Kabanata 21

4167 Words
HINDI maalis ang ngiti sa mga labi ni Carol habang nililigpit ang ilang gamit niya para sa paglipat nito sa lola niya pagkwan dumako ang mata niya sa pinamili rito nang mama niyang school supplies. " OKAY LANG NAMAN SIGURO KUNG DALHIN KO ITO TOTAL HINDI NAMAN GANON KAMAHAL " pagsilip niya rito kaya sinali na rin niya ito sa mga dadalhin niya pagkwan naglakad na din siya palabas ng kwarto niya. " Natutuwa talaga ako at aalis na siya rito " napahinto naman siya sa sinabi ng mga katulong na maghahakot sa mga gamit niya. " HOY WAG NGA KAYONG GANYAN SA TAO " saway nang kasamahan nila kaya bahagya itong sinilip ni Carol ng ipagtanggol siya nito pero binawi niya rin yon ng magsalitang muli ang kasama nito. " sus! wala naman dito si Sir Josh kaya okay lang kung magpapakatotoo ka " at isang malakas na tawanan ang naganap sa mga ito. " Halika na " napatingin naman siya kay Josh na kanina pa naghihintay sa paglabas niya " Aalis kana rito kaya okay lang naman siguro kung aalisin mo yang mga magkasalubong mong kilay? " pagharap niya rito habang nakapamulsa at nakangiti pero batid rito ang lungkot. " Tsk! Kung nalulungkot ka, okay lang yon " paglalakad nito " Pero makikita ko pa rin naman ang mga pagmumukha niyo sa school kaya walang nakakalungkot sa pag-alis ko " sabi nito habang sumasabay rito si Josh. " Tama ka " ngiti nito habang nakatingin sa kasabay niya " At saka nandito ka rin naman every weekends kaya okay lang yon " paglalakad nila. " HINDI YON OKAY SAAKIN! " mabilis nitong paglalakad kaya naiwan niya ito. " ANG MGA KATULONG PA RIN KAYA ANG DAHILAN BAKIT SIYA AALIS RITO? " paghinto nito pagkatapus mapansin ang malulungkot na tingin ni Carol nang makasalubong nila ang ilang katulong " PERO TINANGGAL NAMAN NI DADDY LAHAT NG MGA KATULONG NA NAKAKAIRITA " pag-iisip pa nito at lumingon sa ilang katulong na nasa paligid niyang naglilinis at base sa nakikita niya wala namang kakaiba sa mga ito " Dapat kasi kunting katulong lang ang kinukuha ni daddy " naiirita nitong paglalakad palabas para sundan si Carol sa may sasakyan. " Sandali bakit halos dinala mo na ata ang mga gamit mo? " pagtingin ng mama ni Carol sa sasakyang magdadala ng mga gamit niya " Carol nasabi ko namang dito ka sa bahay every weekends hindi ba? " nag-aalala niyang tingin rito " Wala akong sinabing lalayas kana rito ng tuloyan " dugtong pa nito. " madami lang yan kasi hindi naayos at saka sumusunod naman ako sa usapan kahit ayaw ko pa " masungit nitong sabi. " Tandaan mo walang nag-utos na umalis ka rito, kagustohan mo ito kaya kung sakaling may mangyari magsabi ka lang agad saakin o kaya umuwi ka agad rito " yakap niya pa rito. " Ano namang mangyayari saakin sa bahay ni Lola " Hindi niya pagyakap rito pero nanatili ritong nakayakap ng mahigpit ang mama niya na para bang ayaw siyang payagan nito kaya bahagya nitong hinawakan ang damit nito sa may beywang " Sumama na lang kayo saakin mama " mahina nitong sabi kaya mabilis itong tumingin sa kaniya pero agad siyang nag-iwas ng tingin rito para itago ang lungkot na nararamdaman niya. " KALIMOTAN NIYO NA YONG SINABI KO " pagharap niya ritong muli at wala ka ng makikitang kalungkotan sa mukha niya. " Carol pumasok na tayo " pagdating ni Josh kaya hindi na nakapagsalita pa ang mama nito. " at ano naman ang kinalaman ko sa pagpasok mo? " masungit niyang lingon rito. " Kasi ma'am puno na itong sasakyan kaya hindi ko na kayo maihahatid sa school at isa pa mahirap na mahilo kayo at magsusuka sa mga gamit niyo, mahirap po maglaba " madaldal ritong sabi ng driver niya kahit papaano kasi close din sila nito. " EDI BALIKAN MO LANG YONG IBA! " Masungit nitong sabi. " E ma'am kawawa naman yong mga katulong na naghahakot tas ipapalabas niyo na naman sa kanila " pagtukoy nito sa mga katulong na may dala ng mga gamit niya. " Okay lang po yon, madali lang naman maghakot kaya kung ano pong gusto ni ma'am carol yon po ang gagawin namin " Napalingon naman si Carol sa mga katulong na pumasok sa kwarto niya kanina. " Opo, tama po yon " masigla pa nilang sabi kaya ganon na lang ang asar niya sa pamamlastik nila. " PUWES ANG GUSTO KO ILABAS NIYO YANG MGA GAMIT KO TAS IBALIK NIYO ULIT! " ganon naman ang gulat nila sa sinabi nito. " Carol ano ba aalis kana rito pero ang sungit mo pa rin sa lahat " mahina ritong saway ng mama niya. " Ano bang dahilan para maging mabait ako sa kanila? Isa pa naiirita ako sa mga ngiti nila! " paghawi nito sa buhok niya at pumasok sa sasakyan ni Josh papuntang school. " sige po tita " halik rito ni Josh sa pisngi saka sumakay kaya umalis na din ito. " nakakaasar talaga, nakakaasar ang carol na yon! Sino ba siya sa akala niya?!!! " pagmamaktol ng mga katulong habang itinatapon sa loob ng sasakyan ang mga gamit nito pagkatapus nilang maiwan rito. " BAKIT BA HINDI PA TAYO UMAALIS?! " masamang tanong ni Carol habang nakaupo sa may bandang likod at nakalollipop. " Si Anika pero lalabas na din yon " ani Josh pagkatapus niya itong lingonin sa may likod pero natigilan itong dalawa sa biglang pagdating ni Anika habang sumisigaw. " Anika anong nangyayari sayo? " tanong agad rito ng Kuya niya. " KUYA ANONG GAGAWIN KO?I " nag-aalala niyang sabi kaya nag-alala rin bigla itong si Josh. " Ano bang nangyari? Bumagsak ka? Natanggal sa pagiging captain ball? Varsity player? ano? " sunodsunod niyang tanong rito. " Haist! wag nilang sabihing buong byahe silang mag-uusap " lingon nito sa labas " nakakainis " naaasar nitong sabi habang naririnig ang pag-uusap nang dalawa. " that's impossible " sabi nito agad. " then, what?! " naaasar na niyang tanong rito, Hindi kasi ito mahilig sumigaw at mahina lang magsalita pero ngayon hindi ito mapakali. " KUYA I'M WORRIED " panlulumo nito. " Worried for what? " tingin niya pa rito. " PAMBIHIRA! NAG-ENGLISHAN PA SILA! " paghawak ni Carol sa tainga niya para hindi sila marinig. " si Ken po! " " o bakit gusto mo na? Well, maganda na rin yon mukha namang gusto ka talaga non___ " " Shut up! " natahimik naman siya sa pagputol nito sa pagsasalita niya " Si Ken siguradong lagot sa kaniya si Paulo " napatingin naman rito bigla si Carol sa pangalang binanggit niya. " Bakit anong nangyari? " Ganon na lang ang gulat ni Anika nang makita niya ito sa may likuran pagkatapos magtanong " ANONG GINAWA NG KEN MO KAY JAMPAWLO?! " paglapit pa nito. " Bakit nandito siya? " mahina pa nitong tanong " pero sandali Carol, ano kasi, sana huwag mong sabihing KEN MO, kasi hindi ko naman siya pagmamay-ari " mahina niyang sabi rito. " Ano ngang gagawin non kay Jampawlo? " pagbalewala niya sa sinabi nito mataman namang naghintay si Josh sa sagot nito. " Nag-aalala kasi akong makita niya ito " agad namang tiningnan ng dalawa ang tinutukoy nito at agad napalingon si Josh kay Carol sa mga nakita niya at gaya ng inaasahan nakita nito ang pagsama nang hitsura nito. " PAMBIHIRA BAKIT BA MAY GANIYANG LITRATO KAYO?! NABABALIW KA BA?! " sigaw nito pero hindi naman rito magawang tumingin ni Anika. " Sa totoo niyan hindi ko alam kung bakit " nag-aalala nitong sabi " nasa may gate kami niyan at hindi ko inaasahang may nakakuha pala saamin nang litrato " mahina nitong sabi. " TSK! BAKIT NGA BA AT HALOS MAGYAKAPAN NA KAYO DIYAN?! " naaasar pa nitong sabi kung maalala niyo, ang litrato na ito ay yong nasa may gate sina Anika at bigla siyang natisud kaya mabilis itong nasalo ni Paulo na siyang nakunan nila Aira at Andy , Oo sila yong magkaibigang kumuha sa kanila nang litrato. " SINALO NIYA AKO KAYA GANIYAN ANG KUHA NAMIN " nag-aalala pa niyang sabi. " Tsk! Nababaliw na kayo! " naaasar na pagbalik ni Carol nang upo. Napalingon naman si Josh sa pamumroblema nitong dalawa. " Sino bang nagpost niyan? " Natauhan naman bigla si Carol sa tanong ni Josh. " Oo, sino ba? Tsk! Lagot yan saakin " paghawi pa nito sa buhok niya. " dummy account pero Kuya nakita na po ni Ken, ang daming nagmention sa kaniya " nag-aalala nitong boses. " Wala nang kuwenta yang pag-aalala mo diyan!! Tsk! " asar ritong lingon ni Carol " Maiitindihan ko pang gawin yan ni Jampawlo pero ikaw?! Tsk! Alam mo naman ang kayang gawin nang Ken na yon pero hindi ka pa rin naging maingat! " Paglingon nito sa labas ng sasakyan na halatang naiinis. " I'm sorry pero hindi ko talaga alam na may makakakuha ng litrato saamin " nahihiya nitong sabi habang nag-aalala pero hindi na siya inimik nitong si Carol " Pasensya kana kung nawalan ng kuwenta yong mga sinabi mo tungkol sa pantalon mong na kay Paulo___ " natahimik naman ito ng lumingon sa kaniya si Carol habang ang dilim ng mukha. " MAKINIG KA, ANG BAGAY NA YON AY WALA AKONG BALAK NA BUHAYIN SA ALAALA KO HABAMBUHAY KAYA HUWAG NA HUWAG MONG MABABANGGIT ULI SAAKIN!! " Pagkuyom nito sa kamao niya pagkatapos maisip ang mga pinagsasabi niya tungkol sa pantalon " NAKAKAHIYA YON AT SUBRANG NAKAKAASAR DAHIL HINDI NAITINDIHAN NANG JAMPAULO NA YON ANG DAHILAN BAKIT KO YON GINAWA TSSSK! TAS NGAYON TULOYAN NA YON MAWAWALAN NG KUWENTA DAHIL SA GINAWA NILA NANG ANIKA NA ' TOH! " masama nitong pag-iisip. " Pasensya na talaga " mahina pang sabi rito ng kapatid niya " Wag kang mag-alala sa ngayon ako naman poprotekta kay Paulo mula kay Ken " matatag nitong sabi kaya napalingon rito itong Kuya niya at si Carol? ito walang paki sa mga sinabi niya. " Hindi ko alam paano mo yan gagawin pero sinasabi ko sayo, isang tulad ni Ken ang kakalabanin mo " napalunok naman si Anika sa sinabi ni Josh. " Kung ganon Kuya anong kailangan kong gawin? Dalii Kuya sabihin niyo, matalino ka rin kaya alam kong may maiisip ka " pangungulit niya rito habang nakahawak sa isang kamay niya. " Pasensya na pero sa ngayon wala pa akong naiisip " Ani Josh pagkatapos bawiin ang kamay niya " at saka tama si Carol masyadong mapanganib si Ken kaya paanong hinayaan mong magka-interest siya kay Paulo? " paghalukipkip nito at tumingin nang diretso " Habang nasa loob ka nang mundong pinapairal ni Ken o nang Suson ang batas wala kang kapangyarihang pakialaman at kumalaban roon " seryoso nitong sabi " Sana bago ka naglalapit kay Paulo naisip mo ang puweding mangyari kapag nalaman yon ni Ken " dugtong pa nito kaya mas lalong humaba ang pagkakanguso ni Anika. " EDI TULONGAN NIYO AKONG DALAWA " lingon niya sa mga ito at ganon na lang ang asar niya ng sabay na sumandal at pumikit ang dalawa " Ang Sabi ko tulongan niyo ako! HINDI TULOGAN!! " Naiinis nitong sabi " ANO BA KASING NAGAWA KO " nanginginig nitong paghawak sa phone niya habang tinitingnan ang litrato nila " SINO BA KASING GUMAWA NITO!!! " pagpikit na din nito para mag-isip ng magandang plano at hanggang sa dumating sila wala itong naisip. " Wala ba talaga kayong gagawing tulong saakin? " matamlay niyang tanong sa dalawa bago bumaba sa sasakyan. " Sa ngayon wala akong naiisip maliban sa bantayan niyo nang maigi si Paulo pero Anika tandaan mo hangga't hindi lumalamig ang nangyayari bawal kang lumapit kay Paulo, iwasan mo yon " tumango naman ito bilang pagsang-ayon pero si Carol tahimik lang ito hanggang sa naglakad sila papasok. " Kung ganon paano na makakapasok si Paulo? " Mahina nitong tanong pero tama na ang pandinig ni Carol para marinig ang pag-uusap ng dalawa habang nauuna siya sa mga ito. " Anong ibig mong sabihin? " Pagtatanong rito ni Josh at bahagya naman siyang naglakad ng mabagal habang hinihintay ang magiging sagot nito. " Sa totoo niyan, hanggang ngayon hindi pa nahahanap ni Paulo ang ID niya kaya nag-isip ako ng paraan para matulongan siya " pagkukwento nito " Sa tuwing papasok tayo hinihiram ko ang ID ni Rohan at pinapahiram ko naman yon kay Paulo para masuot niya at makapasok nang school ng hindi napaparusahan " mahaba nitong sabi " At nag-aalala akong baka ngayon hinihintay niya ako sa labas " malungkot nitong sabi " Kuya kung mag-iingat ako puwedi ko naman siguro siyang puntahan kahit ngayon lang? Baka kasi hintayin niya ako at para maipaliwanag ko na rin sa kanya bakit hindi ko na siya matutulongan " Lingon nito kay Josh pero bago pa siya makasagot mabilis na naglakad si Carol pabalik. " Saan na naman siya pupunta? Akala ko ba papasok na yon ng maayos? " Tanong pa nito " pero Kuya baka puweding sayo na lang ako humiram ng ID ngayon para kay Paulo? " Sabi nito ulit ng maalala si Paulo pero patuloy lang naglakad si Josh. " Kuya Josh.. " habol niya rito. " Huwag kang mag-alala makakapasok yon " sigurado nitong sabi " Sa tingin mo hahayaan siya ni Carol na masaktan ni Ken? " Nangislap naman ang mukha nito sa sinabi ni Josh. " Kung ganon siya ang dahilan kung bakit siya bumalik? " Tanong pa niya. " Hindi ako sigurado pero malakas ang kutob ko " ngiti niya rito kaya napangiti na rin siya pero nawala din agad yon pagkatapus ng mga naisip niya. " KUNG KASING TAPANG KO DIN SANA SIYA " malungkot nitong sabi habang naglalakad kasama ang Kuya niya. " TINULONGAN NIYA AKO SA ASSIGNMENT KO KAYA WALA NAMAN SIGURONG MASAMA KUNG TUTULONGAN KO SIYA ULIT " paglalakad nito pero natigilan siya ng marinig niyang nagsasalita sa may likod ng school sina Ken pagkatapus nitong magtungo sa paborito niyang daanan. " Kung ganon boss araw araw na naman nating aabangan ang mabangong karibal niyo? " Usapan ng mga Ito. " OO!!! DAHIL GINGALIT TALAGA AKO NG TARANTADONG IYON! " Masamang sabi ni Ken " Makinig kayo tuturuan natin nang leksyon ang gago na yon! " Nanggigigil nitong sabi. " E paano yong Lolo niyo boss? " Tanong pa ng mga ito habang nakikinig si Carol. " MARAMING PARAAN PARA HINDI MAGALIT ANG LOLO KO " pagngisi nito pagkatapus makaisip ng plano " At sa pagkakataong ito magsisisi ang Paulo na yon dahil hinawakan niya ang magiging girlpren ko! " Masama nitong balak. " BUWESIT NA MUKHANG MANOK NA 'TOH ANG DAMI NIYANG NALALAMAN " mabilis nitong paglalakad patungo sa may gate para puntahan si Paulo at saktong pagkarating nito sa may gate nakasalubong niya si Stell kaya ganon na lang ang pangingislap ng mata nito habang namumula at nakatingin sa kaniya. " Go-good Morning Carol " Kinakabahan pa nitong bati sa kaniya. " Sumunod ka saakin! " Paghila nito bigla kay Stell gamit ang ID nito kaya ganon na lang ang ngiti niya kahit nahihirapan na itong huminga at kahit pinagtitinginan na sila nang ilang istudyante. " PARANG NANGYARI NA 'TOH AH " nakangiti nitong pag-iisip pagkatapus siyang dalhin nito sa madilim na lugar na siyang pinagdalhan din rito ni Paulo dati. " Pahiram ako nang ID! " Sabi nito agad ng walang paliguygoy. " Pe-pero bakit? " Kinikilig pa nitong tanong. " Kung ipapahiram mo ibigay mo na! Huwag ka nang magtanong! " Seryoso pa niyang sabi. " Ipapahiram ko naman pero ano bang dahilan? " Pagtanggal niya sa leeg niya habang nagsasalita. " Wala ka bang alam tungkol sa pesbook?! " Pagkuha niya sa ID nito. " f*******:? Bakit anong mayroon doon? " Nagtataka pa niyang tanong. " IMBIS NA MAGTANONG KA NANG MARAMI BAKIT HINDI MO NA LANG KAYA ALAMIN? " naaasar nitong sabi saka naglakad kaya natahimik naman si Stell pagkatapus makita ang inis nitong mukha. " Kung puwedi bantayan mo nang maayos ang kaibigan mo " bilin pa nito bago tuloyang umalis. " Kung ganon si Paulo ang dahilan? ano na naman kayang nangyari? " Pag-iisip nito. Paulo's POV: SOBRANG nakakapagtaka ng araw ngayon hindi ko alam pero pakiramdam ko ang daming matang nakatingin saakin at saka hindi pa rin dumadating si Anika madalas nauuna yon saakin o kung mahuli man maliliit na minuto lang minsan nga segundo pa pero ngayon malapit na akong ma-late sa first period namin pero wala pa rin siya. " Paulo bakit ka nandito? " Napalingon ako sa pagtatanong ng mga kaklase kong kararating lang mamaya sinundan pa ito nang ilang mga babae hindi naman sa pagmamayabang pero ito yong ilan sa may crush saakin at galing sa iba't ibang department at section. " Dre ang tapang mo naman " pagtapik pa saakin ng ilang mga lalaki bago pumasok ng madaanan ako. " Pero kung ako sayo uuwi na lang muna ako masyado pang delikado Dre " sambit pa ng ilang lalaki kaya lalong hindi ko maiwasang magtaka sa ano bang mga nangyayari. " Paulo dalian mo na umuwi ka na lang " Sabi ng ilang babae " totoo yon, kami ang kinakabahan sayo " nag-aalala pa nilang sabi " Paulo umuwi kana lang " natatakot nilang tingin saakin, ano ba talagang nangyayari. " MAY NANGYARI NA BA SAYO?!! " agad namang napalingon ang lahat sa boses nang lalaking biglang dumating. " Justin!!!!! " Namumula nilang tingin rito at isang gummy smile at kaway ang isinagot niya sa mga ito bago Ito tumingin saakin at umakbay. " Mukha ka pa namang okay " mausisa niyang tingin sa mukha o sa buong ako. " Bakit ano bang nangyayari? Sahihin mo nga, bakit ba pakiramdam ko may mga bagay kayong nalalaman at ako lang ang hindi " tanong ko rito agad parepareho kasi sila nang kinikilos. " Ibig sabihin wala kang alam? " Sabay sabay nilang tanong saakin at tumango lang ako sa kanila ng mahina bilang sagot. " Kaya naman pala nandito ka " sabay sabay pa nilang sabi at hindi ko alam at sabay sabay din silang kumuha ng phone na para bang isa lang ang pinipindot ng mga kamay nila. " Ano bang nangyayari? " Tanong ko pa at natigilan ako ng sabay sabay nilang iharap saakin ang phone nila at isang litrato ang nakalagay rito kaya lumapit ako para kilalanin ito, familiar kasi. " Teka, si Anika at ako yan " Wala sa sarili kong sabi hindi ko kasi alam na may ganito pala kaming litrato " Bakit may ganyan kayo sa phone niyo? " Nagtataka ko pang tanong. " May nagpost niyan Dre " Ani Jah kaya tumango lang ako at hindi ko alam pero parepareho na naman sila ng reaction, reaction nang hindi makapaniwala. " HINDI KA NATATAKOT?! " sabay sabay pa nilang tanong. " Bakit ano bang mayron diyan? " Nagtataka ko pang tanong pero natigilan ako ng maisip ko ang puweding maramdaman ni Anika " Huwag kayong mag-alala magsosory na lang siguro ako sa kaniya, kakausapin ko siya " Hindi ko alam pero sa ngayon nahati ang reaction nila yong iba sumang-ayon sa sinabi ko yong iba naman hindi. " Maganda ngang magsorry ka at ipaliwanag ang lahat " Sabi nang ilang sumang-ayon saakin " pero teka! Wala ka naman bang gusto kay Anika? " Agad nilang tanong at hindi ko alam ang isasagot pakiramdam ko naging blangkong papel ang isipan ko. " Alam niyo kahit wala imposible yan, sa ngayon kasi paniguradong mainit ang ulo sayo non kaya mas maganda kong palalamigin mo muna ang ulo niya saka mo kausapin " Ani Justin na nangunguna sa hindi sumang-ayon. " Sandali aksidente yong mga nangyari kaya alam kong maiitindihan niya yang litrato " Sabi ko agad at saka hindi naman talaga nagalit si Anika pagkatapus ng mga nangyari saamin e sila lang itong OA mag-isip. " AKSIDENTE MAN O TOTOO!!! PAG-SI ANIKA ANG USAPAN PAREHO LANG YAN KAY KEN KAYA DAPAT NAGING MAINGAT KA AT HINDI PA KAYO NAGPAKUHA NG LITRATO " nagulohan ako bigla sa sinabi ng lalaking nasa likod ni Jah. " Anong si Ken? " Nagtataka ko pang tanong. " Paulo imposibleng hindi sayo nasabi ni Stell sa kung ano si Anika sa buhay ni Ken " Ani Jah at ngayon naiitindihan ko na ang lahat kung ganon ang dahilan bakit sila nagkakaganito e dahil natatakot sila para saakin sa kung anong maaaring gawin ni Ken saakin, hindi ko kasing tapang si Carol pero hindi talaga ako natatakot dahil wala namang masama sa ginawa namin ni Anika at saka isang litrato lang yan, isang nakaw na litrato. " Basta Paulo nakakatakot si Ken, masyado siyang malupit kaya iwasan mo siya, kaya umuwi kana lang ngayon tas kung kakausapin mo si Ken isama mo ang parents mo " Ani Jah na sinang-ayonan nang lahat. " Sandali si Anika? " Tanong ko sa mga ito pagkatapus itong maisip sa kung anong puwedi rin ritong gawin ni Ken. " Alam mo malabong saktan ni Ken si Anika dahil nababaliw siya rito pero ikaw? Walang duda yon, pang-aagaw kasi ang tawag ni Ken sa ginawa mo kahit pakikipag-kaibigan pa yan " Ani Jah. " Totoo yon kaya paki-usap Paulo umiwas kana lang muna sa kaniya " nakikiusap nilang tingin saakin. " Pero wala naman akong ginawang masama at saka kailangan kong pumasok, huwag kayong mag-alala___ " " TAMA MAY ISANG PARAAN! " napalingon naman ang lahat kay Jah pagkatapus nitong putolin ang pag-sasalita ni Paulo " SIYA!!! HANGGA'T KASAMA MO SIYA LIGTAS KA!!! " Halos sabay sabay naman silang tumingin sa direksyon ng hintuturo ni Justin. " SIYA?!!!! " sabay sabay nilang sabi at iisa lang din ang kanilang naging reaction, ang tingin nang mga takot. " Mapapadali naman ang buhay niya diyan " Hindi mabilang ang pagtango ni Paulo sa pagsang-ayon sa mga ito at mabilis silang nagsi-alisan ng mapansin nilang sa direksyon nila ito patungo. " Sige Paulo mag-iingat kana lang " bilin pa nang mga ito. " Alam mo masungit siya at napaka liit din ng pasensya pero maliban sa kaniya wala ng puweding magtanggol sayo mula kay Ken " Ani Jah habang kumakaway kay Carol at dahil siya nga si Carol kaya ito parang wala siyang nakikita " Ayaw niya din ng mga papansin " pagbibiro pa nito. " Alam kong tanga ka pero hindi tamang araw arawin mo yon! " Napapikit naman ang dalawa sa pambungad nito ng makarating sa kanila " Isuot mo yan kung may balak kang pumasok " pagtapon niya rito sa ID ni Stell " MAKINIG KA! HUWAG KA NANG NAGLALAKAD MAG-ISA DITO SA LOOB NG CAMPUS AT KUNG AYAW MONG MAKINIG AKO MISMO ANG BUBUGBOG SAYO! " Sabi nito bago naglakad hindi na kasi Ito puweding dumaan sa gate. " Sandali paano ka? " Habol niya rito. " huwag mo nga akong itulad sa sarili mo! Tsk mas matapang ako sayo ng ilang beses noh! " Sabi nito ng hindi lumilingon " Isuot mo na yan at pumasok dahil nasa loob na si Anika " pagkwan humarap ito " Hoy! mais sabay na kayong pumasok! " Tingin nito kay Jah. " Huh? Te-teka bakit ako? At saka takot naman ako sa Ken na yon kaya hindi tamang kami ang magsama " nauutal pa nitong pagtanggi pero hindi na niya ito pinansin at nagpatuloy maglakad. " HOY PO! Carol!! Bakit ako?! " Tawag niya pa rito habang nag-aalala. " Hindi mo kailangang sumunod sa kaniya " paglalakad ni Paulo " Hindi ko alam ano bang iniisip niyong lahat pero ang alam ko wala naman akong dapat na ikatakot at isa pa imposibleng may makatalo pa sa pananaket saakin ni Carol para mag-alala ako gaya ng nararamdaman niyo " dugtong pa niya ng sumunod rito si Jah. " Tama ka pero ang ginagawa lang kasi sayo ni Carol ay parang biro pero kapag si Ken walang awa yon Dre, nakakatakot siya " Ani Jah habang nakayakap sa mga braso niya pero tumahimik na lang si Paulo at kagaya nong nasa gate siya mas lumakas ang pakiramdam niyang andaming nakatingin sa kaniya at may iilan din siyang nahuhuling nakatingin talaga sa kaniya habang naglalakad sila sa loob ng campus. " Mukhang alam na ng buong school pero ang iniisip ko bakit wala pang nangyayari? Dapat kasi may humarang o kaya may ilang patibong ng hinanda saatin sina Ken para piliin mong umuwi na lang pero bakit malapit na tayong makarating sa classroom pero eala pa rin? O baka naman nasa loob na siya nang room? Pero imposible naman yon dahil nandoon si Josh at kahit papaano nirerespeto nito ang title ni Josh sa loob ng school "pag-analisa ni Jah sa mga mangyayari. " Sa tingin ko masyado ka lang nag-iisip " pagtapik rito ni Paulo pero nagsimula na din siyang makaramdam ng kaba dahil sa pinagkikilos ng mga tao dito sa loob ng campus sa kung ano ang gagawin rito ni Ken
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD