Kabanata 20

2879 Words
NATIGILAN sa pag-iisip itong si Paulo nang bumalik rito ang mga nangyari sa kanila kagabi. Flashback: MGA ilang pagkaka-idlip nagising si Paulo nang maramdaman nitong nananakit ang leeg nito at mga braso dahil sa pagkakatulog sa may study table at natigilan ito ng makita si Carol na naglalaway pa habang mahimbing na natutulog. " Nandito nga pala siya " inaantok pa niyang tingin rito " Panigurado baka masakit na rin ang mga leeg niya " tingin niya rito " Pero kapag ginising ko siya baka magpatuloy siyang gumawa ng assignment at hindi ko na kayang magturo sa ganitong antok at kung bubuhatin ko naman patungo sa kama baka hindi lang bugbog ang abotin ko sa kaniya sa oras na magising siya " pagmamasdan niya pa rito " Pero kung hahayaan ko siya rito paniguradong mananakit ang mga leeg at braso niya " pagtayo nito. " Bahala na nga gigisingin ko na lang " pagkwan niyugyog niya ito pero mabilis siyang napabagsak ng upo nang ihampas ni Carol ang mga kamay niya. " pambihira ang lakas non ah " paghawak nito sa ilong niya muntik na kasing tamaan " Kahit natutulog napaka bayolente pa rin niya " pagyugyog niya rito habang nakaupo at ganon na lang ang paglaki ng mata niya ng humiga ito sa may upuan kaya kitang kita ni Paulo ang dahang dahang pagbagsak ng inuupuan ni Carol habang nakahiga rito. " Nakakainis " pagsalo niya sa upuan gamit ang likod niya pagkatapus niyang dumapa para hindi tuloyang bumagsak si Carol at maumpog ang ulo niya, plastic naman ang upuan kaya hindi yon masakit pero inubo ito sa subrang bigat ni Carol" Talagang kahit sa pagtulog niya nanganganib akong kasama siya " dahan dahan niyang pag-alis sa upuan at pinahiga si Carol. " Grabe hindi pa rin siya nagigising sa kabila nang pinaggagawa niya " pag-iling pa nito habang hindi makapaniwalang pinagmamasdan si Carol na nakahiga sa sahig kasama ang upuan " Sa tingin ko kailangan ko na siyang dalhin sa kama at sa ganitong tulog na meron siya malabong magising pa siya " paghahanda niyang pagbuhat rito pero ganon na lang ang takot niya ng biglang tumayo si Carol. " BAKIT NAKAPIKIT SIYA? " pagtatago niya sa may gilid " Hindi kaya hindi talaga tao si Carol at isa talaga siyang___ " agad itong natahimik ng lumingon rito si Carol habang nakalagay ang ilang buhok niya sa harapan at nakapikit. " Pambihira hindi kaya siya si Sadako? " Paglunok pa nito mayamaya tumalikod si Carol pagkwan mataman niya itong sinundan ng tingin habang naglalakad ito sa diresyon nang kama at nang marating niya ito agad siyang natumba rito at tuloyang naghihilik at doon na rin nakahinga ng maayos si Paulo. " PATI SA PAGTULOG NIYA NAKAKATAKOT PA RIN SIYA " paghawak nito sa dibdib niya pagkatapus ng naramdaman niyang kaba saka huminga nang malalim " tama, sleep walk lang yon " bulong pa niya at nagtungo rito saka kinumotan at dahil sinakop na nito ang buong kama kaya sa may sofa nagtungo si Paulo pero nang iidlip na ito naaalala niya bigla ang pag-uusap ni Carol at nang mama niya kaya sinagotan niya muna rito ang assignment nito. " PUWEDI NA AKONG MATULOG " paghiga niya pagkwan lumingon ito kay Carol " Kawawa naman ang magiging partner nito sa buhay " ngiti nito bago tuloyang natulog. End of flashback! " NAKAKATAKOT TALAGA SIYA " paghiga nito pagkatapus maalala ang mga nangyari pero napalingon siya sa braso niya nang may maramdaman siya rito " Ito yong kuwentas niya ah " pagkuha niya sa naiwang kuwentas. SAMANTALA ganon na lang ang asar ni Carol ng makita nitong nakaparada sa labas nang bahay nila ang isa sa sasakyan ng Santos. " Tsk! Kung ganon dumating na siya " paglalakad nito pero natigilan ito sa pagpasok sa loob nang makita niya ang katabi ng Lola niya. " BAKIT NANDITO KA? " tanong nito agad kay Josh habang nakatingin ito sa kaniya. " May kinailangan puntahan si Tita kaya ako na lang ang sumundo sayo " sagot nito. " BAKIT IKAW?! " tanong pa nitong muli habang naaasar ang mukha " Nasaan siya? Kung Wala si mama edi dapat siya! " Pagtukoy nito sa personal driver niya na siyang madalas nitong kasama mula ng tumungtong siya sa Santos house. " Masyadong maaga nong pumunta ako rito kaya hindi ko na siya sinabihan " paliwanag rito ni Josh naaasar naman itong umalis pagkwan mabilis ritong sumunod ang Lola niya. " Sandali nasagotan mo ba Apo? Nasagotan niyo ba? Ano? " Tanong ng matanda rito habang pinagmamasdan sila nitong si Josh. " Nasagotan na po, Sabi ko naman sainyong sisiw lang saakin ang gumawa ng assignment " mayabang pa nitong sabi. " Sa bagay Apo kaya nga napilitan kang pumunta rito at manatili sa ibang bahay buong gabi " pagbibiro rito nang matanda. " WAG NGA KAYONG GANIYAN LOLA! PALAGI NIYO AKONG DINADOWN HINDI NIYO BA ALAM NA APO NIYO AKO? KAYA YONG SINASABI NIYO SAAKIN BABALIK DIN SAINYO " malakas nitong sabi kaya ganon na lang ang tawa ng matanda. " Sige na po maliligo na ako! " Pag-iwan nito sa Lola niya habang tinitingnan ang assignment nito. " Kahit dito mahilig din siyang sumigaw at maliit din ang pasensya niya pero kahit papaano makikita mo sa mukha niyang masaya siya hindi tulad sa bahay " pagmamasdan rito ni Josh habang nakangiti. " Magandang umaga po " napalingon naman si Josh at ang matanda sa tao sa may gate. " Ako na lang po " pagtayo ni Josh. " Hindi na Sir Josh " pagmamadaling maglakad ng matanda kaya hindi na nakipagtalo si Josh at naupo na lang din. " Paulo, Apo halika tumuloy ka " masaya ritong ngiti nang matanda ng mabuksan niya ito " Ano bang dahilan at nandito ka? " Pagpapasok pa niya rito. " May naiwan po kasi si Carol sa kwarto ko " Ganon na lang ang gulat niya ng itulak siya ng matanda sa may gate at pinatalikod saka mabilis na hinawakan ang dalawang braso niya at nilagay sa may likod. " Sa-sandali po, a-ano po ba-bang kasalalan ko? " Nauutal nitong tanong. " UMAMIN KA ANONG DAHILAN AT NASA KWARTO MO ANG CAROL KO? ANONG GINAWA MO SA KANIYA? MAY GINAWA KA BA SA KANIYA? UMAMIN KA! " sunod sunod nitong sabi at hinigpitan pa lalo nito ang pagkakahawak sa braso ni Paulo at sinubsob sa may gate. " Ano po bang gagawin ko sa kaniya? " Nahihirapan nitong sabi habang nakadikit ang buong katawan niya sa may gate. " E bakit nasa kwarto mo ang Apo ko? " Pamimilit pa nitong paaminin si Paulo. " Gumawa po kami ng assignment Lola kaya po siya nandoon " mabilis naman siyang binitawan nito sa sinabi niya. " Pasensya kana Apo nakalimotan kong gumawa nga pala talaga kayo ng assignment " pagtulong niya ritong tumayo ng maayos pagkatapus niya itong isubsob sa may gate. " Okay lang po yon, naiitindihan ko po " kinakabahan pa nitong sabi. " Pasesya kana talaga " pagngiti niya rito na para bang walang nangyari " o siya, tayo na't pumasok at saka sumabay kana rin saamin mag-almusal kung hindi ka pa nakakakain " paglalakad nang matanda. " Ah hindi na po Lola, salamat na lang po dinala ko lang po talaga itong kuwentas ni Carol____ " " Pumasok kana Apo kahit pasasalamat ko na lang sa pagtulong mo sa apo ko " pagsasalita nito habang naglalakad at wala naman siyang nagawa kundi sumunod rito. " NGAYON ALAM KO NA KUNG SAAN NAGMANA NG UGALI SI CAROL " paglalakad nito pero natigilan siya ng makita nito si Josh pero mayamaya nagtungo na din siya rito. " Kung ganon sayo nagpatulong si Carol at natulog sa kwarto mo? " Bungad rito ni Josh kaya mabilis siyang umatras. " OO PERO KUNG NAG-IISIP KA NANG MASAMA PAKIUSAP WALA AKONG GINAWA SA KAPATID MO " natatakot pa nitong sabi pagkatapus maisip ang ginawa rito ng lola ni Carol pagkwan nakita nito ang bahagyang pagtawa nitong kausap niya kaya kumalma na din siya. " Alam mo nakakamangha ka dahil nagagawa mong samahan si Carol ng isang oras at base sa nakikita ko maayos ka pa tingnan " ani Josh kaya naupo na din si Paulo " Paano mo yon nagagawa? " magulo nitong tanong hindi kasi tugma ang tanong niya sa expression ng mukha nito pero gayon pa man sinagot pa rin ito ni Paulo. " Sa totoo niyan sa bawat segundong kasama ko siya subrang lakas ng heart beat ko sa takot " kinakabahan pa nitong sabi " walang pagkikita namin na hindi niya ako sinaktan " mabilis nitong sagot ng walang pag-iisip. " e bakit sinasamahan mo pa rin siya? " natahimik naman si Paulo sa tanong nito " Alamo ang mga sinabi mo ang dahilan bakit walang may gustong sumama sa kaniya___ " natigilan ito nang putolin ni Paulo ang pagsasalita niya. " Pati ba ikaw? " napalingon naman siya rito " Nagtataka rin talaga ako paanong kinailangan pa niyang mag-aral dito gayong puwedi niyo naman siyang tulongan pero dahil sa sinabi mo naiitindihan kita" seryoso nitong sabi " Kaya lang sa tingin ko may mga bagay na hindi tama tungkol sa kaniya na kailangan niyong malaman dahilan bakit ganon ang ugali niya hindi ko alam kung ano pero ang alam ko subrang lungkot ng mga mata niya " pag-alala nito sa mga mata ni Carol at ilang segundo sa kanilang namutawi ang katahimikan bago ito putolin ni Josh. " Napansin mo rin pala " napalingon naman siya rito pagkatapus nitong marinig ang malulungkot nitong boses pero bago pa siya makapagtanong biglang sumulpot itong si Carol at kinabahan ito bigla ng sa direksyon niya ito naglalakad. " AKIN NA! " paglalahad nito sa kamay niya ng marating siya nito pero tumingin lang siya sa palad nito. " Ang alin? " pagtataka pa niya ng malimotan ang sadya niya rito at agad itong napahawak sa ulo niya ng itaas ni Carol ang kamay nito para hampasin na naman siya. " AKIN NA NGA! ANO BANG GINAGAWA MO?! " sigaw nito habang nakayakap sa ulo nito si Paulo at mabilis siyang tumayo ng walang tumama sa ulo niya at si Josh ito nakatingin sa kanila. " HAIST!!! PAMBIHIRA MANGHAMPAS KANA PERO HUWAG ANG ULO KO! " medyo mataas ang boses nitong sabi pagkatapus matakot ng maisip na hahampasin siya nito. " AKALA MO NAMAN ANO NG NANGYARI SAYO " paghawi nito sa buhok niya kaya tuloyan na siyang natahimik at si Josh hi di niya mapigilang mapangiti sa bangayan ng dalawa " NASAAN NA? NANDITO KA DAHIL DOON DIBA? IMPOSIBLE NAMANG NAMIMISS MO AKO AT SAKA KUNG NAMIMISS MO MAN AKO____ " " Una gusto ko pang mabuhay ng normal kaya hindi pa ako nasisiraan nang ulo para mamiss ka! Pangalawa! Ayaw kong mapadali ang buhay ko kaya bakit kita mamimiss?! tsk! makinig ka kapag ako hindi nakapagpigil matitikman mo itong mga kamao ko!!! " mga sigaw nito napalunok naman si Carol sa takot kaya ganon na lang ang ngiti niya ng mala-demonyo " tsssk! Ang dali pala niyang takotin e " paghalukipkip nito pero mabilis itong napahawak sa noo niya nang pitikin ito ni Carol. " NANANAGINIP KA BA? TSK! NASAAN NA BA KASI YON?! " bumagsak naman ito sa upuan pagkatapos niyang magising at matitigan ang mata ni Carol pagkatapus nitong hawiin ang buhok niya. " HAIST! HOY JAMPAWLO TALAGA BANG INAASAR MO AKO?! " sigaw pa nito at hindi naman mapigilang matawa ni Josh habang pinagmamasdan ang takot sa mukha ni Paulo pagkatapus nang mga panaginip niya na siyang nabasa rin nito. " KUNG GANON TAKOT NA TAKOT NGA SIYA RITO " pagpipigil nito ng tawa. " Puwedi ba Wag kang sumigaw " kinakabahan nitong pagbibigay sa kuwentas. " Ang tagal mo eh " pagkuha niya rito saka naglakad patungo sa lola niya. " LOLA ANONG ULAM? YONG KAHAPON PA RIN BA? " malakas nitong tanong. " akala mo naman may pagitan silang bundok para sumigaw " bulong pa nito. " Mga apo halina kayo " agad namang tumayo si Josh sa tawag nang matanda kaya sumunod na rin si Paulo. " BAKIT NAMAN PATI SILA LOLA? MARAMI NAMANG PAGKAIN ANG JOSH NA YON SA BAHAY NILA AT SAKA NASA KABILANG BAHAY LANG NAMAN ANG JAMPAWLO NA YON KAYA TAYO LANG PO! " sabi nito pero napangiti na lang ang dalawa sa sinabi niya pagkwan dumating na din sila sa hapag kainan at sabay na naupo. " Magdasal muna tayo " sabi ng matanda at sinimulan na niya ito at napalingon si Josh sa Carol na halatang naiinip at hindi nagdadasal. " Anong ginagawa mo? " nakakunot naman siyang lumingon kay Paulo pero mayamaya sinunod niya rin ito kaya si Josh tahimik lang niyang pinanood ang dalawa hanggang sa natapus silang kumain at gaya ng iniisip niya iba ang pakikitungo rito ni Carol. " MAG-IINGAT KAYO " yakap pa nang matanda kay Carol pagkwan dumako ang mata nito sa Paulong naghihintay makaalis sila. " Sige po Lola, Paulo " pagpapaalam ni Josh kumaway naman siya rito bilang sagot. " HOY TULONGAN MO SI LOLA MAGHUGAS NANG PLATO! " lingon rito ni Carol bago sumakay. " haist! Alam ko yon " lingon rito ni Paulo " sige na, mag-iingat kayo " kaway pa nito nakita naman niya ang bahagyang ngiti nito bago tuloyang sumakay at umalis. " Kakaiba talaga ang Apo ko pero mabait naman yon pero masyado lang malihim " masayang ngiti ng matanda habang pinagmamasdan ang sasakyan nila Carol na papalayo. " Tama po kayo Lola " pagsang-ayon niya rito " YONG MATA NIYA ANG DAMING GUSTONG SABIHIN " pag-iisip pa nito sa mga mata ni Carol. " O siya papasok na ako, umuwi kana rin " paghawak rito nang matanda " Natutuwa ako at may bagong lipat na tulad mo dito saamin, salamat sa pagiging mabait sa apo ko " pagpuri niya pa rito kaya ganon na lang ang pamumula ng pisngi niya. " Sige Apo pumasok na tayo baka hinahanap kana rin nila Lusin" sabi ulit rito ng matanda saka naglakad " Bakit Apo? " lingon niya rito ng sumunod ito sa kaniya. " yong Plato po " pagsara nito sa gate. " Naku! yon ba? Huwag mo nang pansinin ang sinabi ng apo ko nagbibiro lang yon " pagpigil niya rito. " Sa tingin ko po hindi yon nagbibiro kaya kapag nalaman niyang hindi ko kayo tinulongan baka ano na naman ang abotin ko doon " paglunok pa nito ng maisip ang pagkabayolente ni Carol " at saka po gusto ko talagang tulongan kayo, tayo naman po kasi ang gumamit non " ngiti pa nito kaya hindi maiwasang matuwa rito ng matanda. " Hindi ko alam anong klaseng mga magulang ang meron ka para mapalaki ka nila ng ganito kabait at ang mga ngiti mo hanggang mata ay nakakapag pagaan ng problema " paglalakad nito habang nagsasalita pero hindi maitindhan ni Paulo pero mayroon siyang naramdamang kakaiba pagkatapus nang mga sinabi nito. " Akala ko ba tutulongan mo ako? " lingon niya rito nang hindi ito sumunod sa kaniya. " Pasensya na po " pagpunta niya rito. SAMANTALA hindi naman maiwasang lingonin ni Josh si Carol habang pinapakiramdaman ang paglarga ng sasakyan kahit nakainom na ito nang para sa hilo. " Talaga bang aalis ka muli sa bahay? " tanong nito pero parang walang narinig itong tinanong niya " Puwedi naman kitang tulongan sa pag-aaral mo kaya manatili kana lang sa bahay " dugtong pa nito. " Hindi naman yon ang dahilan " tipid nitong sagot. " si Lola? " tanong pa niya pero kagaya kanina hindi na naman umimik si Carol " si Paulo? " agad naman itong lumingon sa sinabi niya " May gusto ka rin ba sa kaniya? " tanong pa nito. " Walang dahilan para sagotin ko ang mga tanong mo kaya manahimik ka na lang at isa pa sino ka ba sa akala mo? " malamig nitong tugon. " Base sa nakikita ko masyadong kakaiba ang pakikitungo mo sa kaniya " pagsasalita nito kaya ganon na lang ang asar nito kaya pumikit ito para matulog ng tuloyan para manahimik si Josh. " MABAIT SIYA WALANG DUDA YON PERO KUNG MAY GUSTO KA SA KANIYA HINDI MAGANDANG IPAGPATULOY MO YON " dumilat naman siya sa sinabi nito " Alam kong nandoon ka din nong may magbigay sa kaniya ng sulat at alam kong nakita mo ring nandoon si Anika at alam mo na ang ibig sabihin non___ " " WALA AKONG PAKI SA IBIG SABIHIN NON AT SA MGA SINABI MO " naaasar nitong pagputol sa pagsasalita ni Josh saka tuloyang pumikit nanahimik naman siya ng maramdaman ang masamang ihip ng hangin dala ng nararamdaman ni Carol. " NAIIBA SIYA, HINDI KO SIYA GUSTO AT HINDI NIYA RIN AKO GUSTO, ALAM KO YON PERO ALAM KONG PAREHO KAMI NG NARARAMDAMAN PAGKASAMA KO SIYA, PANATAG ANG LOOB KO SA KANIYA " pagsasalita nito habang nakapikit " pero siguro, dahil masyado lang siyang mabait " natigilan naman si Josh sa ngiting gumuhit sa labi nito ng sabihin yon kaya buong byahe siyang nanahimik. At sa araw na ito buong araw nag-aral si Carol at kagaya nang madalas mangyari pagmag-isa siyang nag-aaral pagtititigan lang sa papel ang nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD