"Mama! Mama! Gising ka na ba?" Naalimpungatan ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Aivan. Nabaling ang aking paningin sa wall clock malapit sa television. "Seven o'clock na, Ma! 'Di ba, may date pa kayo ni Papa?" Tanong niya habang yakap-yakap ako ng anak ko. Oo nga pala, araw ng sabado ngayon. Inimbitahan nga pala ako ni Blake na mag-date kami ngayong sabado. Matagal na niya kasi akong gustong makasama at ang sabi pa niya ay gusto niya rin na maka-bonding si Aivan. "Good morning, baby. How's your sleep?" "Hmmm.." Napatawa na lamang ako, lalo na nang isiksik niya sa may leeg ko ang mukha niya. "Naligo na ba ang baby ko, ha?" "Opo, tagal mo po kasi matulog kaya naligo na ako.... Hehehehehe, Mama? Kailan pala ako papatuli?" "Bakit, gusto mo na?" Tanong ko. Napanguso naman si

