"Ikaw! Kung anu-ano tinuturo mo kay Aivan!" Nang-gagalaiti kong sabi kay Blake na ngayon ay ngingiti-ngiti habang karga-karga si Aivan. "Ha? Anong tinuturo?" Nagma-maang-maangang tanong ni Blake sa akin. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya, "Kunwari ka pa! Eh, kung anu-ano nga ang tinuturo mong kalokohan sa anak mo!" Umiling si Blake at sinundot ang pisngi ni Aivan, "Baby? Ano ba iyon? Bakit parang bad trip na naman sa akin si Mama ha?" Tanong ni Blake kay Aivan, at pansin ko ang pigil na pagtawa ni Blake, Nakita ko pa kung paano niya kindatan si Aivan. Kalokohan talaga! Napagtulungan nga ako ng dalawa dahil hindi ako tinantanan ni Aivan hangga't hindi ako nakikipag-usap kay Blake. Katunayan ay antok na antok na talaga ako, pero ayaw talaga akong patulugin ni Aivan at ni Blake,

