Kabanata 11

4174 Words
HINDI talaga mapakali itong si Paulo habang iniisip ang pagkikita nila ni Carol kanina kaya ito siya at hinahanap si Carol pagkatapos niyang magtungo sa pinuntahan ni Carol kanina. " Talaga bang namalikmata lang ako kanina? " bulong pa nito at hinanap itong si Carol pero wala siyang makitang Carol " Ibig sabihin wala talaga akong Carol na nakausap kaninang umaga? pero impossible naman yon, sino yong nakausap ko kanina? " Paghahanap niya rito pero wala talagang Carol rito hanggang sa tumigil ito maglakad at pinagmasdan ang paligid, ang kaninang kinauupuan ni Carol pero wala ng tao rito. " Nakakapagtaka naman " bulong pa nito pero napatingin siya sa may sapatos niya ng may balat na lollipop ritong kumapit kaya agad siyang tumingin muli sa paligid at pinulot Ito " Ibig sabihin nandito talaga siya kanina, ganitong klase ang mga balat ng mga lollipop niya " bulong pa nito " pero nasaan siya? " tanong pa nito. Pagkwan bumalik ito sa classroom at nandito na lahat pagkakita nito kay Anika agad itong ngumiti sa kanya bumalik naman siya ng ngiti rito bago nagpunta kay Stell ng makita niyang may tao sa likod nito. " Bakit ngayon ka lang? " tanong agad rito ni Stell at napalingon naman siya sa tinitingnan ni Paulo kung saan yong babaeng nakaupo sa may upuan ni Carol. " Hindi siya yan! " ani Stell kaya umupo na rin itong si Paulo. " Nagsabi na ako kay mama na palagi akong malilate ng uwi kaya hangga't hindi pa pumapasok si Carol at nababawi ang ID mo tutulongan kita sa mga matatanggap mong parusa " Nakaakbay ritong sabi ni Stell habang naglalakad sila palabas pagkatapus ng klase nila. " Wala akong kaparusahan ngayon " " Nasayo na ang ID mo? Maganda yon!!!!! " akbay niya rito nang mahigpit " Paano mo nakuha ? " tanong niya pa rito. " Hindi ko nakuha pero kagaya ng sabi ko sayo kaninang umaga pumasok si Carol at inaway niya sina Ken kaya hindi na sila nagsumbong sa mga guard, iwan ko ba kay Carol akala mo naman kaya niya ding ipagtanggol ang sarili niya kung patulan ito nila Ken " ani Paulo. " MAGALING SI CAROL WAG KANG MAG-ALALA " Mayabang ritong sabi ni Stell " Pero paanong pumasok siya e hindi man lang siya nagtungo sa classroom " ani Stell ng nagtataka. " Yon nga rin ang hindi ko maitindihan, Basta sigurado akong pumasok siya at nagkausap kami kaya lang bakit hindi siya nagpakita sa klase kung pumasok siya? " Pag-uusap pa ng dalawa habang naglalakad palabas at pagkarating nilang gate nauna ng umuwi itong si Stell pagkwan nagbisekleta na rin pauwi si Paulo. " PUMASOK BA TALAGA YONG SI CAROL? " seryoso nitong pag-iisip habang nagbibisikleta pauwi " AAAAHHHHHHH!!! " sigaw nito bigla ng sipain ni Carol ang bisekleta niya habang nakatayo ito sa may tabi ng puno pero imbis na mainis itong si Paulo nakangiti siyang tumingin rito " Sabi na nga ba nakita talaga kita kaninang umaga!! " nakangiti nitong sabi at umalis sa bisikleta niya " Sabihin mo nga bakit hindi ka pumasok? " tanong pa niya rito. " Tsk! Ano naman ang paki mo?! " masama niyang tingin rito. " Sus! Nagtatanong lang naman ako, bakit nga hindi ka pumasok? Ah alam ko na kunwari mulang ang school para makita ang Lola mo hindi ba? " Panghuhula nito pagkatapus maalala ang sinabi nila Anika sa canteen pero natigilan ito nang itapon ni Carol sa bibig niya yong dahong kanina pa niya hawakhawak habang hinihintay niya ito " Ano bang pakiaalam mo? " masama niyang tingin rito " Nga pala, bukas hindi ako papasok kaya iwasan mo na lang kausapin si Anika para hindi kana pag-initan nila Ken " seryoso niyang sabi rito saka tumalikod naglaro naman sa isipan niya ang sinabi nito pero hindi na niya ito pinansin pagkatapos maalala ang ID niya. " sa-sandali, yong ID ko wala ba talaga sayo? " pagpunta niya rito. " Ibabalik ko yon pero sa ngayon makinig ka na lang sa mga sinabi ko " sabi nito ng hindi lumilingon at sumakay sa sasakyan wala naman siyang magawa kundi sumunod rito. " Mag-iingat ka " pagsara nitong si Paulo sa may sasakyan pero ganon na lang ang pagtataka niya ng buksan ulit ito ni Carol. " Puwedi ba kaya kong isara!!! " sabi nito at isinara muli at tuloyan na silang umalis. " SUS! ANG SUNGIT PARA ISARA LANG EH!! TSK! NAPAKAGULO! ANDAMI NIYANG SINABI PERO WALA NAMAN AKONG MAITINDIHAN " Pagpunta nito sa bisikleta niya pero natigilan ito nang maalala niya ang pagsipa niya rito bigla " TSK! GUSTO BA TALAGA AKONG MA-ABNORMAL NUN?! BAKIT PALAGI NA LANG NIYA AKONG SINASAKTAN? " Pag-uwi nito pagkwan nakasalubong nito ang Lola ni Carol sa labas ng gate. " Magandang gabi po 'La " pagmano niya rito. " Magandang gabi " natutuwa niyang tingin rito " Namimiss ko na ang Carol ko, Hindi ko alam kung makakapunta pa ba yon rito " malungkot nitong sabi pagkatapus nitong maalala sa katauhan ni Paulo ang Apo niya habang naka-uniform ito kaya ganon na lang ang pagtataka nitong si Paulo. " Sige Apo, may pupuntahan pa ako " sabi nito at iniwan na niya ito. " KUNG HINDI SI LOLA ANG PINUNTAHAN NIYA, E SAAN NAGPUNTA ANG CAROL NA YON BUONG MAGHAPON AT SAKA ANONG DAHILAN AT PUMASOK SIYA? " Pag-iisip nito. " bukas hindi ako papasok kaya iwasan mo na lang kausapin si Anika para hindi kana pag-initan nila Ken " pagflash back rito nang sinabi ni Carol " AKO ANG DAHILAN BAKIT SIYA PUMASOK? " pag-iisip nito " sus impossible yon, si Carol papasok para sa ibang tao? Sus! Napaka labo " pagpasok nito at isang panibagong kabanata na naman ang naisulat niya sa kaniyang diary. ****** " KAKAININ KITANG BUHAY!!! JAMPAWLO.... " paulit ulit mong makikita ang takot sa mukha ni Paulo habang napapanaginipan nito si Carol " HUWAAAG!!! CAROOOOOOL!!!! " sigaw nito kasabay nang pagbangon niya at ganon na lang ang gulat niya ng nasa harapan nito si Carol habang nakaupo sa may paanan niya " AHHHHH!!! " pag-alis niya rito dahilan para mahulog siya sa may kama at naumpog ang ulo niya sa may sahig kaya tuloyan na itong nagising at mabilis itong lumingon sa kinauupuan ni Carol kanina habang nanlalaki ang mata sa takot at wala nga siya rito dahil panaginip lang ang lahat. " MABABALIW AKO SA KAIISIP SA KANIYA " ganon na lang ang paglaki ng mata niya sa takot ng maramdaman niyang sumakit ang ulo niya pagkatapus nitong hawakan ang bukol niya sa noo. " HINDI KAYA TULOYAN NG NABASAG ANG BUNGO KO DAHIL SA CAROL NA YON? " mabilis nitong pagtayo at pumunta sa may salamin para tingnan ang ulo niya at ganon na lang ang panggigil niya sa inis ng makita ang bukol rito malapit sa noo pagkatapus itong tumama sa may sahig ng mahulog siya. " NAKAKATAKOT SIYA! KAHIT SA PANAGINIP SINASAKTAN NIYA AKO " kinikilabotan nitong pag-iisip pagkwan dumako ang mata niya sa pantalon nito " heyaaah!! Yeah! Yeaah! " pagsusuntok niya rito " Tama kailangan mong maparusahan pasaway ka! Ah! Ahh! Ahh! " mga ungol nito habang binubugbog itong pantalon ni Carol pero natigilan siya ng marinig niyang nagbubulongan ang Papang niya at si Lusin. " Ano bang ginagawa niya? " tanong ng papang niya na may pagtataka ang boses sa may pintuan nito habang nakasara. " Ano ba naman kayo, syempre po binata na ang alaga natin " bulong rito ni Lusin ng makahulogan kaya agad lumapit itong si Paulo sa may pinto para marinig pa ang usapan ng dalawa " alam niyo na po yong ginagawa ng lalaki kapag umagang umaga tas malamig " hagikgik pa ni Lusin kaya ganon na lang ang hiya nito. " Pero hindi ganiyan ang alaga ko, ni minsan Hindi ko siya narinig na ahh? Ahh? " alanganin pang paggaya ng matanda sa mga ungol ni Paulo kaya ganon na lang ang pamumula niya sa hiya pagkatapus maitindihan itong tinutukoy ni Lusin. " Nakuu! Ano bang puweding gawin ng isang binata habang umuungol ng walang kasama? " pangungulit pa ni Lusin kaya naniwala naman itong Papang ni Paulo " Tayo na, iwan na natin siya masama mang-isturbo sa mga ganiyang bagay___ " natigilan bigla itong dalawa ng marinig nilang muli si Paulo. " KAINISSSS NA PANTALON 'TOH!!! " sigaw nito kaya agad napahawak ang dalawa sa bibig nila habang ang matanda nakatingin sa pinto ni Paulo at hindi makapaniwala sa mga kuwento ni Lusin. " Tayo na po, mukhang nakapantalon pa ang alaga natin " kinikilig nitong sabi at hinila na niya ito paalis sa may pintuan mabilis namang binuksan ni Paulo ang pintuan pero wala na sila rito kaya ganon na lang ang hiya niya. " Tsssst! Dapat pumasok sila nong sumigaw ako " nahihiya nitong sabi " Kunting kaluskos ko nga lang dito sa kuwarto pumapasok na sila agad pero bakit di man sila pumasok nong sumigaw ako, kainisss wala naman talaga akong ginagawa at saka si Papang bakit naman siya maniniwala sa mga sinabi ni aling Lusin " pagka-usap nito sa sarili niya pagkwan naupo ito at ganon na lang ang asar niya ng maramdaman nitong nakasabit sa may balikat niya ang pantalon ni Carol kaya mabilis niya itong kinuha rito saka tinapom sa may kama at itong kama kasi niya ay may kalumaan na. " Dahil sayo, ikaw!! pinahiya mo na naman ako at saka ikaw naman talaga ang dahilan bakit palagi akong nanaginip ng masama hindi ba? " pag-atras nito at patalon niya itong dinaganan at pinagsisiko kaya bumigay ang kama nito saka siya tumigil sa pangtotorture sa pantalon ni Carol. " haist!!! " pag-ayos nito sa sarili niya pagkatapus makita ang tinamo ng kama niya " Kailangan mo na talaga maibalik sa nagmamay-ari sayo hindi lang kuwarto ko ang sisirain mo kundi pati pag-iisip ko " pagtupi niya rito at nilagay sa selopeyn saka sinuksok sa bag niya " Idadaan kita mamaya kay Lola, ay hindi! Panigurado baka iba rin ang isipin niya kaya itatapon ko na lang sa bakuran niyo, tama yon! " pagzipper nito sa bag niya pero natigilan ito ng mapansin niya ang pagsasalita niya mag-isa. " MAY AMNESIA LANG AKO PERO HINDI PA NAMAN SIGURO AKO NABABALIW " naiiyak nitong pag- iisip " Kasalanan ito ng Carol na yon, ay hindi! Kasalanan ko dahil kung tutuosin palagi naman niya akong sinasabihan na iwasan siya pero kinakausap ko pa rin siya " natatakot nitong pagpunta sa paliguan at pagkatapus niyang maligo nagtungo na ito kina Lusin para mag-almusal. " Hinanda ko po ang paborito niyong hotdog " ani Lusin. " Salamat po " nakangiti nitong sabi " ah, pabalot na din po ako Aling Lusin " utos nito habang kumakain pero natigilan ito bigla ng mapansin niya ang pagmamasdan rito ng Papang niya. " Bakit po Pang? " napangiti na lang ito ng gulohin ng Papang niya ang buhok niya bilang sagot rito. " Hindi ka ba nahihirapan sa bago mong pinapasukan? " tanong na lang nito. " Okay naman po, marami pong katulad ni Stell doon " pagtukoy nito sa napakabait na ugali ni Stell " PERO ANG MARAMING STELL NA YON AY TALONG TALO NANG NAG-IISANG BAYOLENTENG CAROL NA YON " sagad nitong pagnguya sa pagkain niya habang naiisip si Carol kaya ganon na lang ang pagtataka rito ng Papang niya, kapag kumakain kasi itong si Paulo wala kang maririnig na kahit ano, ganon siya kaingat sa mga galaw niya. " Galit po ba kayo Sir Paulo? " nagtataka ritong paglapit ni Lusin kaya agad siyang natigilan sa pagnguya at uminom ng tubig senyales na tapus na ito. " Sorry po, nagmamadali po kasi akong kumain " pagkwan sinuot nito ang bag niya at nagmano sa kanila para pumasok " Ah Papang yong kama ko nga po pala baka po puwedi niyong paki-ayos nasira ko po kasi kanina " sabi nito, kitang kita naman niya ang mga ngiti ni Lusin ng makahulogan. " Ah wa-wala naman a-akong gi-gi-ginagawa kanina!! " nahihiya nitong sabi kaya ganon na lang ang pagkautal niya. " Naku Sir Paulo! Binata po kayo kaya normal lang yon... at naiitindihan namin " pagtingin pa rito ni Lusin na akala mo may ginawa talaga siyang hindi tama. " Po? Wa-wala naman po akong gi-ginagawa talaga " lingon pa nito sa Papang niya para humingi ng tulong. " tigilan mo na yan Lusin, maghugas ka na lang ng plato " pagtayo nito at nagpunta kay Paulo " Pumasok ka na, mag-iingat ka palagi, iwasan mong nasasaktam lalo na ang ulo mo " akbay rito ng Papang niya habang hinahatid ito palabas. " Opo, sige po " pagmano niya muli rito at sumakay sa bisikleta niya at dumiretso na sa bago niyang gate nang daladala pa rin ang pantalon ni Carol pagkatapus niya itong malimotan ibalik sa Lola niya. " kung alam lang ito ni Papang hindi ko alam anong gagawin niya " bulong pa nito saka tumalon sa loob at ganon na lang ang ngiti niya ng walang ano mang tao rito pero natigilan siya sa paglalakad ng biglang may humawak sa balikat niya. " Kainisss " pagtigil nito at ganon na lang ang asar niya ng si Ken nga ito. " Nasa mga mata na kita kaya bawat kasalanan mo binabantayan ko yon para makuha mo ang tama mong parusa " pagsampal nito ng mahina kay Paulo napalingon naman ito bigla sa estudyanteng dumaan sa taas at takot na dumaan kina Ken pero hindi man lang nila ito sinita. " Sandali bakit pinadaan niyo yon? " Tanong nito agad isang ngiti naman ang isinagot rito ni Ken bago nagsalita. " Hindi naman kami guard para bantayan sila, Kay Lolo ang school na 'toh kaya sa madaling salita akin din Ito! I'm the boss " mayabang nitong sabi " kaya hindi ko tungkolin na bantayan ang mga estudyante rito kaya lang nagkataon na gusto kita kaya palagi kitang nakikita " pang-aasar nitong sabi habang nakahawak sa balikat ni Paulo at nakatitig rito. " Kung Wala ka ng sasabihin padaanin mo ako dahil kailangan ko ng pumasok " pagbalewala nito sa pang-aasar ni Ken kaya ganon na lang ang asar nito sa pagbaliwala ni Paulo sa mga sinabi niya lalo na ng tanggalin nito ang mga kamay niya. " GINAGALIT MO BA TALAGA AKO?!! " pagkuwelyo niya rito. " Gaya nang sabi mo hindi mo obligasyon ang mamarusa ng mga istudyante rito puwera na lang kung isa ka sa mga guard " pag-ayos nito sa damit niya at naglakad. " ABA GAGO 'TOH AH! GINAGALIT TALAGA AKO!!! " naiinis ritong pagsunod ni Ken pero mabilis itong pinigilan ng tropa niya. " Kalma ka lang, isipin mo ang mga sinabi ng lolo mo " kumalma naman itong si Ken ng maisipi ang Lolo niya pero klaro pa rin sa mukha niya ang inis " Hoy tarantado! saan ang punta mo? Tsk! Magpakita ka sa mga guard kung ayaw mong ako talaga ang magbigay sayo ng parusa " sunod niya rito pero parang hindi siya narinig nitong si Paulo. " ABA TARANTADO TALAGA!! YAREE KA SAAKIN! " aktong sasaktan ito ni Ken pero mabilis itong pinigil ng tropa niya. " Boss malalagot tayo niyan sa lolo mo kapag sinaktan mo " bulong rito ng mga tropa niya. " tsk! inaangasan ako e " naaasar pa nitong sabi pagkwan tinuro nila rito ang pagkausap ng guard kay Paulo pagkatapus niyang sabihin na sa may pader na naman siya dumaan kaya tuloyan nang kumalma si Ken at naupo sila sa may puno na inupuan ni Carol kahapon nang umalis itong si Paulo. " KUNG WALA LANG TALAGANG BINILIN SAAKIN SI LOLO MATAGAL NG YARE SAAKIN ANG LALAKING YON " ani Ken " tsk! Iwan kasi bakit pa nagdonate ng pera ang Nase family na yan dito sa school tsk! para ingatan ang anak nila? Anak nang tukwa!!! Mayaman pero tinapon ang anak dito sa probinsya? " ani Ken. " Totoo yon at saka hindi naman siya tulad mo boss na pasaway para itapon sa probinsya___ " natigilan ito ng batokan siya ni Ken. " Sorry Boss, ang ibig ko lang naman sabihin baka may mabigat pa siyang dahilan para mapunta rito " sandali namang tumahimik itong si Ken. " Wala akong pakialam sa dahilan niya basta ang gusto ko mapalayas siya rito tsk! mukhang tipo siya ni Anika at panigurado ganon din ang gagong yon " naaasar nitong sabi "kampante naman ako noon na magugustohan din ako ni Anika pero nang dumating ang John Paulo na yan biglang nawala ang pag-asa ko at saka biglang nanlamig si Anika saakin e dati tinatanggap niya ang mga flowers ko nang hindi nagtatanong o nagsasalita pero ngayon, kulang na lang ibalik saakin " mahaba nitong sabi. " Ligawan mo lang boss hangga't sa mapa Oo niyo " pagpapalakas loob nila rito. " tsk! Panigurado naman yon pero sa ngayon kailangan ko munang mapalayas ang Paulo na yon rito para maging masayang tanawin pa rin itong school ng hindi siya nakikita " ani Ken at may kinuha ito sa bulsa ng uniform niya " KULANG PA ITO " ani Ken habang tinitingnan ang ID ni Paulo pagkatapus niya itong makuha. " Paano mo nga ba yan nakuha Dre? " tanong rito ng kasamahan niya at kinuha ang ID pagkwan tumingin rito si Ken at ngumiti ng makahulogan. Flashback: " Tsk! Lalaki ba talaga siya? " pabagsak na pag-upo ni Carol at ganon na lang ang pagkakakunot nang noo niya ng maramdaman nito ang suot suot niyang ID. " Bakit naman siya nakangiti? " Pagtingin nito sa ID picture ni Paulo habang nakangiti " Tsk! wag kang ngumiti naiirita ako " pagtanggal nito sa ID at pinatong sa upuan ni Stell at Paulo saka ito sumilip sa labas at dahil naaasar talaga siya sa mga taong nakapaligid sa kaniya at ano mang nilalaman nitong classroom kaya pumikit ito para iwasan makita ang lahat " Bakit ba kasi gustong gusto ni Lola na pumasok ako " bulong pa nito at sa pagpikit niya tumama naman ang mata ng kaklase niya sa ID ni Paulo kaya ganon na lang ang ngiti nito. " Tulog kaya siya? " bulong nito habang nakatitig ito kay Carol habang nakaupo ito sa may harapan nila Stell pagkwan tumingin ito sa paligid at nong walang nakatingin sa kanya mabilis nitong kinuha ang ID at nilagay sa bag niya. " Paniguradong matutuwa si Aira nito " nakangiti nitong pag-iisip sa kaibigan niyang gustong gusto si Paulo at nasa kabilang department ito kaya pagkatapus ng klase agad siyang nagtungo rito at ang department ng kaklase niya ay malapit sa department nila Ken. " Paano mo nakuha?!!! " kinikilig ritong tanong ng kaibigan niya habang kilig na kilig na pinagmamasdan ang ID ni Paulo. " Huwag mo na itanong ibabalik ko din yan agad kaya dali na kunin mo na ang address niya at saka papa niya ata yang nakalagay diyang in case of emergency " turo pa rito ng kaibigan niya " Wag ka nang mahiya iistalk mo na tas magpaka feeling close ka, diba matagal mo ng gustong makuha ang number niya kaya daliii kunin mo na at una mong ligawan ang parents tas syempre baka ipakilala ka kay Paulo " mabilis namang pinicturan nitong kaibigan niya ang ID ni Paulo dahil sa mga kalokohan nitong naisip. " Besh saakin na lang kaya ito, ang guwapo talaga niya at saka yong ngiti niya hinahatak niya ako!!! Ayaw niya akong mabuhay " yakap niya rito at tiningnan muli " Wag na lang natin ibalik " pagkitty eyes nito sa kaibigan nito. " Hoy po! Hindi puwedi maawa ka sa kaniya alam mong hindi siya makakapasok sa gate pagganon, kaya akina daliii " malungkot naman ritong binabalik ni Aira pagkatapus ng mga sinabi niya pero ganon na lang ang gulat nila ng biglang may humablot rito at sabay silang napalingon rito at ganon na lang ang takot nila ng makitang si Ken ito. " Pahiram muna nitong ID ng transferee niyong crush " nakangising sabi ni Ken habang nakatingin sa ID " Makinig kayo, tayo lang ang nakakaalam na nasaakin ang ID na 'toh kaya sa oras na may makaalam na nasaakin ito, magkikita kita tayo " hawak nito sa mukha ng kaklase ni Paulo habang nanakot ang mata at kumindat rito. end of flashback! " At hanggang nasaakin ito patuloy siyang tatanggap ng parusa hanggang sa maisipan na lang niyang bumalik sa dati niyang school " masaya pang sabi ni Ken. " Kaya lang paano si Carol? Kahapon hindi siya naparusahan dahil sa Carolin na yon " agad namang binatokan ni Ken itong kasama niya. " puwedi ba huwag mo ng mabanggit banggit ang pangalang yan biglang nagdidilim ang paningin ko " pagtago nito sa ID ni Paulo " tsk! Pero tama ka, kaya lang palagi naman yon absent kaya paniguradong hindi rin siya ganon makakapakialam sa mga plano ko " masama nitong ngiti ng maisip ang kaparusahan ni Paulo mamaya. " totoo yon Boss nasa mansion daw siya kaya paniguradong hindi yon papasok " pag-upo nila ng maayos pero ganon na lang ang gulat nila ng biglang may bumagsak na bag sa loob ng may pader galing sa labas at ganon na lang ang asar ni Ken nang makilala kung kanino 'toh. " MAY NAGMAMAY-ARI PA BA NANG GANIYANG BAG DITO SA CAMPUS DIBA? " Hindi pa makapaniwalang titig nito sa bag sa may damohan. " Sa sobrang luma, at pangit ng design na yan si Carolin lang ang may kakayahang gumamit ng ganiyang bag! " Ganon na lang ang gulat nila ng kumaripas ng takbo si Ken kaya mabilis silang sumunod rito. " Boss bakit tayo tumatakbo? " tanong ng kasamahan niya. " TANGA KA BA?! SI CAROL YON, TAKOT SA KANIYA SI KEN!!! " ganon na lang ang gulat ng isa ng tumigil tumakbo itong si Ken at humarap rito na akala mo panabong na gustong manuka. " ANONG TAKOT?!! AYAW KO LANG SA BABAENG YON DAHIL PALAGI NIYANG SINISIRA ANG ARAW KO! AT SAKA KUNG HINDI LANG NAMAN SIYA KAPATID NI JOSH AT ANIKA MATAGAL NA SIYANG NASAKTAN SAAKIN!!! " paglabas pa nito sa kamao niya habang nakakuyom at nanggigigil. " Tama ka boss pero nakakakilabot din naman siya tumitig hindi ba? " paghalukipkip pa ng kasamahan niya ng maisip ang mga titig ni Carol sa tuwing hawiin nito ang buhok niya. " TOTOO YON " Yakapan nila, ganon na din si Ken ng maisip yon " Siguro lobo talaga si Carol at nagpapanggap lang siyang tao " bulong pa ng isa na siyang sinang-ayonan nilang lahat. " HEEE!!! " Pagputol ni Ken sa mga nangyayari sa kanila ng mapansin ito " KUNG LOBO SIYA!!! MANOK NAMAN AKO AT PAGTUTUKAIN KO ANG MATA NIYA HANGGA'T HINDI NA SIYA MAKAKITA " mayabang nitong sabi " TSK! TAYO NA!! " mayabang nitong paglalakad. Samantala mga ilang segundo naman bago nasundan ni Carol ang pagtapon niya sa bag niya. " Hindi na talaga ako papasok kahit kailan " pagtalon nito at agad siyang napahawak sa may pader ng maramdaman niya ang pagsama ng sikmura niya. " huaaw! " pagpalo nito ng mahina sa dibdib niya ng maramdaman nitong masusuka siya pero wala ding lumabas " Mamaya lamang loob ko na ang lalabas nito " bulong pa niya at habol habol nito ang hininga niya pagkwan natigilan Ito " Teka dumaan na kaya ang Jampawlo na yon? " pagtingin nito sa paligid pagkwan tumingin ito sa relo niya. " Sa aga non pumasok panigurado nasa classroom na yon " paglalakad nito pagkwan tumigil ito maglakad ng makita nito ang mga guard " Nahuli na naman kaya siya? " tanong pa nito pagkwan nagtungo ito sa isang guard kaya ganon na lang ang pag-iwas rito ng guard nang makilala niya ito, kilala na kasi siya sa school bilang isang gulo. " Nahuli niyo siya? " nagtataka namang tumingin rito ang guard sa bigla niyang pagtatanong " Yong lalaking Maputi, Hindi majo pero ang guwapo ng katawan, yong matangkad, at may braces tas subrang bango! " described nito kay Paulo pero nakatingin lang rito ang guard " tssst! Jampawlo ang pangalan niya! " naaasar nitong sabi. " Walang Jampawlo sa listahan " agad namang tiningnan ni Carol ang mga nakalistang mapaparushan. " Jampawlo Nase " pagbasa niya sa John Paulo Nase na nakalista " Tsk! Nahuli lang ako naparusahan na siya, si Ken na naman kaya Ang dahilan? Tsk bakla ba talaga siya? " pabagsak nitong bigay sa guard sa listahan at asar na naglakad patungo sa classroom nila " Ano pang dahilan at pumasok ako kung naparusahan din siya " paglalakad nito " Kung bakit kasi pinahiram pa niya ako ng ID tas iwawala niya din, kainisss pakiramdam ko tuloy may kinalaman ako sa pagkawala ng ID niya " mabilis nitong paglalakad habang pinapalo ng mahina ang dibdib niya at dahil pakiramdam niya mahihilo siya kapag pumasok siya at narinig ang ingay ng mga kaklase niya kaya pumunta ito sa madalas niyang tambayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD