Kabanata 19

3681 Words
PAGKAPASOK ni Carol sumalubong agad rito si Lusin. " Binilin ka na saakin ni Sir kanina ka pa nga niya hinihintay " pagpapatuloy rito ni Lusin " Puntahan mo na sa kwarto niya " sabi nito bago ito iniwan " May mga gagawin pa ako kaya hindi na kita sasamahan " habol pa niya at dahil hindi naman ganon kalaki itong bahay nila Paulo nahanap niya ito agad. Carols' POV: YONG totoo pagkatapus kong makita ang Jampawlo na yon at ang mga tanong niya saakin kung bakit ako nandito bigla akong nawalan nang gana magpatulong sa kaniya yong mga tingin niya kasi katulad ng mga katulong o sa mga taong nakakaalam na isa akong anak sa labas bilang Santos kaya lang pagkatapus ng mga sinabi ni Lola bigla akong nawalan nang pakialam doon " Kung ganon ayaw mo na akong makasama? Kung talagang gusto mong tumira kasama ako dapat matuto kang humingi ng tulong sa ibang tao, walang masama doon Apo " Tama ang mga sinabi ni Lola at saka siya naman ang pumilit na mag-aral kaming magkasama pagkwan kumatok ako at nong walang sumagot pumasok na ako at wala ngang tao. " Nasaan naman siya? " pag-upo ko sa upuan sa kwarto niya at sobrang bango nito, napakalinis at subrang organized ng mga gamit niya. " Kailan ka pa dumating? " napalingon naman ako sa pagbubukas ng pinto pagkatapus nitong iluwa si Jampawlo at mukhang katatapos lang niya maligo habang nakapajama ito at nakasuot ng black na T-shirt at may nakapatong na tuwalya sa ulo niya " Pasensya ka na kung naghintay ka katatapus ko lang kasing maligo " mabait pa nitong sabi dahilan bakit madali siyang lapitan napakabait niya kasi pero minsan Hindi yon nakakatuwa kasi kung marupok ka iisipin mong may gusto talaga siya sayo. " Handa ka na ba? " lingon nito saakin habang tinatrapohan pa nito ang buhok niya at ang cool lang niya tingnan habang nananahimik akong nakatingin rito " Teka naiinis ka ba dahil pinaghintay kita? " madaldal pa nitong tanong kaya nagbuntong hininga na lang ako dapat kasi ako ang magsabi ng mga pinagsasabi niya dahil ako naman ang nangangailangan ng tulong sabi sainyo nakakairita ang kabaitan niya " sige magsimula na tayo " paghanger nito sa tuwalya sa ulo niya at nagtungo sa study table niya kaya mabilis akong nagtungo rito pero natigilan ako ng hawakan nito ang upuan para makaupo ako. " ANONG AKALA MO SAAKIN HINDI MARUNONG UMUPO MAG-ISA?! " pagkuha ko sa upuan at pabagsak ritong umupo kaya agad naman itong napalunok sa kaba para namang kakatayin ko pero sa bagay sanay na ako sa ganitong reaction niya. " O sige, magsimula na tayo " ngiti pa nito pero natigilan ito ng hawakan ko ang ballpen niya. " Turuan mo ako paano sagotan, gusto kong matuto " determinado kong sabi rito pakiramdam ko kasi pakokopyahin lang ako nito pagkwan nasilip ko ang lihim nitong pagngiti "Seryoso ako! " dugtong ko pa tumingin naman siya saakin at sumeryoso. " sigurado ka bang mag-aaral kana nang maayos? Hindi pa naman kita ganon kakilala pero sa lahat ng narinig ko tungkol sayo subrang tamad mo daw mag-aral kaya hindi ko tuloy maiwasang mapatanong " pagsasalita nito tsk! hindi naman nakakagulat na may pagkadaldal siya. Sa totoo niyan unang tingin ko pa lang sa kaniya alam kong naiiba siya sa lahat at pakiramdam ko kasi may koneksyon kami pero ganon pa man hindi pa rin yon sapat para tuloyan akong maging mabait sa kaniya. " Ano namang pakialam mo sa mga desisyon ko? " Paglabas ko sa ballpen at notebook ko. " Natutuwa lang ako at saka maganda yon " pagtingin pa nito saakin habang nakangiti alam kong nasa dugo nito ang pagiging anghel pero minsan hindi talaga yon maganda, nakakainis yon. " Alam mo puwedi kang magsalita ng hindi nakangiti " seryoso kong tingin rito. " at puwedi ka ring magsalita habang nakangiti " agad itong umilag ng kunwaring tutusokin ko ang mata niya " tsk! turuan mo na kasi ako! Ang daldal mo naiinis ako! " Pagbuntong hininga ko at alam ko ngumiti na naman siya bago tumingin sa papel niya. " Okay, ituturo ko muna sayo paano isosolve tas kapag alam mo na magisa mong sasagotan bale echecheck ko kung tama bago tayo magproceed sa next problem, ano okay ba yon sayo? " tumango naman ako bilang sagot pagkwan bigla itong lumapit saakin kaya agad kong sinipa ang upuan niya pagkatapos niya itong isama dahilan para bumagsak sila sa sahig tsk! Anong akala niya porket nagpapatulong ako puwedi na siyang maglalapit at gawin ang gusto niya? kahit imposible naman nitong iniisip ko pero mas maganda na yong naninigurado hindi ba?. " HOIII MAKINIG KA JAMPAWLO! NANDITO AKO PARA MAG-ARAL AT HINDI___ " " Ano bang iniisip mo? " masama nitong tingin saakin saka itinayo ang upuan niya at bumalik rito nang upo " Hindi ka ba talaga matatahimik hangga't Hindi ako nasasaktan sa tuwing nagkikita tayo? Kahapon pinagdugo mo ang bibig ko at halos pilayin mo ako sa totoo niyan masakit pa rin yon hanggang ngayon " naasar nitong sabi, napansin ko nga kakaiba siya maglakad kung ganon nasaktan pala talaga siya kahapon pero kung sa bagay napaka bakla niya kaya walang nakakagulat doon. " Kung naaawa ka huli na ang lahat " agad ko naman binawi ang pagmamasdan sa nasprain rito kahapon dahil sa sinabi niya. " Tsk! Bakit naman ako maaawa kasalanan mo yon! " masama ko ritong lingon. " Oo nga, kasalanan ko nga pala dahil tumalon ka bigla at dinaganan ako " sarcastic nitong sabi. " Mabuti alam mo! " Pag-sang ayon ko rito habang tumatango at kitang kita ko naman ang pagtataka sa mukha niya tsk! Totoo naman yong sinabi niya, palagi nilang sinasabing werdo ako pero para saakin mas weird ang mukhang hotdog na 'toh. " sandali nga hindi mo pa nasasabi saakin bakit nasa taas ka nang puno kahapon " agad naman akong natigilan sa sinabi niya. " Hindi niya maaaring malaman ang dahilan ko " pag-iisip ko, iwan ko rin ba kasi bakit ko naisipang pakialaman siya tungkol sa nagbigay sa kaniya ng love letter at mabuti na lang sa puno ako umakyat dahil kung sa baba din ako nanilip paniguradong magkikita kami doon nila Anika " Sandali nga, bakit nga ba sila nandoon noong araw na yon at kasama pa pati si Josh? " Bigla kong pagka-alala sa mga nangyari. " so ano? Ang sabi mo saakin kapag nakababa ka sasabihin mo ang dahilan " makulit pa nitong tanong. " Ano bang paki mo? At saka ang sabi ko kung tutulongan mo ako " Sabi ko rito ng masungit pero sa tingin ko nasasanay na siya sa tono ng boses ko nararamdaman kong natatakot siya pero hindi na tulad ng dati. " O bakit sinalo naman kita ah kaya nga nasprain pa ako " panunumbat pa nito sa katangahan niya. " BOBO KA RIN EH! KUSA MO AKONG TINULONGAN! ANG SABI KO NONG UNA TULONGAN MO AKO PERO TUMANGGI KA KAYA MAG-ISA AKONG BUMABA PERO NAKIALAM KA NAMAN KAYA AYON NASPRAIN KA " napakunot naman siya sa sinabi ko halatang hindi niya nagustohan " at saka inuwi naman kita kaya kung totoosin saakin ka pa may utang! " Pagtaas ko rito sa isang kilay ko kaya mahina lang itong umiling na akala mo hindi makapaniwala " tssst! Sige na nga turuan mo na ako! " sabi ko agad bago pa siya makapag salita na naman. " Wag kang sumigaw baka nagpapahinga na sina Papang " saway nito at sinundan nito ng pagkuha muli sa notebook at ballpen para simulan ang pagtuturo niya pero medyo malayo siya kaya hindi ko makita ang pinagsusulat nito. " Yon ba ang dahilan kaya siya lumapit saakin kanina? Nakakainis naman bakit hindi ko yon naisip kaya ngayon ako ang kailangan lumapit sa kaniya " tingin ko rito habang nagpapaliwanag pagkwan lumingon ito saakin kaya agad kong binawi ang tingin ko. " Anong problema? " tanong nito at ganon na lang ang pagtataka niya ng hawakan ko ang upuan niya. " Lumapit ka saakin! " paghila ko rito bigla kaya ganon na lang ang gulat niya. " Puwedi mo namang sabihing lumapit ako " masama nitong sabi pero agad rin yon nabura " At saka akala ko ba ayaw mong lumapit ako? " Hindi naman ako maka-imik sa sinabi niya " oh sige na, mag-aral na tayo lumalalim ang gabi " pagtingin nito muli sa papel at tumango naman ako bilang sagot " Makinig ka dito sa problem number 1 para masolve kailangan mong magsubstitute " mariin naman akong tumingin sa sinasabi niya. " Anong substitute? " tanong ko rito habang nagtataka pagkwan pinaliwanag nito at sobrang galing niyang magturo pinanganak talaga siyang matalino at dahil pinanganak rin naman akong bobo kaya hindi ko masyadong maitindihan. " SA DAMI NANG PALIWANAG NIYA HINDI KO PA RIN MAITINDIHAN LAHAT " pagtingin ko pa sa papel ng malapitan " Naitindihan mo na ba? " Pagtatanong nito at dahil hindi ako sumagot pinaliwanag nitong muli pero natigilan ako ng matitigan ang bibig nito ang gaganda ng labi niya at sa tuwing tumatama saamin ang electric fan naaamoy ko siya at subrang bango sa totoo lang napaka guwapo ni Jampawlo kung may Angel sa mundo sa tingin ko siya yon. At pakiramdam ko dahil sa electric fan umiikot sa paligid namin ang mga numbers at letrang pinapaliwanag nito na para bang barriers na kinukulong kami kaya ito lumilipad na ang utak ko habang pinapanood ito habang nagsasalita. " Nakuha mo na ba? " lingon rito ni Paulo kaya ganon na lang ang gulat ni Carol habang pinagmamasdan ito " Sandali nakikinig ka ba? " pagharap niya rito kaya bahagya siyang nag-iwas ng tingin rito. " Sa totoo niyan nahihirapan akong itindihin " nahihiya nitong sabi " Mahina ako kaya okay lang kung maiinis ka " mahina pa nitong sabi pero natigilan ito ng maramdaman niyang hawakan siya ni Paulo sa ulo kaya napalingon siya rito habang nakakunot ng noo. " Anong ginagawa mo? " Pagpalo niya sa kamay nito pero ngumiti lang ito saka nagbuntong hininga. " Sa totoo niyan ayaw ko din ng numero lalo na kapag pinapaliwanag kaya alam kong kasalanan ko din bakit hindi mo maitindihan hindi ako magaling magpaliwanag " pagstretch nito sa mga braso niya at magsasalita sana si Carol para kumuntra rito dahil napakagaling naman kasi talaga niyang magturo pero mabilis na nagsalitang muli si Paulo " Pero kung gusto mo talagang matuto " lingon niya rito " isa isahin natin para mas lalo mong maitindihan " ngiti nito at nagsimulang magpaliwanag pilit namang nakinig ni Carol pero pagkatapus nang ilang minuto natigilan si Paulo ng malingon niyang ang seryoso nitong tinuturuan niya habang nakatingin sa papel pero halata sa mukha nitong hindi siya nakaconcentrate. " Kung gusto mo magpahinga muna tayo " pagsandal ni Paulo. " PAKAININ MO AKO! " napalingon naman siya sa sinabi nito " NAGUGUTOM AKO KAYA DALI NA! " utos pa nito kaya bahagyang natawa itong si Paulo. " Okay ah! Libre tutor na nga itong ginagawa ko tas magpapakain ka pa? " pagkamot nito sa ulo niya. " Kung ganon sa bahay na lang ako kakain pero babalik din ako agad kaya bawal ka munang matulog kailangan mo pa akong turuan " pagtayo nito at naninigurong tuturuan siya nito. " tayo na nagugutom din ako " pagtayo nito saka naglakad " Pero kailangan tahimik lang tayo baka magising sina Papang " paglingon niya rito saka naglakad muli ng tumango rito si Carol " Mukha namang mabait talaga siya " bulong ni Paulo habang naririnig ang maiingat na hakbang ng mga paa nito habang sinusundan siya. " Maraming kanin ang gusto ko " Ani Carol habang nakaupo. " Kumuha ka nang plato mo! Hindi ata tamang tutor mo na ako, pakakainin, e gagawin mo pa akong katulong para paghandaan ka " pagtingin rito ni Paulo at hindi nito inaasahan ang pagsunod rito ni Carol " Kung ganon maaring Tama nga ang mga sinasabi ni Stell tungkol sa kaniya " sa dami kasing naririnig ni Paulo tungkol sa pagkatao ni Carol si Stell lang ang may pinakamagandang magdescribe rito. Pagkwan kumain na nga sila at pagkatapos nilang kumain napatingin rito si Paulo nang iponin niya ang plato. " MAGHUHUGAS SIYA NG PLATO? MUKHANG TAMA NGA SI STELL " pagmamasdan niya rito pero napatingin siya rito nang mariin pagkatapus makita ang suot nitong si Carol. " ano yang suot mo? " Tanong niya rito agad. " Para makalabas sa bahay kailangan kong magsuot nito " pagtukoy niya sa maid uniform. " Habang nakapantalon? " Pinipigilan nitong matawa. " Sinuot ko ito sa labas ng gate pero naramdaman kong may nakaalam sa paglabas ko kaya hindi ko na nagawang maghubad pa ng uniform pero okay lang yon " paglagay nito sa mga plato at nagtataka itong tinitingnan ni Paulo nang maglakad ito sa harapan niya. "Anong ginagawa mo? " Nagtataka pa niyang tanong at napalunok ito ng tumitig rito si Carol. " Nakita mo naman ang ginawa ko hindi ba? " Pagtukoy nito sa paghuhugas niya, tumango naman ito sa kaniya. " Kung ganon sa oras na banggitin mo ang pagpapakain saakin babasagin ko sa ulo mo ang mga platong pinahugas mo saakin! " Nanlilisik niyang mata kaya agad rito napalunok si Paulo habang namumutla sa takot at muntik na itong mapasigaw ng hawakan siya ni Carol sa balikat. " Kalma, mabait naman ako " ngiti nitong plastic kaya mas kinabahan itong kasama niya " napansin ko kasi mahilig mong banggitin ang mga bagay na ginagawa mo para sa iba " dugtong nito " KAYA SA ORAS NA MABANGGIT MO ANG PAGPAPAKAIN SAAKIN ALAM MO NA ANG MANGYAYARI " paglalakad nito pabalik sa kwarto. " pambihira binibiro ko lang naman siya " bulong nitong si Paulo " Kaya naman pala tahimik siyang naghugas kanina " pagsunod niya rito pagkwan nag-aral na silang muli at pagkalipas ng ilang oras nakaramdam na rin ng pagka-antok si Paulo. " Ilang oras na kaming nag-aaral pero 2 problems lang ang nagawa namin " pagtingin nito sa may orasan " Carol mas maganda siguro kung bukas na lang tayo magpatuloy " lingon niya rito pero natigilan siya ng makitang nakapikit ito at mahimbing nang natutulog. " Dapat sinabi mong inaantok ka na " paglagay rin nito sa kamay niya sa table at pinatong rito ang ulo niya pagkatapus mainggit sa pagkakatulog nitong si Carol saka niya ito pinagmasdan pagkwan bumaba ang mata nito sa nakalaylay na kuwentas ni Carol. " OO NGA PALA HINDI KO PA NAITATANONG KUNG BAKIT HONEY ANG NAKASULAT SA KUWENTAS NIYA " pagtingin rito ni Paulo pero pakiramdam niya nakaramdam siya ng kakaiba pagkatapus matitigan ang mukha ni Carol habang natutulog. " BAKIT GANON IBANG IBA KAPAG NATUTULOG SIYA? HINDI MO MAKITA RITO ANG KAHIT NA ANONG BAKAS NG KASUNGITAN KAYA LANG BAKIT PARANG ANG LUNGKOT NG MUKHA NIYA? " pagmamasdan niya rito at pakiramdam niya tumigil ang mundo ng tamaan sila nang hangin ng electric fan habang nararamdaman nito ang lamig at nililipad nito ang buhok ni Carol. At pakiramdam niya biglang nagslow ang lahat habang pinagmamasdan nito ang buhok ni Carol na linilipad nang hangin. " BAKIT GANITO ANG NARARAMDAMAN KO? " paghawak nito sa puso niya ng makaramdam ito ng kalungkotan at hindi niya maitindihan ang dahilan " BAKIT ANG LUNGKOT?! " paghawak nito sa puso niya " BAKIT AKO NALULUNGKOT? " Bulong pa niya at napatingin siya sa paligid ng para bang may tumatawag sa kaniya. " Paulo... " Dinig niya sa pangalan niya pero hindi niya alam saan ito nagmumula pero isa lang ang alam niya subrang lungkot ng boses na naririnig niya. " Hindi ko alam pero bakit ganito ang nararamdaman ko? " Bulong nito at sumandal sa upuan niya habang nakatingin sa taas " Dati sa panaginip ko lang naririnig ang boses nila pero ngayon kahit gising ako naririnig ko " bulong pa nito at pagkalipas ng ilang minuto nawala na din ang mga naririnig niya kaya nagsulat siya sa diary notes niya bago tuloyang matulog. " Subrang lungkot " bulong pa nito. *** NAPAPIKIT si Paulo habang pinagmamasdan si Carol pagkatapus nitong ihagis ang alarm clock ng bigla itong tumunog senyales na umaga na. " Kawawa naman " pagpulot nito sa alarm clock. * SINO BANG NAGLAGAY RITO NG ALARM CLOCK? " sigaw pa niya at sa lakas non napahawak si Paulo sa tainga niya. " Bukod sa pagkabayolente niya ang hilig hilig niya ring sumigaw " mahina pa nitong sabi " Iwan ko rin ba paanong nagagawa ko pa ring tulongan siya sa kabila nang ugali at mga p*******t niya saakin sa bagay pinanganak nga naman akong mabait " pagtayo nito at pilit na inayos ang alarm clock pero ganon na lang ang gulat nito ng biglang bumangon si Carol. " SANDALI BAKIT AKO NANDITO?! " Hindi pa nito makapaniwalang tanong habang nakatingin sa kamang kinaroroonan niya. " Mabuti naman gising kana " paglingon rito ni Paulo at agad itong napalayo rito ng kuwelyohan siya nito agad " Te-teka bakit na naman? " Paninilip niyang tingin rito " haist ang aga aga pero sobrang lakas niya magalit " pag-iisip pa nito habang masama ritong nakatingin si Carol. PAULOS' POV: " BAKIT AKO NAKAHIGA SA KAMA MO? SABIHIN MO NGA MAY GINAWA KA BA SAAKIN?! " paghigpit nito sa pagkuwelyo saakin kaya ang hirap tuloy huminga. " Sandali mamamatay ako sa ginagawa mo " nahihirapan ko ritong sabi naramdaman ko naman ang pagluwag niya rito. " Magsalita ka! " Pananakot pa niya saakin at gusto ko lang sabihin kahit hindi siya manakot subrang nakakatakot na niya kaya isipin niyo na lang anong mararamdaman ko kung mananakot pa siya at saka ano bang iniisip nito saakin m******s? Palagi na lang niya ako pinag-iisipan ng masama ah. " ANO?! " Paghigpit na naman niya sa pagkakahawak saakin kaya ganon na lang ang ubo ko at dahil doon binitiwan niya din ako . " Pambihira papatayin mo talaga ako? " Paghabol ko pa sa hininga ko " Makinig ka gusto ko pang mabuhay kaya bakit naman ako magtatangkang may gawin sayo " lingon ko rito pagkatapus maalala ang mga nangyari kagabi " At saka ano bang tingin mo saakin m******s? " nag-iwas naman Ito ng tingin kaya mabilis akong tumayo at humarap rito " Ibig sabihin iniisip mo nga?! " Hindi ko pa makapaniwalang tanong rito. " Alam mo kahit isa ka pang mabait na bakla hindi pa rin maipagkakailang babae at lalaki ako at nasa loob tayo nang isang kwarto " Hindi ko naman napigilang matawa sa sinabi niya talagang iniisip pa niyang babae siya at dahil sa mga tawa ko sumubsub ako sa may mesa pagkatapus niya akong batokan at subrang lakas non. " CAROL KAPAG TULOYANG NASIRA ANG ULO KO IPAPAPULIS NA TALAGA KITA!! " sigaw ko rito pero hindi man lang ito natinag at nagawa pa nitong umupo sa kama ko habang nagmamayabang nakatingin saakin na para bang hinahamon pa ako. " Haist! Lobo nga siguro siya " at dahil sa naisip ko nag-iiba na naman ang anyo niya. Sa totoo niyan dalawang bagay lang ang nararamdaman ko kay Carol kaya dalawang bagay lang din ang nangyayari kapag nagkikita kami una natatakot ako sa kaniya ikaw ba naman saktan nito sa tuwing pagkikita niyo iwan na lang kung matuwa ka pang mabuhay nang kasama ang tulad niya kaya naman gusto kong iwasan siya pangalawa hindi ko alam pero alam kong maraming nakatago sa mga mata niya, Hindi ko alam pero kapag tinitingnan ko siya bigla akong nakakaramdam ng kalungkotan na para bang subrang lamig nang paligid kaya dahil doon hindi ko maiwasang maglalapit sa kaniya at tangkaing kilalanin siya pero hindi yon madali napaka bayolente niya at hindi ata mabubuo ang araw niya ng hindi niya ako nasasaktan at dahil pinanganak akong mabait isali niyo na lang din ang hindi ko maiwasang tulongan siya. " So paano ngang nakahiga ako sa kama mo? " Tanong nito pero bago pa ako makapagsalita mabilis itong lumapit sa study table diretso sa mga papel niya. " TEKA! DARATING NGA PALA SI MAMA KAYA KAILANGAN KONG MATAPUS ITO AGAD! DAPAT KASI HINDI TAYO NATULOG! " nag-aalala nitong sabi habang tinitingnan ang papel niya pero tumingin lang ako rito at mayamaya napalitan ang pag-aalala nang mukha niya. " Sandali natapus na natin? Pero ang maalala ko number 2 lang natapus natin " pagtataka pa niya. " Napansin ko magkapareho tayo ng sulat kamay kaya naisipan kong sagotan na lang bago pa dumating ang mama mo " nakita ko naman ang paglungkot ng mga mukha niya sa sinabi ko " Wag kang mag-alala kahit may posibilidad na hindi lang amnesia ang matatamo ko sa istoryang ito sa tuwing kasama kita eh tutulongan pa rin kita " lumingon naman ito saakin na halatang hindi niya naitindihan ang sinabi ko. " Ipakita mo lang yan sa mama mo para matuloy ang usapan niyo hindi ko naman sinasadyang makinig kahapon kaya lang narinig ko e " Sabi ko rito at mukha namang hindi siya nainis doon " Wag kang mag-alala puwedi ko pa rin namang ituro yan sayo kung gusto mo " nakita ko naman ang mabilis nitong mga ngiti pero alam niyo yon, nakangiti siya pero subrang lungkot pa rin. " Okay ka lang ba? " Pabigla ko ritong tanong pero tumalikod ito at niligpit ang mga gamit niya. " Kung ganon aalis na ako bago pa makarating si mama " pagharap nito saakin pagkatapus magligpit " At mukha namang wala ka talagang ginawa saakin pagkatapus kong matulog rito kaya hindi na kita tatanongin pa tungkol doon " seryoso nitong tingin saakin saka naglakad mabait talaga siya kaya nga ni pasalamat hindi niya nagawa na para bang ako pa ang dapat na magpasalamat sa kaniya. " Salamat " napalingon naman ako sa pagsasalita niya pagkatapus nitong buksan ang pinto " Alis na ako " Pag-alis nito ng tuloyan at napangiti naman ako sa sinabi niya. Pagkwan nagtungo ako sa Kama ko at inayos ito at napalunok ako nang maalala ang mga nangyari kagabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD