PAGKATAPOS magshopping ni Anika ng mga damit agad niyang niyaya ang mommy niyang magtungo sa school supplies bago tuloyang umuwi.
" Paubos na po yong mga ballpen ko " sabi nito habang namimili ng ballpen.
" si Carol kaya may mga ballpen pa yon? " napalingon naman rito si Anika " Kung mag-aaral na siya ng maayos kailangan ko na siyang bilhan ng mga gamit paniguradong gagamitin na niya ito " masayang sabi nito tahimik namang tumango si Anika saka sinundan ng pagngiti habang pinagmamasdan ang ngiti sa mukha nang mommy niya habang namimili para kay Carol at pagkailang minuto nagtungo na din silang counter pero natigilan ito nang makita niya sa may counter si Paulo.
" Sandali bakit kamukhang kamukha ng anggulo kapag nakatalikod si Paulo " pagmamasdan niya rito " Sandali siya ba yan? " agad naman siyang napangiti sa naisip niya.
" Sino ba yang tinitingnan mo? " tanong rito ng mommy niya pagkatapos nitong mapansin ang mas pag-aliwalas ng mukha nito.
" Mommy saatin lang ito as in sainyo ko lang po sasabihin " nagtataka naman ito ritong lumingon " Yang lalaki po sa counter, yang tinititigan ng casher, nakasuot ng white na damit, at naka rip jeans po pero mukha pa ring maginoo dahil maginoo naman talaga at subrang bait po " kinikilig nitong pagkukwento " Siya po si John Paulo Nase ang crush ko po, gusto ko po siya, gustong gusto po " mahina nitong sabi habang namumula sa kilig.
" Alam ba niya? " Ganon naman ang gulat sa mukha ng dalaga sa tanong nito.
" PO?! HINDI PO! KAHIT SI KUYA HINDI NIYA ALAM KAYO LANG PO TALAGA ANG NAKAKAALAM KAYA BAWAL NIYO PONG SABIHIN SA KANIYA O IPAGSABI " Hindi naman napigilang matawa ng kausap niya sa reaction nito " Mommy!!! " tingin niya rito na parang bata.
" Opo, halika na magbayad na tayo mamaya makaalis siya " agad namang tumango si Anika at naglakad para magtungo sa kinaroroonan ni Paulo at para magbayad na din at napangiti ito pagkatapos makita ang ginawa ni Paulo.
" Sige po Lola mauna na lang po kayo saakin " pagpapauna ni Paulo sa babaeng medyo may edad na sa linya at dahil sa ginawa niya pinauna na din ito ng nasa unahan niya hanggang sa makarating sa pinakadulo ang matanda.
" Mukhang alam ko na bakit mo siya gusto " bulong rito ng mommy niya.
" tayo na po " sabi lang nito at nagtungo sa may counter kaya naman agad silang nakita ni Paulo.
" Bakit ka umalis sa linya mo? " tanong agad rito ni Anika pagkatapos siyang puntahan nito.
" ah? Hayaan mo na " nahihiya nitong sabi bigla kasi itong naexcite ng makita niya ito " Nga pala bakit nandito ka rin? " agad naman ritong pinakita ni Anika ang pinamili niya at halos pareho lang sila ng kinuha.
" Kung ganon ikaw din? " tanong pa ni Anika.
" Oo, paubos na yong akin " ngiti nito pagkwan dumako ang mata niya sa babaeng nakatayo sa tabi ni Anika at napaatras ito ng matitigan nito ang mga mata niya kung saan kapareho ni Carol.
" Ah siya si mommy " agad naman siyang nagbigay galang rito.
" Pasesya na po hindi ko po kayo napansin agad " napangiti naman ito sa galang ni Paulo.
" Its okay hijo, sa totoo niyan may kailangan akong puntahan at natutuwa akong nandito ka, maaari mo bang samahan saakin si Anika? " agad naman ritong napalingon si Anika dahil alam na niya ang gustong mangyari nito.
" sige po wala din naman po akong gagawin " pagpayag nito agad.
" Mukhang pareho silang natutuwa sa nangyayari " tingin niya sa dalawa " O sige, isali niyo na rin ito sa babayaran niyo " pagbibigy nito sa pinamili niya kay Carol at iniwan ang dalawa.
" Tayo na " pagpela ni Anika, mabilis naman siyang sumunod rito.
" Yong kasama ko kanina ang mommy ni Carol and my step mom pero para saakin she's not just my step mom para saakin katulad niya si mommy, napaka bait niya, matalino, at sobrang ganda hindi ko nga alam saan nang galing yong ugali ni Carol " pagsasalita nito.
" KUNG GANON YON PALA ANG MOMMY NIYA KAYA NAMAN PALA MAGKAPAREHO SILA NG MATA " biglang napahawak sa may poste si Paulo pagkatapus niyang maramdaman ang pagsakit ng ulo niya at kumunekta ito sa puso niya " Bakit? Nararamdaman ko lang naman ito kapag may nakikita akong nag-aaway " bulong nito at agad siyang lumingon sa paligid ng may marinig siyang tumawag sa pangalan niya pero hindi niya maaninag kung saan dahil parang nagmumula sa kung saan.
" Paulo okay ka lang? " paghawak rito ni Anika kaya tuloyan na din siyang nagising.
" Ah, Oo pasensya kana " ngiti nito, ilang segundo naman itong pinagmasdan ng dalaga at nang makita niyang wala namang kakaiba sa mukha niya kumalma na din siya.
" tayo na " paglagay nito sa mga pinamili nila at binayaran ito.
" Uuwi kana ba niyan? " biglang nagkaroon sa kanila nang tawanan sa pagsasabay at pagkakapareho ng tanong nila pagkatapos nilang lumabas sa may school supplies.
" Gusto sana kitang yayain maglibot libot muna kaya lang hindi ko naman alam saan tutungo " nahihiya ritong sabi ni Paulo.
" Kung ganon saakin ka na lang sumama tas kapag familiar kana sa lahat, dito sa lugar namin sayo naman ako sasama " ngumiti naman si Paulo bilang sagot rito. At habang naglalakad sila biglang napahinto si Anika ng makita nito ang maaaring mapanood sa senehan kung saan nakadisplay ito sa labas ng mall.
" GUSTO KO SANANG MANOOD KAYA LANG NAHIHIYA AKONG YAYAIN SIYA MAMAYA ISIPIN NIYANG NAGTITAKE ADVANTAGE AKO " pag-iisip nito pagkatapos lumapit sa tinutukoy niyang gustong panoorin.
" Maganda ba yan? " agad naman siyang napalingon sa pagtabi rito ni Paulo.
" Oo daw actually matagal na naming planong panoorin ito ni Kuya pero hindi matuloy tuloy dahil ang gusto niya kasama si Carol e kailan pa ba yon nagka-enterest sa mga ganito " malungkot nitong sabi.
" Kung ganon panoorin natin? " napangiti namn siya sa sinabi nito " Kaya lang baka magalit si Josh " dugtong din nito.
" Magagalit siya kapag nalaman niya pero hindi ko sasabihing napanood ko kaya dali na bumili na tayo ng ticket " masaya nitong sabi kaya mabilis naman siyang sumunod rito at habang bumibili si Anika bumili din siya ng pagkain nila saka sila pumasok.
" Ayan na " excited na wika nitong si Anika ng magsimula na ang palabas hindi naman maiwasang nakawan ito nang binata ng tingin.
" Alam mo ba ang sabi ni Rohan sobrang nakakaiyak daw nito pero happy ending din naman daw, napanood na kasi niya ito " pagsasalita nito.
" Kung magkukwento ka puwes doon ka sa labas! " masama ritong sabi ng katabi nila.
" Sorry po " mahina nitong sabi saka lumingon kay Paulo at tinawanan ng bahagya ang katabi nito kaya napangiti na din ito habang natutuwa itong tinitingnan.
" Ayan na " hawak nito sa braso ni Paulo at hindi niya yon namamalayan sa sobrang pananabik nitong manood " Wag kang maingay ah " sabi pa nito at sumandal at matamang tumingin sa movie.
" siya naman itong sobrang daldal " natutuwa ritong sulyap ni Paulo at kumain nang pop corn.
" Nakakatawa yong babae hindi ba? " ngiti ni Anika, hindi naman niya maiwasang mapangiti din at pagkalipas ng ilang minuto nagsimula na naman itong umiyak " Tama si Rohan subrang nakakaiyak nga " habang umiiyak ito hindi naman maiwasang matawa ni Paulo sa nangyayari rito.
" Mas magaling pa siyang umiyak sa mga tao sa pinapanood niya " natutuwa niyang pagmamasdan rito kung totoosin hindi naman nanood si Paulo kundi buong oras niyang pinagmasdan si Anika habang nasa loob sila ng senehan.
" Sobrang ganda talaga hindi ba? " tanong nito tumango naman si Paulo bilang sagot.
" Kumain muna tayo bago umuwi? "
" Sige, nagugutom na din ako " napalingon ito sa kaniya ng bigla siyang matawa.
" Paanong hindi ka magugutom e mas malakas ka pang umiyak sa mga pinapanood mo " ganon naman ang hiya nito sa sinabi ni Paulo.
" Pero ang ibig lang nun sabihin magaling yong director ng movie, mga artists, and the writer dahil nakuha niya ang puso nang mga viewers, tulad mo at saka pinakita mo lang na you have appreciation " pagsasalita nito habang naglalakad sila pagkatapus niyang sumabay sa dalaga kaya naalis din ang naramdaman nitong hiya. At gaya nang gusto nilang gawin kumain sila saka sila umuwi at hindi na ito nagpahatid sa kaniya.
" E Grade 4 lang ang natapos ko kaya hindi ko ito alam paano sagotan " tingin ng Lola ni Carol sa assignment kung saan kanina pa nila ito pinagtutulongan pero tulad ng madalas mangyari nakipagtitigan lang sila sa papel.
" Mauubos na po ang oras ko Lola kailangan ko nang umuwi tapos hindi ko man lang ito nasasagotan " pagkwan tiningnan nito ang relo niya " 45 minutes na lang po " pag-upo nito at nakipagtitigan na naman sa papel niya " Nasaan na ba kasi ang Jampawlo na yon? Hindi kaya nahulaan niyang pupunta ako kaya umalis siya rito? Pero imposible naman yon " pag-iisip nito.
" Kung ganon wala na tayong choice kundi humingi sa kapitbahay natin nang tulong " pagtayo ng matanda.
" E Lola hindi ko pa naririnig na dumating yong alaga nila " ani Carol at nahiga.
" Baka kayang sagotan ni Roman " nagtataka naman ritong tumingin si Carol " Ang Papang ng kaibigan mo " mabilis nitong pagkuha sa mga gamit ng apo niya.
" Hindi naman kami magkaibigan " mahina nitong sabi.
" O bakit boypren mo na ba? " pagtayo nito at naglakad palabas.
" Ano ba kayo Lola?! tssssst! ayaw ko sa Jampawlo na yon noh! " pagsunod niya rito.
" Nagbibiro lang ako " Pagtawa pa nito " Pero sa ngayong mag-aaral kana ng maayos maganda siguro kung makikipag kaibigan ka sa kaniya mukha naman siyang mabait kaya paniguradong papayag din yon na makipag kaibigan sayo " pagsara nito sa bahay nila.
" Sandali nga po bakit parang siya pa ang mapipilitan makipag kaibigan saakin? Tssst! Masyado mo naman ata akong minamaliit Lola, ang sarili mong apo dinadown mo " pagtatampo nito.
" Hindi sa ganon pero alam mo namang hindi ka mabait tulad niya hindi ba? " pagbibiro niya pa rito sa katotohanan.
" Bahala nga po kayo siya na lang gawin niyong apo " pagtatampo pa niya.
" sa lahat naman ng pasaway ikaw lang ang gusto ko " yakap niya rito " O siya dalian na natin malapit ka ng umuwi " halos patakbo nilang paglabas.
" Lola hindi po ba nakakahiya? Baka po maisturbo natin sila " nahihiya nitong sabi sa harap ng gate nila Paulo.
" Anong nakakahiya sa paghingi nang tulong? At saka nakasalalay rito ang pagsasama natin " naalis naman ang nararamdamang hiya ni Carol sa mga sinabi nito pagkwan pinagbuksan na rin sila ni Lusin.
" Math ba kamo? " pagtabi sa kanila ng Papang ni Paulo ng makaupo sila at sabihin ang sadya nila.
" Oo, mukha kang matalinong tao kaya siguro naman matutulongan mo ang apo ko " pagbibigay rito ng matanda sa assignment ni Carol.
" E kung elementary math kayang kaya ko " napaface palm na lang si Carol sa sinabi nito habang halos lumabas na ang mga mata nito nang makita ang math problem sa assignment ni Carol.
" Ano bang akala mo sa Apo ko grade 1? At kung grade 1 man ako na ang sasagot " malakas ritong sabi ng lola ni Carol kaya napalunok silang tatlo.
" Lola kalma lang po " pagpigil rito ni Carol.
" E hindi ako magaling sa math " paglayo ni Roman sa matanda habang kinakabahan sa takot.
" Lola sa alaga namin po kayo humingi nang tulong baka darating na din po yon " ani Lusin.
" Ang inaalala ko baka huli na pagdumating siya, kailangan na kasi nang apo ko umalis " malungkot na sabi nito habang nakatingin sa assignment bahagya naman silang tumingin muli sa assignment.
" Baka may naaalala ka sa mga napag-aralan mo Lusin? " ani Papang ni Paulo habang pinag-uumpokan nila ang papel ni Carol at inaanalisa.
" tulad niyo po mahina din po ako sa math nong kapanahonan ko " ani Lusin " Pero sa tingin ko divide siguro ang gagamitin rito " pagturo ni Lusin sa assignment nito pagkwan nilapag nila ito sa may mesa habang nakatalikod sila sa may pinto.
" Sa tingin mo? " ani Carol.
" Hindi ako sigurado " ani Lusin habang sinusubokan itong analisahin.
" Subokan mong sagotan doon natin malalaman kung tama ba o hindi " ani Papang ni Paulo at pagkalipas ng ilang minuto halos pumuti na ang buong floor dahil sa papel na nilukot nila dahil sa maling paulit ulit nilang sulosyon.
" Ako naman " pagsubok naman ng papang ni Paulo.
" Mali naman yan Roman " pagtawa ng Lola ni Carol na siyang sinabayan nilang lahat.
" Ang alaga na lang namin ang pag-asa " sabay sabay nilang pagsandal sa upuan.
" Dumating na po ako___? " ganon na lang ang pagtataka ni Paulo ng sabay sabay silang lumingon rito at napaatras ito ng makita ang isa sa mga taong kasama nila.
" Carol? " Hindi pa nito makapaniwalang tanong. Agad naman siyang ngumiti rito ng alanganin.
" Alam niyo po kanina ka pa namin hinihintay " pagkuha ni Lusin sa mga dala nito.
" Bakit po? " pagtuloy nito at nagmano sa Lola at papang niya pagkwan napatingin ito muli kay Carol " Bakit ka nandito? " tanong niya rito sa mababang tono.
" Kasi Sir magpapatulong___ "
" Uuwi na kami ni Lola, salamat po sa tulong niyo " pagputol ni Carol sa pagsasalita ni Lusin kaya ganon na lang ang pagtataka nila at tuloyan na nga itong lumabas.
" Naku pagpasensyahan niyo na ang apo ko " pagsunod rito ng matanda " Ano bang problema Apo akala ko ba hinihintay mo siya para magpaturo? " pagkausap rito ng matanda habang naglalakad sila pabalik sa bahay nila.
" Wala na pong oras kailangan ko na pong umuwi " ani Carol at kinuha nito ang bag niya saka sinuot " Sige po Lola " paglalakad nito paalis.
" Kung ganon ayaw mo na akong makasama? Kung talagang gusto mong tumira kasama ako dapat matuto kang humingi nang tulong sa ibang tao, walang masama doon Apo " huminto naman ito sa sinabi ng matanda pero umalis din ito agad.
" Ano bang nangyari akala ko ba gusto niyang magpatulong ng assignment? " ani Lusin.
" Assignment po? " tanong pa nitong si Paulo pagkatapus yon marinig.
" Opo kaya lang parepareho namin hindi alam kaya nasayang lang yong mga papel niya " pagtingin nito sa mga papel sa floor
" Sige Sir aayosin ko lang itong mga binili niyo " pag-alis nito.
" May hindi ba kayo pinagkaka unawaan ni Carol? " tanong rito nang Papang niya hindi naman siya sumagot hindi niya din kasi alam kung ano nga ba sila ni Carol.
" Nakakapagtaka kasi ang sabi ni Lusin kaninang tanghali ka pa niya hinahanap para magpatulong siguro sayo hanggang sa nanghingi na din sila ng tulong saamin kaya nakakapagtakang uuwi na lang yon pagkatapus mong dumating " Sabi rito ng Papang niya.
" Alam niyo po Pang napakatamad non mag-aral kaya paniguradong naisipan lang non gumawa ng assignment at saka paanong dito pa siya pupunta e ang gagaling ng mga kapatid niya dapat doon siya humingi kung gusto talaga niyang gumawa ng assignment " pagtabi rito ni Paulo.
" Pero sa tingin ko gusto talaga niyang gumawa at matuto " sabi pa ng papang niya.
" Napaka werdo po ni Carol at impossible po yon " pagpulot nito sa papel na malapit sa paa niya at binuksan niya ito.
" Ang lalayo naman po ng mga sagot niyo " sabi nitong si Paulo pagkatapus buksan ang ilang papel na nilukot nila.
" Sinabi ko na sayo gustong matuto ng kaibigan mo kaya nga halos maubos na ang papel niya dahil hindi namin masulosyonan " pagtingin na din nito sa mga papel na tiningnan ni Paulo pagkwan tumayo ito at naglakad palabas.
" Saan ka? " tawag rito ni Roman.
" May gagawin lang po sandali " paglabas nito ng tuloyan pero natigilan ito sa pagbukas ng gate nila pagkatapus nitong marinig ang pakikipag-usap ni Carol sa phone.
" Nandito nga po ako para gumawa nang assignment " naaasar nitong sabi.
" Huwag mo nga akong pinagluluko Carol nandito si Josh at Anika na puweding tumulong sayo at saka saan ka naman matututo diyan? Sa Lola mo? Tssst! Akala ko ba may usapan na tayo? " sabi rito ng mama niya sa kabilang linya.
" Ayaw kong magpaturo sa mga anak mo at saka kaya ko 'toh ginagawa para gawin ang usapan natin " naalala naman bigla ni Paulo ang sinabi rito ni Josh tungkol sa pagdedesisyon ni Carol na mag-aral ng maayos.
" Tumahimik ka! Papupuntahin ko diyan ang driver mo para maihatid ka niya pauwi!! "
" Hindi ako uuwi dahil kailangan kong gumawa ng assignment! " pagsaway nito sa sinabi ng mama niya pagkatapus nitong maalala ang mga sinabi ng Lola niya " Kung ganon ayaw mo na akong makasama? Kung talagang gusto mong tumira kasama ako dapat matuto kang humingi ng tulong sa ibang tao, walang masama doon Apo " kaya bigla itong nagising.
" kalimotan mo na yang assignment at ang mga napag-usapan natin! " seryosong sabi ng mama niya.
" HINDI! GAGAWA AKO NANG ASSIGNMENT AT TUTUPARIN MO ANG PANGAKO MO! DITO AKO TITIRA AT ANG KAPALIT NON MAG-AARAL AKO NG MAAYOS KAYA PAKIUSAP HAYAAN NIYO NA AKONG GUMAWA NG ASSIGNMENT RITO PARA PATUNAYANG KAYA KONG MAG-ARAL NG MAAYOS! " ilang Segundo namang nanahimik ang mama niya " Pakiusap ma! Kapag wala akong naipakitang assignment sige kalimotan na natin ang mga napag-usapan po natin " dugtong nito " Pakiusap mama, ayaw kong umuwi, kaya pakiusap hayaan niyo muna ako kahit ngayong gabi lang, pakiusap!? " at sa pagkakataong ito tuloyan na namang nahulog ang mga luha niya.
" O sige pero bukas na bukas din ako mismo ang pupunta diyan at kapag wala kang naipakitang assignment makikinig kana talaga saakin! " seryoso ritong sabi ng mama niya saka pinutol ang linya. Tahimik naman niyang pinagmasdan ang phone niya habang pinipigilang mahulog muli ang mga luha niya.
" Kanina may babae akong nakitang ang ganda umiyak " pagtukoy ni Paulo kay Anika pagkatapos nitong buksan ang gate " pero bakit sayo ang pangit? " Pagbibiro ni Paulo, agad naman ritong lumingon si Carol habang ang sama ng tingin pero natigilan ito nang makita ang mga kamay ni Paulo na papalapit sa kaniya.
" Umiiyak ka din pala? " Hindi naman makagalaw si Carol ng lumapit rito si Paulo at punasan ang mga luha sa pisngi niya " Akala ko walang makapag papaiyak sayo " Sabi pa niya rito pero natigilan ito ng matitigan niya ang mga mata ni Carol " Ang lungkot talaga ng mga mata niya " pag-iisip nito at pakiramdam niya bigla din siyang nakaramdam ng kalungkotan at para bang may mga bagay na gustong sabihin ang isipan niya pero hindi niya naman maisip yon.
" ARAY!!!! " sigaw nito pagkatapus pihitin ni Carol ang kamay niya.
" Sa sunod na hawakan mo pa ako hindi lang yan ang aabotin mo! " pagtalikod nito at naglakad.
" Sandali! " tawag rito ni Paulo habang nakahawak sa kamay niya " Mamaya pumunta ka sa bahay dahil gagawa ako ng assignment " agad naman itong humarap rito kaya mabilis siyang umatras sa takot.
" O sige total pinipilit mo ako! " sabi nito na para bang siya ang kailangan nitong si Paulo.
" PINIPILIT? Teka! Wala naman akong sinabing pinipilit kita " mabilis nitong sabi.
" Basta saakin pinipilit mo ako! " sabi nito saka tuloyang umalis.
" tssst! napaka weird talaga niya " napapailing na lang ito habang naglalakad ito sa loob. At pagkalipas ng ilang minuto nagtungo na muli si Carol sa bahay nito.