mga babaeng nakapaligid saakin " proud pa nitong sabi. " talaga lang? " Hindi niya naniniwalang tingin rito isang nakakalukong ngiti naman ang isinagot rito ni Stell. " Baliw! " pagbatok niya rito kaya ganon na lang ang tawa nito. Pagkwan dumating ang teacher nila kaya natigil na din sila sa pag-uusap. At pagkatapus ng klase mabilis na nagtungo si Paulo kay Anika pagkatapos niyang maramdaman ang pantalon ni Carol sa bag niya. " Tama puweding siya na lang ang magbigay rito, kapag inuwi ko pa kasi ito sa bahay baka tuloyan na akong mabaliw" paglalakad nito pero natigilan siya ng maramdaman niyang nakasunod rito si Stell kaya agad niya itong pinigilan nang iipal na naman ito sa pakikipag-usap niya sa dalaga. " May mahalaga lang akong sasabihin kaya mauna ka ng lumabas at tingnan mo si Ken mamaya biglang dumating " kunwaring bilin nito patungkol kay Ken pero yong totoo wala naman siyang pakialam rito " sige na " pag-iwan rito ni Paulo at nagtungo kay Anika at naiwan silang dalawa kasama ang ilang estudyanteng hindi pa nakakalabas pagkatapus lumabas ni Rohan at Stell na naghihintay sa labas. " Ano yon may kailangan ka ba? " tanong rito agad ni Anika. " Si Carol? " tanong nito agad kaya ganon na lang ang seryoso ng mukha nito sa tinanong ni Paulo pero mabilis niya din itong binawi. " Nasa bahay bakit? " tanong din nito " Yong ID mo ba? Natanong ko na yon pero wala daw sa kaniya " seryoso nitong sabi pagkatapus hulaan ang gustong sabihin ni Paulo. " Ah nakausap ko na rin siya tungkol diyan pero hindi yon " ngiti nito " May ibibigay sana ako sa kaniya puwedi bang ikaw na lang ang magbigay? " tumango naman ito bilang sagot habang nagtataka ang mukha pagkwan kinuha ni Paulo ang pantalon ni Carol habang nakabalot ito ng maayos. " Pakiusap huwag mong titingnan o sisilipin man lang basta pakibigay sa kaniya at sabihin mong mag-isa niyang buksan " kinakabahan nitong sabi alam niya kasing magtataka ang lahat kapag o baka mag-isip ng ano ang sino mang makakakita nitong pantalon ni Carol na nasa kaniya. " Bakit ano ba 'toh? " tanong nito habang nagtataka. " Ano, bagay? Ah, hayaan mo na hindi naman yan mahalaga " natataranta nitong sabi saka ngumiti nang bahagya " Pakibalik na lang sa kaniya " ngiti nito " Tara lumabas na tayo " pag-iiba nito agad sa usapan para putolin ang mga tanong ni Anika. " Okay pero okay lang ba kung iiwan ko ito rito? hindi ba ito ganon kahalaga? " tanong pa ni Anika habang nakicurious sa pinapabigay ni Paulo kay Carol. " sus! Walang kuwenta yan kaya okay lang iwan mo " sabi nito nang walang pag-iisip kaya mas nacurious itong si Anika " pero ang inaalala ko baka biglang may magbukas " nag-aalala nitong sabi. " Kung hindi naman mahalaga bakit nag-aalala kang may makakita? " nagtataka pa nitong tanong kay Paulo. " sa subrang walang kuwenta nakakahiyang may makakita " pagbibiro ni Paulo at gusto pa sanang magtanong ni Anika pero naiwan na silang dalawa at kanina pa sumisilip itong si Stell sa kanila habang hinaharangan ito ni rohan. " Sige, ibibigay ko sa kaniya sa bahay mamaya, tayo na " ngiti nito at naglakad palabas. " Mabuti nang makuha mo yan! Gabi gabi akong nananaginip ng masama dahil siguro sa pantalon mo, at saka mas nakakatakot na ngayon dahil pati sa panaginip nakikita kita at higit sa lahat Hindi ako natutuwa sa iniisip nila Papang kaninang umaga dahil sa pantalon mo " ani Paulo pagkatapus maisip ang pagwrestling niya sa pantalon ni Carol kaninang umaga dahilan para makagawa ito ng ungol. " Paulo " tawag rito ni Anika, mabilis naman siyang sumunod rito pagkatapus ng ilang segundong pagkausap niya sa pantalon ni Carol habang nakabalot. " Hindi na kami kakain sa canteen, sige mauna na kayo " napatingin namn silang tatlo sa biglang desisyon ni Stell. " Nababaliw ka ba? Kanina pa nga tumutunog ang tiyan mo kanina dahil sa gutom " ani Rohan. " tsk! Basta, sige kami na lang mauuna " paghila nito kay Paulo para kasi talagang bata itong si Stell kaya walang nagawa ang magkaibigan kundi sundan ang dalawa ng tingin habang nagtataka itong si Paulo sa paghila rito ni Stell. " Piling girlfriend talaga ang pafall na yon " pagtukoy ni Rohan kay Stell pero tahimik lang na ngumiti itong si Anika pagkatapus maisip ang pinapabigay ni Paulo kay Carol " Nga pala ano yong binigay niya syo? Nakita ko yon ah " kinikilig pa ritong sabi ni rohan. " Hindi naman akin yon " malungkot nitong paglalakad mabilis naman siyang sumunod rito. " E kanino at saka bakit sayo ibibigay? " pangungulit pa nito. " Kay Carol " malungkot nitong sagot " huwag na nga natin yon pag-usapan " paglalakad nito naramdaman naman ni Rohan ang lungkot ng best friend niya kaya tumahimik na din ito. At pagkarating nilang canteen bigla din dumating si Stell. " O bakit nandito ka rin? Si Paulo? " pagsilip ni Rohan sa labas ganon din itong si Anika. " Kukuha lang ako ng pagkain " pag-alis nito at nagtungo sa orderan " KAILANGAN KONG PROTEKTAHAN ANG KAIBIGAN KO MULA KAY KEN PANIGURADONG MAY NAKAKITA SA PAG-UUSAP NG DALAWA KANINA KAYA SIGURADONG MAGAGALIT YON AT HINDI MAGANDANG MAKITA NIYANG MAGKASAMA PA ANG DALAWA KAYA OKAY LANG ANG GINAGAWA KO " ani Stell habang naglalakad pabalik sa iniwanan nito kay Paulo pagkatapus kumuha ng pagkain. " Diba mas masarap kumain rito " ani Stell pagkatapus ilapag ang pagkain nila ni Paulo sa may tabi ng puno, ang peborit na tambayan ni Carol. " Para naman tayong magsyotang nagpipicnic nito e " naaasar na sabi ni Paulo alam kasi ni Paulo ang dahilan nito kung bakit dito nito gustong kumain sila at naiitindihan niya ito kaya ito pinakisamahan niya. " Tama ka picnic nga ito, parang date " kinikilig pang sabi ni Stell habang kita sa labi niya ang ngiti ng umiibig. " Sandali nga may nakasama ka na bang kumain rito? " ani Paulo. " Ganon na nga " kinikilig na pag-iisip nitong si Stell. " sino naman? Yong crush mo? " ganon na lang ang pamumula ni Stell pagkatapus niyang tumango bilang sagot kaya ganon na lang din ang ngiti ni Paulo. " Sandali nga sino ba yang crush mo hindi mo pa nakukwento saakin " ani Paulo habang kumakain sila. " Huwag mo nang alamin, Malabo namang maging kami kaya saakin na lang ito, dadalhin ko na lang hanggang sa hukay" parang bata nitong sabi habang nalulungkot. " Napaka chick boy mo pero hindi mo kayang sabihin ang nararamdaman mo sa kaniya " ani Paulo. " Naiiba siya at saka hindi ko rin naman siya makukuha kaya di bale na lang basta masaya na akong nakikita siya " mahina nitong sabi habang klaro rito ang lungkot. " Hindi ko alam na naniniwala ang isang pafall at chickboy na si Stell Vester Ajero sa mga ganiyang bagay " pag-iling nitong si Paulo " pero gusto ko pa rin malaman yang babaeng gusto mo " tingin rito ni Paulo. " DI BALE NA BASTA NAPAKA COOL NG PERSONALITY NIYA, TAKOT SA KANIYA ANG LAHAT " proud pa nitong sabi at isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Paulo. " GUSTO KONG ISIPING ANG CAROL NA YON ANG TINUTUKOY MO PERO SYEMRE ANG LABO NAMAN NON! SUS NAPAKA BAYOLENTE NON! AKALA MO NANANALAYTAY SA KANIYA ANG DUGO NG ISANG PRESINDENTE PARA UMASTA SIYANG NASA KANIYA ANG BATAS! TSK! KUNG ANO ANG GUSTO KAILANGAN YON ANG MASUNOD NAKU!!! ANG CARRRRRROL NA YON____ " ganon na lang ang gulat ni Stell ng biglang sumubsob ang mukha ni Paulo sa kinakain nito pagkatapus lumabas ni Carol sa may likod ng puno at sinipa ng mahina sa ulo si Paulo para isubsub ito sa kinakainan niya, masyado kasing malaki itong puno kaya Hindi nila napansin itong namamahinga ritong si Carol. " Alam mo wala akong paki kung pagtsismisan niyo ako pero anak ka ng nanay mo huwag kang tumawa ng mala demonyo dahil natutulog ako " pagtabi nito ng upo sa dalawa kaya si Stell ganon na lang ang pagbablush at si Paulo agad nagpigil ng galit habang dahan dahan nitong inaangat ang mukha niya para klarohin kung sino itong nagsalita ayaw niya kasing isipin na si Carol ito. " At saka aso ka ba para banggitin ang pangalan ko ng Carrrrrrrrrrol? " titig niya pa rito pero tumitig lang din rito si Paulo habang lumalalim ang paghinga nito sa galit. " tssssst! Para kang hotdog na sinawsaw sa ketchap " pagtalukbong niya rito sa tissueng kinuha ni Stell sa canteen pagkatapus makita itong mukha ni Paulo habang punong puno ng ketchup pagkatapus itong sumubdob sa kinakain niya at si Stell ito nagpipigil ng kilig at tawa. " kung di mo ba naman sinubsob ang mukha ko sa kinakain ko " naaasar na pagpunas ni Paulo sa mukha niya. " Ehh ang ingay mo natutulog yong tao! " Sabi nito " grrrr " pagpapansin ng tiyan niya kaya mabilis ritong binigay ni Stell ang kinakain niya pero binawi niya rin ito ng mapansing halos tira na lang lahat. " Tsk! Nanghingi ba ako ng pagkain?! " masama nitong lingon kay Stell pero natigilan ito ng may kunin sa bag niya si Paulo at ito yong pinabalot niyang hotdog. " Kung lumabas ka agad edi sana nabigyan ka namin sa pagkaing kinuha ni Stell " Ani Paulo at hinahanda pa niya ito kay Carol kaya ganon na lang ang pagtataka nitong si Carol. " Tsk! May lason ba yan? " Napalingon naman rito si Paulo " ehhh sinubsob ko ang mukha mo sa kinakain mo tas ipaghahanda mo pa ako? " Masama pa nitong sabi " hoy Vester kumain ka! " napatingin naman rito si Stell " Kapag namatay siya ibig sabihin may lason yan " Ani Carol kay Paulo pero bago pa rito makakuha si Stell kumain rito si Paulo at nginuyanguya pa ito bago kinain. " O ano namatay ba ako? " Ani Paulo mataman naman ritong tumingin si Carol " tsk! Kung manglalason ako sisiguradohin kong hindi ko gagamitin itong paborito kong pagkain " pagkain pa nito muli. " E Dre bakit ngayon mo lang yan nilabas? " Nagtataka ring tanong ni Stell at kumain rito. " nalimotan ko rin " Sabi pa nito at binigay kay Carol. " Mag-iinarte ka pa? Sus! kahit may lason yan hindi ka rin mamamatay siguro tsk! matagal daw mamatay ang masasamang d**o " natigilan naman itong si Paulo pagkatapus siyang tadyakan nito kaya sumubsob siya ulit pero sa ngayon sa may d**o ulit. " CAROOOOOOL!!!! " sigaw nito sa inis pero natigilan din siya ng tumitig rito ang dalaga at itinaas ang dalawa niyang kilay. " BAKIT NAPAKA BAYOLENTE MO?! " mahina nitong sabi pero madiin. " E bakit Ang tsismoso niyong dalawa?! " Lingon din nito kay Stell at kinain ang binigay ritong pagkain ni Paulo habang nakaupo ng parang lalaki paano kasi naka-angat ang isa nitong tuhod habang nakapatong rito ang isa niyang braso na pinangkakain niya. " Nagkataon lang naman yon " Ani Paulo " teka nga! Kung nandito ka bakit hindi ka na naman pumasok? " Nagtataka namang naghihintay ng sagot itong si Stell habang nakatingin rito. " AT KAILAN PA KITA PINAYAGAN KUWESTIYONIN ANG MGA DESISYON KO? " natahimik naman itong si Paulo habang si Stell natutuwa itong pinagmamasdan si Carol. " Nakakatamad pumasok sa klase kaya nandito ako " sagot din nito ng hindi na nagsalita pang muli si Paulo. " Seryoso ka ba?! Kung tinatamad kang pumasok sa klase bakit ka pa pumupunta ng school? " Hindi rito makapaniwalang tingin ni Paulo. " GUSTO KO AT SAKA ANO NAMANG PAKI MO DOON? " Lingon niya rito. " Totoo yon at saka kahit nga ako tinatamad din pumasok minsan " pagkampi rito ni Stell kaya ganon na lang ang tingin rito ni Paulo. " Tsk! At sino namang nagtanong sa opinyon mo? " Natahimik naman si Stell sa paglingon rito ni Carol kaya ganon na lang ang tawa nitong si Paulo. " ANONG NAKAKATAWA?! " Ani Carol ganon din itong si Stell habang hindi maitindihan si Paulo. " BAHALA NGA KAYO DIYAN PAPASOK NA AKO " pagtayo ni Paulo pero ganon na lang ang asar niya ng sipain na naman siya ni Carol kaya nadapa ito sa may damohan. " TSK! IWAN KO KUNG BAKLA KA O BOBO KA LANG TALAGA!! " pagtayo nito habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Paulo nang ang dali dali lang nitong matumba " Yong hotdog di ko gusto ang pagkakaluto " pag-alis nito ng tuloyan mabilis namang napatingin si Paulo sa may nilagyan niya ng hotdog at wala ng laman ito. " HINDI GUSTO PERO WALA SIYANG TINIRA " pagtayo nito at agad nito tinapon kay Stell ang damong pinulot niya habang tumatawa pa rin ito at sinusundan ng tingin ang dinaan ni Carol. " buang! tayo na malilate na tayo " pag-ayos ni Paulo sa unifrom niya at naglakad sumunod naman rito si Stell pagkatapus nilang itapon ang mga pinagkainan nila. " NAKITA MO KUNG PAANO NIYA AKO SAKTAN?! NAPAKASAMA NIYA " naiiyak na sabi nitong si Paulo " Baka mga sinadya pa non walain ang ID ko para maparusahan ako araw araw____ " " Hindi Dre! Hindi ganon si Carol " pagputol agad ni Stell sa sasabihin pa ni Paulo " Mabait siya, sigurado ako doon " Ani Stell ng buong loob itong sinabi. " Tsk! Hindi ko maramdaman " mahina nitong sabi at pumasok pagkatapos nilang dumating sa school nila pero napahinto ito nang makita niyang nasa loob sina Ken at hinarangan siya agad nito sa may pintuan pa lang. " Ken ano ba? " Pagpigil rito ni Anika pagkatapus niyang hawakan sa kuwelyo ng damit si Paulo. " GAGO KA BA TALAGA?!!! TSK!!! BAKIT MO NAMAN BIBIGYAN NANG REGALO SI ANIKA? BINALAAN NA KITA HINDI BA? " nagpipigil inis niyang sabi rito. " Sinabi na nga ba may nakapagsumbong na sa kaniya " pag-iisip nitong si Stell " Sabi naman kasing huwag ng lumapit kay Anika " ani Stell habang inaalis ang kamay ni Ken pagkwan tumingin siya sa loob pero walang Carol dito. " ano bang ikinakagalit mo? " pagtanggal nito sa kamay ni Ken kaya ganon na lang ang inis niya kaya mabilis nitong kinuha ang selopeyn at tinapon kay Paulo. " bakit ano ba yan? Bakit kailangan mo ibigay sa kaniya? " Naiinis nitong tanong at nilingon si Anika. " Sinabi nang kay Carol yan hindi saakin! " Nahihiyang sabi ni Anika. " Hindi mo narinig si Anika? " Ani Paulo habang napaka kalmado ng boses niya. " Tsk! Lokohin mo ang Lolo mo ulol!!! " Pagbukas niya rito pero mabilis itong kinuha ni Paulo pero huli na ang lahat ng makita nilang lahat ang laman nito. " PANTALON??? " Ani Ken habang nagtataka ang lahat at sabay sabay na lumingon kay Paulo nang makilala nilang kay Carol ito. " BAKIT NASAYO YAN?! " paglapit na rin ni Josh na kanina pa tahimik kaya ito nakabuntot na rin si Justin at lumapit din. " WHOAA! ANG MAGINOONG SI PAULO MAY TINATAGO RIN PALANG UGALI " Sabi ng kasama ni Ken na tinawanan ng lahat kaya ganon na lang ang hiya ni Paulo hindi nga nito magawang magsalita maging si Stell tahimik na din ng dahil sa nakikita niya. " SABIHIN MO PAANONG NASAYO ANG PANTALON NI CAROL? " makahulogan pang tanong ni Ken. " HINDI GANIYAN SA INIISIP NIYO " yon lang ang lumabas sa bibig niya tsaka lumingon kay Anika pero nagtataka din ang mukha nito. " Edi ano? " Tawanan pa nila Ken at ganon na lang ang pagtahimik ng lahat nang dumating itong si Carol. " TSK! MANYAK KA RIN EH! " sipa nito sa tuhod ni Ken ng kunin nito ang pantalon niya dahilan para mapaupo ito pagkwan naglakad itong si Paulo at naupo sa upuan niya para tigilan ang mga nangyayari dahil sa hiyang nararamdaman niya agad namang tumingin si Carol kay Stell. " Binigay yan ni Paulo kay Anika para ibalik sayo pero akala ni Ken regalo ni Paulo kay Anika kaya binuksan niya at ayan nga pantalon mo ang laman " mahina nitong kuwento. " Tsk!!! " Tawa nito " ANO NAMAN NGAYON KUNG PANTALON KO?! " matapang pa nitong sabi at patay malisya sa iniisip nila pagkwan nabasa pa nito ang mga mapang-husga nilang tingin kaya mas lumakas ang tawa nito pero mayamaya tumahimik din siya ng may pumasok sa isipan niya. " SO ANO? SABIHIN MO NGA CAROLIN BAKIT NASA KANIYA YANG PANTALON MO? " Pagtayo ni Ken " nanggaling kana ba sa kuwarto niya? At naiwan yang pantalon mo? " tawa ni Ken kaya agad ritong napalingon si Paulo at ni Stell hindi siya makapagsalita. " KEN AYOSIN MO YANG TABAS NG DELA MO!!! " masama ritong sabi ni Josh pero akala mo may bagyong dumaan ng biglang tumahimik ang lahat sa biglang sinabi ni Carol. " TAMA KAYO!!! NANGGALING NA AKO SA KWARTO NI PAULO AT NAIWAN ITO " makahulogan nitong sabi kaya agad napatayo itong si Paulo " EH ANO NAMAN NGAYON? BABAE AKO AT BINATA SIYA AT NASA TAMANG EDAD NA KAMI!!___ " " CAROL NABABALIW KA NA BA?! " sigaw rito ni Josh. " TSK! MAKINIG KAYO!!! AKO AT SI PAULO AY_ AY? AY ANO!!! BASTA YON NA YON!!! " pag-upo nito at parang hindi niya narinig si Josh at ang Paulong nakatingin sa kaniya ngayon ay nanlulumo na sa hiya habang si Anika pabagsak din itong napaupo pagkatapus mawalan ng lakas. " LUMABAS KANA KEN AT KAPAG MAY NAGKALAT NG MGA NANGYARI NGAYON MALALAGOT KAYO SAAKIN!!! " Ani Josh at dahil class president siya kaya ganon na lang ang respito nila rito at ganon na lang ang ngiti ni Ken habang lumalabas at wala ng nakagawa pa ng ingay pagkatapus may pumasok na teacher at si Paulo, Stell, Anika, at Josh buong klaseng nagsiliparan ang mga utak. Pagkatapus ng klase mabilis na lumabas si Stell pagkatapus magpa-alam kay Paulo nang walang gana pagkatapus mainis sa mga nalaman niya kanina, si Anika naman lutang na pumuntamg practice at si Paulo ganon na lang ang asar habang naglalakad palabas ni paglingon kay Carol hindi niya ginawa. " Carol!!! " Tawag rito ni Josh ng lalabas na ito huminto naman siya pero hindi ito lumingon kay Josh. " Talaga bang hindi ka nag-iisip? Akala mo ba titigilan siya ni Ken Kung sinabi mo yon? Tsk! Wala ka bang pakialam sa sarili mo? Alam mo ba ang iisipin ng mga tao sa sinabi mo? " Sunod sunod ritong tanong ni Josh pero walang sagot na lumabas sa bibig ni Carol at naglakad na ito palabas kaya napaface palm na lang siya. " Matigas talaga ang ulo niya " Ani Justin, samantala nagtungo naman agad sa may guard itong si Carol ng makalabas siya. " Parusahan niyo ako! " Nagtataka namang tumingin rito ang mga guard " Wala akong ID kaya dali na, gusto kong parusahan niyo ako sa pinarusahan niyo kay Jampawlo " Ani Carol. " Ma'am walang Jampawlo pong nakalista sa mga naparusahan at saka sige na po, umuwi na kayo hindi na po kayo mapaparusahan ngayon pero sa sunod mapaparusahan na kayo___ " " ANG GUSTO KO PARUSAHAN NIYO AKO SA NILAGYAN NIYO KAY NASE!!! " Agad naman nilang hinanap sa listahan itong si Nase pagkatapus nilang makita ang masasamang titig ni Carol at sinabi rito ang lugar na lilinisan ni Paulo kaya mabilis siyang nagtungo rito. " Ahem! " Pagpapansin nito pero parang hindi siya narinig nitong si Paulo " Sus dapat nga matuwa ka! " Natigilan naman itong si Carol ng lumingon rito si Paulo habang nakikita ang inis sa mga mukha niya. " Iwan ko anong kasalanan ko sayo para tratohin mo ako ng ma-sama! " Pagtalikod nito at nagwalis. " Puwedi ka namang magalit saakin " Mahinang sabi nitong si Carol " pero ngayong oras lang, sa loob ng 60 seconds puwedi kang magalit saakin at nangangako akong hindi ka sasaktan o magagalit sa ano mang sasabihin mo " Sabi nito at lumapit kay Paulo. " 60, 59 " pagbilang nito at dahil asar na asar na nga itong si Paulo kaya agad siyang nagtungo rito. " MASAYA KA SIGURO KAPAG SINASAKTAN MO AKO, NAHIHIRAPAN, NAPAPAHIYA! PERO CAROL MINSAN HINDI NA YON NAKAKATUWA! SIGURO NGA KASALANAN KO RIN KUNG BAKIT GANIYAN KA DAHIL HINDI KITA PINAKINGGAN NONG SABIHIN MONG BAWAL AKONG MAGING MABAIT SAYO KAYA LANG MABAIT TALAGA AKO SA LAHAT PERO HUWAG MO NAMANG BIGYANG KAHULOGAN YON! TSK! BAKIT MO SINABI YONG MGA SINABI MO TUNGKOL SA PANTALON? ALAM MONG HINDI YON TOTOO?! TSSST! HINDI NAMAN KITA GUSTO__ " napanganga na lang itong si Paulo at napahawak sa balikat ni Carol pagkatapus niya itong suntokin sa tiyan. " SUMUBRA ANG ORAS MO! " napatingin naman si Paulo sa relo niya at pag-e-eksatong 60 seconds lamang nito. " Sabi mo hindi mo ako sasaktan? " Naaasar niyang tingin rito. " Sumubra ang oras mo " masama niyang tingin rito at naglakad paalis. " Sandali tutulongan mo ako hindi ba? " Habol niya rito pagkatapos mawala ang inis nito dahil sa mga sinabi niya at suntok ni Carol. " Maglinis kang mag-isa BOBO!!! " paglalakad nito, tumahimik naman si Paulo pero pakiramdam niya mas bumigat ang nararamdaman niya pagkatapus ng mga sumbat niya rito e dapat nga mabawasan yon. Pagkwan bumalik ito kaya ganon na lang ang ngiti niya. " TSK! ANG SABI KO MATUWA KA KAHIT HINDI YON NAKAKATUWA AT WALANG NATUTUWA DOON! " Sabi nito at naglaro naman sa isipan niya ang mga palaisipan na ito ni Carol. " Walang natutuwa doon? " Pag-iisip nito sa loob ng kwarto niya pagkatapus niyang maka-uwi " Kung hindi din siya natutuwa doon e bakit kailangan niyang sabihin at kailangan matuwa din ako? Bakit ano bang pakinabang ko doon? E pinahiya nga niya ako at saka sus! Wala pa akong nakakasama sa kwarto ko noh " pagsusulat nito " at saka si Anika " pagtihaya nito ng higa " pasaway talaga ang Carol na yon, pumapasok lang ata siya para saktan at sirain ang araw ko " pag-iisip nito " Kailangan matuwa ako kahit hindi nakakatuwa dahil wala naman talagang matutuwa doon? " pag-iisip nito at nakatulogan niya ang pag-iisip rito " ano bang ibig niyang sabihin " pagsasalita nito habang tulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD