BLAKE "Ready ka na?" Tanong ko kay Avygail nang makita ko siyang lumabas na ng kwarto. Kakatapos lang kasi siyang maligo at nagbihis na ng uniform niya. Tumango naman siya at kinuha na ang mga gamit niya, "Uhm... mamaya pa pong hapon 'yung uwian ko.." "O sige, basta huwag kang lalabas ng school. Hintayin mo ako, dahil maraming nangunguha ng kids sa panahon ngayon." Natawa naman ako nang bahagyang manlaki ang mata niya. "Nakakatakot naman po palang lumabas ng school. Pero di bale, hindi naman po ako nakikipag-usap at sumasama sa mga strangers." Kinuha ko ang bag niya at pinasakay ko na sa tricycle na pinapasada ko. "Daanan na muna natin ang Kuya mo." Sabi ko sa kanya. Plano ko kasi na isabay na rin sa paghatid si Aivan patungo sa school. Alam na naman iyon ni Cassandra dahil bago k

