Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko nang tanggalin niya ang suot niyang shirt, mas lalo tuloy akong napa-usod palayo, "H—Hoy, Ano ba!" "Eh ayaw mo naman akong pakinggan, eh..." Napanguso siya na tila nagtatampo, "Sige na naman oh? Pakinggan mo na ako? Promise, sasabihin ko ang lahat ng totoo sa'yo." Sabi pa niya habang naka-taas ang kanang kamay. "Pwede bang hinaan mo ang boses mo? Baka magising pa si Aivan!" Pabulong na sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at pinisil pa ang magkabilang pisngi niya dahilan para mamula iyon. "Oh sige po....." Pa-cute na sabi niya. Napa-irap na lang ako masabay ng pag-upo ko sa sofa, Sa lagay pa lang ni Blake ay mukhang lasing na lasing na talaga siya. Kung anu-ano na kasing sinasabi, kung anu-anong kine-kwento. Dadak nang dadak pero hindi ko nam

