Pag-uwi namin ni Aivan sa bahay ay panay ang pagtatanong niya sa akin, kung bakit maaga kaming umuwi. Akala niya kasi ay makakapag-laro pa kasi sa tom's world, pero hindi naman natuloy ang plano sana naming dalawa. "Babawi na lang ako sa 'yo baby." Sabi ko kay Aivan paglabas na paglabas niya ng kwarto. Napanguso na lang siya, alam ko na nagtatampo pa rin siya dahil hindi natupad ang gusto niya. "Sige na, maglaro ka nalang muna nang PS4 mo.." Sabi ko pa sa kanya. Sa buong araw na iyon ay naglaro lang ang anak ko ng PS4 habang ako naman ay nanunuod ng t.v sa tabi niya. Sayang din ang araw na ito. Um-absent pa ako sa hospital, 'yun pala ay wala rin maman palang magandang mangyayari. Pagpatak ng ala-sais ng gabi ay pinatigil ko muna si Aivan sa paglalaro, para makakain na kami ng hapunan

